CHAPTER TWELVE

“A mysterious girl”


Nadapa si Trudeau sa kakatakbo palayo sa Killer Lizard. Kahit ilang minuto na kaming tumatakbo ay hindi pa rin mawawala sa aming paningin ang mga nakahalay na cargo containers. Sa aking obserbasyon ay isang cargo container lang ang nakabukas at ang ibang cargo containers ay nanatiling nakasarado.

“Right behind you!” sigaw ko at agad kong hinugot ang aking baril at pinaputukan sa utak ang isang Killer Lizard na akmang atakihin si Trudeau.

Tumalsik ang dugo ng halimaw sa buong katawan ni Trudeau. Nandiri ito sa nangyari at agad siyang bumangon mula sa kanyang pagkakadapa. Ginamit niya ang kanyang mga palad para alisin ang dugong nagkalat sa kanyang mukha.

“We have no time, c’mon!” sigaw kong muli sa kanya at hindi na siya nagreklamo pa at muli niyang ginalaw ang malalakas niyang binti para makatakbo ng mabilis.

Isang Killer Lizard ang biglang lumukso sa bubong ng mga naghehelerang cargo containers. Doon niya pinagpatuloy ang kanyang paghabol sa amin. Dahil sa ginawa ng Killer Lizard ay sumunod na rin ang iba niyang kauri. Lahat sila ngayon ay nasa itaas ng cargo container.

Ang iba sa kanila ay tumatalon papunta sa aming tinatakbuhan para kami ay tambangan pero mabilis silang pinapaslang ni Trudeau gamit ang kanyang armas.

Nagpapaputok ito baril sa mga nagtatangkang atakihin kami. Bawat pag-atakeng ginagawa ni Trudeau ay walang nasasayang na bala. Lahat ng pinapakawalan niyang bala ay dumederitso sa nakakasukang utak ng halimaw. Narinig ko siyang nagmura at mas lalong tumulin ang kanyang paningin sa paligid. Alam niya sa kanyang sarili na nauubusan na siya ng bala. Lalo iyong nagpahirap sa kanya sa pakikipaglaban sa mga halimaw.

Dahil sa tuwing nakikita ko si Trudeau ay naalala ko sa kanya ang kanyang yumaong kapatid. Hindi pa rin nawawaglit sa aking isip ang nangyari kahit ilang taon na ang nakalipas. Sariwa pa rin sa aking utak ang kanyang sinabi na kailangan kong protektahan ang kanyang bunsong kapatid. Dahil sa kanyang sinabi bago siya nilamon ang buo niyang katawan ng apoy ay agad kong hinawakan ng mahigpit ang aking baril at patakbo akong pinagbabaril ang mga halimaw sa itaas ng cargo container.

“I thought you’re  going to leave me fighting this alone,” sabi ni Trudeau habang umiiwas ito sa bawat pag-atake ng halimaw.

Simple lang umatake ang mga Killer Lizard. Ginagamit lang nila ang kanilang mga mahahabang kuko sa pagpatay ng kanilang kalaban. Dahil sa kanilang malalapad at mahahabang binti ay nakakagalaw sila ng mabilis kaya kahit simple lang silang umatake ay tiyak hindi ito maiiwasan kung mabagal ka sa pag-iwas.

Ginagamit din nila ang kanilang matatalim na mga ngipin para lapain ang kanilang kalaban pero mas gusto nilang umatake gamit ang mahaba nilang kuko. Sa kabila ng kanilang kahusayan sa pakikipaglaban ay mayroon din silang kahinaan.

Iyon nga ang nakalantad nilang utak sa kanilang ulo. Kaya hindi nila ginagamit ang kanilang mga ngipin sa pakikipaglaban ay dahil malalagay sa panganib ang kanilang utak. Mas mabuti ngang ang kanilang mga braso at kuko ang kanilang gamitin sa pakikipaglaban para malayong masaktan ng kanilang kalaban ang mahinang parte ng kanilang katawan.

Binato ni Trudeau ang kanyang baril sa isang Killer Lizard dahil wala na iyong laman na bala. Hinugot niya ang kanyang espada at iyon ang kanyang ginamit sa pakikipaglaban. Inuna niyang hiwain ang braso ng Killer Lizard at muntik na kaming mabingi sa tunog na nilabas ng halimaw dahil sa kagagawan ni Trudeau. Sinundan ni Trudeau ang pag-atake sa paraan na hiniwa nito sa dalawa ang humihingang utak ng halimaw.

“Not bad.” Pagpupuri ko sa kanya nang hindi niya nakita ang isang halimaw na papalapit sa kanyang kinatatayuan.

Sinigawan ko si Trudeau para makita niya ang halimaw na papalapit sa kanya. Pinilit kong tumakbo papunta sa kanya pero kahit ilang hakbang ang aking gagawin ay tiyak hindi ako makakaabot at hindi ko siya maliligtas.

Dahan-dahang lumingon si Trudeau sa kanyang likuran at nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Sabay nilang hinanda ang kanilang pag-atake sa isa’t isa. Hinawakan ni Trudeau ang kanyang espada at ang halimaw naman ay gumawa ng ingay at hinanda ang kanyang mga kuko upang pira-pirasuhin ang katawan ni Trudeau.

“TRUDEAU!” sigaw ko sa kanya.
Ilang sandali lang ay nasaksihan ko ang kakaibang pangyayari na ngayon ko lang nakita. Biglang sumabog ang katawan ng Killer Lizard na umaatake kay Trudeau. Ang dugo nito ay mistulang naging ulan at ang buto, bituka, puso, utak, at iba’t  ibang parte ng katawan ng halimaw ay nagkalat sa paligid dahil sa lakas ng kanyang pagsabog.

Maging ang ibang mga Killer Lizard ay hindi nakagalaw sa nangyari. Sa likod ng pangyayaring iyon ay nakatayo ang isang batang babae at wala itong ka-emo-emosyong tumingin sa aming dalawa ni Trudeau. Hindi ko nagawang tignan ng mabuti ang batang babae nang umungol ng napakalad ang isang halimaw at hudyat iyon para pagtulungan nilang lahat ang kawawang batang babae.

Hindi ako nakakasigurado kung ang batang babae ang may kagagawan sa biglang pagsabog ng halimaw. Kung siya nga ang may kagagawan ay ang ibig sabihin lang iyon ay isa siyang kakaibang tao na may angking kakaibang kakayahan. Hindi maaari na si Trudeau ang may gawa ng pangyayaring iyon. Wala siyang kapangyarihan.

Sa aking mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan ay biglang nasagot nang makita ko kung paano labanan ng batang babae ang mga halimaw. Isang paghawak lang ng kanyang mga palad sa katawan ng mga halimaw ay agad iyong sumasabog. Kamangha-manghang tignan ang kanyang ginagawa. Nakakamangha pero delikado siya maging kalaban.

Dahil isa siyang batang babae ay maliliit ang mga binti nito at ito ang dahilan kung bakit medyo nahihirapan siyang umiwas sa pag-atake ng halinaw. May mga pagkakataong malapit na siyang mahiwa ng isang halimaw pero mabuti nalang ay nandoon si Trudeau na tumutulong sa kanya sa pagsugpo sa mga halimaw.

“You are useless, Austin,” bulong ko sa aking sarili at agad kong sinampal ang aking pisngi para magising sa katotohanan na kailangan kong tulungan ang dalawa para maubos na ang nakakainis na mga halimaw na ito.

Hindi namin alintana ang mga dugong tumatalsik sa aming katawan dahil sa ginagawa naming pakikipaglaban sa halimaw. Ang mas mahalaga ngayon ay manatili kaming buhay at matapos ang misyong ipinataw sa amin ng Headquarters.

Natapos ang aming laban nang pinasabog ang buong katawan ng huling halimaw ng misteryosong batang babae. Lahat kami ay napaupo sa sobrang pagod. Huminga ako ng malalim at dinama ng mabuti ang malamig na simoy ng hangin sa paligid. Agad ko namang itinapon ang mga baril ko dahil wala na iyong silbi. Wala na akong bala at wala na ring bala si Trudeau.

“What’s your name, little dove?” tanong ko habang hinuhubad ang trench coat na suot ko.

Sa tingin ko ay nasa ika-walong taong gulang pa lamang ang batang ito. Maamo ang kanyang mukha at hindi ko mapigilang maawa sa kanya nang umupo ito sa damuhan at ngumiti sa akin.

“Aryya,” matamis nitong sagot sa akin na agad ko namang ikinatuwa.
Mayroon ang batang babaeng ito na talagang mapapangiti ka sa wala sa oras. Ang laylayan ng kanyang damit ay ginamit niyang pamunas sa mga dugong nasa kanyang mukha. Hindi na ako nagdalawang-isip na ibigay sa kanya ang isang damit na pamalit ko at binigyan ko din siya ng makakain.

“Arrya,” sabi ko at lumingon ito sa akin, “Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?”

“Hindi ko matandaan.”
Nagulat ako sa kanyang naging sagot. Hindi kaya ay isa siya sa mga nakatakas na mga kabataang dinukot ng CRYPTIC?

“how rude I am, my name is Austin and that guy over there…” sabi ko at agad tinuro si Trudeau na nakaupo at nakasandal sa isang malaking puno, “his name is Trudeau.”

“Kuya Austin at Kuya Trudeau?” inosentang sabi nito at ngumit siya ng napakalapad. Hindi ko inasahan ang kanyang ginawa at akmang yayakapin ako nito nang mabilis akong umiwas sa kanya.

Namuo sa kanyang mukha ang pagtataka at isang matinding lungkot. Ayaw ko namang sumabog bigla dahil nakita ko kung paano siya makipaglaban. Hinahawakan niya ang kanyang kalaban at nang sa oras na dumampi ang kanyang kamay sa kanyang kalaban ay bigla itong sumasabog. Iyon lang naman ang inaalala ko. Ayaw kong masaktan ang kanyang damdamin pero mabuti nalang na maging ligtas.

“You hate me also?” tanong nito at nagsisimula nang lumabas ang mga maliliit nitong luha sa kanyang mga mata. “You hate me also?!”

“H-Hindi naman sa ganun—” naputol ang aking sinasabi nang biglang naglakad palapit si Trudeau sa batang babae. Hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito at patahanin.

“It’s  alright, Kuya Trudeau is here now,” sabi ni Trudeau at binuhat niya ang batang babae papunta sa punong kanyang pinagsandalan kanina.




thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top