CHAPTER TEN

Flashback: Hide him so he won’t  die


“Mr. Liu send this message to you,” sabi ng isang agent nang kakalabas ko palang ng banyo ng Training Centre. Inabutan niya ako ng isang cellphone at mabilis kong pinindot ang link. Lumabas ang isang recording voice message sa screen at dahil nakakaintindi naman ang agent na iyon ay agad naman siyang naglakad palayo sa aking kinatatayuan.
Agad ko namang pinindot ang play button at nagsimula na iyong gumana.

Toby, I’m sorry that I left you there in Headquarters. I need to finish my mission here in CRYPTIC’s base. Mr. Diasque and I are still working to trace where they hide their main base. I just wanted to know that you are okay. That you aren’t  rebel. [chuckled]. I wanted you to know that I love you. I’m  so proud of you, my son. I’ll  let you know what time and when we can meet again. I’ll  cook for your favorite food when I got home. Good luck with your mission, young man.

Matapos kong mapakinggan ang kanyang sinabi ay agad kong inaboy ang cellphone sa lalaking agent. Bago siya naglakad ay nagsalita siya ng,  “May The Justice Be With Our Side.”

Nang hindi ko na mapigilan ang aking sariling huwag maiyak ay agad akong pumasok sa loob ng banyo at doon humagulgol. Sa loob ng isang buwan ay ngayon lang nagparamdam sa akin si Dad. Matapos niyang pilitin akong pumasok sa loob ng Headquarters ay mabilis naman niya akong iniwan. Alam kong mayroon siyang misyon pero sana manlang ay magkaroon namna siya ng oras sa kanyang nag-iisang anak.

Kung saang mayroon akong delikadong mission na kailangang gawin ay doon pa siya biglang nagparamdam. Hindi ko kayang gawin ang misyon kapag nilalamon ako ng aking emosyon.

“Are you done? I need to wash.” Isang boses ng lalaking nasa labas.

Agad kong pinunasan ang aking mga luhang nasa aking mukha gamit ang dalawa kong palad. Tumayo na ako at umarte na parang walang nangyari. Pinihit ang door knob at naglakad ng tuwid papunta sa aking kuwarto.

Dalawa lang ang kahahantungan ng isang taong pumasok sa loob ng Headquarters. Ang manatiling buhay o ang mamatay sa ngalan ng bayan. Sa pagkakataong ito ay tinatanggap ko na na hindi ako tatagal sa mundong ibabaw. Itong pinasok ko ay para ito sa mga mahal ko sa buhay at para sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa nakakamtan ang katarungan. Kaya ako lumalaban ay para bigyan ang mga tao ng magandang hinaharap. Hindi itong mayroon pa ring sigalot sa agitan ng CRYPTIC at ng gobyerno, gobyernong walang ginawa kundi ang magwalang-kibo sa nangyayari.

“There’s one thing you need to remember. If you get injured in the battle field, make sure you will die. We have no medical support in our pack. Die if you must. Die if you need to. Die for the future,”  matigas at maaangas na sabi ng aming Pack Leader.

Nakalinya ang bawat miyembro ng aming Pack. Nahahati kami sa tatlong grupo at bawat grupo ay mayroong walong miyembro. Kami ang second batch ng Headquarters na mga kabataang unang sasabak sa mahalagang misyon. Ayon sa report nina Dad at ni Mr. Diasque, mayroon daw shipping ng non-toxic liquid chemicals ang paparating mamayang hapon. Lalapag ang delivery nila sa isa sa mga subsidiary base nila.

Pinaplano naming i-ambush ang kanilang sasakyan at kunin ang kanilang mga dala at magpanggap bilang CRYPTIC upang sa ganon ay makapunta kami sa tamang lokasyon ng isa sa kanilang subsidiary base. Base iyon na pinamumunuan ni Erso Hallick.

Kahit nakapasok si Dad at si Mr. Diasque sa loob ng ogranisasyong CRYPTIC, wala pa rin silang nalaman tungkol sa main base ng nasabing grupo. Nagpapakita lang ang kanilang lider sa pamamagitan ng holographic video at tanging hugis ng tao lang ang kanklala nakikita, walang mukha sa pagkakakilanlan.

Ayon din sa impormasyong binigay ni Mr. Diasque ay dalawa ang base na pinamumunuan ni Erso. Isa doon ay para sa kanyang ekspiremento at ang isa naman daw ay para sa research nito na pilit niyang nililihim sa kanilang grupo. Siya lang at ang kanilang pinuno ang nakakaalam sa kanilang ekspiremento.

“I’m not feeling well right now,” mahinang sambit ni Trudeau habang kinakamot niya ang kanyang ulo.

Nasa kabilang linya ang kanyang kapatid at hindi ako nagsalita sa kanyang sinabi. Medyo hinintay niya pa mula sa akin ang magiging sagot ko kaya wala akong ibang ginawa kundi ang nginitian siya ng bahagya.

Alam ko kung ano ang kanyang nararamdaman. Maging ako man ay hindi mapakali sa aming magiging hinaharap. Malaking kalaban ang CRYPTIC. Wala akong ibang aasahan sa laban kundi ang aking sarili. Kailangan kong manatiling buhay upang maprotektahan ang mga minamahal sa buhay.

“Don’t  be afraid, this is just a minimal mission compared to the missions of the elites,” sabi ng aming Pack Leader habang sinusuot niya ang strap ng bala.

Pinagpatuloy lang niya ang kanyang pagsasalita habang ako ay mayroong iniisip na iba. Naglalayag ang aking isipan habang hinahayaan kong makinig ang iba. Iniisip ko ang sinabi ni Pauline kagabi bago ako natulog.

Dahil daw mahal na mahal niya ang kanyang bunsong kapatid na si Trudeau ay ayaw daw nitong mapahamak ang kanyang kapatid sa laban. Humingi siya sa akin ng pabor na kung puwede ay gawan ko ng paraan na itago si Trudeau o iwaglit sa isip ni Trudeau ang misyon. Alam niya at alam ko na gustong-gusto ni Trudeau ang pagiging agent sa Headquarters at gusto niya ipaghiganti ang kanyang ama kaya medyo mahirap ang hinihinging pabor sa akin ni Pauline.

Nais ko rin namang huwag isama si Pauline sa misyon pero siya rin naman ang nagpamilit na huwag ko raw siyang pigilan. Kailangan niya raw lumaban. Kailangan niya raw makamit ang hustisya. Kung pareho silang mamamatay sa misyon ay masasayang lang daw ang kanilang pinaghirapang pag-eensayo sa Headquarters.

Sa totoo lang ay hindi ko kaya ang pinapagawa niya pero makakaya iyong gawin ni Ms. Sam. Tutal ay medyo magkakilala sila ni Dad ay magagawan iyon ng paraan ni Ms. Sam. Ayokong mamatay si Pauline sa laban at ayaw din ni Pauline na mamatay ang kanyang kapatid sa laban. Kaya ang magiging desisyon ko ay itago silang dalawa para sa ganon ay ako nalang ang lalaban para sa kanila.

Habang patuloy sa pagsasalita ang Pack Leader ay agad kong hinablot ang braso ni Trudeau at palihim kaming lumabas sa aming linya. Napatulala ito sa aking ginawa at kitang-kita ko sa kanyang mata ang pagtataka at pagkatakot. Hindi naman siya nanlaban noong una pero nang maramdaman niya na medyo inilalayo ko siya sa aming Pack ay doon na siya nagtanong.

“What are you doing?” he asked while trying to look back.

“I’m saving your ass,” nakangiting sabi ko nang binitawan ko ang kanyang braso nang nasa tapat kami ng isang pader.

Ang pader na iyon ay naglalaman ng lihim na silid na tanging mga piling miyembro lang ng Headquarters ang nakakaalam. Iyon ang silid kung saan dinadala ang mga taong hindi naman kaanib sa Headquarters. Agad kong inilapat ang key card na binigay sa akin ni Ms. Sam sa scanner at biglang lumabas ang isang pinto. Agad kong tinadiyakan sa tiyan si Trudeau at nawalan ito ng balanse at doon siya natumba sa loon ng lihim na silid.

Akmang babangon ito upang lumabas nang mabilis kong inilapat ang key card sa scanner dahilan para sumara ang pinto. Huminga ako ng malalim bago ko simulan ang paghahanap kay Pauline. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng Pack. Nadatnan ko ang lahat na nag-aayos sa kanilang mga gamit. Ang iba ay hinahanda na ang kanilang mga armas.

Agad kong hinanap si Pauline sa buong sulok ng silid pero hindi ko siya mahanap. Hindi kaya ay alam na niya na balak ko siyang itago katulad sa ginawa ko kay Trudeau. Hindi maaaring hahayaan ko lang siya na makipaglaban sa CRYPTIC.

“GET YOURSELF READY!” sigaw ng aming pinuno at nagsinlabasan ang lahat ng silid papunta sa landing area ng hovercraft.

Doon ay patuloy kong hinanap si Pauline pero hindi ko siya makiya hanggang sa halos malipad ang suot kong cap dahil sa lakas ng hangin na binubuga ng hovercraft. Bumaba ang hovercraft at isa-isang pumasok ang mga kabataan sa loob. Kahit medyo kinukutuban na ako sa magiging mangyayari ay tinuloy ko pa rin ang pagpasok sa loob ng hovercraft. Mas lalong dumagdag sa aking kaba ng paghahanap ko kay Pauline. Hindi ko siya makita.

“Fasten you seat belt, folks. We are now heading to our enemies. Expect a brutal action and don’t  hesitate to kill. Kill all of them,” bruskong sambit ng aming Pack Leader at umupo ito sa tabi ng pilot.

Palinga-linga ako sa paligid at kahit anino ni Pauline ay hindi ko makita. Mukhang naisahan ako ng babaeng iyon. Hindi ko namalayan ang kanyang pagkawala. Kung nanaisin niyang sumama sa misyon ay paniguradong nandito siya ngayon. Kasama namin si Pauline sa loob ng hovercraft.

Ilang sandali lang ay kinalabit ako ng aking katabi pero pilit ko siyang huwag pansinin hanggang nakilala ko siya base sa kanyang boses.

“Do you think that I am dumb enough that you want to lock me up with your secret room. I want this mission, Toby.”

Napatulala ako sa aking narinig at marahan kong tinigan ang taong kanina pa ako kinakalabit. Nakita ko si Pauline na nakangiting nakaharap sa akin. Paanong hindi ko siya nakita at napansin. Saan siya nanggaling?
“Don’t do that again. I can see read your mind, Toby. I know you. I know what you are planning so I already got here before you and your comrade enter in hovercraft. Remember our pilot?”

“Jonatahan?”

“He’s my friend. You forgot it?” she said and she burst out laughing.
Ilang sandali lang ay nakasagap na kami ng visuals sa paparating na hovercraft ng CRYPTIC. Tama nga ang sinabi nina Dad at Mr. Diasque. Nasa kanlurang bahagi ng Central City namin makikita ang kanilang kasamahan. Tatlong hovercraft ang aming nakikita ngayong lumilipad sa himpapawid. Medyo malayo ang kagubatang ito kaysa sa siyudad kaya imposibleng makapukaw ng atensyon ng publiko ang magiging away namin.

Hindi namin puwedeng atakihin ng missiles ang kanilang hovercraft kase kailangan namin ang kanilang sasakyan para sa verification code na kailangan upang mahanap at makapasok sa kanilang subsidiary base.

“You know what to do, folks. Let’s ambush this flying bird,” sabi ng aming Pack Leader at agad siyang tumawa ng nakakainsulto.


thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top