CHAPTER SEVEN

Flashback: Lost


DAHIL siguro matagal akong nakatulala ay nabigla ako ng husto nang mayroong inabot sa aking isang kahon si Dad. Nakangiti itong tinignan ako at mukhang siya pa ang nasasabik na makita ang bagay sa loob ng kahon.

“What’s this?”

“Your birthday gift from me. I just remembered I haven’t  given you anything since you turned eighteen yesterday.”

“I’m turning eighteen next year, Dad,” malamya kong sabi sa kanya. Nakita ko naman sa kanyang reaksyon ang matinding pagkapahiya sa aking sinabi. Wala naman akong intensyong maramdaman niya ang pakiramdam na iyon. Sinabi ko lang naman ang totoo.

Hindi ko maman siya masisisi kung bakit hindi niya alam kung ilang taon na ang kanyang nag-iisang anak dahil nga abala siya sa kanyang trabaho. Kung hindi dahil sa mga Diasque ay paniguradong matagal na kaming namatay. Noong maliit pa ako ay natatandaan kong nagpasabog ang grupo ng CRYPTIC ng bomba sa nayon  kung saan kami nakatira. Maraming namatay dahil sa biglaang pagsabog. Maraming mga bahay ang nasira at marami ring mga batang nawalan ng mga magulang dahil sa kahibangan ng naidulot ng CRYPTIC. Kasama sa mga namatay sa nangyari ay ang aking Ina.

Naipit siya sa nahulog na kisame ng aming bahay. Wala pa akong balak na iwan siya pero nakiusap ang aking Ina na umalis na ng bahay dahil mabilis kumalat ang apoy. Lalamunin ng apoy ang buong bahay kapag hindi pa ako umalis. Kahit labag sa aking loob ang aking ginawa ay pinili ko pa ring iwan siya. Lumingon ako sa kanya bago ako tuluyang nakalabas ng aming bahay. Nakita ko siyang nagsalita.

“I love you, Tobias.” Ang mga huling salitang sinabi niya bago tuluyang nilamon ng apoy ang buong bahay namin.

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong iwan ang aking Ina habang ako ay humihinga at buhay. Ano ang aking magagawa? Isang walong taong gulang na ang alam ay magpasaway sa magulang. Hindi ko lubos inakala na sa isang iglap ay mawawalan ako ng isang taong nagdala sa akin ng siyam na buwan. Habang ako ay umiiyak ay hindi pa natuwa ang CRYPTIC sa ginawa nilang pagpapasabog sa aming nayon nang muli nilang pinaliyab ang buong lugar sa pangalawang pagpapasabog nila.

Mabuti nalang ay niyakap ako ng mahigpit ni Dad at siya ang nagsilbing pananggalang ko sa malakas na pagsabog. Akala ko ay kasamang namatay si Dad sa pagguho ng aming bahay pero mabuti nalang ay nakaligtas siya.

“I am here now, Tobias. Your mother…” nag-aalangang sabi nito habang tinitignan ako sa mata, “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi ko na sana kayo iniwan ng iyong Ina sa salas. Sana ay hindi ako lumabas papunta sa likod ng ating bahay para magsibak ng kahoy.” Dahil hindi na kayang pigilan ni Dad ang kanyang nararamdamang kalungkutan ay napahagulgol ito sa pag-iyak.

Para maramdaman naman ni Dad na hindi siya nag-iisa sa kanyang kalungkutan ay niykap ko siya ng mahigpit habang nakatingin sa paligid. Mga taong umiiyak sa sobrang kalungkutan dahil nawalan sila ng tirahan at minamahal sa buhay. Tila bumagal ang takbo ng oras at ang ikot ng mundo habang tinitignan ang mga tao sa paligid. Dumagdag sa aking matinding emosyon ang paghulog ng marahan ng mga itim na abo na nagmula sa malaking apoy.

Ang buong nayon ay napapaligiran ng apoy, hindi lamang apoy na kumakain ng bagay na kanyang makiya kundi maging ang apoy na nagsimulang magsindi sa loob ng dibdib ng mga tao. Sa mga panahong iyon ay walang mga taga-Palace ang naglakas-loob na tulungan kami sa pag-atake ng CRYPTIC. Bahag pa rin ang mga buntot ng Presidente ng Central City. Tanging mga HEADQUARTERS lang ang nagmagandang loob na tulungan kami.

Nang sinimulang magpasabog ng ikatlong bomba ang CRYPTIC ay siya namang pagdating ng mga hovercraft ng HEADQUARTERS. Lahat sila ay inatake ang kampo ng CRYPTIC hanggang sa walang natirang buhay sa kanila. Ang iba pa sana ay nagpumilit na tumakas laban sa puwersa ng HEADQUARTERS pero masyadong marami ang kampo ng mga DIASQUE. Wala silang hinayaang mga CRYPTIC na makatakas papunta sa sekreto nilang base.

Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Siyaszo Diasque at ang kanyang pamilya na naglahad ng kanilang mga kamay para kami ay tulungan. Dinala nila kami sa HEADQUARTERS para bigyan ng malinis na inuming tubig at pagkain. Doon nagkaroon ng utang na loob si Dad sa mga Diasque. Sila ang dahilan kung bakit kami ngayon ay buhay. Sila ng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkasama kami ni Dad. Kung hindi dahil sa kanila ay tiyak matagal na kaming nabulok sa ilalim na lupa ng Central City.

“Mukhang mayroon kang iniisip na malalim. Buksan mo na iyan,” sabi ni Dad.

Tinignan ko muna siya ng matagal bago ko dahan-dahang binuksan ang kahong inabot niya sa akin kanina. Nang nasilayan ko ang loob ng kahon ay halos hindi ko mapigilan ang pagbigat ng aking pakiramdam. Pag-iyak lang ang puwede kong magawa para gumaan ang aking pakiramdam.

Gumuhit naman sa mukha ni Dad ang labis na pag-aalaa sa aking inilabas sa ekspresyon. Natataranta itong pinatahan ako at natawa nalang ako sa kanyang mga sinasabi.

“H-Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sa iyo?” natataranta niyang tanong sa akin, “Hindi bale, hahanap nalang—” naputol ang kanyang sinasabi nang niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ako nagsalita ng kahit anong salita at natuwa naman ako na agad naintindihan ni Dad ang ibig kong sabihin sa kanya gamit lang ang mahihpit na pagyakap sa kanya. Nagpasalamat ako sa kanya ng ilang ulit at ilang ulit din niya akong pinatapatahan.

Isang kuwintas na nakaukit ang dalawa naming mukha ni Dad. Nang tinignan ko ng maigi iyon ay hindi pala kami lang dalawa ni Dad kundi nandoon din ang mukha ni Mom. Mas lalo pa akong umiyak ng matindi nang makita ko ang mukha ng yumao kong Ina.

Mga ilang segundo ang dumaan at mayroong kumatok sa windshield ng kotse. Nawaglit na sa aking isipan ang tungkol sa lugar na aming pinaghintuan. Nasa harap namin ngayon ang Reflective Defense System ng Headquarters.  Wala na kaming ibang mapupuntuhan at ito lang ang tanging lugar sa buong Central City na walang panganib mula sa grupo ng CRYPTIC.

“Hinahanap na kayo ng General, Mr. Liu,” sabi ng isang agent na kumatok sa aming pinto.

Bago pa namin binuksan ang pinto ay tinignan ko muna ang magkapatid na muntik na naming masagasaan kanina. Yakap-yakap ng dalaga ang nakababatang kapatid niyang lalaki. Habang tinitignan ko sila ng maigi ay bigla kong namukhaan ang babae.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang dalagang nag-imbita sa akin sa kanyang kaarawan. Siya ng anak ni Mr. Wallmert. Hindi ko siya nakilala dahil nagmistulang art portrait ang kanyang kalagayan ngayon. Canvas ang kanyang mukha at dugo naman ang mistulang ginamit para sa illustration.

Ang nakapagtataka ay kung bakit nadamay sila sa paglusob ng mga CRYPTIC sa aming lugar. Bakit sila nasama sa bagsik ng grupo.

Napansin yata ng dalaga na kanina pa ako nakatingin sa kanyang mukha at dahil doon ay siya na ang naunang nagsalita.

“Sasabihin ko sanang ‘mayroon bang dumi sa mukha ko?’ pero halata namang hindi kaaya-aya tignan ang buong pagmukukha ko.”

Alam ko sa aking sarili na gusto niyang magbiro at kahit nakakatawa ang kanyang sinabi ay pinigilan ko ang aking sarili na huwag matawa. Kapag ginawa ko iyon ay tiyak hindi niya ako mapapatawad.

“Hindi ko alam ang sasabihin sa mga oras na ito,” pagpapatuloy nito, “Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap nawalan kami ng magulang. Sa isang iglap nagbago na ang mundo ko. Sa isang iglap ay hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Nagsimula na siyang humikbi sa aking harapan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dad sa ginawa ng dalaga. Hindi namin alam pareho kung paano patahanin ang babaeng nawalan ng magulang at tanging ang kapatid lang na lalaki ang kanyang kasama.

“You’re  safe n-now,” nauutal kong sabi sa kanya, “W-What’s your name anyway?”

“Pauline,” sabi nito at agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga palad, “Pauline Ruskov. Ang kapatid ko naman ay si Trudeau Ruskov.”

“Well, then. Both of you are safe now. This is Headquarters. They will provide you shelter and food. There’s no reason to worry now,” tugon ko naman sa kanilang dalawa habang pinipilit kong ngumiti para naman maramdaman nilang hindi na sila masusundan ng  CRYPTIC dito, “I want to ask something. Is that okay?” tanong ko sa kanya at tumango ito na nagpapakahulugan na pumapayag siya na magtanong sa kanya, “Puwede mo bang isalaysay ang nangyari sa inyo?”

Huminga muna ito ng malalim at doon kumuha ng lakas ng loob upang ikuwento sa akin ang kanilang  naranasan matapos bulabugin sila ng CRYPTIC. Ayos sa kanya ay maayos silang nagdidiwang ng kanyang kaarawan nang nakapansin sila ng kakaibang tunog ma na nanggagaling sa kanilang bakuran. Noong una raw ay inakala nilang pusa lamang iyon ni Aling Nina pero nang papaiba ng papaiba ang tunog ay doon nila binuksan ang pinto upang alamin kung sino ba ang gumagawa ng tunog na iyon.

Hindi pa nga nabubuksan ng tuluyan ang pinto nang biglang sinalubong sila ng mga baril at mga nagtatakarang mga lalaki at walang tigil nilang pinaulanan ng bala ang kanilang ama. Pinilit ng magkapatid na kumawala sa mga bisig ng mga lalaking pumaslang sa kanilang ama pero masyado itong malakas kumpara sa kanilang lakas.

Mabuti nalang daw ay nabaling ang kanilang atensyon sa bahay namin ni Dad kaya nawaglit sa kanilang mga isipan ng mga lalaking pumasok sa kanilang bahay sa dalawang magkapatid. Dahil doon ay nagkaroon ng oportunidad ang magkapatid na makatakas. Sa pagkakataong din iyon ay nakasalubong namin silang dalawa sa kalsada. At iyon na nga ang kuwento kung bakit nakita namin silang dalawa na puno ng dugo ang mga mukha.

Matapos niyang masalaysay ang kanyang kuwento ay naiwan akong walang ibang ginawa kundi ang tignan siya. Wala akong maisagot sa nangyari sa kanila. Hindi ko inakala na dahil sa amin ni Dad ay mayroong isang pamilyang nadamay.

“Sir, please. The Board of Directors are waiting to you in the meeting rom,” muling sabi ng agent na kanina pang nakatayo sa labas ng sasakyan.
Wala na kaming ibang ginawa kundi ang sumunod sa inuutos ng agent.

Inalalayan ko pababa si Pauline at ang kanyang kapatid na lalaki na si Trudeau. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkamangha sa lugar ng Headquarters. Kahit ako man ay ganun din ang aking naging reaksyon ng unang beses kong pumunta rito.

“Mr. Liu…” sabi ng agent at tumango ito sa aming dalawa ni Dad, “Follow me.”

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top