CHAPTER NINETEEN
“What’s Your Favorite Part?”
“Toby?”
Mas pinili ko na huwag patulan ang tono ng pananalita ni Arrya kahit hindi ko ito gusto pakinggan. Sinasadya niya ba na huwag ako tawaging kuya o talagang nakalimutan niya lang na mas matanda ako kaysa sa kanya? Hinahawakan ko ang kanyang kamay habang naglalakad kami sa masukal na kagubatan. Napapamangha naman ako sa kanya dahil alam nito ang mga pangalan ng puno na aming dinaraanan. Alam niya ang puno ng Acacia, Birchwood, Redwood, at Pines. Kahit sa ganitong edad ko ay hindi ko alam ang mga tawag sa mga punong iyon.
“Ano na naman?” masungit kong sabi sa kanya at agad kong hinugot ang ballpen na naglalaman ng holographic map.
“Do you like movies?”
“Why are you asking me that? Who the hell making movies in this era?”
Inirapan niya ako ng kanyang mga mata at ngumuso ito sa sobrang pagkainis sa aking sinabi. Ngayong nararamdaman na rin niya ang pagkainis na nararamdaman ko tuwing hindi niya ako tinatawag na Kuya.
“I mean, there’s an old DVDs at my old house when the bad guys killed Mommy and Daddy. I used to watch some old movies.”
“Like?” I asked her without looking at her face because my whole attention is at the pen that I am holding.
“Like Catch Me If You Can.”
“What was the story?” Still I’m not paying attention.
“It is a story of a guy, a teenage guy forging checks and became a Pilot, Teacher, Doctor, and a Lawyer.”
Sa kanyang sinabi ay agad akong napahinto sa paglalakad dahil medyo hindi tugma ang mga simasabi niya sa realidad na ginagalawan namin. Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang tinignan at nakita ko ang mala-anghel nitong mukha na nakangiti sa akin.
“Is that a fiction?”
“Nope. Based on a real life story.”
“Sounds like dope but how come he became like that if he is still in his teenage life?”
“That is why you need to watch the film.”
Sounds like it was a great film. We are now living in the world of there’s no entertainment but full of violence and guns. We need to adapt to it for able for us to survive. It seems like the world before was simple and full of dreams. If I can turn back time, I will live in that era where there’s no CRYPTIC and just peace.
Matapos iyong masabi ni Arrya ay kahit hindi ko naman sinabi sa kanya na ikuwento ang buong nangyari sa pelikulang sinasabi niya ay siya na mismo ang nagpursige sa akin na marinig ko ang storyline ng kanyang napanood na pelikula.
Kahit medyo nakakapagod maglakad sa gitna ng kagubatan ay hindi naman ako nayayamot kase naman pinapakinggan ko si Arrya sa kanyang magandang kuwento na tila ba ay nakikinig ako sa maliit na radyo.
“So what is your best part with the movie?” I asked her.
“Syempre yung ending,” sabi niya habang ngumingiti ito sa akin.
“So what’s the ending?”
“I don’t want to tell you.”
Napangiti ako ng bahagya sa kanyang sinabi habang pinapasan ko siya sa aking likod. Napagod na kase siya sa paglalakad kaya nakiusap ito na magpa-piggy back sa akin.
“Why not?” I asked her again.
“Sasabihin ko sa iyo kapag naligtas na natin ang mga kasamahan ko.”
Napaupo muna kami saglit para makapaghinga. Mukhang wala namang mga halimaw sa paligid kaya ligtas kaming manatili sa isang puno na tinatawag ni Arrya na Redwood. Dahil mukhang nagugutom daw siya ay napilitan akong maghanap ng pagkain. Mayroon naman akong nakitang isang kuneho at mabilis ko iyong hinuli. Dahil medyo marunong namang gumawa ng apoy si Arrya ay siya na ang pinagawa ko ng apoy upang iluto ang kunehong nahuli ko.
Matapos naming maluto ang kuneho ay pinagsaluhan namin itong dalawa.
Ang kanyang pagkalam ng kanyang sikmura ay nawala na dahil sa laman ng kuneho. Hindi naman siya mapili sa pagkain o sadyang wala na siyang ibang mapagpipilian.
“Bakit mo ba gustong maligtas ang mga taong hindi mo naman kilala sa E.H. Laboratory?” tanong ko sa kanya.
“Sila nalang ang natitirang mga pamilya ko.”
“Hindi mo ba nami-miss ang mga tunay na magulang mo?”
“Nami-miss,” sabi nito at agad niyang nilunok ang isang laman ng kuneho at tumighay ito, “kahit sila ay miyembro ng grupong dinakip ako ay hindi ko pa rin maiiwasang mauhaw sa kanilang presensya.”
Nang malaman ko ang bagay na iyon ay doon na kumunekta ang lahat kung bakit alam niya ang mga Killer Lizard at ang tungkol sa E.H. Laboratory. Iyon pala ang dahilan kung bakit medyo mataas ang antas ng kanyang talino na parang hindi tugma sa kanyang edad. Iyon pala ang dahilan kung bakit alam niya ang mga tawag sa mga puno at ang tungkol sa mga pelikula.
“Are you going to hate me because my parents are member of your enemies?”
Umikot sa aming dalawa ang katahimikan matapos niyang masabi ang bagay na iyon. Sa totoo lang ay medyo nagkaroon ako ng kaunting pagkagalit sa kanya dahil hindi manlang niya agad sinabi sa aming dalawa ni Trudeau na miyembro pala ang mga magulang niya ng CRYPTIC.
Kahit ganoon ang aking naramdaman ay hindi ko pa rin makakaila na isa pa rin siyang bata na walang kasalanan sa mga nangyayari. Maging siya man ay naging bahagi sa pagdukot ng CRYPTIC. Ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak.
“Kung ang mga magulang mo ay hindi parte ng CRYPTIC, bakit sila pinaslang?”
Lumapit ito sa akin at agad na umupo sa aking tabi. Inayos niya ang kanyang buhok bago magsalita.
“Sila kase ang tumulong sa pagpapatakas sa sinasabi nilang Rat ng CRYPTIC.”
Ang mga salitang pumasok sa aking tenga nang sinabi niya iyon ay nagbigay sa akin ng matinding emosyon. Pinilit ko na ikalma ang aking sarili na huwag maiyak dahil kapag mangyari iyon ay tiyak tatawanan ako ng batang ito. Kung totoo man ang sinabi ni Arrya ay lubos akong nagpapasalamat sa kanyang pamilya dahil kung hindi sa kanila ay hindi makakatakas si Dad at si Mr. Siyaszo Diasque.
Agad ko siyang niyakap at namuo sa kanyang pagmumukha ang paglalito at ang pagtataka kung bakit ko siya niyapos. Wala siyang ibang narinig mula sa akin kundi ang salitang salamat.
“Are you okay, Toby? Hindi ko pa rin sasabihin sa iyo kung ano ang naging ending ng pelikula.”
“Puro ka kalokohan.”
***
Nang nagpatuloy kami sa aming paglalakad sa gitna ng masulal na kagubatan ay naramdaman ko ang isang bagay na kinatatakot ko na dumating sa aming dalawa ni Arrya. Gumagawa ito ng kaluskus sa hindi kalayuang distansya. Naririnig ko rin ang kanyang mahinang pag-angil nito. Ang mga mahahabang kuko nito at gumagawa ng tunog dahil sa kanyang paglalakad sa kabatuhan na daan. Kung pakikinggan ng mabuti ay mag-isa lamang siya. Wala itong kasamang iba.
“I-Is that—”
“Killer Lizard.” At ako ang nagdugtong sa pagpuputol ko sa sinasabi ni Arrya.
Inaamin ko na halos manginig ako sa takot nang dahan-dahang nagpakita ang Killer Lizard sa kanyang pinagtataguan na halaman na kung tawagin ay Licuala orbicularis. Ang unang lumitaw sa aking paningin ay ang puting balat nito at ang mahahabang kuko na kaya kaming hatiing dalawa ni Arrya sa isang pag-atake lamang.
“Arrya, Don’t move,” mahinang sabi sa kanya.
Nang pinakita na ng halimaw ang buo niyang anyo ay umungol ito ng napakatindi na pumukaw sa mga ibong nagtutulog sa mga sangay ng malaking puno.
Kahit piliin kong lumaban sa halimaw ay hindi pa rin ako mananalo dahil wala na akong hawak na armas upang labanan siya. Medyo malaki ang halimaw na ito kumpara sa ibang mga halimaw na nakaharap namin ni Trudeau.
Napapaatras kami ng kaunti ni Arrya nang matapos itong umung ng napakalakas. Nang binusisi ko ng maigi ang kanyang buong katawan ay tila ba ay mayroong pagkakaiba ang halimaw na ito sa ibang halimaw. Tulad ng iba ay nababalot din siya ng puting laman at wala rin itong mga mata. Nakalabas din ang kanyang utak. Ang pinagkaiba ay ang kanyang leeg. Parang mayroon siyang palikpik na katulad ng isang isda. Sa tuwing umuungol ito ay gumagalaw ang palikpik nito.
Ilang sandali lang ang nakalipas ay agad pumulot ng bato si Arrya at binato sa halimaw. Natigil ang pag-ungol nito sa ginawa ni Arrya. Dahil doon ay mabilis na tumakbo ang halimaw papunta kay Arrya. Dahil kailangan ko na protektahan si Arrya ay mabilis ko siyang hinablot palayo sa umaatakeng halimaw.
“TOBY!” sumigaw na sa takot si Arrya habang buhat-buhat ko siyang tinatakbo palayo sa Killer Lizard.
Dahil naging mainit na ang ulo ng halimaw ay hindi na niya kami hinahayaang makatakas. Nakabuntot ito sa aming likuran at dahil sa malakas at mahaba nitong kuko ay nagagawa niyang mahiwa ang maliliit na puno na humaharang sa kanyang dinaraanan.
Sa isang pag-atakeng ginawa niya ay natamaan nito ang aking paa at kong naramdaman ang sakit ng kanyang pagsugat sa aking paa. Kung hindi ako nakatakbo ng mabilis ay tiyak wala na akong paa ngayon. Kahit nahihirapang gumalaw ay pinilit kong tumakbo para makatakas sa halimaw.
Dumagdag sa aking kaba at takot ang pag-iyak na ginagaw ni Arrya na parang wala itong balak na tumahimik hangga’t hindi napapaslang ang halimaw. Isa na namang pag-atake ang ginawa ng halimaw at tinamaan ako sa aking kaliwang balikat. Dahil sa ginawa ng halimaw ay mabilis kong nabitawan si Arrya. Nadapa ako at nagpagulong-gulong naman ang bata papunta sa isang malaking puno na nasa aming harapan.
“TOBY!!!!” sigaw ni Arrya pero hindi ko siya pinansin.
Naglalaway na ang halimaw at natatakam na itong lapain ang buo king katawan. Nilibot ko ang aking paningin at mayroon akong nakitang isang nahulog na sangay na kahoy at mabilis ko iyong kinuha.
Pinupuntirya ko ang utak ng halimaw gamit ang aking malakas na paghampas pero biglang nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan.
Ginamit ng halimaw ang matatalim nitong kuko para protekthaan ang kanyang nakalabas na utak sa kanyang ulo. Sinubukan ko muling ihampas ang sangay ng puno na aking nakita pero hindi ko magawang masira ang kanyang kuko. Ilang sandali pa ay ginamit ng halimaw ang kanyang matatalim na ngipin para ako ay atakihin pero mabuti nalang ay nagawa kong makaiwas. Ang inaakala ko na nakaiwas ako sa kanyang ginawa pagkagat ay isa palang panlilinlang na kanyang ginawa.
Biglang gumalaw ang kanyang palikpik at bumuka ito at sa aking hindi inaasahan ay naputol ang tatlo kong daliri dahil sa kanyang ginawa.
Napasigaw sa takot si Arrya sa kanyang nasaksihan. Hindi ko naramdaman ang sakit ng pagkakaputol ng aking tatlong daliri dahil napangunahan ako ng pagkatakot sa magagawa pa ng halimaw na ito. Tila ba ay mayroon siyang sariling utak na mas angat sa iba niyang kauri. Agad kinain ng halimaw ang aking tatlong daliri at nang naramdaman ko ang pag-agos ng dugo ko mula sa putol konh daliri ay napasigaw ako sa sakit. Tumalsik ang iba kong dugo sa mga halamang nakapalipot sa amin.
Hindi pa nga ako tapos sa aking pagsigaw sa sobrang sakit na aking dinaramdam nang umungol muli ang halimaw. Ang paghinga nito ay naririnig ko ng malinaw habang papalapit ito sa akin. Hinawakan ko ang aking kamay na nawalan ng daliri at hindi pa rin ito tumitigil sa pagdurugo.
“Toby! Umalis na ka diyan!” sigaw ni Arrya sa malayo.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top