CHAPTER FOURTEEN

“Hold my hand”


Agad kong tinusok ang dulo ng aking blade sa utak ng Killer Lizard at doon siya nawalan ng buhay. Nasanay na rin akong matalsikan ng kanilang nakakadiring dugo at hindi ko na alintana ang amoy nito kahit punong-puno na ang aking buong kasuotan ng kanilang itim na dugo.

“KUYA TRUDEAU, SA LIKOD NINYO!” sigaw ni Arrya.

Hindi pa nga nakahanda sa paghugot ng blade si Trudeau nang tinulak siya nito sa isang bangin. Ang bangin ay hindi naman gaanong malalim kaya nang mahulog siya sa ilalim ay wala namang parte ng kanyang katawan ang humiwalay sa kanya.

Napaiyak ang batang babae habang nakikita niya na nahihirapang umakyat si Trudeau. Bukod sa hinihila siya pababa ng halimaw gamit ang matutulis nitong kuko ay maraming mga ugat ng puno ang nakausli sa ibaba at tuwing umaapak siya sa mga nakausli na mga bato ay natatanggal ito kaya bumabalik siya sa ibaba.

“Wait right there, Trudeau. Bababa ako,” natatarantang sabi ko sa kanya at akmang tatalon sa ibaba nang sumigaw si Trudeau.

“Are you gone mad?!” sigaw nito habang pilit niyang nilalabanan ang halimaw sa ibaba at pinipilit din niyang umakyat. “If you go down, the both of us will be trapped here. We don’t want that and we want the safety of Arrya and we want to finish our mission.”

“So what are you trying to say?”
Bago niya pa ako sinagot ay hiniwa niya ang isang kuko ng halimaw. Kung hindi siya nakikipag-usap sa akin ay nahiwa niya ang buong braso nito.

“I am trying to say is I want you to finish the mission. Run now. I can deal with this monsters. Promise me to take a good care with that girl,” sambit nito at tumingin siya sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata na seryoso siya sa kanyang desisyon.

Naagaw ang aking pansin nang narinig ko ang ibang Killer Lizard sa ibaba ng bangin na naroong mabilis na tumatakbo para tulungan na lapain si Trudeau.

“I am not leaving here, bro.” Sa aking sinabi ay napangiti si Trudeau habang nakakapit ito sa isang ugat ng puno. “I’m not gonna leave you here. I’m  not gonna let you die!”

“It’s been a long time since I heard that from you, bro,” sambit nito sa akin at hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.

Hindi ko mapaliwanag kung bakit bigla nalang sumisingit sa aking isipan ang mga ala-ala ko noong kasama ko pa ang magkapatid na ito. Tinuring ko silang tunay na magkapatid. Nang malaman ni Trudeau ang nangyari sa kanyang kapatid na si Pauline ay agad niya akong kinamuhian. Kung hindi raw dahil sa kanyang ginawang pagkulong ko sa kanya ay posibleng naligtas niya pa niya si Pauline.

Nang sabay kaming nag-ensayo sa Training Centre ng headquarters ay pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kapatid na lalaki na talagang sasabay sa mga trip ko sa buhay. Natatandaan ko pa noong pagkatapos naming mag-ensayo ay magyayaya siyang maglaro ng video games, manood ng old action movies at maiinis si Pauline dahil hindi gusto niya ng Rom-Com film.

Masaya ang naging samahan namin ni Trudeau. Magaling siya sa sapakan kaya kapag mayroong mga ibang Trainees na gustong bugbugin kami ay nakakatanggap lang sila ng maraming pasa sa katawan at sugat sa mukha dahil kay Trudeau. Mas malakas siya kaysa sa akin. Hindi ko inakala na mabuti siyang kasama kaya lang ay nagbago ang kanyang pakikitungo dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Hindi ko siya masisisi kung iyon ang naging pakiramdam niya. Simula noon ay hindi ito kumibo at mas pinili niyang kainisan ako hanggang sa natanggap namin ang misyon na ito.

Ang misyong magiging katapusan ni Trudeau. Mayroon pa ba akong paraan para masalba ang buhay niya?

“I’m going down!” sigaw ko sa kanya, “sa ayaw mo man o sa gusto hindi ko hahayaan ang mamatay ka.”

“Is this still about my sister’s wish?” tanong nito habang nahihirapan itong huwag mahulog. Pilit niyang huwag madulas sa pagkakakapit sa nakausling ugat ng puno pero hinahatak siya pababa ng halimaw.

“This isn’t about your sister’s wish. I want to save my brother!”

Muli ay nakita ko na namang ngumiti si Trudeau.

“Just take my hand, bro!” sigaw ko habang nilalahad sa kanya ang aking kamay pero abal itong hinihiwa ang mukha ng Killer Lizard.

Napasigaw na naman si Arrya nang makita niya ang ibang mga Killer Lizard na papalapit sa amin. Tatlo ang kanilang bilang kumpara sa anim na bilang ng Killer Lizard sa ilalim ng bangin. Wala akong mapupuntahan. Kung magtatagal kami dito ay paniguradong mamamatay kaming tatlo. Hindi ko alam ang gagawin.

“Just go, Toby! Save that girl! Finish the mission!” sigaw ni Trudeau.

“I’m not gonna leave you, just take my hand you piece of shit!” sigaw ko sa kabya habang pinupunasan ang aking mga luha, “I’m so sorry for what happened. My sister saved me and I don’t  let my one last brother will gonna die by saving me again. I don’t  want that history to repeat itself. I’m  so sorry, bro.”

Biglang siyang inatake ng halimaw at sa pag-atakeng iyon ay nabali ang kanyang hawak na blade at doon na ako kinabahan ng matindi. Hindi siya makakalaban kapag sira ang kanyang blade. Nataranta naman akong hinanap ang aking blade para ihulog kay Trudeau sa ibaba pero nakita ko ang pagsigaw sa takot ni Arrya nang nasa tapat namin ang tatlong halimaw. Hindi kayang gamitin ni Arrya ang kanyang abilidad dahil nagamit na niya ito kanina. Kailangan niya pa ng mahabang pahinga. Dahil sa kanyang murang katawan ay talagang madali siyang mapagod kapag gumagamit siya ng kanyang abilidad. Kapag pinilit niyang gamitin iyon ay paniguradong mamamatay siya.

“Trudeau!!!”

“I forgive you a long time ago,” sambit ni Trudeau at namuo sa kanyang nukha ang magkahalong lungkot at kasiyahan.

“I’m not gonna let you die—”

Hindi ko alam kung bakit nabingi ako nang makita ko ang naging kalagayan ni Trudeau. Nagmistulang tumahimik ang paligid nang makita ko kung paano siya nahiwa sa dalawa ng nga dumating na halimaw at halos hindi ko mapigilang mapahagulhol nang makita ko kung paano siya lapain ng mga halimaw sa ibaba ng bangin.

“TRUDEAU!” sigaw ko pero kahit ilang beses akong sumigaw ay hindi na niya ako maririnig dahil wala na siya. Wala na ang kaisa-isa kong tinuring na kapatid.

Hindi ko lubos akalain na mauulit ang lahat. Hindi ko lubos maisip na hindi ko naligtas ang magkapatid. Hindi ko alam kung kailan ko mararamdaman ang pagsisisisi sa aking sarili dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit sa akin nangyari iyon. Iniwan na ako ni Pauline, iniwan na rin ako ni Dad, at ang kaisa-isa kong pamilya ay namatay habang wala akong nagawa upang tulungan siya.

“AHHH!!!”

Ang sigaw na iyon ay biglang nagpukaw sa aking kalungkutan at nakita ko si Arrya na pilit na nilalabanan ang mga halimaw kahit wala na itong lakas na gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga ng malalim. Pinilit kong isantabi ang aking emosyon at pinili kong kalimutan ang nangyari. Kahit sa ganitong paraan ay makaligtas manlang ako ng isang buhay. Hindi man deriktang pinatay ng CRYPTIC si Trudeau pero sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ang mundong ito ng ganitong uri ng halimaw.

Pinapangako ko na uubusin ko lahat ng miyembro ng CRYPTIC. Wala akong ititira. Susunugin ko ang buo nilang katawan hanggang ang mga abo nalang nila ang matira. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking blade at pasigaw akong umatake sa tatlong halimaw na nilalaban si Arrya.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top