CHAPTER FIFTEEN
"Light"
"Are you okay, T-Tobias?"
Kahit medyo hindi ko magalang ang kanyang pagtawag sa akin ay pinilit ko nalang na huwag siyang pansinin. Hindi ko nga alam sa batang ito kung bakit may kuya siyang dinudugtong kapag tinatawag si Trudeau pero kung sa akin ay tinatawag niya lang ako derikta sa aking pangalan.
Tatlumpung minuto ang nakalipas matapos kong masaksihan ang pagkamatay ni Trudeau. Ang aking dalawang mata ang naging saksi kung paano siya walang awang pinaslang ng mga halimaw. Wala akong ibang pinagbintangan kundi ang nakakasuklam na grupo ng CRYPTIC. Kung hindi nila ginawa ang mga halimaw na ito ay paniguradong buhay pa si Trudeau hanggang ngayon.
Naksandal lang kami sa malaking puno at nakatanaw sa mga naglalakihang mga puno sa aming harapan. Hindi na masyadong nakakapasok sa loob ng kagubatan ang sinag ng araw dahil sa mga naglalakihang mga dahon nito sa itaas. Hindi ko rin maramdaman ang malamig na hangin na doon lamang umiikot sa pinakaitaas na bahagi ng puno.
Nang tinignan ko ang kaliwang bahagi ng kagubtaan ay nakita ko ang mga punong malalayo ang mga distansya sa isa't isa kumpara sa mga punong pinagpahingan naming dalawa ni Arrya. Balak ko sanang pumunta doon para naman makatikim ako ng kaunting init mula sa araw pero mas pinili kong manatili dito matapos ang nangyari kay Trudeau. Gusyo ko na ngayon ang manatili sa kadiliman.
I want to avenge the deaths of Pauline, Trudeau, and Dad, but I don't think I can. In the fight I entered, it was like I was losing and not the opponent. It seems that from the beginning I have lost. What's the point of fighting if I don't have a reason to fight anymore? Do I have to accept the fact that nothing can stop CRYPTIC?
Sa tuwing kailangan kong lumaban ay mayroong nababawasan. Sa tuwing hinahawakan ang aking armas ay mayroong nawawala. Wala na ba? Hanggang dito nalang ba?
"I'm asking you," pabulong na sabi ni Arrya at hindi ito nakuntento na bulungan ako at bigla niyang marahang niyugyug ang aking balikat.
Tinignan ko lang siya at nakita ko ang inosente nitong pagmumukha. Inayos ko ang kanyang buhok pero hindi ko pa rin magawang makipag-usap sa kanya. Mas inaalala ko ngayon ang pagkamatay ni Trudeau. Kung puwede lang sanda na makuha ang buo niyang katawan upang mabigyan siya ng maayos na libing ay ginawa ko na. Paano ko magagawa iyon ngayong paniguradong natunaw na ang bawat parte ng kanyang katawan sa mga sikmura ng Killer Lizard.
"If-If..." Kahit nahihirapang makapgsalita si Arrya ay pinilit niya pa rin na sabihin sa akin ang kanyang gustong iparating. "If you think Kuya Trudeau is dead, you are wrong."
Napuno ng pagtataka ang aking mukha nang bigla ko siyang tinignan. Hudyat iyon na kailangan ko ng malawak na eksplinasyon sa kanyang sinabi.
"That is the same face I did when I-I heard those sentences."
Kahit medyo maliit ang kanyang boses na pakinggan ay halatado sa kanyang sinasabi na hindi pambata ang kanyang mga sinasabi. A young body with an old soul.
"My Dad once told me before my Mom died, he said that when a person died, when our love ones died, they are gone in this world but they are still alive and they are still exist within us. They still exist in our memory, in our heart. Once we started to forget them, that's the time they are finally gone in the universe."
"W-What?" I asked while I'm holding myself to cry in front of an eight years old kid.
"There's a light after darkness. There's a dawn after twilight. The physical body is gone but the memory remains within us."
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na yakapin siya at doon ko binuhos ang bigat ng aking nararamdaman. Umiyak ako ng husto na parang hindi ko na makayang huminga. Hindi ko alam kung bakit nang sinabi ni Arrya ang mga katagang iyon ay bigla akong nabuhayan ng loob.
Sa gitna ng aking paghagulhol ay napatawa ako sa sunod na ginawa ni Arrya. Mistulang ginawa niya akong isang bata dahil sa ginagawa niyang pagtatahan sa akin.
"Shhh... you are-are alright, now."
"Tell me, are you a kid or are pretending to be kid?" I said and we both burst out laughing.
"What you will going to do now, Trudeau?"
"I think I need to finish what I started," sabi ko sa kanya, "are you willing to help me with your ability?"
"As soon as after your-your mission is finally done, you will help me also."
Sa kanyang sinabi ay agad ko siyang inalalayan na tumayo at balak ko sana siyang buhatin pero nagpumilit itong maglalakad nalang daw siya. Ayaw daw niyang binubuhat parati dahil para sa kanya ay hindi na raw siya bata. Hindi ko nalang siya pinilipit pa.
Mayroon ang batang ito na talagang nagpapagaan sa aking damdamin. Hindi ko maisip ng mabuti kung bakit medyo pamilyar sa aking mga tenga ang kanyang mga sinabi kanina. Hindi ko matandaan kung saan ko narinig iyon, hindi ko maalala kung saang pangyayari sa aking buhay narinig iyon.
Pinilit kong isipin mabuti habang naglalakad kami sa kagubatan. Nauna siyang naglalakad habang naglalaro ito mag-isa. Mayroon siyang pinupulot na mga patay na dahon na nagkalat sa paligid at agad niya iyong hinahagis at nagsasayaw habang nahuhulog ang kanyang hinagis na patay na dahon sa kanyang katawan.
Napapatalon pa ito sa tuwa at kung minsan ay muntik na siyang madapa sa kanyang ginagawa pero mabuti nalang ay matibay ang kanyang balanse kaya hindi ko na kailanganng mag-aksaya ng enerhiya sa aking katawan na alalayan siya.
Kahit nililibang ako ng batang ito ay hindi ko pa rin alam kung saan ko narinig ang kanyang mga binanggit. Pinilit ko pa ng ilang beses na matandaan pero hindi talaga. Kung mayroon lamang na isang bagay na magpapaalala sa akin sa pangyayaring iyon ay magiging payapa na ang aking isipan.
"Toby," pagtawag sa akin ni Arrya habang mayroon siyang hawak na isang maliit na sanga ng puno.
"Ano na naman?"
"What-What is your favorite dinosaur?"
"Why?"
"Mine is Triceratops."
Matapos niyang banggitin iyon ay ngumiti siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Nang umaalingawngaw sa aking isipan ang sinabi niyang Triceratops ay parang mayroong dumaloy na kuryente sa aking isipan na nagpapaalala sa mga sinabi ni Dad tungkol sa akin.
Mabilis kong naaalala ang mga ala-alang pilit kong inaalala kanina. Naalala ko na si Dad din mismo ang nagsabi ng mga katagang binaggit ni Arrya kanina. Hindi ako nagkakamali sa inisip ko. Kaya pala medyo hindi bago sa aking pandinig ang mga bagay na iyon.
"Toby, bilisan mo!"
"I'm coming!" sigaw ko naman sa kanya habang nakangiti akong tumakbo palapit sa kanya. Hindi ko kase mapigilang maalala ang mga masasayang ala-ala ko nang buhay pa si Dad. Sa hinaba-haba ng panahon ay nanumbalik sa akin ang mga ala-alang kinalimutan ko na. Mga ala-alang binaon ko na sa hukay. Dahil sa batang ito ay pakiramdam ko ay hindi nawala si Dad. Pakiramdam ko ay kasama ko pa si Pauline. Pakiramdam ko ay katabi ko pa si Trudeau.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top