CHAPTER ELEVEN
“Flashback: A withered flower”
Agad lumabas sina Paulo, Christian, at JayRalf sa pinto ng hovercraft at nakasuot silang tatlo ng wingsuit. Mabilis silang lumipad palapit sa hovercraft ng CRYPTIC. Agad nilang inihanda ang kanilang mga armas. Agad nilang pinaputukan ang pinto ng sasakyan ng kalaban at lumikha iyon ng hindi gaanong malaking pagsabog.
Halos mawalan ng balanse ang isang hovercraft dahil sa nangyari pero halatang bihasa sa pagmamaneho ang piloto ng kalaban kaya nagawan niya ito ng paraan na paliparin ang hovercraft ng maayos.
“Next Team, Go!!!” sigaw ng Pack Leader at agad namang lumabas ang sampung agent mula sa pinto ng aming hovercraft. His machismo and testosterone level is all over the place, giving us fuel of eagerness and bravery to finish this mission.
Ang sampung agents naman ang agad inatake ng isang hovercraft ng kalaban at doon nagkagulo na ang lahat. Hindi na napigilan ng kalaban na huwag lumaban at agad silang umatake gamit ang mga automatic machine gun ng kanilang hovercraft. Pinaputukan nila ang mga lumilipad naming kasamahan at mabuti nalang ay sanay sa pag-iwas ang aming kakampi kaya madali nila itong naiiwasan.
“Good luck!” sigaw ulit ng aming Pack Leader nang kami na ang huling susugod sa kalaban.
Kasama ko ngayon ni Pauline at seryoso ang pagmumukha nitong tumalon mula sa pinto ng hovercraft. Umikot-ikot pa ang buong kanyang katawan sa ere habang pinipilit niyang buksan ang kanyang suot na wingsuit. Kinabahan ako ng kaunti dahil nakikita ko na nahihirapan siyang buksan ito at balak ko pa sanang tulungan siya pero nagawa na rin niyang makalipad bago pa ako lumabas ng hovercraft.
I jumped off from our hovercraft and I was pulling down rapidly by the gravity of Earth. I started to push the button of the device that can allow me to fly. A wings appeared at my back and I control those wings base in my will, I looked like an albatross flying around the lake to find fishes for my dinner. I controlled it remotely. This is the new devices created by Headquarters. At first, it’s just an ordinary back pack but when I push the button at the center of it, it becomes a wingsuit with a metallic wings and it allows me to use hand-held weapons while in flight.
Agad akong lumipad papunta sa isang hovercraft at nadatnan ko doon ang mga agents na nakikipaglaban gamit ang kanilang mga armas. Dahil medyo dehado kami sa laban kase nasa ere kami ay pinilipit pa rin ng aking mga kasamahan na kunin ang hovercraft ng kalaban.
Agad kong pinaputukan ang windscreen ng hovercraft pero hindi iyon nabasag. Mukhang matibay na salamin ang kanilang gamit sa kanilang sasakyan. Binuksan nila ang pinto ng kanilang hovercraft at nandoon sa loob nakatayo ang mga miyembro ng CRYPTIC na mayroong mga hawak na baril at sinimulan kaming pinaputukan ng bala.
Some of our men received a bad luck when a bullets from our enemies destroyed their wingsuit and they fell down to the ground, the impact breaks them apart. I felt sorry for them by dying for the sake of justice and to protect the people they loved.
We have no choice but to continue our fight, because of this bloody long-running war between CRYPTIC and HEADQUARTERS, we have no time to mourn to our falling agents while the fight is still on going. It’s so sad to think about it but that’s the reality. I guess, sadness is really a vulnerable emotion.
Nakita ko na matatamaan ng bala si Pauline nang agad ko siyang hinatak palayo sa trajectory ng bala at mabilis kong binaril ang kalaban na nagtangkang patayin siya. Nagulat naman siya sa aking ginawa at hindi ito nagsalita ng kung ano man. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko sa kanyang braso at muli itong lumipad papunta sa kalaban.
Lumapag siya sa loob ng hovercraft ng kalaban at doon ay sinimulan niyang patayin lahat ng miyembro ng CRYPTIC. Hindi ko siya hinayaang lumaban mag-isa at agad akong lumapag sa loob. Mayroong mga nagtangkang atakihin kami pero dahil puwede naming gawing pananggalang ang pakpak ng aming wingsuit ay hindi nila kami nagawang saktan.
Nagpatuloy kami sa pakikipaglaban sa kanila. Bawat bala na lumalabas sa hawak kong baril ay agad na tumatama sa mga bungo ng kalaban.
Ang ilan sa kanila ay magaling umiwas pero hindi sila nakakaiwas sa mga pag-atake ginagawa ni Pauline. Hindi na siya gumamit ng baril dahil naubos na ang bala nito. Ang ginagamit niya ngayon ay isang steel blade na gawa ng Headquarters.
Mabilis niyang hinihiwa ang mga lalamunan nito at kung minsan ay tinutulak niya palabas ng hovercraft ang ilang mga kalaban. Ilang saglit pa ay pumasok na rin sa loob ng hovercraft ang iba pa naming mga kakampi.
Dahil madami na kami sa loob ng hovercraft ng kalaban ay walang ibang nagawa ang piloto nila kundi ang sumuko. Naubos na rin ng ibang agents ang kalaban sa dalawang hovercraft at kahit mayroong bumawas sa bilang namin ay tagumpay pa rin naman ang aming plano na makontrol ang hovercraft ng kalaban upang mahanap ang subsidiary base ni Erso Hallick.
“Please don’t kill me,” nagmamakaawang sabi ng piloto agad siyang sinampal ng isa naming kasamahan. Kanina pa kase siya nagsasalita at nakakarindi na pakinggan ang kanyang boses.
“Tell me, what are you going to do with that non-toxic liquid chemicals? Are you creating some explosive devices?” tanong ng isa sa aming kasamahan pero kunot-noong tumingin ang piloto ng hovercraft sa aming lahat.
“What chemicals? What non-toxic liquid?”
Sa kanyang sinabi ay agad akong kinabahan. Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari. Agad namang sinapak ni Paulo ang piloto at sa lakas ng kanyang ginawa ay sumabog ang labi nito at lumabas ang napakaraming dugo.
“You think we are joking?” pagbabantang sabi ni Paulo, “Just take us to your subsidiary base instead if you don’t wanna die.”
Marahang tinignan ng masama ng piloto si Paulo at dinuraan ito ng kanyang dugo. Sa pagkakataong iyon ay mas lalong uminit ang ulo ni Paulo at agad niyang pinagsasapak ang piloto. Dahil sa kanilang ginawa ay aksidenteng nagagalaw nila ang cyclic control ng hovercraft kaya nagpagewang-gewang ang buong sasakyan. Lahat kami sa loob ay nawawalan ng balanse at hindi namin mapigilang mauntog sa bawat isa. Ang suot na wingsuit ni Pauline ay biglang nasira dahil nauntog ang kanyang likod sa matigas na bagay sa loob ng hovercraft.
Dahil wala na sa kaayusan ang lahat ay nawalan ng balanse si Pauline at muntik na siyang mahulog sa labas ng hovercraft at mabuti nalang ay mabilis kong nahawakan ang isa niyang braso.
Hindi ko magawang mahatak siya pabalik sa loob dahil nagkakagulo pa rin silang lahat. Wala pa rin sa maayos na kontrol ang buong hovercraft. Pilitin ko man na hatakin siya ay hindi ko magawa. Napasigaw naman ako sa sakit nang inapakan nila ang aking likod at paa.
“Do you think that we will let you discover our base? If you all think that you ambush us, this is all for a show,” panunuyang sabi ng piloto at narinig namin ang pagsabog ng isang hovercraft.
Kasamang namatay ang mga kasamahan namin sa nangyaring pagsabog. Nagulat ang lahat sa aming nasaksihan at muli na naman kaming nawalan ng balanse nang nagsimula na namang mawala sa kontrol ang hovercraft na sinasakyan namin.
“What’s going on there? Pack 1, do you hear me? Pack 1!” sigaw ng aming pack leader mula sa aming suot na walkie-talkie device pero walang sumagot sa kanya dahil sa aming sitwasyon. “Answer me, you all son of a b—”
Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagsabog ng ikalawang hovercraft at doon na ako naluha sa sobrang takot at kalungkutan. Alam ko namang ito na ang magiging huling oras ko sa mundo pero hindi ko matatanggap na mawawala rin si Pauline. Ayokong mamatay siya. Kailangan pa siya ng kanyang kapatid. Kailangan niya pang makamit ang hustisya.
Lakas loob kong hinatak si Pauline at kahit mabigat siya ay pinilit ko pa ring hatakin siya papasok sa loob ng hovercraft. Nang magawa kong mahatak siya sa loob ay agad kong hinubad ang aking wingsuit at agad ko itong pinasuot sa kanya.
“I know that this isn’t the right time to say this but I think I’m falling in love with you.”
Napatulala naman siya sa aking sinabi at mukhang hindi niya pa lubos maisip na nasabi ko ang mga katagang iyon.
“Are you not gonna say something?” tanong ko sa kanya at pinilit kong ngumiti kahit nalulunod na ako sa aking sariling luha.
Ngumiti ito sa akin bago siya nagsalita habang pinupunasan ang mga luha sa aking mukha.
“I know,” mahinahon nitong sabi sa akin. Huminto siya sa kanyang sinasabi nang biglang nagsalita ang piloto.
Kahit napupuno na ang buo niyang katawan ng dugo dahil sa natamong suntok mula kay Paulo ay nagagawa pa rin nitong tumawa.
“Please welcome our new best friend… death!” sigaw niya at mabilis na sumabog ang buong hovercraft.
Mistulang pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras habang tinitignan ko si Pauline na hinuhubad ang suot niyang wingsuit. Nagtaka ako sa kanyang ginawa at hindi ko alam ang kanyang binabalak.
“Please, look after for my brother,” mahinang sabi nito, “I love you, Toby.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinulak niya ako palabas ng hovercraft habang nakikita ko na nilalamon siya ng malaking apoy. Wala akong ibang ginawa kundi ang sumigaw sa labis na pighati. Pinilit kong sagipin siya pero masyadong malakas ang pangalawang pagsabog kaya malakas ding naitulak ako palayo sa hovercraft.
“PAULINE!” ang tanging naging sambit ko habang nakikita ko ang hovercraft na nahuhulog habang nilalamon ito ng malaking apoy.
thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top