Kabanata 9
DUMATING na si Engineer Pandora at nandoon na sa kusina, pero hindi niya pa ito nakikita. Hindi niya ito nakasalubong dahil nandito siya sa kuwarto ni Nero at hinihintay itong lumabas. Sinabihan din siya ng lalaki na huwag umalis sa kaniyang tabi mamaya habang kakain sila.
"Nero, lumabas ka na. Grabe namang pagbibihis 'yan, dinaig mo pa babae," saad niya at kinatok nang paulit-ulit ang pinto kahit hindi naman ito naka-lock.
Isang oras na siyang nakatayo at nangangawit na ang mga paa niya.
Nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng nababahalang tingin ng lalaki. His face looked tired and restless. Namamawis din ang noo nito.
Black shirt at pants lang ang suot nito kaya nagtataka siya kung bakit natagalan itong lumabas.
Naglakad na ito papunta sa kusina kaya sumunod naman siya.
Nandoon na si Engineer Pandora at nakaupo. Nilingon sila nito nang mapansin ang kanilang pagdating.
Tinitigan niya ang pagmumukha nito at kamukhang-kamukha nga sa picture na binigay sa kaniya ni Commander X. He was the old version of Nero. May parteng pagkakaiba subalit hindi maipagkakaila na parang matandang bersyon ito ng lalaki.
Nakasuot ito ng tuxedo at nakangiti silang sinalubong.
"Good morning, Nero." Naglakad ito papalapit sa lalaki at akmang yayakapin pero tinabing ni Nero ang mga kamay nito.
Nilampasan lang ni Nero si Engineer Pandora at umupo na. Siya naman ay yumuko bilang paggalang bago sumunod kay Nero. Nauna nang kumain si Nero at hindi man lang hinintay ang ama o kahit sulyapan man lang ito.
Enigma could say that the two didn't have a father and son relationship.
"Oh, Nero. Is this how you are going to treat your cousin?" malumanay na tanong ni Engineer Pandora at umupo na rin.
Walang kahit anong bakas ng kasamaan ang makikita sa pagmumukha ni Engineer Pandora. Kung si Nero ay maitim ang aura, ito namang ama, parang napapalibutan ng liwanag. Palagi itong nakangiti. Panay rin ang pagsulyap nito sa anak na walang paki sa presensya ng ama habang kumakain.
Napunta ang tingin ni Engineer Pandora sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya pabalik.
"Are you my cousin's maid?"
"Opo."
Tumango-tango naman si Engineer Pandora. "I see. Thank you for taking care of him. Medyo pasaway pa naman 'to kaya sana maging mahaba ang pasensya mo."
Peke naman siyang tumawa. "Ay, opo. Kahit papaano nagagawa ko naman po 'tong pakisamahan kahit na minsan parang bata ang ugali."
Natawa naman si Engineer Pandora sa kaniyang sinabi at nagtuloy na sa pagkain habang si Nero ay inangat ang tingin at inirapan siya.
Tahimik lang ang dalawa habang kumakain. Sila lang din tatlo ang nasa kusina. Enigma could feel the air getting awkward, but she diverted her attention to the bachelor she needed to uncover. Inobserbahan niya kung paano ang mga galaw nito at ang nga ekspresyong binibigay kay Nero.
Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito sa personal. Kagaya ng sinabi ng tricycle driver sa kaniya dati, totoo ngang mabait ang bachelor. Pero ang tanong, mabait nga ba talaga?
"Nero," nagsalita si Engineer Pandora. "Kumusta ka naman? Mabuti naman ang kalagayan mo rito?"
Tumigil sa pagkain si Nero at nilingon ang ama. Bahagyang sinilip ni Enigma ang mukha nito. Pinukol nito ng masasamang tingin ang bachelor.
"I guess you still can't talk," malungkot na sabi ng bachelor at yumuko. "And you're still mad at me."
One of her eyebrows twitched in curiosity. Sa sinabi nito, mukhang may hindi magandang nangyari sa dalawa. He still couln't talk? Did that mean that Nero wasn't originally a mute?
Come to think of it, she heard him laugh one time. I guess her hearing wasn't wrong when they were in a restaurant inside the mall.
Binalik ni Nero ang tingin sa pagkain subalit hindi na ito ginalaw ang pagkain. Tumayo na rin si Engineer Pandora at kahit marami pang natira sa plato ay pinili na nitong tumigil.
"I won't take too long here. I just visited you at mukhang okay ka naman, so I'll get going," paalam nito. Sinulyapan siya nito. "Please, take care of him."
Tumango naman siya bilang sagot at pilit na ngumiti. Umalis na si Engineer Pandora kaya sila na lang dalawa ni Nero ang naiwan.
"Kumain ka na." Tinapik niya ang likuran ng lalaki nang mapansing nakatunganga lang ito.
Inangat naman nito ang tingin. Inalis niya ang mga namumuong pawis sa noo nito. Pansin din niya ang pamumula ng mukha ng lalaki.
Halata sa mukha ng lalaki na hindi maganda ang pakiramdam nito subalit hindi ito napansin ng bachelor.
Did he really come to check on Nero? Or he just wanted to know if he is still breathing?
"You look tired," komento niya.
Umiwas lang ng tingin si Nero at tumayo sa pagkakaupo. Naglakad na rin ito palabas.
"Hindi mo tatapusin ang pagkain mo?" pahabol niya pero nagtuloy-tuloy lang ang lalaki.
Nakakuyom ang mga kamao nito. Hindi na siya sumunod pa at hinayaan itong umalis. Niligpit niya ang mga pagkain habang hindi nawawala sa isipan ang usapan ng mag-ama kanina. Naiintriga siya kung anong alitan ang mayroon ang dalawa.
May kaugnayan kaya 'yon sa ina ni Nero?
Pagkatapos niyang magligpit, nagtimpla muna siya ng gatas bago nagtungo sa kuwarto ng lalaki. Bago siya kumatok nakuha na naman ang kaniyang atensyon sa katabi nitong pader. Nilampasan niya ang kuwarto ni Nero at pinagmasdan ang pader.
"What's inside you?" she whispered as one of her hand touched the rough wall.
Bumalik na siya sa harapan ng pinto ng kuwarto. Nakaawang ito nang kaunti kaya kumatok siya. Wala siyang narinig na kalabog bilang sagot kaya pumasok na lang siya.
"Nero, papasok ako, ah." Tinulak na niya pabukas ang pintuan at naabutan ang lalaking natutulog sa kama. Yakap-yakap nito ang kayumangging stuff toy na palagi niyang nakikitang katabi ng lalaki.
Nilapag niya sa drawer ang gatas. Nilapat niya ang palad sa namumulang noo ng lalaki.
His temperature was quite high.
Hindi na niya ito ginising pa at hinayaan na lang itong matulog. Lumabas na siya sa kuwarto ng lalaki at pumunta ng basement. Dahil tulog naman ang kaniyang amo, wala rin siyang ibang magawa kaya nanatili lang siya sa basement.
Humiga siya sa kaniyang kama at kaagad na napahinga nang malalim. Pakiramdam niya'y nakapagpahinga rin siya. She stretched her aching body before deciding to sleep.
Naaamoy niya si Nero sa kaniyang kumot pati na sa unan. Sinawalang-bahala niya 'yon at hinayaan ang sariling makatulog. As usual, she dreamed of becoming a billionaire, so when she woke up, she ended up missing her black card. Gusto na niyang matapos ang misyong ito para makabalik na siya sa dati niyang pamumuhay.
Miss na niya ang sariling mansiyon, pera at mga katulong niya.
Bumangon na siya at sumabay sa ibang mga maids na kumain. Gabi na pala siya nagising kaya kumukulo na ang kaniyang tiyan sa gutom. Pagkatapos nilang kumain, hinintay niya ang ibang mga katulong na matapos sa kanilang trabaho at makatulog.
Nang masiguradong tulog na ang lahat, oras na para mag-imbestiga siyang muli. She changed her clothing, her hair, the color of her eyes and her perfume. Sa pagkakataong ito, tinakpan niya rin ang kaniyang bibig at noo at tanging mata lang niya ang makikita.
Nagpunta ulit siya sa misteryosong pader. Pinagmasdan niya ito habang nag-iisip kung paano niya ito mapapasok. Napunta ang tingin niya sa kuwarto ni Nero.
Hindi naka-lock ang pinto.
Dahan-dahan niya itong tinulak pabukas. Nakapatay lahat ng ilaw sa kuwarto at ang liwanag lang ng buwan na mula sa bintana ang nagsilbi niyang ilaw.
Mula sa mga laruan nito at dingding wala siyang pinalampas, nagbabakasakaling may mahanap siyang bagay na magtuturo kung paano mapapasok ang misteryosong pader. Maya't maya rin niyang nililingon ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama.
Naglalakad siya habang pinagmamasdan ang bawat pader ng kuwarto hanggang sa makarating siya sa parte na may kurtina. Napasingkit ang kaniyang mga mata. The other side of this wall was the suspicious part of the mansion. Sa parteng ito lang din ang may kurtina.
Handa na siyang iwaksi ang kurtina ngunit may braso na pumulupot sa kaniyang leeg dahilan para masakal siya. Nahigit niya ang hininga. Gamit ang braso, siniko niya ito sa tagiliran. Lumuwag ang hawak nito kaya agad niyang tinaas ang braso nito upang makawala.
Hinarap niya ang lalaki. Napalaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ito. It was Nero.
Hindi niya magawang maaninag ang mukha nito dahil sa dilim pero ang postura ng lalaki ang nakakuha sa kaniyang atensyon.
Both of his arms were raised, palms facing each other just in line with his eyebrow. He was tilting his head slightly, so focused on his prey. His left foot forward, making him an orthodox fighter.
The Muay Thai stance.
How did he know about that?
Naputol ang pag-iisip ni Enigma nang magsimulang umatake ang lalaki. He was aggresively punching yet it was clean and swift. She couldn't find an opening so she couldn't do anything but to defend herself.
She ducked when Nero let out a right kick. The abdomen area was open. She didn't think twice and release a blow on Nero's stomach. Napaupo ito sa sahig dahil sa bigat ng kaniyang suntok.
Pinagmasdan niya ang lalaking nakahawak ngayon sa tiyan.
He has the perfect posture, but he's inexperienced.
Tumalikod na siya para magtungo sa bintana subalit hinablot ng lalaki ang kaniyang braso. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa sahig. Kaagad siyang dinaganan ni Nero at hinawakan ang magkabila niyang kamay.
Damn, kid.
She didn't stop moving while twisting her wrist, causing Nero's grip to loosen.
Nang makawala ang isang niyang kamay, inabot niya ang likod ng leeg nito. Naramdaman niya ang init sa balat ng lalaki kahit naka-glove siya. She rolled over while holding the guy's nape. Now, she was on top of Nero.
She punched his face using her knuckle. Napahawak ito sa ilong na natamaan. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para tumayo. Subalit nahablot ng lalaki ang tela na nakatakip sa kaniyang mukha dahilan para mapunit ito sa pagtayo niya. Hindi siya lumingon at dali-daling tumakbo papalapit sa bintana. Binuksan niya ang glass window at tumalon.
Landing, she rolled over the ground while cursing. Muntik na sana niyang malaman kung ano ang nasa likuran ng pader kung hindi lang dahil sa lalaki. Tsk.
Kaagad siyang tumakbo palayo, hindi nawawala sa isipan ang ginawa ni Nero kanina.
She roughly caressed her exposed cheek. Marahas niya ring tinanggal ang telang napunit na sa kaniyang mukha.
"Fucking piece of a person."
He wasn't just a prankster and a good observer. He could fight too. The more reason for Enigma to push Nero away. The guy was making her job harder. Bawat kilos na lang niya palagi itong nangingialam.
She gritted her teeth as she spent her night thinking of the man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top