Kabanata 8
"NERO?" tawag niya sa lalaki.
Nang hindi ito sumagot at nakatulog na, tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama at nagtungo palabas ng kuwarto. Nagbihis muna siya at dinala ang isa sa mga kagamitan niya bilang agent bago magtungo sa likod ng mansiyon.
Naabutan niya roon ang isang katawan na wala nang buhay. Nandilim ang kaniyang paningin habang naalala ang sinubukang gawin nito kanina.
"Voltor Alias from Impel Organization," saad ni Enigma habang tinatapakan ang ulo ng lalaki. Tumutulo sa gilid ng labi ang mga bula dahil sa kemikal na pinaputok niya sa bibig nito.
Pinaikot niya sa kamay ang toy gun na hawak. The toy gun that she used to kill the man who attempted to assassinate Nero.
Ang Impel Organization ay isang malaking underground organization. Palagi silang nangunguna pagdating sa illegal na trading, mapa-armas man ito o droga. Their organization were located outside of the country so it's funny to think that someone big sent an assassin to assassinate an unknown child of a bachelor.
Unless, they knew about Nero.
Kung natagalan pa siya kanina, siguro ay huli na siya. Thanks to her fingerboard, she was able to get to the mall and went home without riding the annoying toy bike. No way she would ride it. Not in her entire existence.
Enigma sense a presence coming from her direction. Ilang saglit pa, may lalaking dumating sa kaniyang harapan.
"Rogue." A man clothed into a fitted yet flexible black outfit, covering his entire body including his face, greeted him.
Tumango siya bilang sagot.
"I'll leave the body to you," she said.
"Voltor?" the man recognized the body lying on the ground.
"Yeah. Do you have a cigarette?"
May hinagis naman ang lalaki sa kaniya. A cigarette and a lighter. Napangiti siya at sinindihan ito. It had been a while since she last tasted nicotine.
"Hey, Seven. Isn't this enough evidence already? The assassination attempt of this man to the son of the bachelor clearly shows that their organization had to do something with the allegedly illegal activities of Engineer Pandora."
The Impel Organization was also one of the organization listed by the ACA to take down. Kasama rin ang Impel sa mga organisasyong posibleng konektado sa mga illegal na gawain ni Engineer Pandora. Nabasa niya ito sa impormasyon na binigay sa kaniya ni Commander X.
"But we still don't have a concrete evidence that will prove Engineer Pandora's illegal activity and involvement of the illegal trading. Voltor's assassination attempt is not enough."
Bumuntonghinga siya. He was right. Hindi niya puwedeng sabihin na dahil sa mga illegal na gawain ni Engineer Pandora kaya sumugod dito si Voltor. Posibleng may iba pa itong dahilan.
"I hope you will find the location of Engineer Pandora's production of explosives and gather evidences. We're counting on you, Rogue."
"Of course." She let out an amount of smoke. "Sayang din ang pera."
Tumalikod na siya at hinayaan ang lalaking kunin ang katawan ni Voltor. Bumalik na siya sa mansiyon. Tinapon niya muna ang cigarette bago tuluyang bumalik sa basement.
Naka-squat siya ngayon sa sahig habang kinakalikot ang loob ng kaniyang bag. Habang binabalik sa kinailaliman ang kaniyang toy gun, nagtaka siya dahil naging magulo ang kaniyang damit.
Shit. Pinakialaman ba 'to ng ibang mga maids?
Tinignan niya ang kaniyang mga kagamitan at may kulang. Nawawala ang isa niya pang toy gun.
"Fuck . . ." she cursed as she tried to look at the deepest part of her bag. Tinignan niya rin ang ilalim ng kama, pati na ang kaniyang unan at kumot pero wala siyang nakita.
Huminga siya nang malalim dahil nararamdaman na niya ang pagkainis. Sa lahat ng mawawala, 'yon pa. Ang toy gun na nawala ay kagaya ng hawak niya. The only difference was the chemical inside. The missing toy gun had bullets made of dry picric acid in small circular forms. Once that bullet of picric acid pulled out in a gun, it would cause an explosion to the target and its surroundings.
She made those specifically for big events that needed bigger destructions.
"Fuck again." Napahilamos siya sa kaniyang mukha.
Muli na sanang maghahanap si Enigma subalit hindi siya nakagalaw nang may matigas na bagay na itinutok sa likod ng kaniyang ulo. Nagtaasan ang balahibo niya sa leeg dahil ngayon lang niya naramdaman ang presensiya sa likuran.
"Who are you?" saad niya habang hindi pa rin gumagalaw.
Ilang saglit pa bago tinanggal nito ang pagkakatutok at tinapik ang kaniyang balikat. Kaagad siyang lumingon at handa nang atakihin ito subalit natigilan siya. Napaigtad din sa gulat ang lalaking may hawak ngayon sa kaniyang toy gun dahil sa biglaan niyang paglingon.
"Nero . . ." bulong niya sa pangalan.
Bahagya siya nitong sinapak sa braso dahil sa gulat.
Napakuyom ang kaniyang mga kamao habang pinagmamasdan ang lalaking natutuwa ang mukha habang nakatingin sa toy gun na hawak-hawak.
"Ikaw ba ang nangialam sa gamit ko?"
Tumango naman ang lalaki at iwinagayway pa ang hawak na toy gun, aliw na aliw at nagpapahiwatig na gusto nitong ibigay niya ang toy gun.
Mukhang wala itong alam sa kung anong kayang gawin ng laruan niya.
Bumuntonghininga naman siya. "Hindi ba natutulog ka na? Ba't ka nandito?"
Nagpalingon-lingon ito sa paligid at naghahanap ng puwede mapagsulatan. Nilapitan nito ang isang maid na natutulog at kinuha ang notebook at ballpen sa katabi nito. Nagsulat doon ang lalaki.
'I was. But then, I woke up and I didn't see you. So, I came here to find you. Pero hindi kita nakita.'
"Kaya 'yong gamit mo na lang pinakialaman ko?"
'I was just curious. And then, I saw this toy gun. It's cute. Can I have it?'
One corner of her lip twitched in annoyance. Pinakialaman nito because he was curious?! She almost died because of her own device. Isang kalabit lang ni Nero kanina paniguradong sasabog na bungo niya.
"Yeah. You can have it." Hindi niya binawi ang toy gun at hinayaan na lang ito sa lalaki.
It would be too silly for her now to get the toy gun back. The existence of the toy gun in her bag, which was unlikely for her personality, was already suspicious. Pagdududahan siya ni Nero kapag sinubukan niyang bawiin ito.
Kukunin na lang niya 'yon kapag nakakuha na siya ng tamang pagkakataon.
"Bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog ka na ulit. Matutulog na rin ako," saad niya at niligpit ang mga nakakalat niyang gamit.
Umupo na siya sa kama pero si Nero ay nakatayo pa rin sa harapan niya.
"Ano? Matulog ka na," sabi niya ulit, pinipigilang lakasan ang kaniyang boses. Nagpipigil pa siya sa kaniyang inis dahil sa ginawa ng lalaki.
'I can't sleep.'
"Again? Anong gusto mo, magkukuwento na naman ako?"
Tumango ito.
"Ang demanding mo ngayon, ah." Inis niyang winaksi ang kaniyang bangs at tumayo sa kama.
Akala niya'y maglalakad na ito palabas pero tinabing siya nito at ito ang humiga sa kaniyang kama.
"Wow . . ." Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa lalaking kinukumutan na ang sarili gamit ang kaniyang kumot.
Napapikit siya dahil nararamdaman na niya ang paglabas ng kaniyang ugat sa noo.
Oh, fucking patience. Be long enough to stop me from strangling this man to death.
For a second, she regretted saving Nero from the assassination earlier. Sana hinayaan niya na lang itong pugutan ng ulo para hindi na siya mabuwibuwisit pa.
Umupo na lang siya sa sahig dahil hindi naman sila magkakasya sa kama. She rested her head on the bedside and closed her eyes. Antok na antok na siya. Hinayaan niya ang sariling makatulog habang hindi pa rin nawawala sa isipan ang pagkainis sa lalaki.
This was getting out of hand. Nero had been invading her privacy and she didn't like where this might lead. The discovery of her toy gun made it worse. Once Nero pulled the trigger, it would all be over. She would likely gonna be revealed.
Napakuyom ang kaniyang kamao.
She would stop it. Whatever it takes.
Nagising si Enigma nang may maramdamang mainit na palad sa kaniyang pisngi. It was Nero's hand. Inalis niya ang pagkakahawak nito at nilingon ang lalaking natutulog pa rin sa kaniyang kama.
Pansin niya ring nakabalot na pala siya sa isang kumot.
"Wow, kahit papaano may konsensya ka pa rin pala," saad niya sa lalaki.
Inalis niya ang kumot at tumayo na. Binalik niya ang kumot sa lalaki at iniwan itong natutulog doon kasama ng ibang mga maids. Lumabas siya para maghilamos bago napagpasyahang magluto.
Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw pero hindi na naman siya makakatulog ulit kaya maghahanda na lang siya ng umagahan.
Ilang beses siyang humikab dahil kulang ang tulog niya. Ang sakit pa ng gilid ng leeg niya dahil sa postura niya kagabi sa pagtulog.
"Oh, Enisha."
Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Ang kanilang head maid na si Manang Peli ay naglakad palapit sa kaniya. Ito rin ang babaeng kumaladkad sa kaniya papasok ng mansiyon no'ng unang araw niya.
"Magandang umaga, manang."
"Damihan mo pa 'yang niluto mo. Magluto ka rin ng adobo dahil 'yon ang paborito ni Sir."
"Ni Nero?"
Umiling ito. "Si Sir Pandora."
Natigilan naman siya.
"Bibisita rito si Sir Pandora ngayon kaya kailangan nating maghanda. Kukumustahin niya raw ang pinsan niya."
Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Nga pala, hija. Ba't nandoon natutulog si Sir Nero sa kama mo?" taka nitong tanong sa kaniya.
Napansin niya ang makahulugan nitong tingin kaya mabilis na nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Mali po 'yang iniisip niyo. Walang namamagitan sa amin," diretsahan niyang sagot.
"Weh?" Nilapit pa nito ang mukha sa kaniya. "Alam ko naman, hija, na guwapo si Sir Nero at ikaw rin, maganda ka rin. At sa tingin ko naman, hindi nalalayo ang edad niyong dalawa kaya--"
"Oh, please, manang. Hindi ako interesado sa ganiyang bagay." Pera lang ang kaisa-isang gusto ni Enigma sa buhay niya.
Pero parang walaang narinig ang maid at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakakapagtaka rin, hija, dahil nakatagal ka rito. Mukhang maganda yata ang naging ugnayan niyo ni Sir Nero. Nako, kayong dalawa--"
"Bahala ka r'yan, manang. Basta hindi ako interesado sa lalaking may saltik sa ulo," sagot niya at pinagpatuloy na ang pagluluto.
Nagsidatingan na rin ang ibang maids. Tinulungan siya ng iba. Habang ang iba naman ay nasa iba't ibang parte ng mansiyon at naglilinis. Sa bawat maid na makakasalubong niya ay binibigyan siya ng mga kakaibang tingin.
Napairap na lang siya dahil alam na niya agad kung ano ang mga iniisip nila.
Nagtungo siya sa basement at pinuntahan ang lalaki. Nandoon pa rin ito at natutulog.
"Nero." Marahan niyang niyugyog ang balikat ng lalaki upang magising. "Nero, gumising ka na."
Ilang saglit pa bago gumalaw ang lalaki. Nilingon siya nito habang nakayakap sa kaniyang unan.
"Bumangon ka na at bumalik ka na sa kuwarto mo. Maghanda ka na rin dahil dadating si Sir Pandora."
Pagkatapos niya iyong sabihin ay mabilis na napabangon ang lalaki sa kama. Bakas sa mukha nito ang gulat at pagkataranta.
"Okay ka lang?" tanong niya sa biglaan nitong reaksyon.
Umiling naman ang lalaki dahilan para mapakunot ang kaniyang noo. Pansin niya rin ang pagkuyom sa mga kamao nito. Tumayo na si Nero at maglalakad na sana palabas pero bigla itong nawalan ng balanse kaya agad niya itong inalalayan.
"Careful," saad niya habang hawak ang braso nito.
Napahawak naman si Nero sa ulo at ilang beses na umiling na para bang tinatanggal ang pagkahilo nito. Tinanggal na nito ang pagkakahawak niya at muli nang naglakad. Siya naman ay pinagmamasdan lang ang likod ng lalaki habang tuluyan na itong nakalabas ng basement. Hawak-hawak pa rin nito sa kamay ang kaniyang toy gun.
Ang nangyari kagabi ay hudyat na hindi na siya puwedeng magpakampante sa lalaki. Una pa lang, kakaiba na ang naging dating nito sa kaniya.
She was being watched. But she would not be defeated.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top