Kabanata 4
MALALIM ang hiningang binitawan niya nang makaupo sa kama. Napairap pa siya dahil sa ingay sa kaniyang ibabaw. Ang double deck bed na gawa sa kahoy ay tumutunog na, halatang luma na ito.
Ang yaman-yaman pero hindi man lang makabili ng panibagong kama para sa mga maids.
Alas diyes na ng gabi at lahat ng mga katulog ay natutulog na. Siya na ng ang naiwang gising. Nagbihis muna siya ng damit pantulog bago mapagpasyahang lumabas ng basement.
Maingat na naglakad si Enigma sa pasilyo ng mansiyon. Nakapatay na ang ilaw kaya madilim ang paligid. Lumiko siya sa kanan upang iwasan ang CCTV na nakapaskil sa unahan at nasa bandang kaliwa.
May apat na sa CCTV lang ang mansiyon. Masyadong kaunti sa inaasahan niya. Isa sa basement, dalawa sa first at second floor at isa naman sa third floor.
Sinusulyapan ni Enigma ang mga nakasabit sa pader ng salas habang naglalakad pa rin. May mga frame na nakasabit subalit walang mga litrato. Masyadong tahimik ang mansiyon kapag gabi at nabibigyang buhay lang ito sa umaga.
She wanted to touch the frames and walls because she might find something valuable for her mission but not now. Hindi ito ang pakay niya ngayong gabi.
Nagtungo siya sa kusina. The L-shaped kitchen which was the loudest of all parts of the mansion became like a ghost town during the night.
Nilapitan niya ang kabinet na nasa ilalim lang ng lababo. Ang kabinet na nakakuha ng kaniyang atensyon ilang araw na. Kahit isang beses, hindi niya ito nakitang binuksan ng mga maids.
Lumuhod siya at hinawakan ang maliit nitong knob. Hinila niya ito para sana buksan pero napakatigas ng pinto. Ayaw mabuksan.
"Lintek."
Muli siyang humugot ng lakas at hinila ito ulit pero ayaw talaga. She sighed in annoyance and let go. Susubukan na niya sana ulit pero nakaramdam siya ng panlalamig sa kaniyang likuran.
Kaagad siyang lumingon at imbes na siya ang magulat, ang lalaking nasa likuran niya ang napaigtad.
Hawak-hawak ni Nero ang dibdib at masamang nakatingin sa kaniya. Bahagya pa nitong sinampal ang kaniyang braso. Nagulat niya yata ito sa kaniyang paglingon.
"Ano pong ginagawa niyo rito, Sir Nero?" kunot-noong tanong niya.
Nasa harapan niya lang ang lalaki at ilang sentimetro lang ang layo nila sa isa't isa. Hindi siya makapaniwalang hindi niya ito natunugan nang dumating.
Tinuro naman siya nito kaya tinuro niya rin ang sarili. "Tinatanong mo kung anong ginagawa ko rito?"
Tumango si Nero.
"I'm checking this cabinet. Ayaw kasing mabuksan." Mahina niyang sinipa ang kabinet.
She didn't bother to lie. Sinabi niya ang totoo dahil pakiramdam niya'y kapag nagsinungaling siya, malalaman nito ang pagkukubli niya.
Naglakad si Enigma papalapit sa isang pader katabi ng refrigerator kung saan naroroon ang switch. Binuksan niya ang ilaw at doon niya lang naaninag nang maigi ang mukha ng lalaki. Gulo-gulo ang maitim na maitim nitong buhok at hindi rin nakasara ang dalawang butones ng damit nito kaya kitang-kita niya ang dibdib ng lalaki.
His physique was definitely Enigma's type.
Tinaas nito ang isang kamay at umaktong umiinom.
Ah. He wanted to drink some water.
Siya na ang lumapit sa water dispenser, kumuha ng baso at pagkatapos lagyan ng tubig, binigay niya ito kay Nero.
Pero tinignan lang ito ng lalaki.
"Akala ko ba gusto niyong uminom ng tubig?"
Inirapan siya ng lalaki bago umiling. Wala itong dalang tablet kaya hindi ito makapagsulat. Tinuro nito ang isang bote na may lamang powdered milk.
"Ah. Gatas pala. Sorry po. Hindi po kasi obvious na umiinom ka pa pala ng gatas, bata," natatawa niyang sabi.
Maglalakad na sana siya para magtimpla ng gatas pero bigla siya nitong pinatid. Muntikan na siyang matumba at lalong muntikan na niyang mabitawan ang hawak-hawak na baso.
Inis niyang nilingon ang lalaki.
He sticked his tongue out before smirking at her.
Tsk. Damn kid.
Hindi na siya sumagot at nagtimpla na lang. Ilang minuto pa silang nagtagal sa kusina dahil hinihintay niya itong matapos uminom. Nakaupo siya sa upuan habang ang mga daliri ay tinatapik-tapik sa glass table.
Si Nero naman ay nasa kaniyang harapan at inuubos ang pangatlong baso ng gatas na tinimpla niya.
Oo, pangatlo. Kahit siya ay 'di makapaniwalang malakas pala itong tumungga ng gatas. Parang alak lang.
Binigay nito ang baso sa kaniya at sinenyasahan siyang magtimpla pa ulit.
"Seryoso ka? Isa pa?"
He nodded.
Nakanganga naman siyang tumayo at nagtimpla ulit ng gatas.
Nakasampung baso ito ng gatas bago mapagpasiyahang bumalik na ng kuwarto. Hinatid niya muna ito bago siya nagtungo sa basement at saka natulog na.
Damn. She wasn't able to find out what was inside the cabinet.
---
MORNING came and it had already became her routine to be greeted with Nero's pranks. Some she avoided and some she allowed herself to get hit purposely.
"Linisin mo ang kuwarto ko. Ilagay mo ro'n ang mga laruan," basa niya sa nakasulat sa tablet. Tinuro ni Nero ang malaking basket na katabi ng kama nito.
Pagkatapos siya nitong utusan ay bumalik na ito sa ginagawang pag-eensayo. He wasn't wearing anything on top and only his pants.
Lumapit si Enigma sa malaking basket at kinuha ito. Habang kinukuha niya ang mga laruan na nakakalat sa sahig, abala rin siyang iwasan ang mga patibong na nakapaloob doon. Bukod sa pag-iwas, sinusulyapan niya rin ang lalaki.
Habang tinitingnan niya itong mag-push up, naglalaro sa isipan niya ang nangyari kagabi. Hindi niya ito natunugan nang dumating. Napansin din ni Enigma na maingat ang mga galaw nito. Kagaya na lang ngayon, walang kahit anong tunog ng malalim na hininga na lumalabas sa bibig ng lalaki habang nag-eensayo.
All her attention were focused on Nero but it looked like she needed to be one more closer. May kakaiba siyang nararamdaman para sa lalaki. Isang pakiramdam na hindi niya dapat palampasin.
Natapos na niyang linisin ang kuwarto ng lalaki. Labis ang tuwa niya nang makitang hindi na ito magulo at masakit sa matang tignan. Binuksan niya rin ang kurtinang nakatakip sa bintana upang pumasok ang sinag ng araw.
Naupo siya sa upuan na nasa gilid ng mahabang sofa at pinagmasdan ang lalaking abala pa rin sa pag-eensayo. This time, he was doing curl-ups.
"Ang ganda po ng katawan niyo," komento niya kay Nero na nasa harapan lang niya.
Napatigil naman ito at napatingin sa kaniya. Ilang saglit pa, inirapan siya ng lalaki at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa.
"Wala ka na po bang iuutos sa akin?"
Hindi siya nito pinansin.
"I guess, wala na."
Tatayo na sana siya para lumabas na ng kuwarto pero bigla nitong hinawakan ang kaniyang pulso.
"Bakit po, sir?" Nilingon niya ito.
Ginawa nitong suporta ang kaniyang braso upang hilahin ang sarili nito patayo. Napaangat ang kaniyang tingin dahil sa tangkad ng lalaki.
Nakatitig lang ito sa kaniya at hindi gumalaw kaya napataas ang kaniyang kilay.
Natulala na yata 'to sa kagandahan ko.
Magsasalita na sana siya pero bigla nitong tinanggal ang hair clip sa kaniyang buhok. Ang maputi niyang buhok na nakatali, ngayon ay nakalugay na. Gamit ang hair clip, winaksi ng lalaki ang kaniyang bangs na tumatakip sa kaniyang noo.
"Ano pong trip niyo?" tanong niya. One corner of her lips twitched because of annoyance.
Ayaw na ayaw niyang hinahawakan ang kaniyang buhok ng kahit na sino, lalo na't kung pawisan pa ito.
Naglakad si Nero papunta sa kaniyang likuran kaya sinundan niya ito ng tingin. Kinuha nito ang tablet sa kama at may sinulat. Kasabay ng pagharap nito, ang pagbasa niya rin sa nakasulat.
'Don't tie your hair. You look more of a white lady if you let your hair down.'
"Ha-ha." Pekeng tawa niya at inis na tinignan ang lalaking nakangisi na sa kaniya nang nakakaloko.
"Nagagandahan ka lang po sa akin, 'no?" saad niya upang ikubli ang pagkainis sa lalaki.
Umakto itong nasusuka. The same expression he did when she first ride with his teasing.
'Dito ka lang. Huwag ka munang lumabas until lunch time.'
"Okay po." Muli siyang umupo at sinandal ang ulo sa likod ng upuan.
Pinikit niya ang mga mata at nag-recall testing sa kaniyang utak. Gawain na niya talaga ito kahit no'ng nag-aaral pa siya. Araw-araw niya itong ginagawa upang hindi makalimutan ang mga bagay na natutunan niya. Nagamit niya rin ito sa pagiging agent. Dahil dito, naging matalas ang kaniyang memorya at hindi siya nahihirapang alalahanin ang mga impormasyong nakuha pati na ang mga maliliit na detalye ng mga pangyayari sa araw-araw.
Malapit na siyang mag-isang linggo sa mansiyon. Magmula no'ng makapasok siya ay hindi niya pa nakikita ang labas. Nasa loob lang siya ng mansiyon na para bang nakakulong.
"Sir Nero, wala ka po bang planong lumabas man lang?" tanong niya.
Nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang tingin. Nakatingin din pala ang lalaki sa kaniya. Nakapagbihis na ito at nakaupo sa kama.
"Do you want to go to the mall?" dagdag niya. "Hindi ka po ba na-bo-bore na nandito ka lang sa loob? Dapat lumabas ka rin paminsan-minsan."
'Huwag mo 'kong utusan. Katulong ka lang dito.'
Edi, hindi.
"Okay po." Hindi na niya pinilit pa ang lalaki dahil hindi niya ugaling mamilit ng tao.
Kung ayaw nito, edi huwag. Hindi na niya 'yon problema.
---
DUMATING ang gabi at papunta ngayon si Enigma sa kuwarto ng lalaki upang dalhan ng hapunan. Alas nuwebe na at pangatlong beses na niya itong dinalhan ng hapunan. Ang dalawang nauna ay tinapon lang ng lalaki dahil wala raw ito sa mood na kumain. Bumalik na lang daw siya maya maya.
At ito na nga siya, dinadalhan na naman ulit ng pagkain ang amo niyang may saltik sa ulo.
She knocked on the door, but she didn't received any banging sound from the other side. Nakaawang din ang pinto kaya napagpasyahan na lang niyang pumasok.
"Sir Nero, ito na po ang hapunan niyo." Nilapitan niya ang lalaki na nakahiga sa kama.
"Tsk. Tulog ka na pala," saad niya nang makita ang mukha nito. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang pamumuo ng pawis sa noo ng lalaki. Malakas naman ang air conditioner kaya bakit ito nilalamig?
Nilagay niya ang tray ng pagkain sa ibabaw ng drawer na nasa tabi nito at umupo sa kama. Gamit ang kamay, pinahid niya ang mga butil ng pawis sa noo ng lalaki.
Napaigtad si Enigma nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay. Akala niya'y nagising niya ang lalaki subalit may bigla na lang tumulo na luha sa mga mata nito.
He was still asleep. His lips were trembling as he whimpered.
"What are you dreaming?" Pinahid niya ang mga luha nito gamit ang isang kamay.
Hindi pa rin siya binibitawan ng lalaki kaya hinayaan niya na lang muna ito. Hinaplos niya ang malambot at may pagkakurbang mga buhok hanggang sa tumahan.
He really did resemble the bachelor except for his hair and eyes. Pinagmasdan niya ang lalaki habang iniisip ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Bakit tumatakbo ang lalaki palayo sa mansiyon at bakit napunta na ang lalaki sa lugar na ito?
Anong nangyari sa araw na iyon?
As she thought of those questions, she wasn't able to realize that she was already caressing his cheek.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top