Kabanata 25
MULING pumasok si Enigma sa loob ng mansiyon at hinanap ang bachelor. Kinuha niya ang toy gun sa kaniyang holster habang inaakyat ang second floor.
Nasulyapan ng kaniyang mga mata ang isang pigura ng lalaki na naka-wheel chair. Napangisi siya nang madilim nang makilala ito. Binilisan niya pa ang pag-akyat at sinalubong ito.
"Hi, Alex." She stopped the wheelchair with her feet.
Napalaki ang mga mata nito nang makita siya. Napunta ang tingin nito sa hawak niyang toy gun. Kaagad itong natawa.
"Are you playing with me?" nanunuya nitong sagot. "Buti naman at bumalik ka. You know, I still want to see you."
Ginantihan niya ito ng isang ngiti. "Of course, I will come back. After all, may atraso ka pa sa akin."
"Ikaw ang may atraso sa akin! Nang dahil sa 'yo hindi ako makalakad!"
"Nang dahil din sa 'yo, hindi makalakad si Nero ngayon." Nawala ang mapaglaro niyang ngiti sa mga labi. One corner of her lips twitched in annoyance as she was reminded by that day when Nero was hit by a spear.
Tinutok niya sa noo nito ang toy gun. "Now, suffer."
Tumawa naman ito. "You'll use that toy?"
She nodded. "It's a new model I made . . . and you will be its first victim." She pulled the trigger. Dumikit sa noo ng lalaki ang isang malagkit na likido.
"Ha! What is this?" natatawa pa nitong sabi pero ilang segundo ang lumipas, dahan-dahan ding nawala ang ngiti nito.
Nagsimulang maglabas ng usok ang likido at unti-unti nitong niluluto ang balat ni Alex.
Muling umakyat ang ngiti sa mga labi ni Enigma nang marinig itong sumigaw. Lumayo siya sa lalaki at pinanood itong magdusa sa hapdi. Natataranta nitong pinagpag ang likido gamit ang mga kamay pero dumikit lang din ito sa mga palad.
Isang maliit na tawa ang tumakas sa kaniyang bibig nang matumba ang wheelchair nito sa kakalikot. Pinutukan niya pa ang ibang parte ng katawan ng lalaki. Nalusaw ang damit nito dahilan para dumikit ito sa balat.
"Kawawa ka naman." Nilampasan na niya ang lalaki at naglakad na patungong third floor.
Paakyat na siya sa hagdan pero napatigil siya. Sinulyapan niya muna si Alex na ngayo'y hindi na humihinga. Hindi na rin makikilala pa ang mukha nito dahil sa sunog nitong mga balat.
"Deserve mo 'yan."
Nagpatuloy na siya sa pag-akyat. Nahagip ng kaniyang mga mata ang bachelor na patakbong umakyat papuntang third floor. Sinundan niya ito. Pumasok ang lalaki sa kuwarto kung saan niya kinuha si Nero kanina.
He must be looking for his son.
Mabilis siyang naglakad papunta ng kuwarto. Pumasok siya at itinuon ang baril kay Engineer Pandora na lalabas na sana.
"We meet again, engineer," nakangisi niyang bati.
Nagliyab ang mga mata nito sa galit. Bumabakat sa noo nito ang ugat habang ang mga kamao ay mariing nakakuyom.
"How dare you break off our deal!"
"What deal?" maang-maangan niya. "Ah. Iyon bang one billion? Sorry, nakalimutan kong sabihin sa 'yo. Nakuha na pala ng agency ang evidences."
"You piece of a bitch." Aabutin na sana ni Engineer Pandora ang baril nito sa bulsa ngunit naunahan niya ito. Pinaputukan niya ang braso ng lalaki. Natunaw ang manggas dahilan para dumikit sa kamay nito ang likidong pinutok ng kaniyang toy gun.
"Ah!" Umalingawngaw ang sigaw ni Engineer Pandora dahil sa hapdi.
Sinipa niya ang lalaki sa dibdib dahilan para mawala ito sa balanse at bumangga ang likuran sa paanan ng kama. Napaubo ito pero hindi natigil ang sigaw. Pinagpag nito ang likido gamit ang isang kamay ngunit kagaya ng nangyari kay Alex, dumikit lang din ito kaya lalong nataranta ang bachelor.
Lumapit siya rito at kinuha ang baril. "If you're worried about your son, he's safe with me."
Sinubukan siyang sipain ng bachelor pero walang hirap niya lang itong iniwasan.
"I suggest you won't move too much para hindi kumalat ang kemikal sa katawan mo. Bilin pa naman ni Nero na huwag kitang patayin."
Natigil naman si Engineer Pandora sa paggalaw pagkatapos marinig ang huli niyang mga kataga. A surge of emotion crossed his eyes. He looked vulnerable, his eyes were watery like he'd cry any minute. Punong-puno ng panlulumo ang mukha nito.
"How did you betray me? I have your evidence. Hindi pa ba sapat ang one billion na binigay ko? Why didn't you just leave us? Bakit ka pa bumalik?!" nangangalaiti nitong sigaw.
"The phone is useless because the evidences are already been reported to the agency. Sapat naman ang one billion but I can earn more than that if I'll stay sa agency. Although labas na ako rito dahil hindi na ito kasama pa sa misyon ko pero kailangan ko kayong balikan kasi jojowain ko pa ang anak mo." Ngumisi siya.
He was taken aback. "W-what the hell are you talking about?"
"Mahal kasi ako ng anak mo." Tumawa siya nang malakas sabay palakpak habang si Engineer Pandora naman ay nakatulalang nakatingin sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig.
"Huwag kang mag-alala, aalagan ko naman ang anak mo, father-in-law," panunukso niya kaya lalo pang nalukot ang mukha ng bachelor.
"You're not the type of woman I want for my son!"
"And you're also not the father Nero wants."
Muling natahimik si Engineer Pandora.
"You traumatized him. You killed his mother in front of him. What makes you think that Nero will prefer to live with a man like you?" Sa pagkakataong ito, seryoso siya.
Naglakad siya papalipit sa drawer at kinuha ang dalawa niyang toy gun. Nahagip din ng kaniyang paningin ang brown stuff toy na nasa kama. Kinuha niya iyon bago bumalik sa harapan ng bachelor.
Umupo siya sa sahig. Nakayuko ngayon ang bachelor kaya hindi niya makita ang pagmumukha nito.
"Sumuko ka na at huwag ka nang gumawa pa ng kalokohan. Baka sakaling mapatawad ka pa ni Nero."
"Is what you said true?" mahina nitong tanong.
"Ang alin?"
"That he wants me to be captured alive?"
"Yeah. See that? He still cares for you kaya ayusin mo na buhay mo."
Inangat nito ang tingin at napunta ang atensyon sa brown na stuff toy. Punong-puno ng lungkot ang mga mata ni Engineer Pandora.
"You want this?" Nilagay niya sa lap nito ang stuff toy.
Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata nito at dahan-dahang niyakap ang stuff toy. Hindi nito mahawakan nang maayos sa isang kamay ang stuff toy dahil sunog na ang palad nito.
"T-this is from my wife--no, we didn't even wed," kuwento nito. Magsasalita pa sana itong muli pero pinigilan niya.
"Nako, wala akong planong makinig sa love story niyo. Kung gusto mo, doon ka na lang sa presinto mag-story telling." Tumayo na siya nang makarinig ng mga yabag na papalapit sa kanila.
Nandito na ang mga sundalong pumasok kanina at kaagad pinalibutan si Engineer Pandora. Hindi na ito makakatakas pa.
Finally.
Tumalikod na siya at lalabas na sana pero napabalik ang kaniyang tingin sa bachelor nang may hinablot ito sa ilalim ng kama.
A Nitrobomb.
"You will not catch me! Go to hell with me!"
Dali-dali siyang tumakbo papalapit upang pigilan si Engineer Pandora na ihagis ang bomba. Nahawakan niya ang pulso nito subalit nabitawan na ng lalaki ang Nitrobomb. Tumilapon ito sa sahig malapit sa bintana ng kuwarto.
Shit.
---
NERO was carried by a huge man. Nakarating na sila sa labas ng gate kung saan maraming sasakyan ang nakaparada. The medical team immediately greeted him with a moving bed.
Nilapag siya ng lalaki sa kama. Walang emosyon ang mga mata nitong tinignan siya.
"Enigma said the bachelor will not hurt you pero bakit parang mukha nang mummy ang mukha mo?" the guy said and sighed.
Napakunot ang noo niya hindi dahil sa sinabi nito kundi sa tono ng pananalita. He expected a cold tone because of his strict face, but his voice were full of emotion. Malumanay ang boses nito.
"Doc, okay lang ba 'to?" tanong pa nito sa medical team na umaasikaso na sa kaniya.
"He has fatigue and lacking with nourishment and fluid, but he will be fine."
"Bakit hindi niyo pa nilalagyan ng dextrose ang batang ito? 'Di ba nilalagyan niyo 'yan ng dextrose pati na rin 'yong parang kulay ng ihi na tubig," sagot naman nito. Walang emosyon ang mukha ngunit punong-puno ng pag-aalala ang boses.
"Wait lang po kayo, sir. Ayaw sa pag una-una. Kumalma po muna tayo," (Huwag niyo po muna kaming pangunahan.) the doctor replied calmly.
"Ay, sorry naman, doc."
Napalingon siya sa kaniyang kanang kamay na nagsimula nang turukan ng karayom kung saan ikokonekta ang dextrose. May isa ring nurse na tinatanggal ang bandage sa kaniyang paa at nilinis ang kaniyang sugat.
"S-sir?" tawag niya sa lalaki.
Nilingon naman siya nito. "Yes? Do you need something? Just say it and I'll get it for you in a flash."
"W-will they . . ." Napalunok muna siya. He couldn't construct a sentence without pausing. "Enigma," sabi niya na lang, umaasahang mauunawan ng lalaki ang nais niyang iparating.
Kumunot naman ang noo nito. Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot.
"Ah, yes. Don't worry. She will be fine."
Napatanag naman siya sa sinabi nito. Binalik nito ang tingin sa mansiyon kaya napalingon din siya ro'n. Hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa loob, pero sana nga, kagaya ng sinabi nito ay okay lang si Enigma.
At pati na rin ang kaniyang ama.
Kahit abot-langit ang galit niya rito, ayaw niyang makitang wala ng buhay ang ama.
Isang malaking pagsabog ang nanggaling sa mansiyon dahilan para mapaigtad siya. Lumikha rin ito ng pagyanig sa buong paligid.
Dali-dali siyang napabangon ngunit pinigilan siya ng mga nurse.
"En . . ." Namuo ang mga luha sa mga mata niya nang mawasak ang kabilang parte ng mansiyon. Nilingon niya ang lalaki habang abot-abot na ang kaba.
"Sir!" Hinawakan niya ang braso nito bilang suporta. Gusto niyang puntahan si Enigma. Gusto niyang bumaba ngayon sa kama subalit ayaw siyang bitawan ng mga nurse.
"Manatili ka lang dito, bata," sagot nito sa kaniya. "Masamang damo si Enigma kaya hindi iyon basta-basta mamamatay." Inalis nito ang kaniyang pagkakahawak at naglakad papasok ng mansiyon. Hinawakan nito ang earpiece sa tainga na para bang may kinakausap, subalit hindi niya magawang marinig dahil malayo na ang lalaki.
Hindi na niya napigilan pa ang sarili na umiyak habang walang tigil ang puso niyang tumibok nang mabilis. Ilang beses na siyang nanalangin sa kaniyang isipan na sana, sana okay lang si Enigma. Na sana hindi ito nasaktan. Na sana hindi ito nasawi sa bomba.
Muli niyang nakita ang lalaki na naglalakad na papalapit sa kanila. Nakangiti ito sa kaniya. Ilang sandali pa, sumunod sa likuran nito ang mga sundalo na hawak-hawak ang ama. Nakaposas ang mga kamay nito.
Napahinga siya nang maluwag nang makita itong buhay.
Hinanap ng mga mata niya si Enigma. Dahan-dahan siyang napangiti nang makita itong kumakaway sa kaniya at kaagad na tumakbo papalapit sa kaniya.
"En!"
Sinalubong siya ng yakap ng babae. Tuluyan siyang kumalma nang maramdaman ang init nito.
"Wew. Muntikan na 'yon. Akala ko mamatay na ako. Wala pa man din akong katabing pera," natatawang sabi ni Enigma.
"W-what happened?"
"Your Dad has a Nitrobomb. He threw it to us." Humiwalay ito sa yakap. "But thankfully, one soldier immediately threw the Nitrobomb out of the window before it exploded. Even though it was thrown, the impact is still big and the mansion is still affected."
Dumaan sa gilid nila si Engineer Pandora. Nagsalubong ang kanilang tingin ng ama. Bago pa ito pumasok sa sasakyan na magdadala sa presinto, tumigil muna ito sa paglalakad.
Hinagis nito sa kaniya ang dala-dalang stuff toy. Ang stuff toy na binigay ng kaniyang ina.
"I was true to you the whole time. Those times that we were still happy, not once I faked my happiness to you and your mom," he said and went inside the car.
---
wintertelle's note: Epilogue na bukas. See 'ya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top