Kabanata 20

PINAGMASDAN niya ang walang buhay na maid. Malapit na niyang matapos ang kaniyang misyon. Kaunti na lang at makababalik na siya sa dati niyang pamumuhay.

Naglakad siya papunta sa lababo. Napunta ang tingin niya sa kabinet na hindi mabuksan-buksan ngunit nakaawang ito ngayon.

Hinila niya pabukas ang pinto at sumalubong sa kaniya ang iba't ibang armas. Dito rin siguro kumuha ng baril ang head maid. Tsk.

Kinuhanan niya ito ng litrato.

Pagkatapos, kumuha siya ng first aid kit at nagtungo na pabalik sa kuwarto ni Nero. Naabutan niya ang lalaki na nakaupo pa rin sa kama. Nang makita siya nito ay kaagad itong naglakad papalapit sa kaniya.

"Nero--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong yakapin.

Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg habang humihikbi. Nalilito si Enigma kung anong gagawin niya. She was hesitating to hug him back, but when she felt his tears on her neck, she decided to wrap around his arms.

Hinahagod niya ang likuran nito upang mapatahan ang lalaki.

"Were you scared?"  bulong niya.

Tumango naman si Nero. "You . . . t-they said . . . dead."

"I won't be killed by the likes of them." She patted his head. "Thank you for calling me, Nero."

Humiwalay ito sa kaniya. Inagaw nito sa kaniyang kamay ang first aid kit at hinila siya papunta ng kama. Pinaupo siya nito.

"What are you doing?" Nagtaka naman siya.

Binuksan nito ang first aid kid, kumuha ng alcohol at binudbod sa cotton. Marahang pinahid ng lalaki sa kaniyang noo ang cotton upang tanggalin ang dugong nakakapit sa kaniyang mukha.

Natigilan siya pero agad ding napatawa nang mahina. She brought the first aid kit to clean his wound and not the other around, but this man just proceed to clean her face while still looking at her with worry.

"Wow, Nero. Masiyado ka naman yatang nag-aalala sa akin." Ngumisi siya pero agad na pinagsisihan dahilan kumirot ang kaniyang pisngi.

Mabilis namang tumango si Nero.

Muli siyang nagulat.

Whoa. Himala yata at hindi ito nagsusungit sa kaniya ngayon. Akala niya pa naman iirapan na naman siya nito.

"Aw." Bahagya siyang napalayo dahil sa hapdi ng alcohol sa kaniyang labi.

"S-sorry," paumanhin nito.

"Do you like me this much?" pang-aasar niya.

Inasahan niyang titigil ito sa ginagawa at iirap sa kaniya pero muli na naman siyang natigilan nang tumango ang lalaki. Nagitla si Enigma at hindi nakagalaw. Nag-loading sa kaniyang isipan ang ginawa nito.

"Why are not denying it? Ganito ka ba natakot at umaamin ka na sa akin?"

Muli itong tumango.

Napataas ang dalawa niyang kilay at manghang tinignan ang lalaki. Hindi siya makapaniwala. She already knew that Nero liked her because it was obvious, but seeing that the man didn't deny made her speechless.

Isang minutong katahimikan ang namayani sa kanila bago siya humalakhak. Napapalakpak pa siya habang nakatingin pa rin kay Nero na abalang gamutin ang kaniyang sugat.

"D-don't move," sabi nito at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

Hindi siya nakinig at tumayo. Hinila niya ito upang ito ang maupo sa kama. Tinulak niya ito upang humiga.

"Let me." Inagaw niya sa kamay ang alcohol at umupo sa tabi nito.

"En--"

"Ssh. I can handle myself."

Hindi na naman pumalag ang lalaki at hinayaan siyang gamutin ang sugat nito sa mukha. Nakahawak ang kamay nito sa kaniyang damit. Pumipikit ang mga mata nito, halatang pagod at gustong magpahinga. Inalis niya rin ang mga natitirang luha na tumakas sa mga mata nito kanina.

"Sleep," saad niya pagkatapos niyang gamutin ang sugat nito.

Naglakad siya sa kabilang side ng bed kung saan naroroon si Alex na nakahilata sa sahig. Tinutok niya sa mga paa ang baril at kakalabitin na sana nang mapansing nakatingin si Nero.

"Look away." She didn't want to add another trauma to Nero.

Sinunod naman iyon ng lalaki at tumingin sa kabilang direksyon. Napatakip pa ito sa tainga kahit na may silencer naman ang kaniyang baril.

Pinaputukan na niya ang mga paa ni Alex upang 'di ito makalakad. She didn't need to inject those needles anymore. Nagtatalo ang isipan niya kung dapat na ba nilang buksan ang kabilang kuwarto dahil alam niyang papunta na rito si Engineer Pandora.

I want to take a bath first.

And Nero was still resting.

Lumabas siya ng kuwarto at pumunta ng basement. Kinuha niya ang kaniyang mga gamit at dinala sa kuwarto ni Nero. Naligo muna siya at ginamot ang kaniyang sugat. Pagkatapos, nagtungo siya sa kusina upang magluto dahil gutom na gutom na siya.

Nandoon pa rin ang katawan ng maid pero wala siyang pakialam. She would leave the cleaning to Seven later.

Tapos na siyang kumain at bumalik na sa kuwarto ng lalaki. Tinabihan niya ang natutulog na Nero. Ginawa niyang unan ang stufftoy nito habang nag-iisip sa mga posibleng mangyari bukas o sa mga sumunod na araw. O baka mamaya makarating na ang bachelor.

The time to get to Butuan from Manila in a plane would only take more than an hour. Kaya bago pa makarating ang bachelor, kailangan na nilang buksan ang room. Kapag nangyari 'yon, matatapos na rin ang misyon niya. Her task was to only gather evidence for the illegal doings of Engineer Pandora and the rest would be the ACA's job.

Puwede na siyang umalis dito pagkatapos. And, of course, she'd bring the man sleeping beside her with her.

Napatingin siya sa gawi nito nang pinulupot nito ang braso sa kaniyang tiyan at humiga sa kaniyang balikat.

"En."

"What?"

"S-scary."

"Who? Me?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.

Tumango ang lalaki at tinignan siya. "Alex . . . bleeding."

"Tsk. Ba't mo kasi sinilip?"

Hindi ito sumagot at nanatili lang nakatingin sa kaniya. She, also, didn't hesitate to meet his gaze. Napunta ang tingin nito sa kaniyang mga labi kaya kaagad siyang napailing.

"No kissing. Masakit labi ko."

Pumutok ang labi niya dahil sa mga sampal na natamo niya mula sa kaniyang senior. Kahit nga pagsasalita, humahapdi ito. Kaunting galaw, pakiramdam niya'y mawawasak ang labi niya.

"You also hurt your lips." Turo niya sa labi nito.

Sumimangot naman ito at sinubsob ang mukha sa kaniyang leeg.

"Aw!" Tinulak niya ang lalaki nang kagatin nito ang kaniyang balat. "Ano ba!"

He just groaned and snuggled his face on her neck again. Niyakap niya lang din ang lalaki at pinaglaruan ang tainga nito.

"En."

"Oh?"

"You . . . like me?"

Napatigil naman siya sa pagkurot sa tainga nito. She never once thought about that question. Does she like him? Well, she never liked someone before so she didn't know what kind of feeling a person could feel when falling in love. She only cared for money. While love, not once in her life she thought of experiencing that.

"I don't know," she replied and pinched his ear again.

Inangat naman nito ang tingin sa kaniya. "You like me."

"I don't know nga."

"You!" Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya at tinuro siya. "Like me."

Napataas ang isa niyang kilay. "Desisyon ka? Hindi ko nga alam!"

"But . . . you k-kiss me," nakasimangot nitong sagot sa kaniya.

Pansin ni Enigma na nag-improve na ang pananalita nito. He rarely stutter and he could talk more longer.

"I have kissed a lot of people way before you." Nagkibit-balikat siya. "It's not new to me. Take Alex for example."

Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Nero. Ang kaninang nakasimangot ay mas lalo pang nalukot ang mukha. Nagsalubong ang dalawang kilay nito. Kinurot nito ang kaniyang labi dahilan para mapasigaw siya.

"Fuck!" Winaksi niya ang kamay nito at inis na tinignan ang lalaki. "Tinupak ka na naman."

Inirapan siya ni Nero at umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Tumalikod ito at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi kita susuyuin," sabi niya.

Tinapon naman ng lalaki ang unan sa kaniyang mukha.

"Grabe ka na. May pagamot-gamot ka pang nalalaman kanina tapos ito ka ngayon, hindi ka man lang ba maaawa sa maganda kong mukha?" Niyakap niya ang unan habang nakatingin kay Nero na nakatalikod pa rin sa kaniya.

Humarap ito sa kaniya. "Bakit k-ka . . . na lang mukhang pera?"

Napatawa naman siya sa tanong nito. "'Cause money is everything. Duh! Lahat makukuha mo kapag may pera ka lang."

"Really?"

"Yup. Anyway, magpahinga ka na."

"Your parents?"

"Hmm? Are you trying to know me more?"

Tumango naman ito.

Tsk. Iba talaga tama nito sa 'kin.

"I don't have parents. I don't know my mom and dad. I was an orphan. I grew up in a poor orphanage. So poor that we can't even eat three times a day."

Bakas sa mga mata ni Nero ang gulat, halatang hindi inaasahan ang sagot niya. Well, who wouldn't? There was no trace in her looks that she was once a poor woman. Lahat ng gusto niya dati bilang isang bata ay hindi niya nakuha. Kahit isang simpleng laruan man lang, wala dahil wala siyang pera.

The poverty made her like this. She hated experiencing that kind of life again. She promised herself that she would always give the best and most expensive things for herself one day when she would get to have a lot of money.

"Shocking ba? Anyway, magpahinga ka na. Kung ayaw mong matulog, then, let's open the room now. Your father might show up any moment."

Hindi naman sumagot si Nero. Napunta na naman ang tingin nito sa kaniyang labi.

"Ano? Gusto mo talaga akong i-kiss?"

"I . . . like you."

"I know."

"Kiss me."

"Masakit nga labi ko."

"Kiss me."

Napairap siya. Inalis niya ang unan at hinila palapit ang lalaki. It was only supposed to be a quick kiss, but Nero immediately kissed her back and didn't let her go.

Napapikit siya at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. Small groans let out from her mouth as she felt the pain in her lips.

"You spoiled brat," she said in between their kisses.

Naramdaman niya ang kamay ni Nero sa ilalim ng kaniyang damit, papunta ito sa kaniyang dibdib. Nero deepened the kiss as he unhooked her bra and started playing with her breast.

A moan came out from her mouth and pressed her body on his.

Bumaba ang mga halik nito at napunta sa kaniyang leeg.

Napamura siya sa kaniyang isipan dahil hindi dapat ganito ang ginagawa nila ngayon. The time was ticking, and they needed to open the room. They needed to prioritize other things.

"N-nero . . ." Napakagat siya sa kaniyang labi at muling napapikit dahil gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kaniya.

Fuck priority at this point, she was already losing herself. His deep kisses on her neck, and his warm big hand on her breast were making her crazy.

"Damn," napamura siya nang tuluyan siyang daganan ng lalaki. She removed his shirt as he undressed her too. Dumikit ang mga balat nila sa isa't isa. Ramdam na ramdam niya ang init sa buo nitong katawan.

"En--"

"Fuck you both! Fuck you! Fuck you!"

Napatigil silang dalawa nang biglang marinig ang boses ni Alex. Sigaw ito nang sigaw, nangangalaiti sa sakit dahil sa natamong sugat sa mga paa na binaril niya kanina.

Hindi iyon pinansin ni Nero at muli na sana siyang hahalikan pero pinigilan niya ito. Dahil sa sigaw ni Alex, bumalik na siya sa katinuan.

"Stop. This is not the right time for this."

Sinamangutan siya nito at umirap.

"Tsk." Umalis ito sa pagkakadagan sa kaniya at muling nagtalukbong ng kumot habang nakatalikod.

"Wow. Tampo ka na naman." Bumangon siya sa kama at sinuot ang kaniyang damit. Tumayo na siya at muling nilingon si Nero na nakatalikod pa rin.

"Hindi kita susuyuin, ah? Bahala ka r'yan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top