Kabanata 17

NAKARATING na si Nero sa mansiyon. Pagkatapos niyang mag-park sa garahe, nilagay niya muna sa kaniyang braso ang belt na binigay ni Enigma sa kaniya. Tinakpan niya ito gamit ang manggas ng kaniyang black polo. Lumabas na siya at kinarga si Alex. Habang karga-karga sa likuran, hawak niya rin sa kamay ang kaniyang tablet.

Sinalubong siya ni Manang Peli. Gulat ang mga mata nito nang makitang may kasama siyang ibang tao at hindi si Enigma.

"Sir Nero, sino 'yang dala mo?" Lumapit ito sa kaniya.

Hindi siya makapagsulat sa tablet dahil abala siyang kargahin ang hindi gumagalaw na Alex.

"Kumusta po pala ang pagpunta niyo sa hotel? Kaibigan niyo po ba itong kasama niyo?"

Tumango naman siya at naglakad na papasok. Sumunod naman sa kaniya ang head maid hanggang makarating sa harapan ng kuwarto. Pinagbuksan siya nito.

"Okay lang po ba 'tong kaibigan niyo?" Tinakpan ni Manang Peli ang ilong dahil sa tapang ng amoy ng alak na nagmumula kay Alex.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok at nilagay sa sofa ang lalaki.

"Nasaan pala si Enisha?" tanong nito habang nasa pintuan.

Nagsulat siya.

'I ordered her to buy more milk. She'll be here soon.'

"Sige po, Sir Nero. Maghahanda po ba ako ng lunch niyo o hihintayin niyo si Enisha?" Napakunot ang noo ni Nero bigla itong ngumiti nang nakakaloko sa kaniya. Tumaas-baba pa ang kilay nito.

'You can bring me lunch.'

"Sige po."

Umalis na ito. Sinarado na niya ang pinto at l-in-ock. Nagtungo siya sa kaniyang kama at humiga. Napunta ang tingin niya sa pader kung saan naroroon ang passcode.

Gusto na niyang buksan ito pero hihintayin niya muna si Enigma na makabalik. He couldn't help but to think of her situation. She's an agent so maybe she could handle it herself. Kaya rin siguro hindi siya pinasama nito dahil baka maging sagabal lang siya.

But still. He was worried. What if something would happen? And he wouldn't be there to do anything.

He couldn't afford to be helpless again just like how his mother was taken away by death in front of his eyes.

Inalis niya sa isipan ang imahe ng ina bago pa siya magkaroon ng panic attack at lumabas ng kuwarto. Iniwan niyang mag-isa si Alex at nagtungo sa kusina.

Nagluluto ang head maid ng kaniyang tanghalian. Pansin niyang wala siyang nakitang ibang mga maids kaya nagtanong siya.

Kinalabit niya ang head maid. Napaigtad naman ito, halatang 'di napansin ang kaniyang pagdating.

"May kailangan ka po ba, Sir?"

He wrote in his tablet. 'Where are the other maids?'

"Naka-leave po, Sir."

'They just took their vacation, and now they are on leave?'

"Iyon po utos ni Sir Pandora, e."

He just shrugged and got a glass of water. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng dalawang pack ng fresh milk bago nagtungo pabalik ng kaniyang kuwarto. Nandoon pa rin si Alex na nakahiga at hindi magawang makagalaw.

Tinungga niya ang fresh milk habang nakasandal ang kaniyang likuran sa headboard ng kama. Nilagay niya sa kaniyang lap ang brown na stuff toy na palagi niyang katabi at pinatong doon ang tablet.

Naglaro muna siya.

He was busy slicing the fruits popping in the screen when a knock from the door caught his attention. He paused the game and went to the door.

Kinuha niya ang tray ng pagkain na dinala ni Manang Peli at bumalik sa kama.

Habang kumakain siya, maya't maya niyang sinusulyapan si Alex. Simula pa kaninang umaga, wala pang kain ang lalaki. Well, it wasn't like he cared. He wouldn't be able to chew the food if he'd try feeding him, anyway.

Tinusok niya ang isang piraso ng karneng baboy at nilamon ito. Muli siyang naglaro sa kaniyang tablet.

Wala siyang ibang ginawa buong maghapon kundi ang maglaro at humilata sa kama. He couldn't count the times he glanced on the door waiting for Enigma to knock, but evening already came and the woman didn't return.

Nagsimula na siyang mabahala.

She said 'see you later.' How long her later is?

Humiga siya kama at nagtalukbong sa kumot nang magsimula nang pumasok ang mga 'di kanais-nais na pangyayari sa kaniyang utak. What if she was caught? What if she was tortured? What if she was shot?

But she can fight. She's a wise woman. She couldn't just be defeated easily.

Pinikit na lang niya ang mga mata upang matulog na.

Paggising niya, tinignan niya ang oras sa kaniyang tablet. It's 7:01 AM in the morning. Enigma should have serve him his breakfast. Bumangon siya at naghintay na kumatok.

Kaagad siyang napatakbo papalapit sa pintuan nang may kumatok at binuksan ito. Nakangiti niyang sinalubong ang babae pero mabilis ding nawala.

It wasn't Enigma.

"Ito na po ang agahan niyo, Sir," saad ng head maid sa kaniya at inabot ang tray.

Tinanggap naman niya iyon at sinara na ang pinto. Napabuntonghininga siya.

"Hey, Nero."

Nilingon niya si Alex. Nakakapagsalita na ito.

Naglakad siya papalapit sa lalaki. Nilagay niya muna ang tray sa sahig bago tinanggal sa braso ang belt na binigay ni Enigma.

Kukuha na sana siya ng karayom pero naalala niya ang sinabi ng babae.

Right. Gloves.

Lumabas siya ng kuwarto, pumunta ng kusina at kumuha ng gloves. Pagbalik niya, kumuha siya ng isang karayom. Limang karayom na lang ang natitira.

"Wait! Wait! Stop!" pigil ni Alex.

Hindi naman siya nakinig at tinurok sa leeg nito ang karayom. Nang hindi na muling nagsalita ang lalaki, tinanggal niya ang karayom at tinapon sa basurahan.

Kumain na siya ng agahan.

Just like yesterday, he waited for Enigma. Naisipan niya ring tawagan ang babae pero mahigpit nitong sinabi na tawagan lang daw ito kapag may nangyari hindi maganda.

Another evening came and Enigma still didn't came back.

What's taking her so long?

Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa labas ng mansiyon. Naghintay siya sa labas ng gate. Pinagsabihan pa siya ng guwardiya na bumalik sa loob pero hindi siya nakinig.

There was a part of him that was wanting to go back to the hotel. He wanted to see her. Hindi siya mapapakali hangga't hindi niya makikita si Enigma.

"Sir, lumalalim na po ang gabi. Bumalik na po kayo sa loob," said the guard.

He checked the time on his tablet and it's already 10 P.M. Tatlong oras na siyang naghihintay sa labas.

Bagsak ang balikat niyang naglakad pabalik ng mansiyon. Hindi pa siya naghahapunan at kumululo na ang tiyan sa gutom. Nang makapasok, tinungo niya agad ang kusina. Umaasa siyang may pagkain na nakahain sa lamesa pero wala. Hinanap niya rin si Manang Peli pero hindi niya makita. Nagpunta na rin siya sa basement pero wala pa rin.

Bumalik na lang siya sa kaniyang kuwarto. Hahawakan na niya sana ang door knob subalit napatigil siya.

Kaagad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang makitang nakaawang ito. Ni-lock niya ito kanina. Bakit nakabukas ito ngayon?

Dali-dali niyang tinulak pabukas ang pinto. Napamura siya at muntik nang mabitawan ang tablet nang wala na si Alex sa sofa. Hinalughog niya ang buong parte ng kaniyang kuwarto pero wala ang lalaki.

How did he escape? He can't even move.

Unless someone carried him away. Muli siyang lumabas at tinungo ang lahat ng floor ng mansiyon upang hanapin ang lalaki. Sila lang tatlo ni Alex at Manang Peli ang nandito ngayon sa mansiyon. May nakapasok bang iba?

Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ni Enigma dati.

Someone wanted to assassinate him. What if they sent another member?

Napahigpit ang hawak niya sa tablet. Nagsimula na ring tumibok nang mabilis ang kaniyang puso. Napasok na niya lahat ng kuwarto ng mansiyon pero hindi niya pa rin nakita si Alex.

"Sir Nero?"

Napalingon siya nang may tumawag sa kaniya. Nasa third floor siya ng mansiyon. It was the head maid.

"Ano pong ginagawa niyo rito?"

'I'm looking for my friend. Have you seen him?'

"Ah. Nandoon po siya sa kusina, kumakain."

Napakunot ang kaniyang noo matapos iyong sabihin ni Manang Peli.

Kumakain? He can't even move. How is that possible?

Hindi siya sumagot at naglakad pababa. Tinungo niya ang direksyon ng kusina pero wala siyang Alex na nakita. Did the head maid lie to him?

Aalis na sana siya pero biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Huwag kang gumalaw."

Nabato siya sa kinatatayuan nang may matigas na bagay na nakatutok sa likod ng kaniyang ulo. Sa likuran niya nanggaling ang boses. Ang boses ng head maid.

Inagaw nito sa kaniyang kamay ang tablet at sinipa ang kaniyang tuhod dahilan para mapaluhod siya.

Kaagad siyang lumingon para sipain ang babae subalit may nakatutok na agad na baril sa kaniyang noo. Nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita itong ngumisi.

"Don't try something funny, Sir Nero."

Hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan si Manang Peli. Nalilito siya. Bakit may hawak itong baril? At bakit ito nakatutok sa kaniya?

Bigla nitong hinawakan ang sariling mukha. Nagitla siya nang hinila nito ang balat. Natanggal ang kulubot nitong mukha, sunod ang ilong, labi, mga kilay at pati na ang may uban na nitong buhok.

The face he had been seeing for three years was only a silicon mask.

Bumungad sa kaniyang harapan ang may katandaan pa rin na babae subalit hindi pa sobrang halata ang kulubot nitong mukha. Isang mukha na ngayon niya lang nakita.

"Your father is correct. You will likely gonna try something that will not make him happy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top