Kabanata 16

BAGO umalis sina Nero at Alex, kinuha niya muna ang tablet nito at tinipa ang kaniyang numero.

"If anything happens, call me in this number." Binalik niya kay Nero ang tablet at pinakita ang kaniyang cellphone. "I modified this phone mainly for obtaining and automatic sending of information, and to get an emergency notification. The screen of this phone will turn on if you call me, but there will be no answer button, so don't expect me to answer, okay? I repeat, call me only when something happens."

Tumango naman si Nero. Lumabas na ito habang karga-karga si Alex. Siya naman ay nagtungo papunta sa kuwarto nila ni Nero. Nilabas niya ang mga equipment kung ano ang puwede niyang dalhin mamaya sa laboratory.

I need a lab gown.

Lumabas siya ng hotel upang bumili ng laboratory gown and mask. Ginamit niya ang pera ni Alex. Hindi siya nakatiis at bumili rin ng panibagong pares ng sapatos nang may matipuhan siya. Pagbalik niya sa hotel, sinuot na niya ang kaniyang laboratory gown.

Ngumiti siya sa harap ng salamin. Naalala niya ang mga araw na sa laboratory lang siya palaging nananatili. Na-miss niya rin magsuot ng laboratory gown.

Nilagay niya sa bulsa ng kaniyang gown ang cellphone. Sa bulsa naman ng kaniyang jeans ang fingerboard at toy gun.

She combed her hair and styled it into a bun. Sinuot niya na rin ang mask at nagtungo na papunta sa 10th floor.

Nasa loob ng bulsa ng gown ang kaniyang mga kamay habang naglalakad sa daang dinaanan nila ni Nero kanina. Wala pa ring pinagbago at tahimik pa rin ang buong paligid. Nakarating na siya sa kuwarto kung saan naroroon ang facility.

Tinulak na niya pabukas ang pinto.

She expected to be greeted by flask, test tubes and beakers and the smell of chemicals but it was just a normal room with a king size bed.

Did I get into a wrong room? Or did Nero mess up?

Naglakad siya papalapit sa kama pero kaagad na napatigil nang may maramdamng paparating. Lumingon siya sa pader na nasa kanan kung saan may pinto.

Tinanggal niya ang isang kamay sa bulsa ng gown at dahan-dahang hinawakan ang kaniyang toy gun. She prepared herself in case it would turn out something not really great.

Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang dalawang lalaking nakasuot ng kagaya sa kaniya. Both in their 30s.

"May I know who you are?" saad ng isa na marami nang uban ang buhok.

Kaagad niyang tinanggal ang pagkakahawak sa toy gun at binababa ang mask na nakatakip sa kaniyang mukha.

She smiled without showing her teeth. "I am a new worker here. I just got hired today. Nice meeting you."

Tinignan naman siya ng dalawa mula ulo hanggang paa. Kumunot ang mga noo nito at tinignan ang pinto kung saan siya dumaan.

"Why did you enter in that door if you are a new worker?" asked the shorter one with a mole on his forehead.

"And we weren't notified with a newcomer," said the one with white hair.

Her lips twitched for a second. What would she say? Nero mentioned earlier that the workers had other ways to get inside the lab. The path she took was what the bachelor used.

It looked like they had a strict rule for newcomers.

"Am I not allowed to enter from that door? Engineer Pandora told me to get inside that door though." Nagkibit-balikat siya at muling pinasok ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang gown.

Kita niya ang kung paano lumaki ang mga mata nito sa gulat. "Engineer Pandora sent you?"

"Yes."

"Oh." Nagkatinginan ang dalawa. Ilang saglit pa, nagsalita ang maliit sa kanila. "Sorry for the sudden questions. We just find it weird that Engineer Pandora sent someone without giving the usual path. Anyway, this way, miss." Tumalikod na ang dalawa sa kaniya.

"No worries," nakangiti niyang sagot. "I'm kind of special kasi," dagdag niya pa bago sumunod sa dalawa na pumasok na sa pinto kung saan lumabas kanina.

Isang madilim na kuwarto ang dinaanan nila. May dalang flashlight ang dalawa. Habang siya naman na nasa likuran ay pasimpleng tinaas mula sa bulsa ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa.

"What do you specialized in, miss?"

"Nuclear chemistry."

Tumigil sila sa harap ng isang pinto. Binuksan iyon ng lalaking may puting buhok. Nasilaw si Enigma sa liwanag na nagmumula sa loob pero agad ding napangisi nang makita ang laboratory. All the walls were painted with white, a good view for her to reminisce the old times.

Oh, she missed the smell of working in the laboratory so much.

Tinakpan na niya ulit ang kaniyang bibig ng mask habang hindi inaalis ang tingin sa mga nakapatong sa laboratory tables.

Mayroong iba pang mga workers ang nandoon at abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Mukha lang itong normal na laboratory at walang pagkakaiba maliban sa bagay na kanilang binubuo.

Napatingin ang iba sa kanilang pagdating pero agad ding binalik sa mga sariling ginagawa.

"Oh, by the way, I'm Ethan Hermes." Nilingon siya ng maliit at nagpakilala. "And you are?"

"Call me Hekate." Tinanggap niya ang kamay nito.

Magpapakilala na rin sana ang isa subalit may nagsalita.

"Enigma?"

Napatingin siya sa lalaking naglalakad papalapit sa kanila. The corners of her lips twitched in annoyance when she recognized the man.

It was her senior when she was still working as a chemist. Ang senior niyang palagi siyang inuutusan kahit na break time niya. Umakyat ang inis niya nang makita ang kulubot nitong mukha.

"Senior! I didn't expect to see you here." Peke siyang ngumiti.

Nginitian din siya nito pabalik. "So, do I."

"Looks like you two knew each other. I shall leave her to you then, Lester," sabi ng maliit. Nagpalitan muna ng makahulugang tingin ang dalawa bago naglakad papunta sa sariling station si Ethan. Sumunod din ang isa.

"Kumusta ka na, Hekate? Ang tagal din nating hindi nagkita. Bigla ka na lang nag-quit at hindi ka na nagparamdam." Sinenyasahan siya nitong sumunod sa kaniya. Mukhang i-to-tour siya ng lalaki sa buong laboratory.

"Okay lang naman. Still doing lab stuffs and dito na nga rin ako napunta." Sinusulyapan niya ang mga ginagawa ng ibang workers.

Napunta ang tingin niya sa isang petri dish na may lamang white powder. Sa katabi no'n ay isang maliit na bola ng basketball. Mukha siyang laruan pero kung titingnan nang maigi, ipininta lang ang mga linya nitong itim.

"Really?" Nilingon siya ni Lester at tinaasan ng kilay. "Where were you in those three years? At bakit ngayon ka lang lumabas ulit?"

"Curious, huh?" She chuckled. "Like I told you, I'm still doing lab stuffs. Someone reached out to me saying they'll pay me more than the minimum wage, so I quit and accepted the offer. Later on, I received another offer with a higher payment, so I quit again and accepted this offer."

"So it's just all about money?"

"Of course. Ikaw rin naman siguro. Iyan din ang dahilan kung bakit ka nandito." Ngumisi siya sa ilalim ng kaniyang mask. "Even knowing that this place is an illegal production."

Her senior chuckled this time and turned his back. "Money controls people, I guess."

Hindi na siya magtataka pa kung pinili ng kaniyang senior na magtrabaho rito dahil kagaya niya rin, mukha rin itong pera. They were both willing to sacrifice everything just for the sake of money.

But there was one thing that differs between them.

"So? When are you going to explain the things I need to do?"

Pinasadahan muna siya nito ng tingin bago naglakad papalapit sa isang table kung saan naroroon ang bola na tinignan niya kanina. Kinuha iyon ng lalaki.

"This is what we are going to make. A Nitrobomb." Inikot-ikot nito sa kamay ang bola. Muli itong naglakad kaya sumunod siya. Muli niyang tinaas mula sa bulsa ang cellphone, tama lang para mailabas ang camera, at kinuhanan ng litrato ang bawat lab tables na madadaanan nila.

Pumasok sila sa isang kuwarto. Napataas ang dalawang kilay ni Enigma nang makita ang balde-baldeng mga Nitrobomb. Ito yata ang storage room.

Lumapit siya doon at kumuha ng isa. "This is made from what?"

"Glyceryl Trinitrate. Modified to look like a basketball toy for easier transaction." Nasa gilid niya si Lester habang nagsasalita. "The inside of this bomb has two side. The other one with Glyceryl Trinitrate, and the other one has the lighter mechanism. You only need to throw it. And when it hits a hard surface, the lighter will generate heat and when it heated the nitroglycerin, it will explode."

"Hmm. I see." Napangisi siya habang hindi inaalis ang tingin sa Nitrobomb.

Kaya pala walang fuse ang bomba.

"Ito lang ba?"

"We still have other explosives but nasa ibang laboratories na," sagot nito sa kaniya.

Napatango naman siya. It looked like hindi lang dito sa Butuan may production si Engineer Pandora. But it wasn't necessary for her to take them all. This was enough. She had already took an evidence in her phone. Once they arrested the bachelor, it would also be the end for his other productions.

"And this bomb will be transported to?"

"The Impel Organization and Z market."

Muli siyang napangisi sa ilalim ng kaniyang mask. The two underground groups that the agency had been eyeing. Pinasok niya ang isang kamay sa bulsa. She clicked the power button of her cellphone, which functioned as an off and on for recording audios.

"Come with me, Hekate. I'm going to assign you to your station."

Binalik na niya ang Nitrobomb sa basket at sumunod kay Lester. Pinagmasdan niya ang isang kamay nito na nasa loob ng bulsa ng coat. Napasingkit ang kaniyang mga mata sa tela na gumagalaw, mukhang may kinuha ito sa bulsa pero hindi niya ito magawang makita dahil hindi pa nito inilabas ang kamay.

Hindi maganda ang kutob niya.

Dumoble ang pagdududa niya ng mapansing panay ang sulyap ng ibang mga worker sa kaniya habang naglalakad siya.

Nagtungo sila sa ikatlong table na may nakahilirang petri dishes.

"Your task is to fill these with those powders. Make sure they have the same amount, okay?"

Tinignan niya naman ang coloring powder. "Ito lang gagawin ko?" she said, disappointed.

"For now. Iyan muna."

Pumunta si Lester sa kaniyang likuran. Hindi niya ito nilingon at nagpanggap na aabutin ang isang pack ng coloring powder. She felt movements behind her back and not less than a second, she felt a thin object injected in her neck.

Napadaing siya. "Wha--" Fluids flowed inside her skin.

Dahan-dahang nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at braso. Pinikit niya ang mga mata habang tuluyan nang bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top