Kabanata 14

TINAPON ni Enigma ang sarili sa malambot na kama. Kararating lang nila sa resort at nandito sila sa isa sa mga VIP room ng hotel.

"I don't wanna get up," she mumbled as she buried her face on the soft pillow.

Sinulyapan niya si Nero na nasa katabing kama. Abala itong kinakalikot ang tablet kaya pinabayaan niya muna ito at pumikit muna siya sandali. Iidlip sana siya pero naramdaman niya sa kanan na may lumipad papunta sa kaniya.

Sinalo niya ito gamit ang kamay. Inis niyang tinignan ang lalaki na binato siya ng tsinelas.

"Ano na naman problema mo?"

Lumapit si Nero sa kaniya at patalon na tumuntong sa kaniyang kama. Pinakita nito ang laman ng kaniyang tablet.

Napangisi si Enigma nang makita ito. Ka-chat ni Nero si Alex Alcado.

Alex Alcado:
It's been a while, Nero. I'm on my way in your room. Let me, at least, greet you, personally.

Si Enigma ang sumagot at nag-reply ng 'okay'. Dali-dali siyang bumangon sa kama at binuksan ang kaniyang bag. Kinuha niya ang red lipstick at nilagyan ang kaniyang labi. Nilugay niya rin ang naka-clip niyang buhok.

Hinubad niya ang kaniyang white t-shirt at ang tube lang ang kaniyang iniwan. Tinanggal niya rin sa kaniyang tiyan ang belt na may mga karayom at lumapit kay Nero.

"Hawakan mo muna 'to. Make sure not to touch the needles."

Inabot ni Nero ang belt na hindi tumitingin sa kaniya.

Napangisi siya.

"Tignan mo 'ko. Ang ganda ko, 'di ba?" She was wearing  a black tube and black high-waisted jean. Kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan. Bumabakat din ang 11 line abs dulot ng pag-eensayo niya bilang agent.

Nero glanced at her, but it didn't last a second before he looked away. He gave her a thumbs up.

Ngingiti na sana siya pero bigla nitong tinuro pababa ang daliri kaya napasimangot siya.

"Denial ka pa," bulong niya sabay irap.

Nakarinig sila ng doorbell kaya dali-daling tinungo ni Enigma ang pinto at siya ang nagbukas.

Bumungad ang mukha ni Alex Alcado na halatang 'di inaasahan ang nakita. Kaagad siyang tinignan nito mula ulo hanggang paa.

"Hi, do you need something?" she said while giving him her sweetest smile.

"Ahm. I think I reached the wrong room." Alex Alcado said while still checking her out. "I was greeted by a beautiful woman though."

Mahina namam siyang tumawa at winaksi ang kaniyang buhok papunta sa likuran upang ipakita ang maganda niyang balikat. "I know I'm beautiful."

She didn't dare to break the eye contact and stared at the man. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "It's also a pleasure for me to be greeted by a gorgeous man like you."

Ngumisi ang lalaki at lumapit din sa kaniya. Kaunti na lang at magdidikit na ang kanilang katawan. Napangisi si Enigma. She was about to touch his eyeglasses when a hand suddenly pulled her arm.

Napaatras siya. Napamura siya sa kaniyang isipan at inis na nilingon ang humila sa kaniya.

"Oh, Nero," Alex said. "I thought I was in the wrong room. You should've told me may kasama ka pa lang magandang babae. Is she your girlfriend?"

Sinulyapan pa siya ni Alex bago binalik ang tingin kay Nero.

Umiling naman si Nero dahilan para mapangiti nang malawak si Alex. "That's great. Anyway, kumusta ka na?"

Binitawan siya ni Nero at nagsulat sa tablet.

'I'm fine.'

Nagulat naman si Alex. "Why are you writing in your tablet? Do you not want to talk to me?"

Enigma's eyebrow twitched in curiosity. Mukhang wala yatang alam si Alex Alcado sa nangyari kay Nero.

'Sore throat.'

"Oh, okay. So, do you want to hang out later? Let's have a drink in the bar." Binaling ni Alex Ang tingin sa kaniya. He winked at her. "You can come too, sweetheart."

"I will," sagot niya at ginantihan ang kindat nito ng kaniyang mapang-akit na ngiti.

"Great. I'll see you later at 9 P.M."

Umalis na si Alex Alcado.

Naglakad na rin si Nero papunta sa kama kaya sumunod naman siya pagkatapos isara ang pinto.

"Ang pangit naman ng timing mo. I was ready to score, you know."

Nilingon namam siya ni Nero at salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya.

"Oh, selos ka naman agad. Trabaho 'to Nero, ano ka ba. Isipin mo na lang ang magiging reward nito after. Once we get Alex, we will be able to open that room."

'I'm not jealous!"

"Yeah, whatever," sagot niya lang at humilata ng kama.

Maaga pa naman kaya tatambay muna sila sa kuwarto.

"Close ba kayo ni Alex?" tanong niya kay Nero at nilingon ang lalaki habang yakap-yakap ang unan.

'No, but we do talk sometimes when Mom was still around.'

"Does he know you're the son of the bachelor?"

'No.'

"Hmm. I see."

Even Engineer Pandora's system engineer didn't know about Nero's real identity. Mukhang walang pinagsabihan si Engineer Pandora kahit pa mga kasamahan nito.

Dumating ang gabi kaya naghanda na rin sila. Or rather, siya lang talaga. Sinuot niya ang red blackless fitted dress niya. Kinuha niya rin kay Nero ang belt na may needles at nilagay ito sa kaniyang leg para mas madali niya itong makuha mamaya.

She didn't put too much make-up, but enough to showcase her sexy and fierce look. Hinayaan niya ring ilugay ang kaniyang buhok. Paulit-ulit niyang sinuklay ang kaniyang bangs upang masigurong perfect na perfect ito.

"En," tawag ni Nero sa kaniya na kanina pa naghihintay sa pintuan. Nakasandal ito habang nakabusangot siyang pinagmamasdan.

"Wait lang." Sinuot na niya ang kaniyang stilleto. Tinignan niya muna ang kaniyang labi at siniguradong pulang-pula ito bago tuluyang lumabas kasama si Nero.

Sinukbit niya ang kamay sa mga braso ng lalaki at sabay silang naglakad patungo sa bar.

"Hey!" they were greeted by Alex.

Lumapit sila sa kinaroroonan ng lalaki at kaagad na umupo sa pabilog na couch. Mag-isa lang ang lalaki kaya umupo siya sa tabi nito. Si Nero naman ay nasa katapat nila.

"Hi," she said. Dinikit niya ang sarili sa lalaki, siniguradong magkakatagpi ang kanilang mga paa.

"Hey, sweetheart." Naramdaman niya ang kamay nitong pumulupot sa kaniyang baywang.

Kahit na ayaw niyang hinahawakan siya ng kahit na sino lalo na't sa mga lalaking 'di niya gusto, tiniis niya 'yon at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"You smell good," bulong nito sa kaniyang tainga kaya mahina siyang napatawa.

Binulungan niya rin ito. "I love your smell, too."

"Really?" Pinagmasdan siya ng lalaki. Malapit lang ang mukha nila sa isa't isa at naamoy niya ang amoy alak nitong bibig.

Napunta ang tingin nito sa kaniyang mga labi kaya ngumiti siya. She slid her fingers on his lap.

"Why are you looking at my lips?" she asked while still meeting his gaze.

Humigpit naman ang hawak ng lalaki sa kaniyang baywang. "It looks good, love."

"You look good, too, mister." Nilapit niya pa lalo ang kaniyang mukha at tinitigan din ang mga labi ng lalaki. She looked at him as if she wanted him.

"What's your name?"

"Enisha."

"So, Enisha." He touched her chin and whispered on her ear. "Want to go to another place?"

Pilit niyang pinigilan ang madilim na ngiti na unti-unting kumakawala sa kaniyang labi.

"Sure."

Tumayo si Alex. "Ah, Nero, can I borrow her for a while?"

Tinignan niya si Nero. Hindi ito nakatingin kay Alex at nakatitig lang sa kaniya. Hindi ito nakangiti. Madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

Umiwas ng tingin si Nero bago tumango.

Jealous Nero again, huh?

Napangisi siya sa kaniyang isipan habang naglalakad na patungo sa kuwarto ni Alex. Hawak-hawak nito ang kaniyang baywang at dinidikit ang katawan nito sa kaniya.

"How come I didn't know a woman like you exists in this place?" sabi nito matapos buksan ang pinto.

"I don't go out much." Hinarap niya ang lalaki nang makapasok sila. Pinaglaruan niya ang neck tie nito. "Why? Am I too mesmerizing?"

She pressed her body on his. Mabilis namang pinulot ng lalaki ang mga kamay sa kaniyang likuran. Naramdaman niya ang init ng palad nito sa kaniyang likod.

"Gosh. You're so gorgeous." His voice was hoarse.

She slightly bit her lips and touched the man's cheek. Hinaplos din nito ang kaniyang pisngi hanggang sa makarating sa kaniyang mga labi.

She bit the tip of his finger and kissed it. She stared at him while still kissing his hand.

"Damn, sweetheart." Hindi na nito napigilan ang sarili at hinalikan siya.

Kaagad niyang tinugon ang halik nito. Pinulupot niya ang isang braso sa leeg nito habang ang isa naman ay tinatanggal ang butones ng kaniyang polo.

"Hmm . . ." Binuhat siya ng lalaki papunta sa kama. Naupo siya sa lap ng lalaki habang nakasandal ito sa headboard.

"You're so good, sweetheart," he said in between in their kisses.

Nagsimula nang maglakbay ang kamay nito sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan kaya bago pa nito mahawakan ang kaliwa niyang paa, inalis niya ang nakapulupot niyang kamay at hinila pataas ang hapit niyang dress.

Nahawakan niya ang kaniyang belt. Diniinan niya pa ang paghalik sa lalaki habang may hawak na sang matulis na karayom.

"I am the best," sagot niya at kaagad na tinarak sa leeg ng lalaki ang karayom.

Doon lang siya tuluyang napangiti nang matigilan ang lalaki. Humiwalay siya sa halik at pinagmasdan ang lalaking gulat na nakatingin sa kaniya.

Kinapa nito ang leeg at kaagad na napasigaw nang matamaan ng kamay ang nakatusok na karayom.

"You bitch--" Tinakpan niya ang bibig nito at pabagsak na inihiga ang lalaki.

Tinarak niya pa ang ibang karayom sa leeg hanggang sa pisngi nito. Nagpumiglas si Alex at sinubukan abutin siya pero huli na dahil umepekto na ang paralysis na dulot ng karayom na tinusok niya. Her needles weren't just normal needles. She sprinkled chemicals through those metals.

"I am a bitch . . . for money." She smirked as the man was unable to move. "Now, accept this." Isang malakas na sampal ang binigay niya sa lalaki. Tumilapon ang eye glasses nito. "You dare kiss my precious lips. Argh. Men like you are not my type."

Umalis siya sa ibabaw nito at bumababa ng kama. Hawak niya sa kamay ang belt habang inaayos ang dulo ng kaniyang damit na natupi. Kinarga niya ang lalaki at nilagay isang sulok katabi ng drawer.

Muli siyang napangisi nang makita ang kaawa-awa nitong mukha. Masama ang tingin nito sa kaniya pero wala man lang itong magawa. Hula niya'y minumura na siya nito sa isipan.

Nagtungo siya sa pinto na nakasara para lumabas at puntahan si Nero pero pagbukas niya nakita niya agad ang lalaki na nakatayo sa pintuan. Kung madilim na ang mga tingin nito kanina, mas lalo pa ito ngayon.

Lumapit ito sa kaniya.

"Oh, Nero. Nandito ka naman agad. Pupun--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang hawakan ni Nero ang kaniyang baba. His thumb were roughly touching her lips.

Umiigting ang panga nito habang nakahawak sa labi niyang nagkawatak na ang lipstick dahil sa paghalik ni Alex kanina.

"Did you . . . k-kiss?"

"You're jealous again. It's just part of the job," she said while smiling at him. "Look, oh, hindi na siya nakagagalaw." Turo niya sa lalaking nakahiga sa kaliwang bahagi ng kuwarto.

Pero hindi man lang nilingon ni Nero at nanatili sa kaniya ang mga tingin nito. Hinapit nito ang kaniyang baywang kaya nagulat siya.

"Whoa, chill," natatawa niyang sabi. Bago pa siya makapagsalita ulit ay sinunggaban na Nero ang kaniyang mga labi.

He was mad and Enigma could feel it through his kisses. He was biting every corner of her lips. His hand pressing tightly on her waist like it wanted to break her.

She smiled while still feeling Nero's lips on her.

Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito. Tinugon niya ang bawat halik nito habang hinihila ang buhok ng lalaki. Pakiramdam niya'y mababaliw na siya. Damn. Why is it always feel different when it comes to Nero?

"You are so jealous," she said as she encircled her leg on his waist. He carried her to the bed.

Binuhat na siya kanina papunta sa kama kanina pero ito ang nagustuhan niya. His hands were hot on her skin. Hiniga siya nito. Hinayaan niyang pumaibabaw sa kaniya ang lalaki habang ang leeg naman niya ang pinagdiskitahan nito.

Napapikit siya dahil sa init ng mga labi nito.

Fuck it.

She couldn't deny that she liked what he was doing.

"How can you do this to me, hmm . . ." She let out a moan while sliding her hand on his back.

Biglang tumigil si Nero sa ginagawa.

Nagtaka siya. "Why did you stop?"

Matapos ang ilang segundo, bigla nitong siniksik ang mukha sa kaniyang leeg at niyakap siya.

"What? Are you being shy now?" Kunot-noo niyang tanong. Nanatili pa rin si Nero sa kaniyang ibabaw.

Napahinga siya nang malalim upang pigilan ang inis na kumakawala sa kaniyang pakiramdam. She was already enjoying it, but the damn man suddenly just stopped in the middle and now acting shy.

Lintek at pabitin pa nga.

"Looks like you have calmed down." Napairap siya. "Seloso mo naman kasi masiyado."

"En . . ."

"Oh?"

Hinigpitan nito ang pagkakayakap. "M-mine."

Napataas naman ang kaniyang kilay. Ilang saglit ay napatawa siya. Hinaplos niya ang buhok ng lalaki habang nakangiti pa rin.

"So you finally admit that you like me, huh?"

"Mine."

"Gusto mo nga ako?"

"Mine."

"Tangina nito. Puro ka mine. Tinatanong kita kung gusto mo ako, ayaw mo pa talagang um-oo." Niyakap niya si Nero at tumagilid. "Huwag ka nang sumagot at matulog ka na. Pabitin ka."

Hindi nga ito sumagot at nanatili lang nakayakap sa kaniya hanggang sa makatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top