Kabanata 10

THE next day, Enigma wasn't able to sleep. All of her attention was diverted to the man. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at bumangon na sa kama nang pumatak ang kamay ng orasan sa numerong apat.

Nag-iimpake rin ang mga maids dahil may isang linggo silang bakasyon.

Sinabihan din siya ng head maid na puwede rin siyang magbakasyon subalit humindi siya. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon, hinding-hindi siya aayaw. Kung wala lang siyang inaabangan na mangyayari ngayong araw, kanina pa siyang ala-una ng madaling araw umalis.

But no. The seed she planted had grown. And this day would be the right time for her to harvest.

Whatever it takes, Nero. You will not beat me.

Nagluto na siya nang umagahan. Nagtimpla ng gatas at pagkatapos nagtungo sa kuwarto ng kaniyang amo.

Paniguradong nagkapasa ang mukha nito.

She knocked the door, and he immediately responded. Tinulak na niya ito pabukas.

"Good morning," she said. She refused to use her usual smile as she greeted Nero because she knew that it was now useless to fool the man anymore.

Naglakad siya papalapit sa kama kung saan nakahiga ang lalaki. Namumula ang mukha nito. Balot na balot ang katawan sa kumot at nanginginig sa ginaw. Bakas din ang pangingitim sa pagitan ng ilong at pisngi nito dahil sa pagkakasuntok niya kagabi.

Nilagay niya ang tray sa kama.

"You're sick," saad niya at hindi na nag-atubili pang hawakan ang noo nito. "Your face is even swollen. What happened to you?"

Tinitigan lang siya Nero at hindi gumalaw. Hindi nito inabot ang tablet. Kung literal na nakamamatay ang tingin, kanina pa siya nakahilata sa sahig dahil sa dilim na binibigay ni Nero.

"Galit ka ba sa akin?" she asked, eyes trying to look questionable. Nais niyang magmukhang inosente sa harapan nito subalit hindi niya yata matatago ang ngiti na unti-unti nang lumalabas sa kaniyang mga labi.

"Labas lang ako. Bigyan kita ng gamot." Tumalikod na siya habang ang isang dulo ng labi ay unti-unti nang umaangat.

Nang makarating siya sa harap ng pinto, nakarinig siya ng mga nababasag. Nilingon niya ang lalaki. Hinulog nito ang tray na nilapag niya sa kama dahilan para mabasag ang baso at mga plato.

"I see. Mukhang wala ka na naman sa mood," she replied.

Inabot na niya ang doorknob at hinila pabukas ang pinto. Bago pa siya makalabas isang kutsilyo ang lumipad sa direksyon niya. Mabilis niya itong nasalo. Kaunti na lang at tatapak na ang matulis na dulo ng kutsilyo sa kaniyang bungo. Kung isa lang siyang normal na kasambahay, hindi niya ito magagawang saluhin.

Subalit hindi.

She was a trained agent.

She licked her lips and looked at Nero. Pinaikot niya sa kamay ang kutsilyo habang sinasalubong ang nakamamatay nitong tingin.

"Glaring won't do anything," she uttered and threw the knife at his direction. Tumapak ito sa unang kahon ng drawer.

There was no point in hiding anymore. Enigma knew that Nero already found out she was hiding something. His keen nature and his moves, his sudden appearances behind her, and the way he kept on middling her privacy. It was impossible to believe that that night when Nero checked her belongings, he didn't conclude anything.

Ngunit bago pa ang gabing 'yon, nasimulan na niyang itanim ang buto ng kaniyang plano sa lalaki. Pagkatapos siya nitong mahuli sa unang pagkakataong pumasok siya sa kuwarto nang walang paalam at nagising ito, sinimulan na rin niyang umaksyon kinabukasan no'ng araw na 'yon.

Hindi mo ako maiisahan.

Lumabas na siya sa kuwarto ng binata.

Mataas ang lagnat ng lalaki kaya malabong susugurin siya nito. Hindi rin magtatagal, alam naman niyang pipilitin pa rin ng lalaki na makakilos. Hanggang nakahilata pa ito, hahayaan niya muna ang sarili niyang maging abala sa ibang gawaing bahay dahil siya at ang head maid na lang ang natira.

Maglilinis muna siya bago simulan ang bagay na matagal-tagal niya na ring hindi nagagawa.

I wonder if he can scream.

Dumating ang gabi at nagbihis na siya ng pantulog. Ilang beses din siyang naghilamos upang masiguro na maliwanag na maliwanag ang kaniyang mukha mamaya at magandang-maganda sa paningin ng lalaki.

May gusto pa naman sa 'yon akin. Tsk.

"Hindi ka pa ba matutulog, hija? Ilang oras ka nang nakatitig d'yan sa salamin."

"Mauna ka na, manang. Susunod ako."

"Sige, good night."

"Good night." This would be a great night, to be exact.

When she finally got contented looking at her face, she decided to turn off the light in the basement. May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang bag bago nagpunta sa second floor.

Nakabukas pa rin ang ilaw sa second floor.

Nilagay niya sa bulsa ang kinuha niya kanina sa bag at kumatok sa pintuan. Nakaawang ito. Ilang saglit siyang naghintay pero walang sumagot. Kumatok siya ulit pero wala pa rin.

Is he dead already?

May tumutok na isang matigas na bagay sa likod ng kaniyang ulo kaya lihim siyang napangiti. He was still alive.

"Your movements are really good, hindi kita natutunugan." Hinarap niya ang lalaki nang may ngisi sa labi. Nakatutok na sa kaniyang noo ang toy gun na kinuha nito no'ng nakaraan.

Bakas sa mukha ng lalaki na nahihirapan ito. Hirap itong huminga at para bang nasusuka. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan, pinipilit na tiisin ang sakit.

Poor Nero. He must be experiencing great pain right now.

Diniinan nito ang pagkakatutok sa kaniyang noo dahilan para mapasandal ang kaniyang ulo sa pinto.

"Are you going to kill me?" Tinuro niya ang toy gun. "What you're holding right now is really deadly. One pull of the trigger, I'll pass away . . . but you, too. Or maybe even the whole mansion," she spoke as if it was just a normal thing to say. "Sige, ikaw rin. Kapag kinalabit mo 'yan, goodbye tayong lahat."

Nagsalubong ang kilay nito at mas sinubsob pa sa kaniyang noo ang toy gun.

"En . . . w-who . . ." Napataas ang kaniyang kilay nang marinig itong magsalita. Nahihirapan ito at hindi man lang magawang matapos-tapos ang nais nitong sabihin.

So he can really talk.

"I guess you can scream."

Nabitawan ni Nero ang toy gun nang bigla na lang itong mamilipit sa sakit ng tiyan. Napaluhod ito habang hawak-hawak ang tiyan. Impit ang sigaw ng lalaki, halatang nagdudusa na ito sa sakit.

Kinuha niya ang nalaglag na toy gun. "Scream louder, Nero. Wala namang makakarinig sa 'yo bukod sa akin."

Lumuhod siya at hinila ang buhok ng lalaki upang mapaangat ang tingin nito sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang tingin. Namumuo ang luha nito sa mga mata. She felt an unusual beat from her heart when he saw the droplets of tears from the ends of his eyes.

Hindi niya pinansin ang nararamdaman at tinutok ang toy gun sa ilalim ng panga nito.

"If only you behaved yourself, this shouldn't have happened. Look at you." She caressed his cheek using the mouth of the gun. "You're so sick."

She knew why Nero was sick. She knew the reason why he was in terrible pain right know.

It was because of her.

Hinila niya ang kuwelyo nito pataas at kinaladkad ang lalaki papasok sa kuwarto nito. Tinapon niya ito sa kama. Inayos niya ang pagkakahiga nito at umupo sa tabi ng lalaki.

"Let me praise you first for getting this far. You made it this far that you wanted me to visualize what kind of torture I should do with you." Bumaba siya sa kama upang makita ang mukha nito. Tumutulo ang luha sa mga mata nito at halos hindi na humihinga.

She continued to speak, "And then, I remembered something. You like milk, right? At para mas ganahan ka pa lalong uminom, may kaunti lang naman akong nilagay. Do you want to know?" Tinapik niya ang pisngi nito gamit ang toy gun. "It's Anthrax."

An Anthrax was a bacterial disease that could cause symptoms like what Nero was experiencing. She knew the pain because she once experienced it too. Not only Anthrax, but she had also survived different kinds of infections. For three years that she had been training while taking missions at the same time, she had conditioned her body and tested its limits by exposing it to different toxins.

In terms of skills, many agents could surpass her, but when it came to health and body endurance, she was on top.

"Do not be surprised by what I am going to tell you." Binitawan niya ang hawak na toy gun at ginamit ang sariling kamay upang iwaksi ang buhok nitong nakatakip sa noo. "You are dying. And you will die unless you will be given a medicine."

Para siyang napaso nang lumapat ang kaniyang noo sa lalaki. Ang init.

Hinigit niya ang bagay na nilagay niya sa kaniyang bulsa kanina. "But look, good news, may dala ako ritong gamot." Winagayway niya ang hawak ang transparent at maliit na lalagyan. Sa loob no'n ay may isang drug. "But sadly . . ." Kinuha niya ang tablet at kinain ito. "Wala na."

Hindi niya ito nilunok at pinanatili lang sa bibig. She hid it between her gums and the skin of her cheek.

She studied the face of the struggling Nero. Her excitement perished everytime she would see the pleading face of the man. It was normal for her to see this kind of expression, but why does it felt different when it comes to him? She wasn't liking it. At all.

Why the hell am I feeling like this?

Nagulat siya nang bigla inabot ni Nero ang kaniyang kamay. Hinawakan nito ang kaniyang kabilang pulso. Ramdam niya ang panginginig nito.

"Are you still going to fight me in that state? Ni hindi mo nga ako nakaya kagabi."

"E-En . . ." Pilit itong kumukuha ng hangin. Marami itong gustong sabihin subalit hindi nito magawa. Umaagos pa rin ang luha nitong nakatingin sa kaniya. "H-help . . ."

Napakurap siya sa sinabi nito. Hindi siya nakagalaw nang may pumitik sa puso niya. Napakuyom siya sa kaniyang kamao dahil naiinis siya sa nararamdaman.

She looked away because she couldn't stare at him. It was affecting her. Nanlalambot siya habang pinapanood si Nero.

"Help . . ."

She once again heard him. Why the fuck was he asking her to help him? She caused him to suffer, and yet he was still asking help from her?

"What makes you think that I will help you?" Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang pulso at tumayo. "You are hindering my mission. I don't care if you die."

She gave him one last look before turning. Naglakad na siya paalis pero sa bawat hakbang na ginagawa niya ay parang sinasakal niya rin ang sarili. She cursed at herself while still denying this growing feeling towards the man.

Focus, Enigma. Pera ang gusto natin, hindi isang lalaki.

Palabas na siya sa pintuan subalit naglakad sa ibang direksyon ang kaniyang mga paa. Napamura siya sa kaniyang isipan habang binalikan ang lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at nilapit ang mukha kay Nero.

"You better stop ordering me around after this," she said before pressing her lips onto his.

Diniinan niya ang halik at pinasa sa lalaki ang gamot na nasa kaniyang bibig. She was ready to pull away but Nero responded the kiss.

She didn't hesitate to dive herself into his affection as she cursed inside her mind the feeling she couldn't subside.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top