Prologue
Nasa Main Headquarters kami ngayon ng Abilio Cryptic Agency o mas kilala sa tawag na ACA. Commander X called us to come over for a mission; that’s for sure.
“Pinatawag ko kayo para sa bago ninyong misyon.” My ears almost twitched when I heard his cold baritone voice. Dixie, his secretary, gave us one by one a black folder.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Black folder means difficult mission.
And a difficult mission means higher money and more rewards of our choice.
Kung hindi ko nga lang kailangan ng malaking pera para hanapin ang aking nag-iisang pamilya ay baka matagal na akong tumakas sa kong anong meron ako ngayon.
Matagal ko ng tinigilan ang ganitong trabaho, mas pinili ko noong ang magkaroon ng masayang pamilya sa piling ng taong hindi ko aakalain na magbibigay sa akin ng bangungot.
I opened the folder that Dixie gave me, as well as my co-agents, and saw my three missions. Kong hindi ako nagkakamali ito ang folder na ibinigay sa 'akin noon, naalala ko pa kong ano ang unang mission ko dito, at ang pangalawa. Ito ang sumira sa 'akin. Dito ako nahulog sa sarili kong patibong. At ngayon ibinabalik sa akin ang mission na hindi ko natapos noon, babalikan ko ang taong sumira sa 'kin.
At ito ako nagbabalik bilang isang tagong Agent na matagal ko ring tinakasan mahigit pitong taon ang nakalipas.
Nagbabalik ako sa trabahong matagal kong iniwan para sa taong pinangakuan ako ng maraming salitang hindi naman pala kayang gawin.
Inangat ko ang aking ulo upang tignan si Commander X, at tulad ng inaasahan ko na sa akin ang tingin nitong animong pinagmamasdan maigi ang aking magiging reaksyon sa binigay nitong mission.
Inilihis ko na lamang ang tingin sa aming Commander, isa siya sa mga taong nag-alis sa akin sa impyerno, impyerno na kong saan naging sunog ang hangal ko sa mga taong naging kasama ko sa loob.
“You will be sent to a different location of HeadQuarters covered by ACA to do your mission. I’m looking forward to your success. Good luck and God bless,” aniya at saka kami iniwan.
Ngumise na lamang ang nagawa ko sa aking narinig, sa pitong taong kong nawala bilang Agent, naninibago parin ako sa bawat mission na binibigay sa 'kin.
At ngayon nagbabalik ako bilang agent, ito ang pangalawang balik ko sa aking pinakamamahal na trabaho.
Pinanood ko ang bawat reaction ng iba kong kasamahan, katulad ko may kanya-kanya 'ring dahilan ang kanilang pagsalang sa mission namin. Ngunit ang pinagtataka ko kong bakit nandito ang babaeng naging bestfriend ko ng matagal na panahon, her name is Sera, kaya sobrang pagtataka ko kong bakit hindi man lang ako nito nagawang taponan ng tingin.
Malaki ang pinagbago ng babae, masayahin ito at isip-bata ito noon bagama't lunod ito sa trabaho noon pero hindi naman nawala ang pagiging masayahin nito. Ngayon kita mo sa mukha nito ang walang emosyon na iginagawad sa bawat isa sa amin sa loob.
Kaagad akong umalis sa lugar kong saan ang aming hide out, hindi man illegal ang aming organization sa batas, marami namang kaming dapat isugal para sa aming grupo na kailangan naming tiisin at itago ang totoong kami sa harap ng mga kalaban. Kahit sa sariling pamilya namin ay hindi kami maaaring magsalita.
Nangako kaming lahat na walang maglalaglag sa grupo, at ito kaming lahat. . . binabaktas ang daanan kong saan magbibigay sa amin ng kapahamakan.
Nakarating ako ng bahay, katulad nang nakasanayan ko tahimik at hindi mababakasan ng ingay, kahit sa paligid ng bahay wala itong ka kulay-kulay.
Ang bahay na nagbigay sa akin ng bangungot, sobrang sakit ng mga alaalang mayroon dito sa bahay nato.
Kong hindi ako naging matatag sa loob ng jail noon ay baka matagal ko ng kinitil ang buhay ko noon.
*FLASHBACK*
"Nakarating na tayo sa simbahan Tricia, ang pag-iibigan na hindi natin inaakalang magsisimula pala tayo sa kagipitan at kahirapan noon," nararamdam ko sa boses ni Von kong gaano niya ako kamahal.
Kahit ako hindi ko naitago ang aking luha, sobrang pagkaapaw ng aking puso hindi ko inakalang mararating ko ang ganitong sitwasyon.
"Nangangako ako sa 'yo na gagawin ko ang lahat upang mapanatilihin kayong ligtas ng ating anak," nanginginig ang boses nito na animong naiiyak na rin.
Kahit ako hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking luha, hindi ko aakalain na ganito pala ang magiging hantongan ng lahat ng aking sinakripisyo upang makasama sila.
"Hayaan mo akong protektahan ka sa lahat ng mga mananakit sa 'yo, hayaan mo akong maging baril upang maipaglaban ka sa lahat, pabayaan mo akong magsakripisyo para sa ating tatlo. . . bilang asawa mo, nangangako akong magiging ano man akong sandata kong ikaw ang magiging hulihan kong baraha." At doon ko tuluyan na kita ang pagpatak ng luha ng aking makakasama habang buhay.
Sa loob ng isang taon naming pagiging nobyo ay ngayon ko lang ito nakatian ng emosyon, seryuso itong tao at makikita mo talaga na wala itong alam sa pakikipagbiroan.
"Hindi kita minahal! Wala akong mamahalin sa pagkatao mo kong ikaw mismo ang nahulog sa sariling patibong mo! Naging bobo ka sa pagkakataon nato Retricia Ace Sandoval. . ."
Napabangon ako sa pagkakahiga sa aking mesa, naulit na naman ang panaginip na hindi na dapat sumagi kahit kailan sa utak ko.
Hinawakan ko ang aking pisnge, may bahid parin ng luha, hindi na ito bago sa 'akin ni halos gabe-gabe akong binabangungot ng mga kamalian ko noon, kahit sa pagtulog ay dala ko parin ang takot at galit sa taong naging dahilan ng mga sakit ko.
Masaya naming binitawan ang mga salitang matatamis. . . nangako kami sa harap ng diyos na wala kaming ano mang sekretong itatago sa isa't-isa, ngunit lahat pala ng mayroon kami ay isang kasinungalingan.
At tanga ako dahil nahulog ako sa patibong na ako mismo ang gumawa. Patibong na hindi ko aakalain na ako pala ang mabibitag nito.
Siguro kahit anong kagustohan kong balikan ang nakaraan noon, siguro nailayo ko pa ang nag-iisa kong kasangga, siguro kong alam ko lang 'non pa na hindi pala magiging succesful ang aking mission ay dapat matagal ko na s'yang itinago sa lahat ng kapahamakan.
"You are the best among them!" Nagtatalon pa ito sa sobrang tuwa nangingite akong pinagmamasdan ang matambok na pisnge nito, nakagigil talaga ang pagiging chubby.
"Sorry ha? Naging tanga ako... h-hindi kita n-napagtanggol g-gaya ng p-pangako k-kong po-protektahan k-kita sa l-lahat ng s-sakit. . ." humagolgol kong niyakap ang litrato nito, sobrang sakit parin, akala ko okay na ako. . . akala ko, kaya ko na.
Totoo nga naman na wala kang matatakasan sa nakaraan, wala kang kawalan kahit magtago ka man, Mahahanap at mahahanap ka parin.
"P-please... wag m-mong gagawin 'yan... n-nagmamakaawa ako s-sa 'yo... l-layoan mo siya, a-ako nalang... a-ako nalang, nagmamakaawa ako sa 'yo..." nakaluhod akong nagmamakaawa sa taong na sa aking harapan, hawak nito ang baril at nakatotok ito sa aking mahal.
Gusto kong lumaban. Ano naman ang laban ko sa kanila kong hawak nila ang buhay ng aking mahal? Paano ako lalaban gayong nakasalalay ang buhay ng taong mahal ko. Ang hawak ko lang ngayon ay alas, hindi buo ang barahang hawak ko. Ang tanging pangalawang barahang hawak ko ngayon ay ang magmakaawa sa kanila ng paulit-ulit na wag nilang tataposin ang buhay ng aking mahal. . .
"Ang babaeng kinakatakotan noon. Ang babaeng laging hawak ang ang baraha kaya hindi mapatay-patay ng mga tauhan natin." Nangangalaiti itong lumapit sa 'akin at binigyan ako ng mag-asawang sampal, kahit masakit pinilit ko parin ang aking sariling lumuhod sa kanila at magmakaawa.
"Kong gusto mo talagang buhayin namin ang pinakamamahal mo. Sabihin mo kong anong organization ka nabibilang? Alam mo bang matagal ka rin namin hinanap Ace? Alam mo bang naglibot pa kami sa kabuoan ng mundo upang mahanap ka lang?" Hinila nito ang buhok ko pataas, ramdam ko na malapit na talagang mahila ang anit ko sa higpit ng hawak nito.
Pilit ko 'mang tatagan ang loob ko upang hindi umiiyak sa harapan nito ay hindi ko parin kinaya.
Ang kaninang matapang na mukha ko ay napalitan ng pagmamakaawa sa kanila. Ang matapang na Retricia ay naging duwag sa pangalawang pagkakataon.
"Tignan mo ng maigi kong paano ko papatayin ang nasa harapan mo. Maling-mali na binangga mo ang grupo ko noon Ace. At mali dahil magtatago ka na nga lang ay sa mismong teritoryo ko pa." galit na sigaw ng lalaki na nasa aking harapan lumalabas ang litid nito sa ugat sa sobrang galit.
Pinagmamasdan ko ang aking mahal, taimtim akong nagdarasal na sana 'wag n'yang pababayaan ang buhay ng aking mahal.
"A-ako n-nalang... k-kapalit ng buhay n-niya. . . p-please. . ." gumapang ako palapit sa lalaki, ngunit bago ko pa nagawa ang mahawakan ito sa paa ay may mapangahas na kamay ang humila sa 'akin, pwersahan ako nitong itinayo at binigyan ng suntok sa aking sikmura. Umiikot na ang aking paningin, ngunit hindi ako maaaring pumikit.
"Tignan mo ng maigi kong paano mawalan ng arian Ace. Tignan mo ng maigi." bago pa ako makasigaw, umalingawngaw sa loob ng bahay ang putok ng baril na hawak ng lalaking may suot na pulang maskara, tigalgal kong pinanood ang paghandusay ng katawan ng aking mahal, tumigil ang pagpatak ng aking luha nagpumiglas ako sa mga hawak nila sa akin.
Ngunit naging bigo ako. Nabigo na naman ako sa pangalawang beses. Hindi ko siya na protektahan gaya ng ipinangako kong magiging baraha ako kahit alas nalang ang matira sa 'kin.
"Ma----" hindi kinaya ng katawan nito ang balang umulan sa katawan.
Wala akong ibang ginawa, umiiyak ako ng umiiyak hindi ko na alam kong saan nga ba ang masakit sa akin, naiwan akong mag-isang pinagluluksa ang walang buhay na nasa aking harapan.
Nanginginig kong iginapang ang aking katawan upang tabihan ang aking mahal bago bumigat ang aking talukapmata.
Na balik ako sa reyalidad ng makarinig ng ingay sa labas ng bahay, kaagad akong tumayo sa pagkakaupo at naglakad palabas ng bahay upang masilip kong sino nga ba ang nag doorbell.
Tumalima ako ng lakad, pagkabukas ko palang ng gate ay bungad na sa akin ang masayang mukha ng bata.
"Hi po Ate Tricia! May pinabibigay po si Kuya Shelter," masayang inilahad nito ang hawak na tupperware sa aking harapan.
Inabot ko ito at ginulo ko ang buhok ng bata, nakagawian ko na ito sa kanya.
"Pakisabi sa Kuya mo na thank you ha?" nakangite kong saad sa bata.
Ngumite naman ito ng malapad bago tumango ng paulit-ulit, pinisil ko pa ang matabang pisnge nito.
"Aray po ang sakit," busangot na saad ng bata, natawa na lamang ako sa itsura nito.
"You're welcome my lady," isang baritinong boses ang aking narinig sa likod ng poste.
Natawa kong hinampas ang braso ng lalaki, "Ikaw talaga. Nag-utos kapa ng bata! Kita mong mainit eh,"natatawa kong sabi.
Ngumite ito bago lumapit sa 'akin at kinantalan ako ng halik sa labi ng mabilisan.
"Sanaol!" kinikilig na sigaw ng bata napatingin naman ako sa sinabi nito.
"Sa-sanaol?" Nagugulohan kong tanong dito, bakit ang daming nalalaman ng batang 'to?
"Hindi niyo po alam ibig sabihin ng sanaol Ate?" balik na tanong nito.
Tumango ako bilang sagot sa bata, rinig ko pa ang mahinang tawa ni Shelter sa aking likuran.
"Don't mind her Baby..." ang lamig ng tawa nito, naalala ko tuloy sa kanya ang aking as---.
"Tao ka po ba Ate? Bakit hindi mo alam ang sanaol? Matagal na po iyan eh." busangot nitong sunod-sunod na tanong.
"Sa 'yo ko palang kasi narinig ang salitang 'yan Celine," malambing kong sabi.
"Ta-talaga po? Wow! Ang unique mo naman po Ate! Siguro po talaga Allien ka." namamanghang saad ng bata.
Napangiwe naman ako sa huling sinabi ng bata, kahit kailan talaga nasisira nito ang masaya kong mood.
Humigpit ang hawak ng lalaki sa aking baywang, kahit anong pilit nito itago ang halakhak ay bigo parin ito.
"Ay wow! Iwan ko sa inyong mag kuya!" Pagdadabog ko kunwari.
Maglilimang buwan palang kaming magkasama ni Shelter, kong hindi sa mga tulong nito ay baka tuluyan akong nabaliw sa pagkalungkot at pagkamiss sa aking mahal.
Hindi kami nagkakasama sa iisang bahay, tatlong bahay pa 'ata ang layo nito bago marating ang bahay ko.
Masasabi ko naman malaki ang naging tulong ni Shelter sa akin noon, wala akong inilabas na kahit ano sa kanya, maintindihin ito kaya komportable akong hindi niya malalaman ang totoong ako.
"Something bad happen? hmm?" malambing nitong tanong sa akin.
Ngumite naman ako at umiling bilang sagot.
"Sometimes whe need to accepts, na hindi na talaga mabibigay ang dating buhay na kinuha sa 'atin ng sadya," ang boses nitong malambing ay napalitan ng galit na animong nagpipigil.
"H-ha? May problema kaba sa work mo?" 'yun nalang nasabi ko, ang weird kasi nito magsalita minsan, minsan nga iniisip ko na lang na baka may sira rin ito sa utak.
"Nothing Honey, you? Masama ba pakiramdam mo?" inilihis ko ang aking tingin sa lalaki. Guilty eats me.
Hindi na lamang ako sumagot sa tanong ng lalaki, ginantihan ko na lamang yakap nitong malamig, sumubsob ako sa dibdib ng lalaki at rinig ko pa ang malalim nitong hininga na sumasagi sa aking ulohan.
"Rest okay? Ako na ang bahala sa mga gagawin sa bahay mo, kailangan mong magpahinga. Alam kong pagod ka sa trabaho mo, you need to rest to get a fulled energy Honey." Binuhat ako nitong pa bridal style, hindi ko na ginawang dumilat, tinatangay na naman ako ng antok na aking nararamdaman.
Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ng lalaki, ni wala akong marinig na kahit anong ingay sa loob ng kabahayan ko.
Naramdaman ko na lamang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama, "Sleep well Honey," hinalikan nito ang aking sentido, ngunit bago pa ito tuluyang tumalikod, hinila ko ito paupo sa kama.
Pinakiramdaman ko ang lambot ng mukha nito, ngumite ako bago dahan-dahan inilapit ang ulo upang halikan ang namumula nitong labi.
Hindi 'rin nagtagal naglapat ang aming labi ng ito na mismo ang humiwalay sa 'akin, bago ito nagpaalam na lalabas ng kwarto ay binalot muna nito ang aking katawan sa comforter.
Hinila ako ng antok, napagod rin ako ng sobra sa paghahanda para sa darating na mission sa 'akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top