KABANATA 5

Ilang araw na ang nakalipas simula nong gumala kami ni Leo at Ito na ako ngayon nagbabantay ulit sa dalawa.

"Ate Max!" Ang tinis talaga ng boses ng batang 'to.

"What?"

"Sasama po kayo sa'min mag simba? It's Christmas na po kaya dapat magsimba kayo." Sambit ni Whitney

"Hmm" tanging tugon ko.

Wala naman talaga sa plano ko mag simba o sadyang hindi talaga ako mahilig mag simba.

"Yeyy! Kuya, sasama daw sa atin si ate Max mag simba!" Sigaw niya sa kuya niyang seryoso lang naka upo sa sofa.

"So..?"

"Ibig sabihin po, puwede na kayong hindi sasama sa'min nila mommy mag simba." Sambit ni Whitney.

Kinunutan naman siya ng noo ng kuya niya

"At bakit naman?"

"Hindi ba po sabi niyo noon na hindi kayo magsisimba dahil takot kayong masunog?" Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Whitney. Seriously? Sinong tao ang masusunog kung papasok sila sa simbahan? Ano sila demonyo? HAHAHAHA.

"What!? That was a long time ago."

"Whatever kuya."

Nandito na kami ngayong sa harap ng simbahan, I mean ako lang pala dahil nauna na sila kaninang umalis at gusto Kung magpa huli dahil uupo lang ako sa pinaka dulo. I know someone is following me, simula no'ng nagkita kaming Leo pero hindi ako gumawa ng hakbang.

Ang galing niyang mag tago dahil hindi ko siya mahanap hanap kung saan pero ramdam kung malapit lang siya.

•••••

"Iha mauna na kaming papasok."

"Ah cge po Gov, susunod nalang po ako mamaya." He nodded.

Minutes passed and I was still standing in front of the church. Hindi ko alam kung bakit pero parang may hinihintay ako kahit wala naman.

While I was staring, someone suddenly hugged me from behind.

"Ate Max, ikaw 'yan?" I froze. That voice . . . Boses 'yun ng kapatid ko.

I turned around "Daniel?" I looked at his face carefully "Daniel? Ikaw ba talaga 'yan?" Tanong ko.

"Oo ate, ako 'to. Nakatakas ako ate, nakatakas ako sa mga dumukot sa'kin." I hugged him tightly.  I was 14 nong dinukot kami at 6 palang siya noon "Ate, bakit mo ako iniwan sa kagubatan noon?" tanong niya.

"Huh? No, hindi kita doon. 'di ba sabi ko sayo babalik ako dahil manghihingi ako ng tulong, p-pero nong pagbalik ko don ay wala ka na." paliwanag ko.

"Dahil natagpuan nila ako. Pinabayaan mo ako noon—" sigaw niya.

"Hindi. Alam mo Daniel na naghahanap ako ng paraan noon, p-para makatakas tayo. Hindi kita—" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Pinabayaan mo ako. Sinungaling ka!" Mabilis ang nangyari at hindi ko agad napansin na may dugo na pala sa tiyan ko. Hindi ko maramdaman ang hapdi pero masakit.

"D-daniel . . . S-sorry. P-patawarin mo si ate. Na duwag ako non." Sorry Daniel, 'di ko sinasadyang iwan ka mag isa don.

"Patawarin mo rin sana ako sa gagawin ko sayo." He smiled and pulled out a knife behind him, and the next thing I knew was that he stabbed me. I looked at him, pero ngumiti lang siya at unti unting umatras.

Sinubukan kung tumayo para iligtas siya bangin, ngunit hindi ko kayang tumayo dahil sa sakit. Hindi ko kayang tumayo.

"Salamat sa lahat ate! Mahal na mahal kita, tandaan mo yan." umiyak lang ako.

"No, Daniel please! Halika dito, huwag ka jan." I tried to reach him "No, DANIEL!"

•••

I woke up in a cold sweat.

Ang panaginip na 'yun. The dream that always haunts my conscience, kung bakit namatay ang kapatid ko.

Fvck!

Lagi kung sinasabi sa sarili ko na hindi ko kasalanan ang nangyari dahil bata lang din ako non, but my mind always blamed me that everything that happened was my fault.

Naiinis akong tumayo at nagbihis. I need some fresh air para mapakalma ko sarili ko, kailangan kung pumunta sa lugar na walang mga tao. Pagkatapos kung magbihis ay, lumabas na ako ng kwarto. Naglakad ako na para bang isang magnanakaw, hindi maingay ang mga yapak ko.

Makakalabas na sana ako ngunit may nakita akong anino, anino ng dalawang tao.

Sino kaya 'yun? Alam kung hindi si Sir Kai yun, pero napaka familiar ang hugis ng katawan nila. I seem to have seen that person.

Instead of leaving to get some fresh air, here I am now following the two shadows I saw. I followed them, until they stopped in my... room? What are they doing in my room? And what do these people have to do with me?

I hid in the dark part of the hallway and slowly approached them so I could see their fvcking faces!

I could hear them talking but I couldn't hear it very well, so I slowly came closer and sat near where they were standing.

"She's not here." Ako ba hinahanap nila? Bakit kaya nila ako hinahanap? As far as I know walang nakakilala sa pagkatao ko at lalo namang wala akong gulong nagawa.

Kaya bakit nila ako hinahanap, Anong kailangan nila sakin?

That's the problem, hindi ko alam kung bakit at hindi ko din alam paano sagutin mga katanongan ng utak ko. Tss.

"Where do you think she went?" The tall man asked.

"Are you stupid? We've been together since earlier, so paano ko malalaman kung saang lumalop ng mundo nagpunta yung babaeng yun?!" One of his companions replied annoyed.

Oo nga naman, paano niya malalaman kung saan ako kung magkasama naman pala sila simula kanina? Ang tanga din nitong isa.

"Tsk." Tanging asik ng kasama niya "Bumalik tayo sa hide out at iulat ito kay boss, na hindi natin naabutan si Agent Violet." The tall man said and they left.

I couldn't see their face very well, because there was no light in it, ngunit sigurado akong may tatak ang kanilang braso na hugis puso. At Sino naman si Agent Violet, eh ako pinag-usapan nila tapos Violet ang naging pangalan ko? Ang galing! Maganda din naman ang Violet, puwede kung gamitin yun kung sakaling mag ninja moves ako sa mga misyon ko.

Hindi ko mapigilang tumawa sa isipan ko.

Inaantok akong pumasok sa kwarto ko. Imbes na magpahangin ako para makalasap ng sariwang hangin ngunit hindi ko na natuloy dahil sa nangyari ngayon. D*mn! Nakaka antok palang making ng usapan ng iba.

Humiga na ako sa kama, at hinayaan ko nalang na ipikit ang mga mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top