Chapter Three- Alcoriza's room
***
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Alcoriza bitbit parin ang libro na hiniram niya sa library. Agad niyang ibinaba ang backpack sa sofa at dire diretsong umakyat ng hagdan patungong kwarto.
"Anak kumain ka na ng dinner!" Paalala ng ama sa dalaga. Saglit siyang napatigil sa ikatlong baitang ng hagdan at sumilip sa kusina kung saan kumakain na ng hapunan ang mga magulang.
"Mamaya na po!" Walang paligoy ligoy sambit ni Alcoriza at umakyat na ng kwarto niya.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng kwarto ay napansin na nyang sobrang gulo ng kwarto nya. Nagkalat na naman ang mga stuff toys, mga libro, CD's at kung anek anek niya. Bukas rin ang cabinet pati mga drawer na parang hinalughog ng kung sino. Nakuyom niya ang kamao. Imbes na pumasok sa loob ay nagdiretso siya sa kwarto ng mga kapatid.
"Neo, pumasok ka ba sa kwarto ko?! Baki tginulo mo yung mga gamit ha!?" Bungad niya sa walong taong kapatid nang buksan niya ang kwarto nito.
"Ha? Ate naman. Di ako pumapasok dun no. Ang creepy kaya? Baka mamaya andun pa sa ilalim ng kama mo si Boogie Man!" Sagot ng bata habang nilalaro ang Ipod niya. Halata ngang wala itong interes na pumasok sa kwarto niya base sa inaasal nito.
"Kung ganun sino?" Kunot-noong tanong niya. Wala na siyang ideya kung sino pang may interes na halughugin lagi ang mga gamit niya sa drawers. Hindi naman pumapasok roon ang parents nya dahil may sarili itong kwarto.
"Sino pa ba?" Makahulugang sagot ng
bunsong kapatid.
Napairap si Alcoriza nang makuha ang nais ipahiwatig ng kapatid. Padabog siyang lumabas ng kwarto ng bunso at malakas na isinarado ang pinto ng kwarto nito sa sobrang inis. Narinig pa nyang nagreklamo ito pero di na niya pinansin.
"Alam mo na, medyo creepy ang dating nitong bahay namin bes--"
Naudlot ang pagsasalita ni Roselle sa harap ng telepono nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya at pumasok ang nanggagalaiting si
Alcoriza.
Walang kaide-ideya ang kapatid kung bakit ganito na lamang kasama ang tingin nito sa kanya.
"Roselle, pumasok ka ba sa room ko? Diba sabi ko wag mong pakialaman ang mga gamit dun?! At kung hihiramin mo man, please pakibalik naman sa dati!" Bulyaw ni Alcoriza sa pangalawang kapatid na gulat na gulat.
"Seriously ate? Ako Pinagbibintangan mo? Mygad. Bakit ako papasok dun eh may nakalagay nga na poster sa harap na 'don't enter! Atsaka--"
"Wait, so di ka pumasok?" Nanlalaki ang matang tanong ng dalaga.
"Of course not." Giit ni Roselle habang hawak pa din ang telepono.
Laglag panga ang naging reaksyon niya at isinara na ang pinto ng kwarto ng kapatid. Naguguluhang napatingin si Roselle sa ate niya.
"Ano na namang problema ng hippothalamus non?" Naiiritang tanong ni Roselle. Nagkibit balikat na lamang ito at muling humilata habang nilalaro laro ang dulo ng buhok.
"Okay. Asan na nga ba tayo..." Sambit niya sa kausap sa telepono.
Labis ang pagtataka ni Alcoriza nang
dumiretso sa kwarto nya. Padabog niyang isinarado ang pinto. Inilapag niya ang dalang libro at agad yumuko para isa-isang pulutin ang mga nagkalat na gamit. Mukhang naeengkanto ata siya rito sa bago niyang kwarto. Pakiramdam tuloy niya ay malapit na siyang maniwala sa sinasabi ni Mr. Leopard.
Na nakakatakot sa loob ng bahay nato.
Napalingon siya sa direksyon ng bintana na ngayo'y nakabukas na. Pumapasok ang panggabing hangin na napakalamig kaya kinikilabutan siya.
Sa di malamang dahilan ay lumapit siya sa bintana at dumungaw roon. Napatili siya nang makita ang isang lalaki na tingin niya'y galing sa loob ng kwarto niya. Tuluyan na ring napasigaw ang binata nang mapadulas ang kamay nitong nakakapit sa grills ng bintana.
"AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!"
"Shit!"
Natatarantang lumabas si Alcoriza ng
kwarto niya at bumaba sa ground floor kung saan bumagsak ang inaakala nyang akyat-bahay.
"Aray ko po." Daing ng binata at hinimas himas ang likod. Mabuti na lamang at sa malalagong bushes ito nalaglag.
"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?! Magnanakaw ka noh?!" Bulyaw ng dalaga sa lalaki na nakangiwi parin dahil
sa sakit ng pagkahulog.
"Teka-teka----" Huminga muna ang binata bago magsalita. Kinakapos ito ng hangin kaya hinayaan na lamang ni Acloriza na humugot ito ng lakas bago magpaliwanag.
"Ang pangalan ko ay Emm Beckhman. Napadaan lang ako sa tapat ng bahay nyo nang may makita akong liwanag sa may kwarto mo kaya pilit akong umakyat. Pasensya na gusto ko lang makita kung anong meron sa loob." Paliwanag ng binata habang hindi pa rin mapigilang mapangiwi dahil sa nararamdamang sakit ng katawan mula sa pagkabagsak.
"L-liwanag?" Naguguluhang tanong ni Alcoriza.
"Matulog na kayo mga bata!!" Kapwa
napatingin ang dalawa nang sumigaw ang ina ng dalaga.
"Sige una na ako." Dali daling nagtatakbo si Emm sa kanyang bike na nakasandal sa bakuran ng Pixie Dust's at agad itong pinatakbo palayo.
Hindi na niya natanong pa kung anong nangyari sa loob ng kwarto nya at kung anong liwanag ba ang sinasabi nito. Bumuntong hininga na lamang si Alcoriza habang pinagmamasdang lumayo si Emm sa bahay nila.
Sobrang ingay ng classroom nang pumasok ang puyat na puyat na si Alcoriza. Magdamag kasi na dilat ang mata nya dahil sa pagbabasa ng librong hiniram nya sa library. Pero ni katiting na impormasyon ay wala syang nahanap. Kulang na lang basahin na niya pati bibliography nito nagbabakasakaling may mahahanap pa siyang ibang references. Pero wala. Wala talaga.
Ibinagsak nya ang libro sa desk nya dahilan para makuha nya ang atensyon ng lahat. Dahan dahan naman syang napaupo dahil sa pagkapahiya. Napalakas ata ang pagkakabagsak niya.
"Whoa Pixie Dust, napuyat ka ba dahil sa paghahanap mo ng lagusan patungo sa tinatawag mong...Agartha?" Nagtawanan
ang lahat dahil sa sinabi ni Beverly.
"Class! Go to your own seat now!" Naudlot ang kasiyahan ng mga estudyante nang dumating ang professor habang pumapalakpak para kuhain ang atensyon ng lahat.
Nagpasalamat naman siya dahil dun. Nawala sa kanya ang atensyon ni Beverly at ang mga mapang-asar nyang kaklase. Pero walang nagbago. Buong lecture ng professor niya lutang siya at lumilipad ang utak sa kabilang ibayo.
Lumilipad sa Agartha.
"Sinasabi ko sayo, totoo ang Agartha. Kung wala man sya sa libro, alam kong nag-e-exist yun." Paliwanag ni Alcoriza kay Regine na hindi makapaniwala sa naririnig. Kanina pa kasi bukambibig nito ang lugar daw kuno sa ilalim ng lupa na mas kilala sa tawag na Agartha.
Wala itong pakialam kahit naglalakad sa hallway ay puro Agartha ang lumalabas sa bibig ng kaibigan. Hindi niya mapigilang mapangiwi ni Regine. Nilalamon na ata ng Agartha ang sistema ng kaibigan nya.
"You mean may daigdig pa sa ilalim nitong lupain natin? C'mon Sissy, pano mo naman mahahanap ang lagusan na yun eh sa Northpole nga matatagpuan yun diba?" Giit ni Regine at sinilip silip ang reaksyon ng kaibigan.
Sanay na sanay na ito sa ugali ni Alcoriza na medyo may pagkaweird at aalamin talaga ang lahat. Hindi pa ito tumitigil ni minsan. No, scratch that. Hindi nito tinitigilan ang isang bagay hangga't di nya to napapatunayan.
At siguro ganito rin ang mangyayari sa sinasabi niyang Agartha kuno. Siguradong hindi nito tatantanan ang research na ito hanggat di niya napupuntahan ang lugar na iyon na sa pagkakaalam ng lahat, nag-eexist lang iyon sa imagination kasi di naman totoo.
"Papatunayan ko yun. For the mean
time shut up ka na muna." Inayos ni
Alcoriza ang sukbit na backpack at naunang maglakad sa hallway.
Napangiwi na lamang si Regine. Sinasabi na nga ba niya. Nagtatakbong sumunod siya kay Alcoriza para kausapin ito.
"Okay. Sabihin na nating totoo yun. Paano kung mapasok ka doon at di ka na makabalik?" Tanong ng nag aalinlangang dalaga kay Alcoriza. Sasagot pa sana siya nang may tumawag sa kanila mula sa malayo.
"Yow!" Nakita niya mula sa malayo ang binatang si Emm sakay ng kanyang bike.
"Sino naman ang lalaking yan?" Usisa ni Regine
"Si Emm Beckhman. Alam kong malaki rin ang maitutulong niya sa ginagawa kong research. Mukhang makakatulong sya." Napatango tango si Alcoriza sa ideyang naiisip niya. Si Regine naman ay napataas lang ang kilay dahil hindi niya magma-gets ang nilalarong ideya ni Alcoriza sa isip.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top