Chapter Four- The Group Research
***
"So hinahanap ninyo ang Asgard?" Paglilinaw ni Emm sa dalawang babaeng kaharap niya.
"It's Agartha!" Pinanlisikan siya ng mata ni Alcoriza.
Narito sila sa isang coffee shop di kalayuan sa school na pinapasukan nila. Break time naman kaya pwede pa ang lumabas. Afterall, wala rin naman na silang klase pagkatapos ng period na ito. Busy ang mga teacher sa gaganaping School's Fest sa susunod na linggo.
Kaya mas minabuti na lang ni Alcoriza na ayain ang dalawa para makapag-usap sila tungkol sa Agartha. Tamang tama dahil konti pa lang ang tao sa coffee shop na kinaroroonan nila.
"Okey. Sorna, ano bang meron doon?" Nagpeace sign na lang ito. Mayamaya ay nagsalita ulit ang binata na parang may napagtanto.
"Siguro may kinalaman yun sa pagkawala ng tatlong teenager." Biglang sambit nito at napaisip.
"Alam mo ang tungkol dun?" Ungkat ni Alcoriza habang mataman na nakatitig sa binata.
Mayamaya pa ay si Regine na ang sumagot.
"Actually Sis, alam namin. Years ago may.tatlong teenagers ang nawala at di pa rin mahanap 'til now." Paliwanag ni Regine sabay tingin sa labas ng coffee shop at napabuntong hininga.
"Either nakidnap sila or naglayas talaga." Dagdag pa ni Emm habang patuloy na ininom ang inorder na kape.
"Nakaka-curious kung saan napunta ang mga yun." Saad ni Regine at tumingala pa para mag-isip. Natahimik naman ang tatlo.
"Kung hindi sila mahanap ng mga
police, siguradong nasa iisang lugar lang sila..." Nag-aalinlangan na tumingin sa.kanila si Alcoriza.
"Sa Agartha?!" Halos sabay na sigaw ng dalawa.
"Hinahanap nyo ang Agartha?"
Napakislot ang tatlo nang biglang sumulpot sa harap nila ang isang babae.
Nakasuot ito ng cap at parang isang delivery girl. Walang kaide-ideya ang tatlo sa biglaang pagsabat nito sa usapan nilang tatlo. Mukhang naging busy ata sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na nakikinig na pala ito sa kanilang pag-uusap tungkol sa Agartha.
Hindi agad sila nakasagot.
"Sumama kayo sa akin." Aya ng dalagang may suot na cap. Nagkatinginan ang tatlo nang magsimulang lumakad palayo ang dalaga.
"Sasama ba tayo?" Atat na tanong ni Regine sa dalawang nakatulala na.
"Let's give it a try." Aya na lamang ni Alcoriza saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Tumayo na rin si Emm matapos maubos ang natitirang laman ng baso niya.
***
"Sigurado ka ba dito?" Panay ang bulong ni Emm sa tahimik na si Alcoriza habang nakasunod lamang sa tahimik rin na dalaga. Si Regine naman palinga linga lang na parang may hinahanap.
"Baka may alam ang isang to. Tumahimik ka na lang." Bulong nito pabalik kaya walang nagawa ang binata kundi tahimik rin na sumunod sa tatlo.
Tumigil sila sa tapat ng bahay ni
Mr. Leopard kaya mas lalo silang nagtaka. Ano namang gagawin nila rito? Andito ba sa loob ng bahay ng matanda ang lagusan patungong Agartha?
"No way. Hindi ako papasok diyan." Saad ni Regine sabay atras ng konti palayo sa bahay ni Mr. Leopard.
"Ako rin. Isang beses nya akong hinabol ng baston nya dahil sa nawawala nyang pustiso." Natatakot na wika ng binatang si Emm at agad tumalikod. Naloko na, hinding hindi talaga malilimutan ni Emm ang pangyayaring iyon dahil muntik na siyang ma-trauma sa sobrang takot. At ngayong nagpaplano silang pumuslit sa loob ng bahay nito, hindi niya kayang hawakan ni doorknob pa lang. Nanginginig na ito sa sobrang kaba. Trauma is real nga daw kasi.
"Patay...andyan si lolo." Biglang sambit ng dalagang may suot na cap saka sinenyasan sina Emm, Alcoriza at Regine na magtago at huwag magpakita sa matanda.
Agad nagkubli ang apat sa bagong trim na bushes para di sila makita ni Mr. Leopard. Pinagmasdan lang muna nila ito mula sa pwesto nila. Nakita nila ang matandang lalaki na pumunta sa likod bahay na parang may hinahanap.
"Sasama ba kayo sa loob?" Tanong ng dalaga at inayos pa ang suot nyang cap.
"Hindi." Halos sabay na tanggi nina Emm at Regine sabay iling. Mukhang di talaga paaawat ang mga ito.
"Ako na lang." Suhestiyon ni Alcoriza at tumayo mula sa pagkakatago. Hindi naman natinag sina Regine at Emm mula sa pagkakatago sa takot na makita ng matanda.
Binilin na lang ng dalaga na antayin siya sa tapat ng bakuran nito. Pumayag naman ang dalawa. Mukhang ayaw talaga nitong sumama sa loob.
"Tayo na." Aya ng dalaga at patip-toe silang pumasok sa loob ng bahay ni Mr. Leopard.
"Pasensya ka na masyadong sensitive ang lolo sa mga gamit kaya mag-ingat ka na lang ha?" Paalala ng dalagang nakasuot pa rin ng cap nang makapasok sila sa bahay ni Mr. Leopard.
Hindi mapigilang mapanganga ni Alcoriza habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay ng matanda. May sa antique lahat ang bawat bagay na nakadisplay rito. Magmula sa mga pigurine at portraits talo pa nito ang sikat na museum sa bansang Greece. Yun nga lang, masyadong creepy dahil makaluma na ang lahat ng bagay.
Sinundan niya ang dalaga nang pumasok ito sa isang maliit na silid hanggang sa dalhin sila nito sa isa pang kwarto na mas doble ang lawak kesa sa salas.
"Wow." Mahinang sambit ni Alcoriza nang tumambad sa kanya ang malawak na library.
Sobrang lawak. Tipong walang binatbat ang lumang library nila sa school.
Mas namangha pa siya nang buksan ang ilaw at makita ang napakatataas na mga bookshelves na punong-puno ng libro. Hindi niya akalain na ang secret door na pinasukan nila ay papunta rito sa malawak na library.
"Mahilig magbasa si lolo kaya pinagawa nya ito." Ngumiti ang dalaga kay Alcoriza.
"Ikaw iyong bagong kapitbahay nya diba? Ako nga pala si Nieca." Pakilala ng dalaga at inalis ang suot na sombrero. Tumambad kay Alcoriza ang inosenteng mukha ni Nieca habang inililibot rin ang paningin sa nagtataasang bookshelves.
"Apo ka ni Ginoong Leopard?"
"Uhuh." Napatango tango naman ito.
Mayamaya ay may kinuha si Nieca sa isang shelf. Isang malaki at makapal na libro. Halatang luma na ito at puno ng alikabok.
"A-ano yan?" Takang tanong ni Alcoriza at sinipat sipat ang libro.
"Hinahanap nyo ang Agartha hindi ba? Makatutulong sa inyo iyan." Suhestyon ni Nieca habang pinapagpagan ang alikabok na kumapit sa damit nya matapos iabot sa dalaga ang libro.
Alinlangan naman itong inabot ni Alcoriza at nagsalita.
"Gusto ko lang naman malaman kung totoo ba ang daigdig na iyon." Mahinang bulong niya.
Humalakhak si Nieca at tiningnan ang libro. Parang alam nito na may tinatagong daigdig rin ang ilalim ng lupang iaapakan nila. May alam rin kaya ang isang to?
"Iyan din ang sinabi ng bestfriend ko nung bigla na lang syang nawala." May halong panghihinayang at lungkot ang mababakas sa tinig ni Nieca.
Nanlaki ang mata ni Alcoriza sa narinig. They're close to the truth.
"N-nawala?" Paninigurado niya kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ng dalaga.
"Oo. Palagay ko nga ay natagpuan niya ang sinasabi nyang lagusan ng Agartha at di na nakabalik pa." Litanya ni Nieca sa malamlam na tinig. Pilit na pinag- ugnay-ugnay ni Alcoriza ang sinabi ni Nieca sa
tatlong kabataang nawawala. Wari niya ay isa sa tatlo ang tinutukoy ng dalaga.
"Saan siya nakatira?" Usisa pa niya. Wala na siyang pakialam kung matawag man siyang chismosa. Kailangan lang niya ng sapat na impormasyon.
"Nakatira ang pamilya nya dati dyan sa bahay na nilipatan nyo. Pero lumipat na ang mga ito mula nung nawala siya." Pagkukwento ni Nieca sa dalaga. Agad namang tumango si Alcoriza sa nalaman.
"Pwede ko ba tong mahiram muna?
Ibabalik ko rin agad." Pakiusap ulit nya.
"No worries---ohh. Lunch time na. Any minute babalik na si lolo dito sa bahay. Tara nang umalis dito." Tumingin si Nieca sa wristwatch niya at lumakad na sila palabas.
Bago pa makalabas ng library si Alcoriza ay napangiwi siya nang may mahawakan. Matigas ito at medyo malagkit.
"Ugh. Ano to?" Nandidiring tanong niya kay Nieca habang tinitingnan ang isang nakakadiring bagay.
Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya at di mapigilang mapatawa.
"Pustiso ni lolo. Iyan siguro yung hinahanap nya sa likod bahay." Kapwa napangiwi ang dalawa.
Ulyanin na talaga ang matanda.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top