Chapter 24- The Riddles and Potion
***
"Tapusin na natin to Red. Pareho lang tayong lumalaban rito." Pinahid ni Hershey ang pawis na tumutulo sa noo niya. Inangat ang hawak na espada bago buo ang loob na sumugod sa dalaga.
"Carry on. Ngunit hindi mo mababago ang katotohanan, na magkaiba tayo ng ipinaglalaban." Pagmamayabang ni Red saka isinangga ang hawak niyang abaniko.
***
"Kyaaaaaaaaaaahhhh!" Namayani ang tili ni Alcoriza nang pagpasok pa lang niya sa bahay ay sinugod na agad sya ng isang berdeng parrot.
"Panauhin! Panauhin!" Paulit ulit na sambit ng parrot habang nahintakutang napasigaw sina Alcoriza at Emm.
"Perry tumigil ka." Sambit ni Lucia nang dumapo ang parrot sa balikat niya. Mukhang alaga ito ng bruha. Ang naisip agad ng dalawa. Nagkatinginan sila at sabay napalunok laway. Hindi yata nila kakayaning manatili pa rito ng ilang minuto.
Inilibot ng dalaga ang paningin. Napangiwi siya nang makita ang itsura ng kwarto. Napupuno ito ng iba't ibang kulay ng usok sanhi ng mga potions na ginagawa ng babae. Sa gitna ay isang malaking kawa na may kumukulo pang potion.
"Ang huling sangkap.." Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa labi ni Lucia nang ilagay ang isang hibla ng buhok na hinigit pa niya sa buhok ni Alcoriza sa mismong pagpasok nito. Ito ang huling sangkap upang magawa niya ang potion na makapagpapabago sa kanyang anyo, ang isang hibla ng buhok mula sa isag ordinaryong taga-ibabaw.
"A-anong ginagawa nya?" Nanlalaki ang matang tanong ni Emm.
"Ssshhhh." Puna ni Alcoriza. Sa isang iglap ay umalingawngaw ang malakas na halakhak ng bruha. Nagkalat ang makulay na usok sa buong kwarto.
Napapikit sila at napaubo dahil sa mga nalalanghap. Mayamaya ay nawala ang usok kaya't naimulat agad ni Alcoriza ang mga mata niya. Napanganga na lamang sila sa nakita.
Sa harap nila ay nakatayo ang isang napakagandang babae. Itim na itim ang buhok, maputi at sa balikat nito ay ang berdeng parrot na nakadapo. Wala na ang bruhang si Lucia.
Asan na siya?!
"L-Lucia?" Takang tanong ni Emm sa babaeng kaharap.
"Hahaha! Malaya na rin ako sa wakas!" Di makapaniwalang sambit ng babae na si Lucia. Agad niyang hinaplos ang makinis na balat at pisngi na wala nang bakas ng katandaan. Mas bumata siya ng limampung taon kaysa sa dati niyang hitsura.
"W-what the heck." Manghang mangha na saad ni Alcoriza at tinitigan ang magandang babae na si Lucia. Hindi siya makapaniwalang totoo ang nasaksihan nyang magic.
Sa labis na tuwa ay nagtatalon si Lucia. Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan.
"E-excuse me? Alam naming maganda kana. Maaari na ba naming makuha ang potion?" Singit ni Emm na naging dahilan para matigil sa pagtawa si Lucia.
"Potion? Maaaring kunin?" Nakataas ang kilay na sambit niya.
"HINDI MAAARI!!" Malakas na bulyaw ng bruha. Halos tumalon sina Alcoriza at Emm sa sobrang gulat lalo na nang panlisikan sila ng mata nito. Makailang minuto lamang ay muli itong humalakhak.
"Eto ba ang kailangan nyo?" Nakangisi si Lucia at ipinakita ang isang mahiwagang botelya na hawak niya. Aabutin na sana ng dalaga ang botelya pero agad itong inilayo ni Lucia.
"Pinaglalaruan mo ba kami?" Nagtitimping tanong ni Alcoriza at nakuyom ang kamao dahil sa inis.
"Bago nyo makuha ang potion, kailangan nyo munang makasagot sa aking mga bugtong." Hamon ng bruha. Tinitigan niya ang dalawa na halos hindi makapaniwala sa naririnig.
"BUGTONG?!"
"Bat ngayon nyo lang sinabi?!"
Halos sabay na sigaw ng dalawang magkaibigan.
***
"Unang bugtong! Unang bugtong!" Paulit ulit na sambit ng parrot na alaga ni Lucia. Nakapatong pa rin ito sa balikat ng amo.
"Eto ang unang katanungan.." Taimtim na nakikinig ang dalawa sa sasabihin ng bruha kahit ang totoo't wala silang ideya kung anong bugtong ang sinasabi nito sa kanila.
"Karaniwang makikita sa matanda.
Hinahanap, minsan biglang mawawala."
"What?!" Kumunot ang noo ni Alcoriza nang marinig ang bugtong.
"Anong sagot nyo?" Seryosong tanong ni Lucia sa dalawang taga-ibabaw na di maipinta ang pagmumukha dahil sa sobrang pag-iisip.
"Err.." Napakagat labi si Alcoriza habang nag-iisip kung anong posibleng sagot sa bugtong.
"Huhu. Bakit sa tuwing naririnig ko ang matanda. Pumapasok sa utak ko si Mr.Leopard at ang nakakadiri nyang pustiso!" Himutok naman ni Emm at nasapo ang noo dahil sa naalala.
Mr.Leopard.
Pustiso.
Pustiso?!
"Tama! Emm ang galing mo talaga!" Nagulat si Emm nang biglang sumigaw ang dalagang si Alcoriza at nagtatalon.
"Anong tama?!" Walang ideyang tanong ng binata sa kanya.
"Lucia, pustiso ang sagot!" Sigaw ni Alcoriza.
Sa di malamang dahilan ay nagliwanag ang hawak na bote ni Lucia tanda na tama ang naging sagot nila sa unang bugtong. Humalakhak ang bruha at tumingin sa kinaroroonan nila.
"Ikalawang bugtong! Ikalawang bugtong!" Sambit ng parrot.
"Isang lugar na mahiwaga. Puno ng salamangka at mahika."
Nadismaya ang dalaga dahil akala nya'y tapos na ang pagsubok. Pero hindi pa pala. Ngayon, may isa pang bugtong ang dapat nilang sagutin.
"Mundong nakapailalim. Punong-puno ng lihim. Pinipilit ungkatin." Dagdag pa ni Lucia dahilan para mas maguluhan ang dalawa.
Mundo sa ilalim. Nakakagat na niya ang kuko niya sa pag-iisip. Hanggang sa may maalala siya.
"NANINIWALA BA KAYO NA SA ILALIM NG LUPANG INAAPAKAN NATIN, AY MAY SIBILISASYONG NAMUMUHAY?"
Napapitik si Alcoriza nang maalala ang discussion nila noon. Masyado siyang napressure sa ginawa niyang oral report noon sa klase dahil ayaw syang paniwalaan ng lahat. Kung tama ang hinala nya, ang sagot ay...
"Agartha!" Halos sabay na sagot nina Alcoriza at Emm na nag-iisip rin pala ng sagot.
Unti-unting kumalat ang nakasisilaw na liwanag sa buong paligid. Sa sobrang liwanang ay wala silang ibang nagawa kundi ang mapapikit upang wag masilaw sa liwanag. Hanggang sa kusang mapadpad sa kamay ni Alcoriza ang potion na kanina pa niya nais kunin.
"Hihihi. Binabati ko kayo mga taga-ibabaw. Nalampasan ninyo ang aking mga pagsubok. Humanga ako dahil sa kakaiba ninyong tapang at lakas ng loob upang harapn ako. Humayo na kayo at iligtas ang Agartha. Hanggang sa muli!" Humalakhak si Lucia kasunod nito ang huni ng parrot niya.
Nawala ng parang bula ang bruha. Sa isang iglap ay natagpuan nina Emm ang sarili nila sa malawak na ere at lumilipad.
Napangiti nang abot tenga si Alcoriza at mahigpit na hinawakan ang botelya. Sa wakas, maibabalik na nila ang hari sa dati. Sana lang ay maibalik na rin ang kapayapaan sa buong palasyo ng Agartha.
Ngunit sa di malamang dahilan ay tinamaan ng kaba ang dalaga nang mapansin na nawawalan na sila ng balanse.
"Ohmy! Babagsak ata tayo!" Nagpapanic na si Emm dahil pilit niyang binabalanse ang sarili sa ere.
"Noooooooo!" Halos manlaki ang mata ni Alcoriza nang mapansing nalaglag na pala ang dala nyang camera. Nanlulumo nya itong tinitigan hanggang lumubog na sa napakalalim na tubig. Tila nabawasan na rin ng kalahating porsyento ang buhay niya nang maalala na naroroon lahat ng ebidensya para mapatunayang totoo ang mundong kinaroroonan nila ngayon.
"Kailangan kong makuha yun!" Giit ng naiiyak na dalaga. Alam niyang mawawala lahat ng pinaghirapan niya. Lahat ng pruweba na totoong totoo ang lugar na Agartha.
"Wag--ang potion!!" Pababa na sana sila sa may pampang nang mabitawan naman nila ang botelya na naglalamanng potion para hari. Sa labis na tensyon ay walang ibang ginawa ang dalawa kundi magsisigaw na lamang.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top