Chapter 15-Flashback Memories
***
Takbo ang ginawa ni Archdave sa pasilyo ng kaharian at palinga-linga pa ito na parang may hinahanap. Natigil lamang siya nang muntikan na niyang mabunggo ang dalawa sa tatlong musketeers na sina Neva at JhunaMae.
"Nagmamadali ka ata." Bati ng walang emosyong si JhunaMae habang kinikilatis ang mukha ng binata. Bukod kasi sa paggamit ng sandata niyang pana ay may kakayahan rin siyang bumasa ng kilos at galaw ng tao. At sa puntong ito, mukhang alam na ni JhunaMae na may hinahanap si Archdave.
"Si Hershey? Nakita nyo?"
Muling nagkatinginan ang dalawang dalaga at napatango.
"Nasa hardin. Mukhang malalim kang iniisip. Kung ako sayo ay hindi ko na muna siya guguluhin sa pagkakataong ito." Tinuro ni Neva ang direksyon kung saan nagtungo ang dalagang si Hershey. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na ang dalawa sa paglalakad at iniwan ang natahimik na si Archdave.
Lagaslas ng tubig mula sa umaapaw na fountain ang tanging naririnig ni Hershey habang nakatulala sa malawak na paligid. Tahimik at walang kahit na anong ingay kundi ang tubig na bumabagsak sa konkretong pader. Nakakadagdag kalma ito para sa kanya. Paulit-ulit siyang napabuntong-hininga saka ipinikit ang mga mata
Sa katahimikan ng paligid ay nakarinig siya ng mahinang yabag at mga kaluskos mula sa dulong halamanan. Tinalasan niya ang pandinig.
"Sino yaaaan-----"
"Wait kalma lang! Kalma Hershey!" Mula sa malalagong bushes ay lumabas ang nagtatagong si Archdave. Halos mamutla ito sa kaba dahil saktong labas niya, nakatutok na sa mukha niya ang dulo ng espada ng dalaga. Konting galaw na lamang at masusugatan na siya.
"Oww-key? Uhmm wala ka naman sigurong balak patayin ako noh?" Napalunok si Archdave at napatingin sa seryosong mukha ni Hershey. Makailang minuto ay binawi rin niya ang espada at inilayo sa disgrasyadang mukha ng kaibigan.
"Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ni Hershey sa kaibigan.
"Ayos ka na? Iniisip mo pa rin ba ang naging tugon ng hari sa iyo kanina?" Agad napaiwas ng tingin si Hershey saka napabuntong-hininga. Nabalot muli ng katahimikan ang lugar na kinaroroonan nila. Walang sinumang nagsalita.
"It's been a decade since I lost here underworld. Pero nakakatawang isipin na tatlong taon pa lang akong nawawala sa mundong ibabaw." Natatawang napailing ang dalaga at napatingin sa malayo. Napangisi naman si Archdave sa naging tugon ng dalaga.
"Eh ano rin kaya ako? Tiyak kung anong nararamdaman mo ngayon, nararamdaman ko rin. Hays, namimiss ko rin namang magpagala-gala sa mundong ibabaw. Yung tipong wala akong pakialam sa curfew ng village. Tatambay sa 7/11 tapos buong weekend aattend ng kung ano-anong---"
Hindi na pinatapos pa ni Hershey ang sasabihin ni Archdave dahil base sa mga pinagsasasabi nito, alam niyang namimiss lang ng binata ang nakaraang buhay niya sa mundong ibabaw.
"Bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanong pabalik ng binata nang makitang iniharang ni Hershey sa mukha niya ang kanang kamay.
"Wala. Enough na nai-cite mo na lahat ng mga bagay na usually mong ginagawa dati. I bet you miss your oldies up there." Ngumisi nang mapangloko ang dalaga kaya napabuntong hininga ang kausap.
"Kung bibigyan ka nang pagkakataon na makabalik sa ibabaw, babalik ka ba?" Tanong pa niya kaya Archdave bagay na ikinalaki ng mata ng binata. Hindi ito makapaniwalang naitanong ito sa kanya. Huminga muna ito nang malalim bago sumagot.
"Sa tingin ko, hindi na." Mapaklang sagot nito. Napanganga naman si Hershey.
"Ilang dekada na tayo rito. Kung tutuusin, parang iba na nga ang lahi natin kasi tulad nila, tulad ng mga naninirahan rito, parang di na rin tayo tumatanda gaya ng iba. Three years na akong nawawala sa ibabaw. At pag bumalik pa ako, hindi na ako nakasisigurong kilala pa ako ng lahat. Marami nang nabago Hershey. Marami na."
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay napatungo si Hershey. May punto naman ang binata. Kung babalik pa ito, maaaring tanungin lang siya kung bakit at saan siya nagpunta sa loob ng mahabang panahon. Three years is enough to be forgotten lalo na kung walang dahilan ang pag-alis at pagkawala.
"Ikaw? Babalik ka ba?" Tanong rin pabalik ng kausap. Sa ilang sandali ay tila bumalik lahat ng ala-ala niya mula sa mundong kinalakhan niya hanggang sa mapadpad siya rito sa Agartha.
*FLASHBACK*
"Hershey! Ano ba! Tulog mantika na naman! May pasok ka sa school ngayon nalimutan mo na ba?" Parang maririndi si Hershey sa mala-megaphone na boses ng mommy niya. Mas malakas pa ito sa casette na tumutugtog sa sala kaya mas tinatamad tuloy siyang bumangon, maligo at pumasok sa school.
Parang paulit-ulit na cycle lang naman kasi ang nangyayari sa buhay niya. Minsan nakakasawa na rin.
"Bye Dad! Mom!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon, alam na niya ang magiging buhay niya pagkalabas pa lamang ng bahay nila. At wala siyang ibang nararapat gawin kundi harapin ang takot at pagkahiyang lagi niyang nararanasan sa eskwelahan.
Ang pagiging loner at isang outcast.
"Miss Dazzlin sigurado ka ba dyan sa pinagsasasabi mo infront? Do you think you will make us believe na totoo yang mga long lost city na sinasabi mo? Oh c'mon crop that hell out."
Nakuyom ni Hershey ang kanang kamao dahil sa biglaang pagragasa ng alaalang matagal na niyang ibinaon sa limot. Pero heto at unti-unting bumabalik dahil sa iisang tanong lang.
"Hershey Dazzlin are you listening? Bukod sa failed practical research mo ano pang iniisip mo?"
"Sir, baka naman lumilipad na ang utak nyan sa kailaliman. Dun sa mundong sinasabi niya kanina?"
"Baka nga. Dun naman kasi sya nakatira e. Hahahaha. Mundo ng mga alien katulad---pffftt."
Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa hinanakit na akala niya'y matagal nang wala. Akala lang pala niya. Muli siyang napapikit at sa mismong pagmulat niya ay nasa ibang dimensyon na siya.
Madilim. Malawak. Hindi pamilyar para sa kanya ang paligid. Ramdam niya ang panghihina ng tuhod niya at ang labis na sakit ng mga kasu-kasuan sa mahabang pagkahulog sa walang katapusang tunnel.
"I-ito na ba?" Manghang mangha na sambit niya sa sarili at inilibot ang paningin sa mga nagtataasang puno at halaman na bagong bago para sa kanya. Ngayon pa lamang siya nakakita ng ganitong senaryo. Naglakad lakad pa siya hanggang sa makarating sa mas malawak na gubat.
Sa pag-aakalang walang sinuman ang nakakakita sa kanya, nagawa niyang kumuha ng isang mansanas sa punong nasa tabi niya lamang. Akma na niya itong kakagatin nang makarinig siya ng kakaibang ingay.
May paparating!
"Isang taga-ibabaw! Dakpin siya at dalhin sa hari!!"
Dahil sa narinig ay nanginginig niyang nabitawan ang hawak na prutas at marahas na kinaladkad ng mga kawal.
"Dahil sa pagpasok mo ng walang pahintulot rito sa mundo namin ay hinahatulan kita ng sampung buwang pagkakulong at habang buhay na pagkaalipin!"
Tumunog ang gong matapos magsalita ang hari. Tila echo ito sa pandinig ni Hershey. Ramdam rin niya ang malalagkit na titig ng tatlong dalagang nakatayo sa gilid niya habang pinagmamasdan siyang nakagapos, sugatan at nakaluhod na parang bihag.
Sa loob ng mahahabang buwan at araw, natuto siyang mabuhay mag-isa. Sa loob ng apat na sulok ng madilim niyang kulungan, mag-isa niyang hinarap ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagsusulat sa diary. Paminsan-minsan naman siyang sisilip sa maliit na siwang ng bintana upang makalanghap ng sariwang hangin, makakuha ng sikat ng araw at makita ang maliwanag na paligid sa labas. Gusto niyang lumabas ngunit hindi maaari. Hindi naman kasi niya alam na ito pala ang magiging buhay niya rito sa Agartha. Ang pagiging bilanggo at alipin.
"Parang awa nyo na! Hinahanap na ako sa mundo namin. Palayain nyo na ako. Pangako hindi ako ang magiging dahilan sa pagkawasak ng mundo nyo. Hindi ko sinasadyang matuklasan na nag-e-exist kayo!" Pagmamakaawa niya habang nakalapit ang mukha sa bakal na rehas. Sa labas nito ay ang tatlong mandirigma na sina Red, Neva at JhunaMae.
"Paumanhin. Ngunit hindi namin hawak ang desisyon ng hari. Tanging mandirigma rin lamang kami at sumusunod sa kautusan nya. Narito kami para sabihing pinalalaya ka na rito sa pagiging bilanggo." Tugon ni Neva na ngumiti ng tipid. Wala namang pagsidlan ang tuwa ng nakakulong na si Hershey.
"Talaga?! Makakauwi na ba ako sa amin? Babalik na ba ako?!" Halos mangislap na ang mata niya dahil sa sobrang excitement.
"Pero hindi ibig sabihin ay malaya ka nang makakabalik sa mundong ibabaw. Tandaan mong habang buhay ka na rito. Habang buhay na pagiging alipin ang parusang iginawad niya sayo." Tutol ng dalagang may pulang buhok. Agad nawala ang ngiti niya sa labi matapos itong marinig.
"Oh, ano pang hinihintay mo riyan. Lumabas ka na dyan sa lungga mo at simulan ang gawain sa labas." Walang emosyon na tumalikod agad si JhunaMae nang iabot sa kanya ang malinis na damit na kanyang susuutin. Ang uniporme ng mga alipin at katulong.
Ilang linggo pa lamang siya sa pagsisilbi sa hari ay nawawalan na siya ng pag-asa. Hirapan kasi siyang makuha ang tiwala ng hari. Palagi siyang napagsasabihan at napahihiya ngunit sa kabila non, mas pinagbutihan na lang niya ang kanyang mga gawain. Paulit-ulit niyang itinatak sa utak niya na habang buhay na syang maninirahan sa mundong ilalim kasama ang mamamayan ng Agartha. Na tatanggapin niyang wala na syang babalikan pa kung sakaling magkaroon siya ng pagkakataong masilip ang mundo niya sa ibabaw.
*END OF FLASHBACK*
Napangiti rin nang mapakla si Hershey ngunit mas nangibabaw ang ngiti ng panghihinayang at pasasalamat.
"Sa sobrang dami kong pinagdaanan bago ko maabot ang posisyong ito, tingin mo makakaya ko pang umalis rito sa Agartha?" Napaisip si Archdave sa sinabi ng kaibigan.
"Posible. Kung talagang namimiss mo ang nakaraang buhay mo sa ibabaw." Sagot ng binata. Natatawang napailing si Hershey.
"I miss no one. Probably they missed me. But that's once upon I lost. May bago na akong pamilya. Kayo, ang Agartha..." Napahinto si Hershey sa pagsasalita at napadako ang paningin sa dalawang dalagang paparating, sina Neva at JhunaMae na kumakaway mula sa malayo.
"At ang Musketeers." Dugtong pa niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top