Prologue

The room was dim, the only light they have is coming from the fireplace. Sumisilip din ang sinag ng bilog na bilog na dalawang buwan sa malalaking bintana.

Hindi malamig, hindi rin gano'n kainit. Pero magsisitaasan ang mga balahibo at parang masusunog ang mga laman ng taong papasok sa silid. The intimidating pressure between the two inside the room are innumerable. 

Their sizes have a huge gap, their muscles, their looks... but it's too obvious who has the most overwhelming presence. Sa kabila ng laki, postura, itsura, at masasabi na ring lakas ni Bora, hindi pa rin makakatapat dito ang presensya pa lang na meron si Helena.

Ang batang babae na may kulay gintong buhok at kadalasan na may hawak na tasa ay walang hawak ngayon at hindi mabasa ang ekspresyon. Nakababa ang tingin sa kaniya ni Bora dahil sa pagitan ng tangkad nila, pero sobrang taas ng respeto niya sa batang kaharap.

"Paki-ulit? Anong ginawa mo, Bora?" Mahinahon pero may diin na pagtatanong ni Helena. "You let your students, TO GO TO THE UNDERGROUND ASSOCIATION, TOGETHER WITH THE VESSEL, ON THEIR OWN?" Dagdag niya.

Maliit at matinis ang boses, pero sobrang nakabibigat ng pakiramdam. Nanatiling may seryosong ekspresyon si Bora. Nagpapakita man na hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang ginawa, bakas sa mukha niya na hindi rin siya natuwa rito.

"Helena-"

"HANGAL! ISA KANG HANGAL!" Umalingawngaw ang boses ng batang babae.

Napatikom ng bibig ang malaking lalaki. Bihira lang makitang nanggagalaiti sa galit si Helena. Madalas ay dahil sa mga estudyante niya na kung hindi may palpak at may masamang nagawa... ay kapag nasa pahamak sila.

"ANONG KATANGAHAN 'YON, BORA?! ALAM MONG HINDI NILA KAKAYANIN! HINDI KA GANO'N KATANGA! BAKIT HINDI MO PINAALAM SA AKIN AT-"

"Alam ko! Alam ko ang mga ginagawa ko, Helena!" Pagputol bigla ni Bora. "Handa akong pagbayaran ang pagkakamali ko, kaya paki-usap, wag ka ng sumali..."

Naningkit ang mga mata ni Helena, hindi makapaniwala sa naririnig. "Anong pinagsasabi mo? Laban ko rin 'to, hindi lang ninyo-"

"Hindi, Helena... laban nga natin 'to, pero kapag sumali ka, panigurado akong aakuin mo ang lahat."

Helena was taken aback. Hindi niya inaasahan ang narinig at hindi kaagad siya nakasagot.

"Helena... ayoko lang ulit maulit ang nangyari no'ng kailan lang... kailangan ka pa namin, kailangan ka ng mga estudyante mo." Seryosong sambit ni Bora. Bihira lang din siya magpakita ng emosyon, pero ngayong kaharap niya si Helena, parang isa lang siyang bata.

He glanced at the little girl, suddenly remembered something. Noong bata pa lang siya, mataas na ang tingin niya sa batang babaeng kaharap. Lalo na at alam ng mga Portugal na magiging ligtas sila, kapag nandiyan si Helena.

Kaya isang bangungot sa kaniya, sa kanilang lahat, nang malaman na nawala si Helena noon sa loob ng isang taon. They almost lost the Portugal's guardian, now, he's doing what he think is the best to protect it.

"Ipagkatiwala mo na sa 'kin 'to. I'm the strongest Portugal in my generation, Helena. You don't have to-"

"Hindi lang kayo ngayon ang pinoprotektahan ko, Bora." Seryosong sagot ni Helena. Tumaas ang dalawang kilay ni Bora sa narinig.

"It is true that I'm the Portugal's guardian... but I'm also a Principal. It's also my duty to protect my students." Bumaba ang tingin ni Helena. Ilang segundo rin siyang natulala at napaisip ng malalim.

Bakas sa mukha niya ang kaba.

"But it looks like it's not just our students now... it's going to be the end of all the Gifteds."

AGAINST THE GOD
End of the Gifteds

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top