Prologue
MULTIVERSE TRAVEL IS POSSIBLE ACCORDING TO PHYSICIST
Isa 'yon sa mga headline ng mga article na may kinalaman sa kanya. Kanina pa siya tumitingin-tingin sa internet ng mga balita tungkol sa naganap na annual physics conference ng kanilang university at sa kasamaang palad, lahat ng 'yon ay puro pambabatikos at mga negatibong kritisismo.
Napailing na lang siya habang winawari na hindi pa rin handa ang mga tao sa mga paparating sa hinaharap. Little did they know, it's already here.
Sinara niya ang tabs sa browser nang bumukas ang pinto.
"Sir Melendrez, Mr. Revilla is here." He gave his secretary a nod to let the visitor enter his office.
"Thank you."
Nang pumasok ang kanyang bisita'y kaagad niya itong sinalubong. Out of their old habit since high school days, they bumped their fists.
"You're all over on my social media feed," sabi nito sa kanya. "Sabi ko sa 'yo hindi pa rin gano'n ka-open minded ang mga tao pagdating sa mga conspiracy theory."
"It's not a conspiracy theory; it's Science," sagot niya sa kaibigan. "Take a seat."
"No need, dumaan lang talaga ako rito para ibigay sa 'yo 'tong invitation. I know you're a busy man, baka makalimutan mo ang pinakaimportanteng araw ng best friend mo." Inabot nito sa kanya ang isang eleganteng envelope na kulay silver.
"Thanks. I won't forget it, ako kaya ang best man mo."
"Great! Oh siya, at may iba pa akong aasikasuhin." Nang akmang aalis ito'y bigla siyang may naalala. He couldn't help but blurt it out.
"If I'm not mistaken, sa dating app kayo nagkakilala, hindi ba?" Natigilan ang kaibigan niya nang banggitin 'yon.
"Yeah. Why?" tanong nito sa kanya subalit kaagad ding may naalala. "Oo nga pala! You told me last time na may dine-develop ang company mo na bagong app. Ano nga ulit 'yon?"
"It's called Alter."
"Well, sana maging successful ang Alter," sabi nito at saka lumapit sa pinto. Bago 'yon ay tinuro nito ang pader sa likuran ng desk niya. "I like the new design, it's cool. See you, Coops!"
Kumaway siya rito at nang makalabas ito ng opisina niya ay lumingon siya sa tinuro nitong pader. It was his idea to paint it inspired by a theory of bubble universe, magkakonekta ang mga bilog at sa pinakagitna nito ay isang tatsulok—isang simbolo ng kanilang nilikha.
He smiled to himself because their company is about to launch an app—a not-so-ordinary app that can connect to every possible universe out the cosmos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top