Chapter 32


Elrond's POV

SINO bang nagsabi na magiging madali lang ang pagmu-move on? Ang akala ko kasi paggising ko kinabukasan matapos ang nangyari'y makalilimutan ko ang lahat, na para bang isang malaking panaginip lang ang mga nangyari sa loob ng anim na buwan.

Una kong tiningnan sa phone ko ang application ng Alter pero parang bula 'yon na naglaho dahil sa pagkakaself-destruct ng Esoterra. Masakit siyempre. Hindi pala madali na isipin na hinding-hindi ko na ulit siya makakausap.

Kinapa ko 'yung puso ko at inalala sa memorya ang mga nangyari, hindi 'yon panaginip at lahat ng 'yon ay totoo. Totoo ang mga alaalang nilikha namin sa loob ng napakaikling panahon.

Matapos naming makabalik noong gabing 'yon ay kaagad nag-file ng report si Cooper tungkol sa kidnapping incident na nangyari sa kanya. Aminado naman si Cooper na may mga detalye siyang iniba at kinubli dahil paniguradong hinding-hindi maniniwala ang mga awtoridad sa kanya. Sa kabutihang palad ay wala nang mga kahina-hinalang tao ang muling lumapit kay Cooper.

'Yong Janus 1 na ginawa namin? Ayon, akala mo'y nagmistulang props na lang para sa isang science fiction movie, nakatambak na lang sa warehouse ng tito ni Cooper dahil ayaw naman niyang itapon—memorabilia rin daw ng first-ever successful project niya.

Back to normal ako sa school, wala naman kasi akong choice, hindi ba? Ang ironic nga kasi tuluyan na 'kong nawalan ng interes sa video games, palagi akong tumatanggi kapag nagyayaya sina Marky ng laro, pati 'yung mga laro sa phone ko'y na-uninstall ko na rin. Imbis na takasan ko ang realidad sa pamamagitan ng paglalaro'y mas pinili kong harapin ang katotohanan araw-araw.

Isang linggo na ang nakalilipas. Sabi nga ng bandang Hale sa kanta nila, 'Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako.' Para akong na-stuck sa isang lugar, hindi ko alam kung paano ako makahahakbang papunta sa hinaharap. Naging blangko 'yung utak ko.

"Elrond, hijo, tuloy ka!" Hindi ko namalayan na bumukas na pala 'yung pinto at bumungad sa 'kin ang mommy ni Cooper. Kaagad akong nagmano sa kanya.

"Good evening po. Pasensiya na po, Tita, kung gabing-gabi ko nang sinusundo si Cooper," sabi ko sabay kamot sa batok.

"Naku, okay lang! Mainam nga 'yon at nang lumabas-labas ng kwarto ang anak ko," sagot nito at sinenyasan akong tumuloy sa loob. "No'ng nalaman ko nga sa kanya na susunduin mo siya ngayon para gumala ay natuwa talaga ako. Gusto ko rin namang maging normal na teenager si Cooper kahit papaano."

Natawa na lang ako nang bahagya sa komento ni tita. Pinapanhik niya na lang ako sa itaas para sunduin si Coops. Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto niya at medyo natagalan bago niya buksan ang pinto.

"Let's go?" bungad niya sa 'kin. Nakasuot lang siya ng Star Wars T-shirt at Khaki shorts.

"'Yan na 'yang suot mo?" tanong ko.

"Bakit? Saan mo ba ako ililibre at kailangan ko bang pumorma?" balik-tanong nito sa 'kin.

"Palitan mo naman 'yang suot mo." Pero umangal ang loko. "Dali na at baka may makilala kang chix sa pupuntahan natin!"

"Ha? Anong chix? Saan ba tayo pupunta—" Natulak ko na siya sa loob ng kwarto niya at sinarado ako ang pinto. Ilang sandali pa'y lumabas na siya ng kwarto na may mas maayos-ayos na porma. Parang labag pa nga sa kalooban niya.

"Coops, lumabas-labas ka rin naman ng kwarto mo kahit minsan," sabi ko habang naglalakad na kami papuntang sakayan ng bus.

"Dude, alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa mga bago kong project," sagot niya.

"Alam ko naman 'yon," sabi ko. "Ang sa 'kin lang naman, baka kasi nag-aalala ang mommy mo. Tuwang-tuwa kaya si Tita nang kayagin kita ngayon."

"They started to freak out when they found out that I'm inventing stuff again." Napatingin ako sa kanya. Tinutukoy niya ang pamilya niyang never naging supportive sa passion niya. "If only they could know that we were successful once."

Tinapik ko siya sa balikat. "One day, maiintindihan ka rin nila. I'm sure gusto ka rin nilang suportahan pero kailangan mo rin sigurong mag-open up."

"I guess you're right." Napangiti ako dahil nakuha niya rin 'yung sinabi ko.

"Sa totoo lang naiinggit nga ako sa 'yo nang kaunti."

Napatingin siya sa'kin bigla. "Huh? Why?"

"Kasi... Mabuti ka pa't nakapagmu-move forward na sa future. Ang dami mong bagong projects na pinagkakaabalahan," sabi ko sabay yuko nang bahagya. "Samantalang ako, heto, nganga."

"Hey, don't say that." Siya naman ang tumapik sa 'kin ngayon. "It wasn't easy for me too, you know. Marami rin akong doubts na baka hindi na ulit ako makagawa ng successful project katulad n'ong Janus."

Napangiti ako sa kanya. "Salamat sa pagchi-cheer up. Hindi ko naman din intesnyon na maliitin 'yung struggles mo." Narating na rin namin ang sakayan at kaagad din naman kaming nakasakay.

Hindi makapaniwala si Cooper kung saan ko siya dinala—sa Nyx. Never pa kasing nakarating sa ganito si loko kaya rito ko siya dinala. So, bakit nga ba kami pumunta rito?

"Akala ko ba chill inom lang tayo?" tanong niya nang makaupo kami sa may bar counter. "Bakit dinala mo 'ko rito sa party-party?"

"Ha? Ano?" Kunwari'y hindi ko siya narinig. Inulit niya ang sinabi pero halos pasigaw. Tinawanan ko si mokong. Napatingin kami sa nagsasayawan sa may dance floor area. "Dito mo nakilala si Sanjay, 'di ba?" bigla niyang sabi.

Tumango lang ako. "Oo, kaso wala na siya rito."

"Dude, look." Bigla akong kinalabit ni Cooper at may tinuro 'di kalayuan. Nang makita ko kung anong tinuturo niya'y parehas kaming napatitig doon.

Nakita namin si Elise na masayang nakikipag-inuman sa mga girl friends niya. Katulad noong unang-una ko siyang nakita rito, as usual ay revealing ang damit, wagas ang tawa, parang walang pakialam sa mundo. Nahirapan nga rin kaya siyang maka-move on matapos ang nangyari?

Walang ano-ano'y bigla siyang napatingin sa direksyon namin. Saglit lang ang pagtitig dahil may kumausap din sa kanya. Ilang sandali pa'y niyaya si Elise ng mga kaibigan nito papuntang dance floor para magsayaw. Hindi ko man nababasa ang utak niya'y pero malakas ang pakiramdam ko na katulad ko'y sinusubukan din niyang makalimot—sa pamamagitan ng pagtakas pansamantala.

"Tara, sa iba na lang tayo," sabi ko sabay tayo. Hindi naman na umangal si Cooper at sumunod lang siya sa 'kin palabas ng gusali.


*****


"ANG daya-daya n'yo talaga! Akala n'yo ba naka-move on na ako? Pwes, hindi! Mga traydor kayo! Akala ko mga kaibigan ko kayo pero iniwan n'yo na naman ako sa ere—" Natahimik si Lois nang salpakan ko siya ng French fries sa bibig.

"Lois, araw-araw na kaming naririndi sa mga hinanaing mo. For once, bigyan mo naman kami ng peace of mind ni Cooper," sabi ko. Hindi siya makapagsalita agad dahil ngumunguya pa rin ito.

Lunch break at naisipan naming kumain sa labas dahil napakainit sa school. At ang totoo niyan ay pinilit lang kami ni Lois na ilibre siya rito sa paborito niyang fast food na kainan dahil nga may 'atraso' raw kami sa kanya.

"Peace of mind? Ang sabihin mo, Elrond, nagi-guilty ka lang na hindi mo ako tinawagan no'ng gabing na-kidnap si Cooper!" Rumatrat na naman ang bunganga ni Lois.

"Siyempre sobrang nagpa-panic na 'yung utak ko no'n at saka mainam nga na hindi kita tinawagan dahil ayokong madamay ka," depensa ko. Si Cooper ay kanina pa pabalik-balik ang tingin sa 'min, tahimik lang na kumakain.

"Kahit na! Parang hindi ka aware na malaki-laki rin ang tinulong ko sa project n'yo tapos ni hindi ko man lang naranasan 'yung multiverse travel? Ang daya-daya n'yo talaga!"

Napahilot na lang ako sa sentido habang patuloy pa rin sa pagra-rant si Lois. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sobrang laki ng na-miss niyang opportunity, ni hindi man lang niya nakita na gumana ang Janus, at hindi siya nakasama sa adventure namin. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya'y baka gano'n din ang maramdaman ko.

Nagkatinginan na lang kami ni Cooper at sabay pang napakibit-balikat. Hinayaan na lang namin na ratratin kami ni Lois hanggang sa magsawa siya. Hanggang sa bigla na lang ito tumigil. Sa wakas!

"Hay, salamat naman at naubusan din ng bala 'yang bibig—" Napansin ko kasi na nakatulala si Lois sa likuran ko kaya kaagad akong lumingon.

"Elise?" Sa gulat ko'y napatayo ako bigla. Saka lumingon din si Cooper.

"Elise?" ulit ni Lois. "K-Kamukha niya si..."

"I'd like you to go somewhere with me," direktang sabi ni Elise sa 'kin.

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinaas niya ang phone niya at nakita ko ro'n 'yung Instagram story ko kanina—isang groupie picture na kuha ni Lois bago kami kumain.

Tumingin ako sa mga kasama ko para sabihing, "Guys, mauna na muna ako." Tumango lang silang dalawa sa 'kin. Naunang naglakad si Elise at sumunod lang ako sa kanya.

Hindi na ulit nagsalita si Elise dahil nauna siyang naglalakad, sinilip ko 'yung phone ko at ngayon ko lang nakita 'yung notification kanina, itselisearceo followed you back. Bigla siyang huminto kaya muntikan ko na siyang mabunggo sa likuran.

Pagkaharap ni Elise sa 'kin ay may inabot siya sa 'king paper bag. Tinanggap ko naman 'yon at sinilip ang loob nito, 'yong itim na jacket na pinahiram ko sa kanya.

"I forgot to return it to you," sabi niya. Saka ko lang napansin na nakasuot lang siya ng casual attire, plain white blouse, jeans, at white rubber shoes. "Pina-laundry ko na 'yan."

"Ah, salamat," sagot ko. "Ito lang ba?"

"I told you, I want you to go with me," sabi niya sabay halukipkip. "May klase ka pa ba?"

"May isa pa—"

"Pwes mag-cutting ka," walang pakundangang utos niya sabay naglakad ulit.

Napailing na lang ako at saka sumunod sa kanya.


*****


NANG makababa kami ng sasakyan ay napatitig lang ako sa arko ng entrance. Medyo nakutuban ko na rito kami pupunta pero hindi ko inaasahan na rito mismo. Nauna ulit naglakad si Elise at saka ako sumunod sa kanya. Pribado ang lugar kaya malinis ang paligid, maraming mga puno kaya presko ang hangin.

"You must be disappointed that I took you to a memorial park," sabi niya sabay sulyap sa 'kin.

"Anong akala mo sa utak ko, gano'n kadumi?" sagot ko sa kanya. Napangisi lang si Elise, halatang nang-aasar. "Hindi ka man lang bumili ng bulaklak para sa kanya."

"Nah. My sister hated flowers," sagot niya. "Noong high school kami akala ko naiinggit lang siya kapag nakatatanggap ako ng bulaklak galing sa mga manliligaw ko, 'yon pala'y ina-allergy siya." Natigilan ako bigla nang makita ko ang isang puntod. Si Elise naman ay bigla ring huminto at saka umupo sa damuhan.

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa lupa. Napatingin sa 'kin si Elise nang makitang umupo ako sa harapan ng katabing puntod.

"Nakatatawa talaga ang tadhana minsan," sabi ko. "Akalain mo't magkatabi lang ang puntod ng kakambal mong si Elora at ng mommy ko."

"Well, for me it's not funny. It's cruel," sagot niya sa 'kin. "Why must this happen to us in this world? Akala ko sa oras na makita ko si Elora sa kabilang mundo'y magiging okay na ako pagkatapos. Feeling ko mas dumoble lang 'yung lungkot ko."

"Ako rin. Nalulungkot pa rin ako araw-araw kapag naalala ko siya pati ang mommy ko roon."

"But you know... It's not them," sabi niya bigla. "They may be the counterpart of our loved ones but they're still different people with different lives and personalities. Paulit-ulit ko 'yong sinasabi sa sarili ko para hindi ako malungkot."

"Tama ka naman," sabi ko. "At isa pa, wala naman talaga tayong choice kundi harapin 'yung sarili nating realidad at sumabay sa agos ng oras sa mundong 'to."

Namayani ang katahimikan kasunod. Walang nagsalita sa 'min ni Elise habang parehas kaming nagmuni-muni sa harapan ng puntod ng mga taong mahal namin sa buhay. Napapikit ako at dinama ang hangin, yumayakap ito sa balat ko at tila may binubulong.

Kailangan mong magpatuloy.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang mahinang paghikbi ni Elise, nang tingnan ko siya'y nakita kong pinapahid niya ang luha sa mga mata niya gamit ang kamay. Kinuha ko sa bulsa ko 'yung panyo ko at saka inabot sa kanya 'yon. Tinitigan lang niya noong una 'yung panyo pero kinuha niya rin.

Napatingin ako sa puntod ni mommy; sure ako na kung nasaan man siya ngayon ay payapa at masaya siya. Napangiti ako nang maalala ko 'yung dinner namin ng mommy ni Eli; masaya ako na naranasan ko 'yon kahit na kakaiba man ang naging sitwasyon.

Napangiti ako nang maalala ang ngiti niya, bigla akong nagkaroon ng kapayapaan sa puso ko. Nawala man si mommy sa mundong 'to ay alam kong okay na okay siya sa kabila. At least, hindi ko man sure kung totoong may langit, napatunayan ko na may parallel universe kung nasaan ang ibang bersyon niya.

Pagkatayo ko'y lumapit ako kay Elise. Nang makita niya ako'y tumayo na rin siya, saka binalik niya sa 'kin ang panyo ko.

"Don't worry, wala man si Elora dito sa mundo natin, alam kong magiging masaya pa rin siya sa mundo nila," sabi ko.

"At paano mo naman nasabi na magiging masaya siya?"

Ngumiti ako sa kanya. "Kasi nando'n ako para sa kanya." Kumunot siya. "I mean, 'yong counterpart ko."

Nagkibit-balikat si Elise. "Ah, sabagay, my twin would probably go out with Eli. He's hot."

"Teka, teka, para mo na rin sinabing hot din ako kasi ako rin 'yon," sabi ko habang nakaturo sa sarili ko. "Tsk, masama 'to, may lihim kang pagnanasa sa 'kin."

"Quit saying nonsense, kasasabi ko lang kanina na ibang tao pa rin 'yung counterpart versions—"

"Nahiya ka pang sabihin. Pero alam mo mas maganda pa rin si Elora kahit magkamukha kayo—aray!" Bigla ba naman niya akong sinuntok sa sikmura. "Boksingero ka ba?!"

"It's my workout, you prick," sabi niya sabay naglakad. Napailing at natawa na lang ako bago ako sumunod sa kanya.


*****


Elora's POV

"ARE you going home already, Elora?"

I turned my head to Karina whose lips were pouted. I took a glance on her laptop's monitor and saw that she still wasn't finished with her work. Although I didn't really want to add up to the pressure she was feeling, I nodded and smiled apologetically.

"But it's only five!" she whined.

"Five naman talaga ang out natin," paalala ko sa kanya. "And I'm already finished with my work."

"Okay, okay..." She frowned and put her head down on the table. "Iwan mo na ako. Mag-o-overtime na lang ako ulit mag-isa."

After we graduated college, Karina and I were lucky enough to be hired as editorial assistants under the same media company. To be honest, we just tried our luck and fate favored us that time. I knew some other people would rather have a different working environment by being with new people, but I really love having Karina around. I was able to quickly adjust at work because her presence made me feel familiar.

Kahit naaawa ako sa kanya ay hindi ko naman magawang samahan siya sa office upang maghintay hanggang sa matapos sa trabaho. I had scheduled plans already. I couldn't stay any longer as I didn't want to make him wait.

"Karina, I'll stay with you next time," I assured her. "You know I'm going to meet someone tonight."

Once I reminded her of my rendezvous for tonight, she shot her head up and looked at me with her eyes wide open. A huge smile gradually broke across her gloomy face.

"OMG!" she suddenly exclaimed excitedly and jumped from her seat to me before her eyes went up and down my body. "Will you change clothes first?"

I chuckled because of the enthusiasm she was showing. "Nope."

"You should've worn a dress!"

Napatingin ako sa suot kong casual attire. I was wearing a plaid beige suit on top of a white sleeveless top which was tucked in black fitted pants. Nagsuot na lang ako ng black sandals na mayroong 2 inches heels na madalas kong sinusuot pamasok sa trabaho. It was the usual attire I wore for work.

She exhaled deeply. "You're going on a date, Elora." She put emphasis on that word. "And besides, you're going to see each after a month he's away!"

"I think this is okay," I reasoned out and smiled.

Muli siyang napabuntonghininga at saka umatras papalayo sa akin. "Sabi ko nga," sabi niya bago muling sumilay ang ngiti. "You're still beautiful anyway."

In the midst of our conversation, my phone rang which interrupted our talk. I pulled my phone out of the shoulder bag to see who was calling.

"Is that him?" When I glanced at Karina, her eyes were twinkling.

Feeling slightly shy, I nodded my head. "I have to go now. I think he's already waiting downstairs."

"Sige na!" Halos itulak na niya ako palabas ng opisina kahit na noong una ay ayaw niya akong paalisin. "Bilisan mo na!"

"I'll call you later, okay?"

She shook her head. "No need. I'll be fine," she reassured me. "Jack will pick me up later. Huwag mo na akong isipin. Just focus on your date and don't forget to enjoy yourself."

With a smile, I nodded and quickly hugged her. "Thanks! I'll go now."

Tumango siya at masayang kumaway sa akin bago ako tuluyang nakalabas ng department. While on the way to the elevator, I answered his call which took me really long.

"Sorry," I apologized right away and pressed on the elevator button. "I was talking to Karina earlier. Nandito ka na ba?"

"No problem. I'm just waiting inside my car in the driveway," he replied. "If you still have something important to talk about with her, I can wait."

Being considerate should be a bare minimum, but I still couldn't help but smile. He will always unconsciously do these little things which make my heart flutter. "I'm on my way down already," I told him and the elevator made a sound when it finally reached my floor. "I'll end the call now. Walang signal sa loob ng elevator."

"Okay. See you real soon."

Pagkapatay ko ng tawag ay agad akong pumasok sa loob ng elevator. May mga kasabayan akong taga-ibang department na bumaba. I just politely greeted them with a smile before my eyes set on the LED screen on top of the elevator buttons, watching the numbers as it decreases and changed into letter G.

Pagkalabas ko sa lobby ay natanaw ko ang pamilyar na sasakyan sa bandang dulo ng driveway. Awtomatikong sumilay ang aking ngiti lalo na nang nakita ko siyang bumaba ng sasakyan upang salubungin ako.

Wearing a black button-down shirt, his sleeves were neatly folded up to his elbows. With the first three buttons of his shirt unfastened, his hooded eyes, and his hair slightly disheveled, he looked slightly tired but still handsome as ever.

I was feeling a little guilty for accepting his dinner invitation when I knew he came straight from the airport just to see me. I should've let him rest first and meet the next day instead. However, I also couldn't keep from indulging myself. I longed to see him after being apart for a whole month while he was working on a project in Cebu.

"El―"

As soon as his hands could reach me, he cut my greeting off when he suddenly drew me into his arms and wrapped me with a tight embrace. Before he rested his chin on top of my head, he kissed my forehead so tenderly that I could feel his love and longing running so deep until it reached the bottom of my heart.

"I really missed you so much..." he whispered with his low, breathy voice. He sounded so tired that it broke my heart a little. "I wish I could take you with me on business trips."

Napanguso ako. "Ayaw mo bang umuwi muna at magpahinga? Kagagaling mo lang sa Cebu. I'm sure you're tired."

"Nope." Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. "Seeing and hugging you like this is already enough for me. Ikaw ang pahinga ko."

Chuckling softly, from his chest, I lifted my head to see his face and he immediately brought his eyes down to look at me in the eye.

"What?" He sounded so nonchalant that I smiled and shook my head.

"I missed you, too, Eli."

Instantly after he heard those words, his gaze softened and his lips slowly curved upwards into a smile. He gently brushed a stray lock of hair away from my face and tucked it behind my ear. He was looking at me so lovingly but the pain which crossed his eyes for a brief moment didn't escape my sight.

Knowing what he was possibly thinking, it felt like something sharp pricked my heart. I brought my head back to his chest as I recalled everything.

Three years had passed since that unforgettable moment in my life. It was that moment when we broke through the impossible and built the two Janus portals which allowed people to travel to a different world. Every moment was still so vivid in my head, starting from the day when I met Elrond on Alter and up to the time when we watched the Janus 2 self-destruct along with the Esoterra.

As soon as the Esoterra was destroyed, the Alter application went down and was removed eventually from all app stores. From that point on, I already lost contact with Coops, Elise, and especially Elrond. But on the other hand, Eli and I grew closer to each other. We would find ourselves confiding in each other since we are the only ones―and Cooper―who knew about what happened.

As neighbors, our parents also built their own friendship. Tuwing nagkakasama-sama ay lagi nila kaming nilalakad sa isa't isa ni Eli. At first, I thought it was a ridiculous idea. But then, we just found ourselves falling for each other. However, realizing my own feelings wasn't easy for me to accept. I had to consider a lot of things, especially the sincerity of my feelings for him.

I don't want to hurt him.

Eli became special to me that hurting him would also cause me pain. While sorting out my feelings, I tried avoiding him, but I would always end up going back to him. Nang napagod na ako katatakbo palayo sa kanya ay saka ko lamang inamin sa kanya ang nararamdaman at masuwerte ako na nasuklian niya 'yon.

It had been a year since we became officially together. Although our relationship was sailing smoothly, I knew he would sometimes think about the possibility that I fell for him just because he looks exactly like Elrond.

"Eli, you know I love you, right?" I told him, never breaking our eye contact.

His lips parted slightly; I smiled and tiptoed to kiss his cheek.

"I love you," I said in the most sincere way to assure him of my feelings.

He bit his lower lip and nodded. Muli niya akong niyakap at hinalikan ang ibabaw ng aking ulo. "I know..." he said under his breath and his embrace tightened. "I love you, Elora. I really do."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top