Chapter 29
Elora's POV
THERE was a swirl of different emotions inside me―surprised, scared, confused, disappointed, and angry. I felt all of it at once that I couldn't think properly. On top of that, I was also feeling betrayed.
The menacing look on Sanjay's face was far different from the warm and easygoing version of him that we met at Nyx the last time. Now, he looks like someone who can easily pull a trigger without feeling any remorse. In his eyes, all I could see was anger and vengeance.
"Who is he, Elora?" Cooper asked, sounding very curious.
Nagtaas ng kilay si Sanjay at muling humakbang pabalik sa lamesa. Dahil may kataasan 'yon ay isinandal niya ang kanyang likod at humalukipkip habang nakatingin lamang sa amin.
"Nakilala namin siya ni Eli sa Nyx," I replied hesitantly. "H-he's the one who gave us the Esoterra..."
"What?" Tumaas ang boses ni Cooper. "If that's the case, then why are you holding us as hostages? Ano ang kailangan mo sa amin?"
I kept my silence as I waited for Sanjay to speak his mind. I also wanted to know his reason.
"Simple lang naman ang gusto ko," tipid niyang sabi. "I just want to take back something that belongs to me."
Napaawang ang aking mga labi. Huwag mo sabihing...
Once again, Sanjay lifted his face to look at us intensely and declared, "I want the Esoterra back."
I knew it... But I still couldn't wrap my head around it.
"B-bakit?" Hindi ko na mapigilan ang sariling itanong 'yon dahil hindi ko maintindahan. "Why did you give me the Esoterra when you're just going to take it back? Dapat ay hindi mo na sa akin ibinigay noong una pa lang."
"Let's see, hmm..." He stroked his chin as he hummed, pretending that he was thinking about his answer deeply. "I guess if I was stupid, I'd probably do that―but I'm not."
Umayos siya sa pagkakatayo at saka pinulot ulit ang baril. May pinindot siya roon upang lumabas ang lalagyanan ng bala mula sa hawakan. Napalunok akong muli sa takot. I never thought that a deadly weapon could look even deadlier until I watched him as he inserted around three bullets inside it.
"Noong sinabi mo sa akin ang rason kung bakit mo gustong makuha ang Esoterra, naisip kong may alam ka kung paano gamitin 'yon," pagpapatuloy niya habang abala sa pag-aayos ng mga bala. "For a whole month that I had the device in my hand, I tried to study the codes but I couldn't figure it out. I didn't know how to make that thing work. But then, you came to me at the right time."
"Kung hindi mo alam kung para saan ang Esoterra, paano napunta sa 'yo 'yon?" nagtatakang tanong ni Cooper.
"That's a good question!" He stopped from loading the gun and put it back on the table to empty his hand. "I don't really like explaining myself, but as a consolation for fooling your dear friend, I'll tell you a secret."
Pagkatapos niyang ibalik sa loob ang lalagyan ng bala ay muli siyang naglakad papalapit sa amin. I instinctively moved my back on the chair, when he stood just right in front of us.
"I used to be called Agent 183 of the Supernatural Intelligence Agency here in the Philippines," he introduced himself so casually but that information about himself already caught me off guard. "It's a secret organization which works around supernatural occurrences here in our country. Mayroon din ng organisasyong 'yon sa mga ibang bansa. The main headquarters is in Russia."
It sounded so far-fetched to me. It almost seemed like I was filming a Sci-Fi movie or inside a fictional novel. I didn't expect that there was really such an agency. But why am I even surprised? I mean, even parallel worlds do exist in reality!
"I was a part of the task force assigned to investigate the existence of this device," he explained. "The agency detected that it's transmitting a huge amount of supernatural frequencies. Matagal naming 'tong hinanap. It took us almost a year to find the device. Napag-alaman naming konektado 'yon sa dating application na Alter. From there, I found Esoterra in a suspicious local entertainment bar in Manila."
Nanlaki ang aking mga mata. "GAEA Entertainment Bar?"
Sanjay looked slightly surprised when I named the bar. But he managed to recover right away and simply nodded. "That's the one."
"But what happened after that?" Cooper asked once again, and I could tell that he was really invested in Sanjay's stories.
"Like what I said, I found the device. I was the one who discovered the location of the Esoterra," pag-uulit niya. "But our leader stole the recognition away from me. Na-promote siya mula sa kanyang position. From being a Team Leader, he became the Head Agent. Nang kinuwestyon ko siya ay tinanggal niya ako sa puwesto ko. Kaya ng umalis ako ay dinala ko ang dahilan kung paano siya napunta sa kanyang posisyon. I'm sure they're still having a hard time trying to find me."
One corner of his lips rose into a grin before he licked his lower lip and moved his face closer to me, imposing a huge threat. Napalunok at halos pigilan ang sarili sa paghinga.
"When you gave me a hint of what the Esoterra is capable of doing, I knew I just had to give it you," he told me with a satisfied smile on his face. "I've been following you ever since you got a hold of it. I learned that you're working with a famous, award-winning inventor of your generation." He gave Cooper a quick glance before raising his brow on me. "As expected, I made a smart choice to entrust you the device."
I couldn't believe what I heard at first. Although he seemed suspicious and slightly off to me that night, I still gave him my trust, especially when he willingly gave us the Esoterra. I thought he was kind enough to hand over a very important device to a stranger. However, in the end, I realized that I was just really gullible.
Because of our hopeless situation, I wasn't able to hold back from blaming myself. I should've seen that coming. Ako ang nagdala ng kapahamakan na 'to sa aming dalawa ni Cooper.
"Don't blame yourself, Elora," like he could read my thoughts, Cooper consoled me. "You didn't do anything wrong. You just want to help other people. That's not something to be condemned of."
Biting my lower lip, even though we were still in danger, I felt comfort. I was so thankful that Cooper was right with me to stop me from drowning in guilt, just when I was about to sink myself in it.
"Oh, how sweet," Sanjay mocked us and laughed before pulling himself away. "Enough of the talk. This is making me bored. I want you two to give me back Esoterra and tell me everything about it. Whatever invention you came up with using the device, hand it over as well."
"Bakit kailangan mo pang kuhanin sa amin 'yon?" Dinig ang iritasyon sa aking boses. "Hindi ba puwedeng hayaan mo na lang sa amin ang Esoterra?"
"Nope. I can't do that." He shook his head. "I already made a deal with an international organization. Handa nilang bilhin sa akin ang device sa halagang 10 Million Dollars at puwede pa 'yong tumaas kapag sinama ko kung ano man ang nagawa ninyong imbensyon. No one in his right mind would decline that offer."
Napalunok ako sa kaba. Pinasadahan ng daliri ni Cooper ng daan ang aking kamay upang senyasan ako. Mukhang parehas kaming dalawa ng iniisip.
Janus 2 is already activated. In less than 24 hours, it will be deactivated and the portal will self-destruct along with Esoterra. Sanjay won't be able to sell it if that happens. At kapag sinabi namin sa kanya 'yon, hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa aming dalawa. Mas mabuting manahimik na lang kaming dalawa ni Cooper tungkol doon.
"Para lang sa pera, handa kang ipahamak ang kapwa mo tao?" Sinubukan kong ibahin ang usapan upang magkaroon kami ng mas mahabang oras.
If he successfully traveled back and forth between the two parallel worlds, I don't know why but I believe that Eli will find and save us. I need to buy time and wait for him to arrive.
Natawa ulit si Sanjay. "Huwag kayong mag-alala. I don't really want to get blood on my hands, you know..." sabi niya ngunit ang kanyang mga salita ay taliwas sa ginawa niyang pagkasa ng baril. "But if you two won't cooperate, I might forget I said all that."
Nanuyo ang aking labi. Pinilipit kong mag-isip ng mga puwedeng palusot sa kanya nang biglang may pagsabog mula sa labas na umagaw ng aming atensyon. The explosion was so loud that it echoed inside the abandoned and quiet building.
"Ano 'yon?" wala sa sariling sabi ni Sanjay.
His face darkened. Binigyan niya kami ng tingin bago lumabas ng silid upang tingnan siguro kung ano ang nangyaring pagsabog. Once he was out of sight, that was the only time I breathed out in relief.
"Subukan na nating tanggalin ang tali habang wala siya," sabi naman ni Cooper at nadinig ko ang pag-usod ng kanyang upuan palapit lalo sa akin. "Naaabot mo na ba?"
The moment my hands felt the rope tying his hand, I nodded and said, "Yes." I couldn't help but smile, knowing that there was a chance we could escape.
*****
Elrond's POV
"WHAT do you mean you've been here?" tanong ni Eli nang iparada sa gilid ang sasakyan niya sa isang tagong eskinita.
"Ito 'yung location ng GAEA HQ sa universe namin," sagot ko. "Sinubukan naming puntahan ni Cooper kaya pamilyar na sa 'kin 'yung lugar. Ganito rin pala ang itsura dito—mga abandonadong building na to be demolished." Bumaba kami ng sasakyan at maingat na naglakad.
"Nando'n sila Elora sa building na 'yon." Biglang huminto si Cooper habang hawak ang phone at nakaturo sa isang building mga dalawampung metro ang layo mula sa kinatatayuan namin.
Napakunot ako. "Hindi natin nakita 'yong building na 'yon dati, Coops."
"Well, may kaunting pagkakaiba rin naman," sagot nito.
"So, what do we do now?" tanong ni Elise.
Wala kaagad sumagot sa 'min dahil pare-parehas lang kaming tumanaw sa building na may apat na palapag. Napalunok ako, wala kaming idea kung anong sitwasyon sa loob at kung ilan ba ang kumidnap sa kanila.
"We have to sneak inside in order to check the situation," sabi ni Eli at saka humarap sa 'ming lahat. "We need to exchange numbers." Tinaas nito ang phone.
"Sa tingin ko hindi gagana rito ang number namin," sabi ko. "O baka ibang tao ang sumagot." Napatango si Eli nang marealize ang sinabi ko. Naalala ko kasi 'yung sinubukan naming mag-meet up ni Elora noon, hindi ko ma-contact 'yung number na binigay niya kaya malamang ay gano'n din ang mangyayari sa 'min ngayon.
"That's hassle, paano tayo makakapag-communicate niyan? Then, let's stick together," suhestiyon ni Elise.
"No, we need to hurry," kontra ni Eli.
"Don't worry, guys, we have this." Sabay-sabay kaming napatingin kay Cooper na may hawak na isang bag, mula roon ay may kinuha siya.
"Coops! Saan mo nakuha 'to?" Isa-isa niya kaming binigyan ng walkie-talkie. Binuksan ko 'yon at gumagana naman sa kabutihang palad.
"Nakuha ko sa lab ni Cooper!" nakangiting sagot niya. "Man, it sounds weird to call my name."
"Mokong ka talaga. Pagdating talaga sa ganito, ang bilis ng kamay mo." Hinampas ko siya sa likuran at natawa lang siya.
"Wait, there's more"—may hinalungkat ulit siya sa bag—"look! Maybe we can use this to fight the bad guys."
"Uhm... Coops, ano 'yan?" Bilog at silver ang hawak-hawak niya. "Don't tell me—"
"I don't know, maybe it's a sleeping gas—"
"You, idiot! It might be a bomb!" si Elise.
Halos mapigil ang hininga namin nang mag-beep ang hawak ni Cooper at may umilaw na kulay pula. Sa sobrang panic ni Cooper ay nabitawan niya ang hawak.
"Run!" sigaw ni Eli sa 'min, pinulot niya ang nahulog at walang takot na binato ang bomba sa isang sira-sirang building.
Nakalayo na kami nang sumabog ang bomba. Napalingon ako at nakita si Eli na mabilis na nakasunod sa amin. Pare-parehas kaming napaupo sa gilid ng kalsada at habol-habol ang hininga.
"W-What the fuck?!" reaksyon ni Elise.
"I-I'm sorry, guys! Hindi ko alam—"
"Sshh!" pigil ko sa kanya. "May paparating!" Mabuti't nakita ko agad na may taong lumabas mula sa gusali kung nasaan sina Elora.
Hindi naman kami nito nakikita dahil sa nakaharang na patong-patong na mga kahoy at bakal. Sinubukan kong sumilip at nakita ang isang lalaki na nag-iinspeksyon sa nangyaring pagsabog. Nang matamaan ng liwanag ang mukha niya'y nanlaki ang mga mata ko.
"Elrond, bakit?" tanong ni Cooper.
"S-Si Sanjay... Siya ang kidnapper."
"A-Ano?!" Napatakip ng bibig si Cooper at saka hininaan ang boses. "Bakit niya gagawin 'yon?"
"Sanjay? The bartender?" si Elise, naguguluhan ang mukha.
"Hindi ko alam, baka maaaring masama 'yong counterpart niya rito," sabi ko sabay tingin kay Eli. "Sinabi ni Elora na walang hirap na binigay niya 'yong Esoterra sa inyo, hindi ba?"
Tumango si Eli. "I knew it. Noong unang kita ko pa lang sa taong 'yon ay alam ko nang may mali. Napaisip din ako kung bakit gano'n-gano'n na lang siyang pumayag kay Elora. There must be an evil motive."
"Mukhang gano'n na nga."
Inantabayanan ko ang kilos ni Sanjay. Nang wala siyang mahanap ay muli siyang bumalik sa pinanggalingang gusali. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras, nang masiguro naming wala na si Sanjay ay saka kami lumabas sa pinagtataguan namin at nagtungo sa building.
Dumaan kami sa likuran at pumasok sa fire exit. Bago kami pumasok sa loob ay muli naming nilinaw ang plano: maingat na maglilibot at tukuyin kung may iba pa bang tao bukod kay Sanjay, at kung nasaang kwarto at palapag sina Elora.
Gamit ang phone ko'y tinanglawan ko ang daan. Tahimik na tahimik ang paligid kaya sa palagay ko'y wala rito sa 3rd floor sina Elora. Malaki-laki rin 'yong loob at may dalawang hagdanan sa magkabilang dulo ng hallway. Naunang mag-report si Cooper, clear daw ang first floor.
"Guys, clear dito sa third floor," sabi ko. "Eli? Elise?"
"Clear. Wala rin dito sa fourth floor," sagot ni Eli. Saktong nagkasalubong kami sa hagdanan, kakababa lang niya, walang ano-ano'y tumunog ang walkie-talkie.
"Guys!" Boses 'yon ni Elise. "I-I found them." Hinihingal siya at mahinang-mahina ang boses. "Dito sa second floor. I heard them just right now... Sanjay caught them almost escaping, he's so angry!"
"Elise, papunta na kami riyan—"
"I have a plan. Cooper's with me," putol sa 'kin ni Elise, biglang nag-iba ang tono niya. Nawala ang takot. "Pumunta na rin kayo rito, sasalubungin namin kayo sa stairs ng right wing." Pagkasabi n'on ni Elise ay nagmamadali kaming bumaba ng kasama ko.
"E-Elrond—nando'n sila," bungad ni Cooper saka tinuro ang dulo ng hallway sa kabila. "I-If we don't act quickly, baka kung ano nang mangyari sa kanila. Thank god he's alone! We can knock him out."
Umiling ako. "Coops, may baril si Sanjay, maaaring mapahamak lalo silang dalawa."
"We will trick him," sabad ni Elise, bakas ang determinasyon sa itsura. "That's why I called you two here. Cooper and I will lure Sanjay out, and that's the moment na susurpresahin n'yo siya, make sure you disarm him first."
"L-Lure?" si Cooper.
"Yeah. You need to run fast or else you're doomed," sagot ni Elise na wala man lang pag-aalinlangan. Tumango kaming dalawa ni Eli. Tumatakbo ang oras kaya hindi na kami nakapag-isip pa at pumayag sa nilatag na plano ni Elise.
"Mag-iingat kayo," sabi ko sa kanilang dalawa bago sila humiwalay.
"Kayo rin." Hinila na ni Elise si Cooper papunta sa pinanggalingan nila kanina. Kaming dalawa naman ni Eli ay bumaba sa 1st floor para abangan sina Sanjay.
"After we knocked him, mauna ka nang umakyat sa taas. I can handle him by myself," sabi bigla ni Eli sa 'kin.
"Ha?" Napamaang ako. Hindi ko alam kung nagyayabang ba siya, kulang na lang sabihin niyang lumayas ako. May pinulot siya na mahabang kahoy at saka muling humarap sa 'kin. Ngumiti ito, 'yung ngiting nagyayabang.
"I heard from Elora that we're too different. According to her you're a geek, otaku, and gamer." Mas napakunot ako, nakuha pa talaga niyang makipag-chit chat sa akin? "Meanwhile I had interest in basketball, jiu-jitsu—"
"We're running!" Bigla naming narinig ang boses ni Elise sa walkie-talkie at 'yong ingay ng pagtakbo nila.
Kaagad kaming nagtago sa gilid ng hagdanan. Nakita namin na tumalon si Elise sa hakbang, si Cooper nakasunod sa kanya. Patakbo sila sa exit.
"You won't get away from me!" Narinig namin 'yong sigaw ni Sanjay kaya na-alerto kami. Halos lumundag 'yung puso ko nang marinig ang sunod-sunod na pagbaril niya. Nakita namin siya na nagpapalit ng bala ay kinuha 'yong pagkakataon ni Eli.
Mula sa likuran ni Sanjay ay mabilis na nakalapit si Eli at hinampas sa ulo si Sanjay dahilan para matumba ito. Kaagad kong sinipa palayo ang baril, pagtingin ko sa kanila'y nakasalampak na sa sahig si Sanjay habang si Eli ay halos hilahin ang kamay nito patalikod habang nakaapak ang paa sa likuran.
"Elrond, I can manage here. You go upstairs, quick!"
"Thanks!" Mabilis akong kumilos at ang hakbang ko sa hagdanan. "Elora?!" sinigaw ko na ang pangalan niya na umalingawngaw sa paligid. "Elora?!"
"We're here!" Pumreno ako sa pagtakbo nang marinig ko 'yung boses niya sa isang kwarto. Sinipa ko 'yung pinto at natigilan ako nang makita ko sila. "Thank goodness!" maluha-luha niyang bulalas nang makita ako.
"E-Elora..."
"Come on, man, pakawalan mo muna kami!" sigaw ni Cooper 2. Kaagad akong lumapit sa kanila at kinalas ang pagkakatali sa kanilang mga katawan.
Pagkatayo ni Elora ay kaagad niya akong sinunggaban ng yakap. Marahil dala ng sobrang takot, narinig ko ang kanyang mahinang paghikbi.
"Thank goodness...Thank goodness... You came... Eli," dinig kong sabi niya.
Niyakap ko siya pabalik subalit kaagad ko rin siyang binitawan. Pinahid ko ang luha sa mga mata niya at hindi ko rin maiwasang maluha ng kaunti.
"Nandito na ako, Elora—sa wakas." Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang mapagmasdan ako nang maigi. Hanggang sa nanlaki ang mga mata niya at napatakip siya ng bibig. Halos mapunit ang labi ko sa pagngiti.
"E-Elrond?"
"Yes. The one and only from the other universe." Hinawakan ko 'yung kamay niya. "Sa ngayon, umalis na muna tayo rito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top