Chapter 28
Elora's POV
STILL a little woozy, my eyelids fluttered as I slowly opened my eyes. The feeling was like a déjà vu of what I experienced when I woke up at the hospital the last time I fainted. The differences were the place where I gained consciousness and how I was tied up instead of lying comfortably on the bed.
I had no idea how long I stayed unconscious. Wala sa akin ang cellphone upang tingnan kung anong oras na. But since the sun had not risen yet, I guessed it should be around 1 to 2 a.m.
Nilibot ko ng tingin sa malawak na silid. Sira-sira at nakakalat ang mga gamit sa lapag. It was like a room inside an abandoned building, left into ruins. Without electricity, the only source of light was coming from the streams of moonlight, passing through the broken window.
Thinking of a way to escape, I tried to move but my body and my hands were tightly tied up. My arms were stretched back behind the chair I sat on. Ramdam ko ang aking pagkangawit at pati na rin ang magaspang na pagkakahabi ng tali sa aking pulso. Nang lumingon naman ako sa likuran ay tumama ang aking ulo sa katalikod. At the same time, I heard Cooper whimper like he was just about to wake up from being unconscious.
"Cooper..." I whispered, calling his attention. "Cooper, wake up..."
He groaned softly and I felt him move behind me. "Where are we?"
I didn't answer his question because I also had no idea.
"Kailangan nating makaalis dito bago pa bumalik iyong kumidnap sa atin," agad na sabi ni Cooper, walang halong kaba ang boses. "Let's see if we can untie each other's hands."
Because he was showing such admirable bravery, I found myself gaining courage as well. I also reminded myself that Janus 2 was already activated. Tumatakbo ang oras kaya kailangan na naming makatakas at makabalik sa laboratory ni Cooper.
Driven by my determination, I tried extending my hands as much as I could and reached out to him. Ngunit kahit na malapit kami sa isa't isa ay dumadaplis lamang ang aking kamay sa kanya. Hindi ko maabot ang tali.
"I can't reach it," I told him.
"I'll try moving the chair closer," he said, but before he could even bring himself closer, we heard footsteps echoing in the hallway outside the room. Agad napahinto si Cooper sa binabalak at hindi gumalaw.
Dahil hindi nakasarado ang pinto at sobrang tahimik ng paligid, dinig na dinig ang pagkaskas ng sapatos sa lapag. Palakas nang palakas ang tunog, hudyat na mas lalong papalapit sa amin ang kung sino mang dadating. Not long after, I saw a shadow approaching and getting bigger until a man finally entered the room.
He's the man we saw on the CCTV!
Wearing an all-black outfit, he looked dangerous and intimidating. His face was almost fully covered because of his ball cap and mask. I swallowed hard when I spotted a pistol sheathed on his tactical belt. Hindi ko alam kung ano ang balak niya sa aming dalawa ni Cooper, ngunit nang makita ko ang baril ay nanuyo na lang ang aking lalamunan sa takot.
I mean, who wouldn't get scared if they see their abductor carrying a gun?
Pressing my lips into a thin line, I held my breath when he pulled the gun out of its sheath. It felt like my heart was about to explode. Although I looked calm and relaxed on the surface, I was already sitting on the edge of my seat. Every part inside me was panicking. The only time I sensed relief was when he placed the pistol on top of an unstable wooden table.
"Gising na pala kayong dalawa," sabi niya at saka hinila ang mask na suot sa mukha upang alisin iyon.
Wanting to get a better look at our kidnapper's face, I narrowed my eyes when the man looked very familiar. Medyo hindi ko nga lang masigurado dahil nasa madilim na parte siya ng kuwarto.
"Who are you?" Cooper bravely asked, his voice didn't waver. "Ano ang kailangan mo sa amin?"
The kidnapper let out a playful, husky chuckle. He sounded like he was having a good time toying with us. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng galit.
"I'm sure I don't need to speak my name anymore," he vaguely answered. "Elora knows me already."
"You know him?" Cooper asked right away, but I couldn't give him an answer yet since I didn't know if he was bluffing or not.
My forehead creased when the tone of his voice gave me another sense of familiarity. Everything about him was very familiar to me that I couldn't help but feel more anxious than I already was, especially since he said that I know his name.
He laughed once again when he saw how his words affected me and got me even more confused. But then, his laugh faded as he slowly approached the light.
I leaned forward to make sure that I wouldn't miss anything. And the moment the moonlight illuminated his face, a gasp escaped from my lips as I was shocked to recognize the man who meant us harm.
"S-Sanjay..." I spoke his name in disbelief.
A broad smile flashed across his face as he opened his arms wide. "Surprise!" he exclaimed enthusiastically. "It's good to see you again, Elora."
*****
Elrond's POV
BAGO pa padapuin ni Elise ang kamay niya sa pisngi ko ay kaagad kong nahawakan ang pulsuhan niya. Hindi napatid ang titig namin sa isa't isa, walang kumukurap, walang nagpapatalo. Sa huli'y buong lakas niyang hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"You fucking prick," sabi niya habang matalim na nakatitig sa 'kin.
"Nagsasabi ako ng totoo," sagot ko. Natigilan siya nang makita kung gaano kahapo ang mga mata ko. Pinaramdam ko sa kanya na wala akong panahon para makipaglokohan sa kanya. "Alam ko na mahirap paniwalaan pero kung gusto mong makita—ng mga dalawang mata mo, sasama ka sa 'kin kung nasaan sila."
Umismid si Elora sabay humalukipkip. "Are you that desperate to sleep with me?"
Hindi ko maiwasang gayahin ang pag-ismid niya. "Ha? Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi mo? Hindi ako desperado at wala akong balak na pumatol sa katulad mong—"
"Na ano?" putol niya sa 'kin. "Na slut? Mukhang pokpok?"
"Ikaw ang nagsabi niyan."
"Stop using my dead sister's name!"
Napapikit ako saglit at napasabunot sa buhok ko. "Elise, hindi ikaw ang issue rito. Alam mo, sinasayang ko lang ang oras ko sa 'yo. Bahala ka na riyan." Akma akong aalis nang marinig ko siyang magsalita ulit.
"Fine."
"Ha?"
"I'll go with you and see it for myself. And if you're messing with me, I'll definitely whack your face again." Hindi naman ako nasindak sa pananakot niyang 'yon dahil alam kong totoo ang mga sinasabi ko.
Sa kabutihang palad ay wala nang nagsalita sa 'ming dalawa nang sumakay kami parehas sa motor at nang paandarin ko 'yon. Habang binabaybay namin ang daan papuntang south ay biglang naglaro sa isip ko ang mga worst case scenarios. Elrond, hindi ito ang oras para mag-isip ng morbid thoughts. May isang bahagi ng konsensya ko ang nang-uusig kung bakit hinayaan kong isama si Elise dahil wala naman siyang kinalaman dito. Pero nangyari na ang dapat mangyari.
Ewan ko ba kung bakit... pero pakiramdam ko'y magiging malaking tulong sa kanya na makita si Elora. Naisip ko na noon pa na parehas kaming may sugat mula sa nakaraan na hindi pa naghihilom—kaya parehas naming gustong makita ang mga taong malaga sa 'min, kahit na hindi sigurado.
Sinundan ko sa mapa ang kasalukuyang location ni Cooper. Wala pang isang oras nang marating namin ang isang liblib na subdivision sa siyudad. Nang pumasok kami ro'n ay halos bakante pa ang bawat lote at magkakalayo ang mga bahay, wala ng mga tao sa kalsada at kakaunti ang gumaganang poste ng ilaw.
Hininto ko ang sasakyan nang makarating kami sa chapel ng subdivision. Nang matanggal ko ang suot na helmet ay kaagad akong nag-text kay Cooper kung nasaan siya. Wala pang isang minuto nang biglang bumukas 'yung front door ng chapel at niluwa siya mula roon.
"Cooper!" sigaw ko at tumakbo ako palapit sa kanya. Kaagad ko siyang niyakap dahil sa tindi ng pag-aalala ko sa kanya.
"Dude, I told you already that I'm okay," natatawang sabi ni Cooper nang kumalas sa'kin.
"Nakuha mo pang matawa?!"
"Ssshh!" saway nito sa 'kin. "You're waking up the neighborhood. Come, let's go inside—what the hell?!" bigla siyang napasigaw nang mapansin na nasa likuran ko na si Elise. "E-Elora?"
Nagkatinginan kami ni Elise at kitang-kita ko na naguluhan ang mga mata niya, akmang bubuka ang bibig para magsalita pero walang lumabas doon. Muli akong tumingin kay Cooper.
"Hindi siya si Elora, Cooper. Siya si Elise." Nanlaki ang mga mata ni Cooper, naalala na siguro 'yung kinuwento ko sa kanya noon tungkol sa kakambal ni Elora rito sa universe na 'to.
"But why is she here?"
Napabuga ako ng hangin. "Napadpad ako sa Nyx para hanapin si Sanjay, tapos ayon—sumama siya sa 'kin. Sinabi ko sa kanya na pwede rin niyang makita si Elora."
"W-What? Elrond, she's not part of the plan!" Hinila ako ni Cooper para ibulong 'yon. "Are you crazy?"
Hindi ako nakakibo at tiningnan ko si Elise na masama ang tingin sa'ming dalawa.
"You two, parehas ba kayong nakasinghot?" nang-aasar niyang sabi sa 'min. "It's a big sick joke of coming here with you, prick."
"Come on, Coops, nandito na siya, tumatakbo ang oras," sabi ko, hindi pinansin si Elise.
"Right, let's go inside and I'll tell you what happened." Naunang maglakad si Cooper. Nilingon ko si Elise at binigyan ko lang siya ng tingin, bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Sa huli ay naramdaman ko na sumunod siya sa likuran ko.
Nang makaakyat kami sa patio ng chapel ay biglang huminto si Cooper, hawak-hawak niya ang door knob ng pinto.
"I was kidnapped by the same men who chased Sanjay. They also took Janus 1," sabi ni Cooper saka lumingon sa 'min. "Sinakay nila ko sa malaking van, I didn't struggle because of their guns. They took me to a strange abandoned place somewhere. Naisipan kong i-activate ang Janus 1 without them noticing it because it was covered. I heard them talking to someone, they're asking for a huge amount of money para ibigay ako at ang Janus with the Esoterra. And then... while waiting, he suddenly showed up from the portal."
"He?"
Imbis na sumagot pa si Cooper ay binuksan niya ang pinto ng chapel. Nang pumasok kami ro'n ay parehas kaming natigilan ni Elise nang makita namin sa may altar ang tila isang mistikal na portal. Halos mapanganga ako dahil hindi ko sukat akalain na ganito ang output ng Janus na naactivate. Amazing and terrifying.
"Eli came from the other side just to save me," pagkasabi n'on ni Cooper ay biglang tumayo ang isang lalaki na nakaupo at lumingon sa 'min. Napaatras ako bigla. "He outwitted the bad guys and he knocked them one by one. We destroyed their phones and threw their guns. Ginamit namin ang sasakyan nila para dalhin ang Janus dito, this is the nearest place I know na walang makakikita sa 'tin—it's too far to go back at my uncle's warehouse."
Hindi ko na naintindihan masyado ang mga huling sinabi ni Cooper dahil nakatingin lang ako sa kanya, parehas kaming nakatitig sa isa't isa.
"You have a twin?" halos pabulong na sabi ni Elise sa likuran ko.
Umiling ako at nagsimulang gumalaw ang mga paa ko palapit sa direksyon niya. Gano'n din ang ginawa niya hanggang sa magtagpo kami sa gitna ng aisle. Ilang dangkal lang ang pagitan naming dalawa, parehas may bahid ng pagkatuliro ang itsura namin—literal na sinasalamin ang isa't isa maliban sa aming kasuotan.
"No, they're not twins," narinig kong si Cooper ang sumagot kay Elise. "Eli came from the other universe—to a parallel world."
"N-No way," sagot ni Elise. "I-If there's truly a parallel world... T-Then my sister... Elora—"
"She's waiting on the other side," blangkong sagot ng kaharap ko habang nakatingin pa rin sa'kin. "Elora—she's waiting for you, Elrond." Nabigla ako nang sabihin niya 'yon. Parang may bukol sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita.
"Elrond." Naramdaman ko ang pagtapik ni Cooper sa balikat ko, pinababalik ako sa kasalukuyan. "Let's go."
"Cooper?"
"I'll also go with you, dude. I can't let the opportunity pass," nakangiti nitong sabi. "Besides, I'm also looking forward to meeting my counterpart."
"You can call me Eli," sabi ng kaharap ko at nilahad ang kamay.
"Elrond." Tinanggap ko 'yon. Totoong-totoo nga siya. "Salamat sa pagligtas kay Cooper."
"You're welcome."
Naunang naglakad si Eli papuntang altar kung nasaan ang Janus 1, ang liwanag nito ang tumatanglaw sa aming lahat. Saka ko lang din narinig na may nililikha itong tunog na tila pwersa na nanghihigop. Napalunok na naman ako. Handa na ba talaga ako? Naghihintay na si Elora.
Sabay kaming naglakad palapit sa Janus 1. Tumigil kami saglit para lumingon, nakita namin si Elise na nakasunod. Nagtama ang paningin namin at nabasa ko sa isip niya na sasama siya dahil gusto niya ring makita si Elora.
Wala pa ring nagsasalita sa 'min nang makalapit kami nang lubusan sa harapan ng Janus 1. Mas lumakas ang tunog na nagmumula rito.
"Anytime you're ready, just hop in," casual na sabi ni Eli. "It will make you a little bit nauseous, though."
"This is it, dude," dinig kong sabi ni Cooper.
Naunang pumasok sa loob si Eli at pare-parehas kaming halos napanganga nang tila higupin siya nito papasok sa loob. Medyo nanginginig ang mga tuhod ko pero hindi ko na hinintay bumwelo at kaagad akong pumasok doon.
..............................................................................................................................
..............................................................................................................................
Iba't ibang kulay.
Tila nilamutak ang buong pagkatao ko.
Nakahihilo.
Gusto kong sumuka.
Sino nga ulit ako?
Sobrang bilis.
Nakasusulahok.
Tama na.
Parang hinahatak ang utak ko palabas.
Ikot-ikot.
Lumilipad sa kawalan.
Bumubulusok.
Bubunggo.
Napakaraming kulay ng liwanag.
Kadiliman.
..............................................................................................................................
..............................................................................................................................
"Hey."
"H-Huh?"
"You're alright, open your eyes." Pamilyar na boses. Boses ko 'yon pero hindi ako. "Congratulations, everyone. You just passed the hell."
Sinunod ko ang utos niya at nagmulat ako. Nakita ko sina Cooper at Elise na kadidilat lang din, katulad ko'y pupungas-pungas din sila na akala mo'y galing sa napakahabang tulog.
"Enjoyed the ride?" tanong ni Eli.
Nilibot ko ang tingin at nakitang nasa ibang lugar na kami, hindi ito ang ine-expect kong daratnan namin dahil para lang kaming nasa isang bakanteng kwarto pero hindi 'yon importante. Lumingon ako at nakita ang Janus... Iba ang kulay ng liwanag nito—'yong isang Janus, 'yong Janus 2! Nagkatinginan kami ni Cooper at sa tuwa'y napayakap kami sa isa't isa.
"We made it! We made it!" sigaw ni Cooper pero kaagad kaming tumigil nang makita namin si Eli na hindi man lang ngumingiti.
"Anong problema?" tanong ko.
"Where's my sister?" tanong din ni Elise na nasa isip ko ring itanong.
"This is weird because this is not the secret room," sagot nito, namuo ang butil ng mga pawis sa noo.
"Cooper!" Huli na para masaway ko si Cooper na parang batang excited na nakakawala sa koral, may natagpuan kasi siyang parang nakatagong pindutan at walang ano-ano'y pinindot 'yon.
Biglang umuga ang silid namin, akala mo'y lumilindol kaya muntik na kaming matumba. At saka namin na-realize na umaangat ang silid hanggang sa unti-unting nagbago ang paligid at napadpad kami sa isang panibago at mas kakaibang kwarto.
"T-This is my laboratory—I mean, my counterpart's laboratory!" bulalas ni Cooper at muling naglibot sa paligid.
"They're not here," napatingin ako kay Eli at saktong tumingin siya sa'kin. "They're supposed to be waiting here."
"Anong ibig mong sabihin? Nawawala sila?" Hindi kaagad nakasagot si Eli sa tanong ko. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil alam namin na hindi 'yon imposible, kung si Cooper nga ay na-kidnap—
"Look!" Ppare-parehas kaming napatingin nang sumigaw si Cooper. Nakatanghod siya sa mesa. Dali-dali kaming lumapit sa kanya at nakita ang tinuturo niya.
"Ano 'yan, Cooper?" tanong ko. May mga tuldok at guhit kasi sa mesa at may isang pentel pen na nahulog sa sahig.
... --- ...
"Morse Code!" sabay na bulalas nina Elise at Cooper.
"What does it mean?" tanong ni Eli.
Napakamot sa ulo si Cooper, inaalala ito. Samantalang si Elise naman ay kinuha ang pentel pen sa sahig. "It was taught to us, I was a girl scout," sabi niya habang nagsusulat.
... --- ...
S O S
"SOS!"
"This is bad..." bulong ni Elise.
"Shit." Gusto kong hampasin 'yung mesa pero hindi ko magawa. "Paano natin sila mahahanap?"
"I knew it," bulong ni Cooper. "We were right."
"Huh? Ano 'yon, Coops?"
"Na-predict din ng counterpart ko ang possibility na ganito, kaya siguro gumawa siya ng emergency hideout ng Janus 2 at ng secret room."
"Can we track them?" tanong ni Eli.
Tumango si Cooper at tinaas ang phone. "Since we're already in their world, gagana na 'yung program na binigay niya sa 'kin. He told me that I could track his hidden smartwatch."
Walang nagsalita pagkatapos. Makahulugan lang kaming nakatingin sa isa't isa. Napabuntonghininga ako.
"Ano pang hinihintay natin?" Tumingin sa 'kin si Eli, tumango ito at saka tinapik ako sa balikat.
"I didn't sign up for this," dinig kong bulong ni Elise.
Wait for us, Elora. Nandito na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top