Chapter 16


Elrond's POV

UMORDER ako ng kape. 'Yung pinakamatapang. Walang gatas, walang asukal. Pagkasipsip ko nito't dumaloy sa lalamunan ay natikman ko ang matinding pait—kasimpait ng sitwasyon ko ngayon.

Imbis na umalis ay nakuha ko pang mag-stay sa coffee shop, tiniis ko 'yung kapeng kay mahal-mahal na halos isuka ko ang lasa. Ito ang binili ko para magising ang diwa ko—na hindi ito isang panaginip. Pero putspa, ang pait-pait. Sobrang pait.

Nang maubos ko ang kape'y tumambay pa rin ako sa pwesto kung saan ay dapat naroon siya. Taragis, anong nangyayari? Makalipas ang isang oras ay no'n ko lang naisip 'yon at sunod-sunod akong napamura sa isip nang mapagtanto ko ang kababalaghan.

Alam kong pinagbintangan ko siya nang makita ko noong umagang nagising ako 'yong voice message na pinadala ko sa kanya. Naramdaman ko rin na kaya siya pumayag kaagad na makipag-meet up sa'kin ay para patunayan na inosente siya.

Kitang-kita ko rin ang takot sa kanyang mga mata bago niya patayin 'yung video call kanina. Tiyak kong kaagad siyang tumakbo sa gulat at takot. Pero ako... Imbis na tumakbo rin paalis ay nakuha ko pang manatili rito. Naghihintay sa wala.

Lihim na umaasa na walang nangyari kanina. Na isang malaking prank lang ang lahat. Parang mas kaya ko pa 'atang tanggapin na all this time ay baka ginagago lang niya ako.

Muli kong naalala ang mga mata niya kanina, namuo ang mga tubig, namumula, at anumang sandali ay iiyak. Imposible.

"Uhmm... Sir?" Nabasag ang pagmumunimuni ko nang makita ko ang isang babaeng staff sa gilid. "O-order pa po ba kayo? Pasensiya na, Sir, kasi dumarami na 'yung customers namin."

Kaagad naman akong tumayo. "Oh, okay lang. Sorry din."

Pagkalabas ko ng coffee shop ay madilim na. Naglakad ako papuntang sakayan at sumakay ng bus—hindi ko na nga tiningnan kung saan papunta 'yon sa sobrang kalutangan ko. Pagkaupo ko sa loob ay narinig ko ang kanta ng Eraserheads na Pare ko. Saktong papuntang chorus ang kanta, 'Masakit mang isipin. Kailangang tanggapin. Kung kelan ka naging seryoso. Saka ka niya gagaguhin...'

Mukhang trip talaga ako ng tadhana dahil mas lalo lang nitong pinamukha sa 'kin 'yung nangyari kanina. Pero... Hindi mo pa naman sigurado kung talagang ginago ka niya, Elrond. Iyon ang binubulong sa 'kin ng lintik kong konsensya.

Gusto kong pitikin 'yung sarili ko dahil patuloy pa rin akong umaasa at naniniwala... Na totoo ang lahat. Huwag ka munang sumuko.

Saktong nag-angat ako ng tingin at nakita ang pamilyar na street, dali-dali akong pumara at nag-abot ng bente pesos sa kundoktor at saka mabilis na bumaba, hindi pinansin ang pagtawag sa 'kin nito. Keep the change, Manong.

Nandito na naman ako. Sa Nyx, sa lugar kung saan ko nakita si Elise o Elora—putek, hindi ko na alam.

Mabuti na lang at wash day namin ngayon at naka-civilian ako. Sa mga sandaling 'yon ay parang kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa loob ng Nyx kahit na isinisagaw ng utak ko na huwag, sa kabilang banda'y may pilit ding bumubulong sa 'kin na sige pasok ka lang—alamin mo ang katotohanan. Nababaliw na 'ata ako.

At dahil hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi'y kakaunti palang ang mga tao, hindi rin gano'n kalakas ang musika. Kaagad akong dinala ng mga paa ko sa may counter at naabutan ko siya roon na nagpupunas ng baso. Nang makita ako ni Sanjay ay rumehistro ang ngiti na may halong pagtataka sa kanyang mukha.

"You're early, mate," bati niya sa 'kin pagkaupo ko sa bar stool.

"I just want to say thank you to you and to the manager—"

"Oh, walang problema, kaibigan." Lintik. Marunong naman palang mag-Tagalog 'to, pero parang ang awkward pakinggan ng accent niya.

Kahit hindi naman ako umo-order pa ng alak ay pinaghanda ako ni Sanjay ng maiinom, hindi naman ako tumanggi at bilang pakunswelo ay tinanggap ko 'yon. Mabuti nga't hindi gano'n katapang 'yung alak.

"What happened, mate? You looked terrible," tanong nito bigla. Gano'n ba kamukhang sabog 'yung itsura ko? Nang mapansin niya 'yung facial expression ko'y natawa siya. "Parang nakakita ka ng multo. Or maybe you need to check your blood pressure. You're pale like an ice."

"Maniniwala ka ba... kapag nagkwento ako?"

"Try me."

Siguro dahil wala pang maraming tao at para rin malibang ay handang makinig ni Sanjay. Noong una'y hindi ko pa alam kung paano sisimulan pero salamat sa alak at binigyan ako nito ng lakas ng loob na maglabas ng hinanaing.

Lumipas ang mga segundo, minuto, at oras. Nakikinig pa rin si Sanjay sa 'kin. Gusto kong palakpakan 'yung sarili ko dahil hindi naman talaga ako palainom pero nagawa kong makaubos ng ilang baso.

Hanggang sa natapos ang pagkukwento ko nang walang sinasabi si Sanjay, nakatitig lang siya sa 'kin at hindi ko mawari kung naaawa ba siya o hindi naniniwala sa mga pinagkukwento ko.

"Well... All I can say is that's... crazy," komento niya na medyo hindi makapaniwala. "I mean, I finally understand why you looked like a shit for days." Natawa ako bahagya nang marinig 'yon. "You clearly fell hard for the girl, mate."

"Mukhang gano'n na nga," sabi ko. "Kaya nga parang mababaliw na ko. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko sa nangyari."

Napaisip saglit si Sanjay at nakita kong nilabas niya ang phone niya. "I'll send something to you, what's your number?" Binigay ko sa kanya 'yung cell number ko at kaagad din akong nakatanggap ng message galing sa kanya, nag-send siya ng link ng isang Instagram profile. "Pasensiya ka na, I hope that helps to clear your mind."

Kaagad ko namang pinindot 'yung link at tumambad sa'kin ang profile ni Elora—hindi, ni Elise. Hindi ko muna 'yon tiningnan at tinago ko rin ang phone ko.

"Malaking bagay na 'yong pakiking mo sa 'kin. Salamat," sabi ko at ngumiti sa kanya.

Bago pa mapuno ng tao ang Nyx ay umalis na 'ko roon. Mabuti nga't hindi gano'n kalakas 'yung amats ko ngayon, siguro sinadya ni Sanjay na bigyan ako ng mababang alcohol para hindi na naman ako ma-wasted. Pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko ine-expect na bubungad sa 'kin si dad pagkabukas ko ng pinto.

"Saan ka galing?" Nanibago ako dahil never naman akong kinuwestiyon ni dad ng gano'n. Huli na para magpalusot dahil amoy na amoy siguro 'yung alak sa katawan ko.

"Diyan lang, Dad."

"Elrond, anong problema? Bakit napadadalas ang pag-uwi ng gabi? Kailan ka pa natutong magpakalasing?" nakakunot na tanong ni dad. "Pinababayaan mo ba ang pag-aaral mo? May hindi ka ba sinasabi sa 'min?"

"Dad... Pagod na 'ko, bukas na lang tayo mag-usap." Akma akong papasok sa loob pero hinarangan niya ako.

"No. Hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema hindi mo ako pwedeng talikuran."

Napabuga na lang ako ng hangin at napasabunot ng bahagya sa ulo. "B-Binasted ako, Dad," pagsisinungaling ko. Ayokong magpaliwanag ng komplikado at tiyak na hindi rin naman siya maniniwala.

Mas lalong kumulubot ang noo ni dad. Akmang magsasalita siya ulit nang deretso akong pumasok sa loob at wala na akong narinig sa kanya. Kaagad akong umakyat sa kwarto at nagkulong.


*****


ANO kaya ang magiging reaksyon ng professor ko sa oras na ma-check-an niya 'tong test paper ko? Panigurado kasi ay shining zero ang makukuha kong score dito. Sa sunod-sunod na nakahihibang na kaganapan ay nawala na sa utak ko na may importanteng exam nga pala kami ngayong araw.

Umaasa ako na may makuha akong puntos sa multiple choices na hinulaan ko lang. Sa mga problem solving ay wala ring silbi 'yung sci-cal ko dahil wala rin akong ma-compute, hindi ko alam kung paano sisimulan.

Sobrang blangko ng isip ko. Kung pwede nga lang na isagot dito ay 'yung pangalan niya.

Elise. Elise. Elise. Elise. Elise. Elise.

Hindi ko maalis si Elise sa isip ko. Ang funny dahil magkatunog 'yung alis at Elise. Ha-ha, Elrond. Itlog ka na nga sa exam, ang korni mo pa rin.

Buong magdamag kagabi ay ini-stalk ko lang si Elise sa Instagram. Noon ko nga lang nalaman na rising influencer star pala siya. Napakarami niyang pictures, nagsawa nga ako kagabi kakatingin ng mga bikini photos niya sa beach, mga travel, at aesthetic photos na inuulan ng libo-libong likes. One to sawa ang mata ko na pagmasdan siya... Hanggang sa nakatulugan ko, siya ang nasa isip ko.

Noon ko lang din napagtanto na napakalayo ng agwat namin, para siyang diyosa sa langit at isa lang akong hampaslupang kuto. Kaya nga mabuti't hindi ako pinagtawanan ni Sanjay nang ikwento ko sa kanya 'yung nangyari, dahil sinong maniniwala? Na kung si Elise man 'yong nakausap ko sa Alter, sino ako para ambunan niya ng atensyon?

Pero hindi... Hindi siya 'yon. Oo, kamukhang-kamukha niya si Elora, pero napakarami nilang pagkakaiba. Napanood ko sa mga videos niya kung paano siya magsalita at kumilos. Ibang-iba sila ni Elora. Magkaibang tao sila! Pero... Pero ang daming putspang pero sa utak ko!

"Time's up, pass your papers." Kung hindi pa ako kinalabit ng taong nasa likuran ko'y wala akong balak na ipasa 'yung papel ko. Bahala na si Batman.

Pagsapit ng lunch break ay dali-dali akong lumabas ng university para kumain. Pumunta ako ng mall at kumain sa paborito kong ramen store. Stress-eating. Wala na akong pakialam kung maubos 'yung allowance ko.

Habang kumakain ay hindi ko napigilang buksan 'yung sarili ko na buksan 'yung Instagram sa phone ko para tingnan 'yung account niya. Pinindot ko 'yung icon niya dahil iyon ang bumungad, lumitaw ang story nito.

ATM Photoshoot @Freedom Park, iyon ang caption ng selfie niya.

Dali-dali kong inubos 'yong pagkain ko at saka umalis ng mall para puntahan siya.

Baliw ka, Elrond. Nahihibang ka sa gusto mong gawin. Ito lang ang tanging paraan para patunayan na hindi ako nababaliw. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong ikumpirma nang harap-harapan sa kanya kung kalokohan lang ba ang lahat.

Kahit na sa tuwing naalala ko 'yong mga mata niya bago magwakas ang video call... 'Yong gulat at takot.

Namalayan ko na lang na nakapasok ako sa loob ng campus ng FNU. Pinapasok naman ako dahil ang sabi ko'y mag-i-inquire kuno ako para mag-transfer kahit hindi naman, nag-iwan lang ako ng ID sa guard.

Deretsong dinala ako ng mga paa ko sa Freedom Park, isang open area na tambayan ng mga estudyante rito. Kaagad siyang hinanap ng mga mata ko at hindi na ako nahirapan nang makita ko ang isang photographer na estudyante rin na abala sa pagkuha ng larawan ng isang babaeng nakaupo—si Elise.

Hindi kaagad ako nakalapit, hinintay kong matapos 'yung photoshoot nila. Putris, bahala na sa next class ko, cutting kung cutting! Natapos din 'yung pagkuha ng mga pictures sa kanya, may tumabing dalawang babae kay Elise na sa palagay ko'y mga kaibigan niya.

Huminga ako nang malalim. Hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng oras kaya naman walang pag-aatubiling lumapit ako sa direksyon nila. Natigilan naman 'yung tatlong kasama niya nang makita ako, sa kanya lang talaga nakatutok ang mata ko.

Kung hindi pa siya siniko n'ong dalawang babae ay hindi pa siya mag-aangat ng tingin. At nang magtama ang mga mata naming dalawa'y biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"What do you want?" blangkong tanong niya pero ngumiti pa rin—ngiting plastic.

"A fan?" bulong ng isang babae.

"Oh, girl, don't tell me he's one of your flings."

"Duh, no," kaagad niyang tanggi. Muli siyang tumingin sa 'kin, kaunti na lang ay tataas na ang kilay niya.

"Pwede bang iwanan n'yo muna kaming dalawa?" hindi pakiusap kundi utos ko sa tatlo niyang kasama.

Ngumisi lang ang dalawang babae bago sabay na tumayo, paniguradong iyon ang nasa isip nila, na may something sa 'min ni Elise. Hinila lang ng dalawa 'yung lalaking photographer na masama ang tingin sa 'kin.

Nang mawala ang mga asungot ay saka siya tumayo, humalukipkip, at tinaasan ako ng kilay na kanina pa niya gustong gawin.

"Who the hell are you? Ano bang kailangan mo sa 'kin?" Hindi ko makuhang makasagot agad dahil nakatitig lang ako sa kanya, pinigilan ko 'yung sarili ko na sampalin 'yung sarili ko para siguraduhing hindi 'to panaginip. Hindi niya ako kilala... O magaling lang siyang umarte? "Wait, I remember you... You're the pervert from Nyx...You—stalker!" Duro niya sa 'kin. Dito na ako naalarma. "Stay away from me—"

"Elora!" sigaw ko bigla sa kanya. "E-Elora... Ako 'to... Si Elrond. H-Hindi mo ba talaga ako naalala?" Nanginginig ang kalooban ko nang sabihin ko 'yon.

Biglang namilog ang mga mata niya't napaawang ang kanyang labi. Napaatras siya bigla at biglang namutla. Naalala niya na ba ako?

"W-What are you... saying..."

"Nagkakilala tayo sa Alter, ilang beses na tayong nag-usap, nagtawagan—" Pero bigla akong natigilan nang parang may kung anong tumusok sa 'kin habang nakatingin sa kanya. Noon ko lang napagtanto na sobrang nabigla siya sa pinagsasasabi ko kaya tumigil ako.

"H-How did you know my sister's name?"

"S-Sister?" Bigla akong nabuhayan ng loob, kung gano'n ay may kakambal siya? Kung gano'n ay talagang totoong-totoo si Elora. Hindi ako nababaliw, at hindi rin niya ako pina-prank. Papataas na sana ang magkabilang gilid ng labi ko nang magsalita siya.

"Y-You're telling me that you talked to her... sa shitty dating app na 'yon?!"

"Oo! Dapat magkikita kami pero hindi ko alam kung anong nangyari kaya hindi kami nagkita. Ang akala ko pinaprank mo lang ako—" Bigla siyang umiling at tumawa. "Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?!"

Imbis na sumagot ay tumawa lang siya nang tumawa to the point na maluha-luha pa siya. Pakiramdam ko ngayon ay mas lalo lang niya akong ginagago kaya uminit din bigla ang ulo ko.

"P-Pinaglalaruan mo lang ba ako, Elise?!" nanunumbat kong sabi sa kanya. Gulong-gulo na lalo 'yong utak ko at idagdag pa 'yung kirot sa dibdib ko. "Akala mo ba hindi ko nalaman na ginagamit mo 'yung pangalan na Elora para mang-uto ng mga lalaki katulad ko?! So, lahat pala ng mga pinagsasasabi mo sa 'kin sa text, sa voice message, at video call—panggagago lang?!"

"Fuck you!" Halos mabingi ang kaliwang tainga ko nang bigla niya akong sampalin. Saka ko lang din napagtanto na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga ibang estudyante dahil sa sigawan namin—idagdag pa na famous siya.

Dahan-dahan kong binalik ang tingin ko sa kanya. Napanganga ako nang makita kong umiiyak na siya ngayon.

"My sister is dead, you freak!" Wala na rin siyang pakialam sa paligid dahil hindi man lang niya tinangkang patirin ang pagluha.

Totoo si Elora. Kapatid niya raw si Elora. Pero... Patay na si Elora?

Paanong nangyari 'yon?

Umiling ako at kinuha ang phone ko para ipakita sa kanya. "Imposible... Nag-usap kaming dalawa... Nag-video call kami—"

"Shut the fuck up, freak!" Sunod-sunod niya kong hinampas sa dibdib, sa lakas n'on ay nabitawan ko 'yong phone ko at hinayaan ko lang saluhin ang mga hampas niya—tinanggap ko kahit na masakit.

Dahil mas masakit ang katotohanan...kung iyon nga ba talaga ang katotohanan. Pero paano ko maikakaila? Hindi siya umaarte, totoo ang luha niya, masakit ang sampal at mga hampas niya.

Kung hindi pa dumating ang guard ay walang aawat sa kanya. Habang hinihila siya palayo sa 'kin ay dumoble lang ang pagkawasak ng puso ko nang makita na umiiyak pa rin siya.

Saka ko lang namalayan, dumudugo na pala ang ilong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top