Chapter 12
Elrond's POV
"AND the one who got the highest score...is Mr. Revilla." Dumagundong ang malakas na palapakan sa loob ng classroom nang tawagin ng professor namin ang pangalan ko. Lintik na 'yan, pumito pa sina Marky. Kakamot-kamot akong tumayo at pumunta sa harapan para kuhanin 'yung test paper ko. "Good job, Mr. Revilla. Keep it up," puri pa sa 'kin ng strict naming prof.
"Thank you, Sir." Pagkabalik ko sa upuan ko'y binati pa ako ng mga kaklase ko. Big deal talaga na ako ang highest sa resulta ng exam dahil nataasan ko pa 'yung pinakamatalino sa klase namin. Isang malaking himala.
Nang sumapit ang lunch break ay kaagad akong niyaya nina Marky na kumain at maglaro pagkatapos. At dahil matagal-tagal na akong hindi nakapaglalaro at bilang reward ko rin sa sarili ko'y pumayag ako.
Kaso...olats kami sa laban.
Hindi ko nagawang makapag-concentrate sa computer shop. Naisip ko nga na baka kinalawang na 'yung skills ko dahil sa tagal ko nang hindi nakapaglalaro. Nitong mga nakaraang araw kasi'y may kung anong sumanib sa 'kin at naisipan kong isubsob 'yung sarili ko sa pag-aaral. Effective naman dahil nagawa kong makalimot. Pero ngayong bakante ulit ang utak ko mula sa mga exam ay bigla ko na namang naalala...
Naglalakad kami pabalik ngayon sa university nina Marky. Bigla niya akong tinapik nang mapansing tulala lang ako.
"P're, mukhang may dinadala ka 'atang problema," sabi nito sa 'kin. "Pansin ko lang, parang hindi ka si Elrond, eh." Ngumiti ako nang alanganin. "Chix problems ba 'yan?"
Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi?"
"Una, never kang nadi-distract sa laro, pangalawa, never kang nag-aral nang mabuti before." Grabe, ang prangka niya naman sa huli. "At pangatlo, napansin ko lang na palagi kang malungkot kung ikukumpara noong mga nakaraang linggo na parati kang masaya."
"Babae na ba agad ang problema ko, gano'n?" naiiling kong tanong sa kanya.
"Siyempre, alam ko 'yan. Ganyan din ako noong naghiwalay kami n'ong ex ko," sabi niya ta's tinapik ulit ako sa balikat. "Ano'ng nangyari? Nakipaghiwalay na ba sa 'yo?"
"Na-ghost lang, p're," cool kong sagot.
"Ay sus, malala 'yan kaysa sa walang formal breakup."
"Mas malala siguro kung hindi naman talaga naging kami."
Tumigil bigla si Marky at tinapik na naman ako sa balikat. "Hays, p're, masakit nga 'yan lalo na kung minahal mo talaga. 'Di bale, time heals wound, sa ngayon i-perfect mo na lang 'yung mga exams natin at baka maging Cum Laude ka pa!"
Minahal... Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niyang 'yon. Ganito na ba kalalim 'yung naramdaman ko para sa kanya?
Napangisi na lang ako. "Salamat, p're."
Pagdating namin sa next class ay napag-alaman naming wala kaming prof kaya naman nag-decide ako na magpunta sa library para mag-advance study. Hindi ako studious na estudyante at sa totoo lang ay ngayon-ngayon ko lang nagagamit ang library card ko para mag-aral.
Noon, kapag ganitong wala kaming klase ay dalawa lang ang pinupuntahan ko—computer shop o 'di kaya'y sa Physics Club para makipagkwentuhan kay Cooper. Speaking of Cooper, dalawang linggo ko na rin siyang hindi pinupuntahan at kinakausap. Ayoko lang muna maalala ang kahit anong bagay tungkol sa Alter.
Binuksan ko 'yung mobile data ng phone ko para mag-research nang biglang lumitaw ang isang notification. Napatitig lang ako sa screen at kinusot ko pa ang mga mata ko dahil akala ko'y isa lang 'tong ilusyon.
eloramariz: Can we talk?
Biglang kumabog ang dibdib ko nang mabasa ko ang chat ni Elora. Dalawang linggo simula nang sabihin niya sa 'kin na huwag ko na siyang kausapin, dalawang linggo akong parang nabaliw sa kaiisip kung bakit at kung may nagawa ba akong mali. Ilang beses ko nang tinangkang i-uninstall ang Alter app pero wala akong lakas ng loob. Siguro dahil... hinihintay ko 'yung araw na 'to—unconsciously. Deep inside umaasa ako na baka isang araw sabihin niya na isang prank lang 'yon o baka sabihin niya na ang rason kung bakit. Matatanggap ko naman kung sasabihin niyang may boyfriend na siya o ano pa man.
Kalma, Elrond. Inhale, exhale. Wala na sa isip ko kung ano man ang nire-review ko kanina, sinarado ko ang mga libro ko at tinuon ang buong atensyon ko sa phone ko.
lord_elrond01: Hi. Sige. Tatanungin ko na agad. Anong problema? Anong nagawa kong mali, Elora? Ngayon pa lang ay magso-sorry na ako.
Pagkareply ko n'on sa kanya ay binaba ko saglit 'yung phone ko at natulala sa kawalan. Pinilit kong ayusin ang paghinga ko bago ko muling kinuha 'yung phone ko para tingnan ang reply niya.
eloramariz: I met you at the party, Elrond. And you just denied that you know me in front of my best friend and his boyfriend which is your cousin, Jack.
Muntik na akong mapatayo bigla sa kinauupuan ko nang mabasa 'yon, mabuti na lang ay napigilan ko at wala akong ibang nagawa kundi manlaki lang ang mga mata. Paanong nagkita kami ni Elora sa party? Oo, lasing ako pero... Shet, Elrond... Alalahanin mo... Paano nangyari 'yon? Bakit hindi mo maalala?
lord_elrond01: Elora, I'm sorry, I'm sorry pero pinipilit kong alalahanin 'yong gabing 'yon pero wala akong maalala... Hindi ko maalalala na nagkita o nag-usap tayo. I'm so confused right now.
eloramariz: And so, I was. Apparently, it seems that you're too drunk to remember me as well. Alam mo ba kung ano ang naisip ko noong mga sandaling 'yon? I thought that all along you're just pretending to be someone you're not.
lord_elrond01: Paano mo naman nasabi 'yon? Elora, napatunayan na natin sa isa't isa na hindi tayo poser! Remember? Ilang beses na tayong nagtawagan, at nag-video call!
eloramariz: I don't know, maybe you're just using a deepfake application to fool me.
Halos umikot ang mga mata ko sa frustration sa mga pinagsasasabi niya, pero pinilit ko pa ring kumalma at kailangan ko lang ipaliwanag sa kanya nang maayos.
lord_elrond01: Elora naman... Alam mong imposible naman 'yon. Pakiramdam ko nakalimutan lang kita noong nalasing ako, pero huwag ka namang tumalon agad sa conclusion na peke ako.
eloramariz: Yeah, right. You even seemed different in personal. You acted like a jerk.
Dahil nga lasing ako, gusto ko sanang sabihin sa kanya. Kaso ayokong gawing excuse 'yon sa kanya. Pumikit ulit ako at sinubukang alalahanin ang gabing 'yon pero wala talaga akong maalala na nakita ko siya. Pero shet... Ako? Jerk? Never in a history pa akong naging gago kapag nalalasing... Ah ewan!
Ayokong pagdudahan si Elora pero...
lord_elrond01: Sigurado ka ba talagang nakita mo ako?
eloramariz: Are you saying na gumagawa lang ako ng kwento?
Napailing ako. Ang mga babae talaga kahit kailan. Kami palaging mga lalaki ang talo sa mga ganitong usapan. Pero hindi ako susuko.
lord_elrond01: Hindi naman sa ganon, Elora. Sinusubukan ko ring maalala kung anong nangyari pero sorry wala talaga akong maalala. Pero kahit na gano'n gusto ko pa ring humingi ng sorry kung na-offend kita.
Matagal-tagal bago siya magreply kaya nagtype ulit ako ng sasabihin ko.
lord_elrond01: Kung iyon ang dahilan kung bakit mo sinabi sa 'kin noon na huwag na tayong mag-usap... Sana naman isipin mo ulit mabuti, sana bigyan mo ulit ako ng chance na magpaliwanag at i-prove sa 'yo na hindi ako ganon sa totoong buhay. Kasi alam ko... Kahit lasing ako ay never akong manggago ng ibang tao.
eloramariz: So, 'yung nakita ko sino 'yon? Long lost twin brother mo?
lord_elrond01: Who knows? Baka may anak sa labas si Dad.
Na-send ko 'yung biro na 'yon. Shet ka naman, Elrond nakuha mo pa talagang mag-joke.
lord_elrond01: Kidding aside. Elora, seryoso, I'm sorry. Hinding-hindi ko intensyon na saktan ka. Mabibigyan mo pa ba ako ng second chance? Pwede pa ba nating ayusin 'to?
eloramariz: I don't know, Elrond. I don't know what to believe anymore.
Gustuhin ko mang mag-reply pa sa kanya pero hindi ko na nagawa pa. Pakiramdam ko kasi'y walang saysay pa sa ngayon kahit anong sabihin ko sa kanya dahil nararamdaman ko nga natutuliro rin siya sa nangyari.
Pero sa tingin ko ay ako ang mas natutuliro sa 'min, at the same time ay naliwanagan na rin ako sa nangyari. Sa wakas nasagot na rin 'yung tanong sa isip ko kung bakit nga ba. Kaso 'yung sagot na nakuha ko ay mas komplikado pa pala.
Malapit nang maubos ang natitira kong bakanteng oras kaya umalis na ako sa library para pumunta sa huling klase ko ngayong hapon. Buong period akong tulala at wala sa sarili, ni hindi nga nakuhang i-digest ng utak ko ang tinuturo ng professor namin.
Nang magwakas na rin ang klase'y dali-dali akong lumabas. Hindi kaagad ako umuwi at tumambay muna ako sa plaza. Sinusubukan kong tawagan 'yung pinsan kong si Jack para itanong sa kanya kung may ginago ba akong babae noong gabi ng birthday niya.
"Tch. Ayaw sagutin," inis kong bulong sa sarili ko nang tumutunog lang ang kabilang linya. Naka-limang beses akong missed call kay Jack pero wala pa ring sumasagot. Baka busy pa ang kumag.
Tinigilan ko nang i-contact si Jack at naisipan namang tawagan si Kyle, 'yung isa ko pang pinsan na dumalo rin noong party. Kasing edad ko lang din halos si Kyle at sa kapitbahay na university namin nag-aaral.
"Oh, Elrond, napatawag ka?"
"Uhm... Kyle, may itatanong lang sana ako sa 'yo."
"Ano 'yon?"
"'Di kasi sumasagot si Jack. No'ng gabi ba ng birthday niya... Ano... wasted kasi ako kaya wala akong maalala. Nakita mo ba kung may nakausap akong babae?"
"Babae? Hmm... Sorry, 'insan. Busy rin ako sa pakikipagkwentuhan no'ng gabing 'yon. Pero ikaw pa ba? Malakas ka rin sa mga chix kaya 'di malabong may nakausap kang babae. Tanungin mo na lang din si Jack."
"Ah, gano'n ba? Sige, salamat." Binaba ko ang pagkatawag at napabuntonghininga na lang ako.
Hindi ko na sinubukang tawagan pa ulit si Jack kaya pagkatapos kong makausap si Kyle ay nag-decide na akong umuwi na sa 'min.
*****
"DAD, may nawawala ba akong kakambal?" Halos mabulunan si dad nang bigla ko 'yong itanong habang kumakain kami.
"What? Saan nanggaling 'yan?" nakakunot na tanong ni dad matapos mahimasmasan. Si Tita Viel ay nagtataka ring tumingin sa 'kin. "Wala kang kakambal, Elrond."
"Wala lang, natanong ko lang naman po," sagot ko at hindi na naalis ang kunot sa noo ni dad. Mabuti na lang ay nabaling din ang atensyon niya sa balita sa TV.
Pagkatapos kumain ay dumeretso agad akong nagkulong sa kwarto, sinara ko 'yung pinto dahil wala muna ako sa mood makipaglaro kay Elizer. Mukhang na-sense nga 'yon ni Tita Viel dahil sinaway niya ang anak kanina nang kulitin ako.
Humiga ako sa kama at tumulala sa kisame. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli akong bumangon at binuksan ang phone ko. Matagal-tagal ko rin 'tong hindi nagawa. Hindi nga kaagad ako nakapagsalita nang pindutin ko ang record button.
"Hi, Elora. Pasensya ka na kung hindi na ako nakapag-reply kanina. Gulong-gulo rin kasi 'yung utak ko sa mga nalaman ko mula sa 'yo. Gusto ko lang sabihin na... salamat kasi nakipag-usap ka ulit sa 'kin. Salamat sa pagsabi sa 'kin kung ano ba 'yung dinaramdam mo, kahit na hindi ko pa rin maalala 'yung gabing 'yon. Sa totoo lang, hindi ka pa rin nawala sa isip ko kahit na ilang linggo na ang lumipas nang wala kang paramdam, para akong mababaliw alam mo ba 'yon? Baliw na 'ata ako sa 'yo." Huminto ako saglit para tumawa nang marahan. "Kidding aside. Ayokong magwakas lang ng gano'n 'yung pinagsamahan natin. Kaya sisikapin ko na patunayan sa 'yo na totoo lahat 'yon. Wala akong ibang maisip na paraan para makabawi sa 'yo. Kung bibigyan mo ako ng second chance, gusto ko sanang bumawi sa'yo nang personal...
Elora, pwede ba tayong magkita?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko matapos kong masend sa kanya 'yung voice message na 'yon. Sinara ko 'yung Alter app, hindi naman ako umaasa na papayag o magre-reply siya agad. Ang mahalaga nasabi ko 'yon, na para bang handa akong sumugal.
Hindi ko rin natiis ang sarili ko na silipin ang phone ko at imbis na reply niya ang makita ko ay bumungad sa 'kin ang text message mula kay Jack.
Jack: What can I help you, Elrond? Pasensya na, nasa meeting ako kanina.
Kaagad kong ni-reply-an sa text si Jack, dinirekta ko na 'yung tanong kung may nakita ba siyang babae na nakausap ko noong gabi ng birthday niya. Ilang sandali pa'y kaagad din naman siya sumagot at imbis na maliwanagan ay mas lalo na namang gumulo ang isip ko.
Jack: I don't think na may nakausap kang babae, Elrond. And, who's Elora?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top