Chapter 10
Elrond's POV
SOBRANG sakit ng ulo ko paggising, parang pinupukpok ng ulo. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at nasulyapan ang itsura ko sa salamin. Mukha akong sabog. Napahawak ako sa ulo at sinubukang alalahanin kung gaano karami ang ininom ko pero himalang wala akong maalala. Pakshet naman kasi 'yung pinsan ko, napagtripan ako kagabi kaya naparami ako ng inom. Most of the time kapag may party ay hindi talaga ako umiinom ng maraming alak.
Naramdaman kong may nakatingin sa 'kin kaya napatingin ako bigla sa pintuan at nakitang nakasilip si bubwit doon, akala mo ay multong nagmamantyag sa 'kin. Bago ko pa siya sitahin ay bigla siyang sumigaw.
"Mommy! Gising na si Kuya Elrond!" Napadaing na lang ako dahil parang pinukpok ulit 'yung sentido ko. Saka ko lang tiningnan 'yung phone ko at nakitang tanghaling tapat na. Patay ako nito. Mabuti na lang ay wala akong pasok ngayon at paparating na ang college week namin kaya okay lang maghayahay.
Nagpunta ako ng CR para mag-shower kahit na masakit ang ulo ko, para man lang magising ang diwa ko kasi ang bigat-bigat ng katawan ko. Pagkatapos ay nagbihis ako at bumaba papuntang kusina kung saan nadatnan ko si Tita Viel na nagluluto ng lunch namin.
"Galit ba si Dad?" Iyon ang una kong tinanong nang umupo ako sa kitchen stool.
Lumingon siya sa 'kin at nginitian ako, pagkatapos ay inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. "Inumin mo muna 'to para mawala 'yang hangover mo."
Wow, ang galing lang at nahulaan niya agad na masakit ang ulo, kunsabagay ay siya ang nagbukas sa 'kin ng gate kagabi ng late na ako umuwi. Siguro'y nakita ni Tita Viel kung gaano ako kalasing, kaya nga bigla akong kinabahan kay dad.
"May pinuntahan lang na meeting ang dad mo," sabi niya sa 'kin at pagkatapos ay muling bumalik sa ginagawang paghihiwa. "And don't worry, hindi naman siya galit sa 'yo."
"Sina Jack kasi, ang lakas maka-impluwensya," sabi ko sabay higop sa kape.
"Naiintindihan naman ng daddy mo na kailangan mo ring magpakasaya-saya minsan, alam naman namin na stressful ang pag-aaral mo ng Engineering." Napangiti ako sa sinabi niya. Para talaga siyang anghel na dumating sa buhay naming mag-ama.
Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na babalik muna ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at busy si bubwit sa panonood ng cartoons sa sala kaya hindi niya ako kukulitin. Pagkaupo ko sa gaming chair ko'y kaagad kong tiningnan ang notifications ng phone ko. Nakita ko ang dalawang missed call galing kay Cooper. Bago ko siya i-PM para itanong kung bakit siya tumatawag ay naisipan ko munang pumunta ng Alter para mag-send ng message kay Elora. Dahil bangag-bangag pa 'yung itsura ko'y naisipan kong mag-chat na lang muna.
lord_elrond01: Good morning! Kainis tanghali na ko nagising. Napasarap yung inom ko sa party kaya yun hangover. Kamusta yung party na pinuntahan mo?
Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya pero mukhang hindi pa siya nagbubukas ng Alter kaya nag-iwan na lang ulit ako ng mensahe.
lord_elrond01: Tanghali na, happy lunch, Elora! J
Pagkatapos ay nagpunta ako ng Messenger para naman i-message si Coops kung bakit siya tumatawag.
Cooper: Come over, I need to show you something.
Tinanong ko naman siya kung tungkol saan pero nag-insist siya na pumunta na lang ako sa kanila mamayang hapon para malaman ko. Tss... Pa-suspense pa ang mokong kaya pumayag na lang ako.
Maya-maya pa'y magkakasabay kaming kumain ng lunch nina Tita Viel at ni bubwit. Hindi pa rin umuuwi si dad kaya nauna na kaming kumain. Pagkatapos ay nakita ko sa phone ko na wala pa ring reply si Elora kaya hindi ko na naman napigilang mag-chat sa kanya.
lord_elrond01: Uy, mukhang late ka rin ata nagising. Masakit din ba ulo mo? Alam mo mas masakit pag walang ulo. JK! Inom kang gamot.
Medyo humupa naman na 'yung sakit ng ulo ko pagkakain ng lunch. Naisipan kong maglaro muna sa PC ko nang bulabugin ako ni bubwit, kaya para hindi siya umiyak ay nag-two player kami ng Mario Kart. Tuwang-tuwa naman si bubwit at hindi ko namalayan na nalibang din naman ako, okay din palang kalaro ang bata, ang sarap paiyakin, eh. Pero siyempre nagpapatalo rin ako kasi isusumbong ako nito kay dad.
Wala pa ring reply si Elora kaya hinayaan ko na lang muna at baka busy siya o nagpapahinga, hindi na ako ulit nag-chat kasi baka makulitan siya sa 'kin masyado. Kaya nang sumapit ang alas tres ay nagpunta na ako kina Cooper.
"Sup!" bati ko sa kanya pagkabukas niya ng pinto. Tinaas ko pa 'yung dala kong plastic na naglalaman ng mga inumin at sitsirya na binili ko sa convenience store na nadaanan ko. "Magmu-movie marathon ba tayo?"
"Nope," sagot nito at pinapasok na ako sa loob. Kaagad ko namang hinanap ang mommy niya at sinabi niyang umalis daw 'yon kasama ang kapatid niya.
"May bago ka bang inventions?" tanong ko nang makapasok kami sa kwarto niya. Umiling lang siya, umupo ako sa single sofa malapit sa study desk niya. "Ano'ng meron, Coops? Don't tell me may kinalaman si Lois?"
Speaking of Lois, three weeks ago ay na-brokenhearted na naman ang tropa namin. Sa totoo lang ay nalulungkot din naman ako kapag naalala ko. Hindi kasi siya sinipot ng ka-chat niya noong hapong dapat magmi-meet up sila sa mall. At saka lang nito nakumpirma na mukhang poser nga ang lalaking 'yon.
Siyempre todo comfort kami ni Cooper kay Lois pero umiwas na rin ito bigla sa 'min. Hindi ko nga alam kung nahihiya ba siya o ano kaya hinayaan na lang din namin. Isang beses palang namin napag-usapan ni Cooper ang tungkol do'n.
"I found the guy," napatayo ako bigla sa sinabi nito. "Something's not right."
"Teka, teka, paki-explain kung ano'ng ibig mong sabihin?" Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko.
"Sit down, Elrond, this is a long story." Sumunod naman ako at mukhang intense 'tong ikukwento niya. "Three weeks ago, I made a poser account in Alter—"
"Ha?! Ano?!"
"Tsk, makinig ka muna sa 'kin, patapusin mo muna ako bago ka mag-react," yamot kong sabi.
"Sorry, sorry. Nambibigla ka naman kasi."
Muling nagkwento si Cooper at pigil na pigil 'yung pagre-react ko. Paano ba naman kasi, three weeks ago matapos ma-brokenhearted ni Lois ay gumawa siya ng poser account ng babae para i-stalk 'yung guy. Nag-match daw sila n'ong Zachary at nakapag-chat.
"While talking to him at Alter, I began to check him on the internet. I searched him on Facebook."
"Nahanap mo?"
"Yeah. I found his Facebook account. Gumawa ulit ako ng bagong poser account na ibang babae at nakipag-chat sa kanya ro'n."
"Wait!" Hindi ko na napigilan at tumayo na naman ako dahil ako ang nababaliw sa pinaggagawa nitong ni Cooper. "Bakit mo 'yon ginawa? Hindi ko ma-gets!"
"First, to prove the Zachary on Alter is poser or not," sagot niya. "This sounds crazy..." Inikot niya 'yung upuuan niya paharap sa computer at ipinakita sa 'kin ang convo nila sa Alter, pinag-send niya ng photo si Zachary, like what me and Elora did, kapani-paniwalang hindi poser si Zachary.
"'Langya ka, Coops. Napaka-chix naman pala nitong poser account mo," biro ko sa kanya pero hindi ako pinansin. Naka-bikini kasi 'yung DP na gamit niya. "So? Na-prove mo ba na poser si Zachary?"
"Kumagat din naman siya sa pain ko sa Facebook kaya nakakauusap ko siya ro'n at nasusndan ang post niya. But something doesn't match up, Elrond."
"Anong ibig mong sabihin?"
"The guy on the Facebook and the guy on Alter is the same person but they're different."
Ano raw? Nalito ako ro'n ha. Tinapik ko 'yung balikat niya. "Alam mo kasi, Coops, ang mga poser matatalino 'yang mga 'yan pagdating sa panloloko. Malamang ay scam talaga 'yang nasa Alter kasi hindi sinipot si Lois. Period." Hindi ako makapaniwalang pinapunta niya ako rito para lang ipakita 'to, pakiramdam ko tuloy ay bumabalik 'yung sakit ng ulo ko.
Napabuntonghininga si Cooper at himalang hindi na niya pinaglaban kung ano man 'yung teorya na nasa isip niya. Sinara niya lahat ng tabs ng brower niya at binalik sa desktop. Ako naman ay umupo sa pwesto ko kanina at kinalkal 'yung mga pagkaing binili ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yang ganyan para i-comfort si Lois." Napayuko siya sa sinabi ko. "I mean, pwedeng-pwede naman siya i-comfort sa mas okay na paraan, Coops."
"I just couldn't help myself," mahinang sagot niya. Tumayo akong muli at lumapit sa kanya para tapikin siya sa balikat.
"Naiintindihan ko kung ano 'yang nararamdaman mo, Cooper. Ginagawa ni Lois ang best para maka-move on kaya dapat mas suportahan natin siya."
Isang matipid na tango lang ang sinagot ni Cooper. Nagyaya na lang siya na manood kami ng movie kaya hindi ko rin namalayan ang oras dahil nakadalawang pelikula kami.
Madilim na nang makauwi ako sa 'min. Napabuntonghininga nga ako bago pumasok ng gate dahil wala pa ring reply galing kay Elora.
lord_elrond01: Hey, I hope hindi ako nakaiistorbo pero seryoso nag-aalala na ako sa 'yo. Sorry, ang clingy ko ba? Pero de, kung hindi ka okay nage-gets ko naman. Basta nandito lang ako. Chat ka lang anytime. :(
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko si dad sa may sala, at kaagad ko namang napansin ang maleta sa gilid.
"Dad? Saan lakad mo?" tanong ko bigla. Para kasing papaalis na siya.
Lumapit siya sa 'kin. "Elrond, namatay na ang Lola Precy mo." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. "Uuwi ako sa Bacolod, tutulong ako sa pag-aasikaso kaya mga limang araw akong mawawala."
"D-Dad, sasama ako!"
Umiling siya. "No, may klase ka—"
"College week namin! Wala kaming klase at pwedeng hindi pumasok! Please, Dad! Gusto ko ring sumama." Si Lola Precy, ang tiyahin ni dad na nag-alaga sa kanya noong maliit siya at nag-alaga rin sa 'kin noong minsang tumira kami sa probinsya ni dad. Marami akong magandang childhood memory kasama si Lola Precy kaya naman gusto kong makiramay.
"Elrond, walang kasama ang Mommy Viel mo at si Elizer, kaya rito ka lang."
"No, it's okay." Bigla kaming napatingin kay Tita Viel na biglang dumating. "Hon, isama mo na si Elrond. Okay lang kami ni Elizer dito, I can manage." Ngumiti siya at mukhang napaisip si dad.
Sa huli'y napahinga nang malalim si dad bago tumingin sa 'kin. "Mag-empake ka na, aalis na tayo."
*****
KATATAPOS lang ng libing ni Lola Precy at mamayang gabi na ang flight namin pabalik ng Maynila. Limang araw na ring walang paramdam sa 'kin si Elora, ni tuldok ay hindi siya nagpadala.
Kanina pa ako nakaupo sa may buhanginan at pinanonood ang paghampas ng dagat. Malapit lang kasi sa ancestral house nina dad 'yung dagat. Sobrang nakare-relax ng view pero hindi ko magawang ngumiti sa loob ng limang araw. Una na nga'y dahil sa namatay kong paboritong lola at pangalawa'y sa 'di malaman na dahilan ay bigla na lang akong iniwan sa ere ni Elora.
Oo, gano'n 'yung pakiramdam. Iniwan sa ere. Na-ghost.
Sunod-sunod na araw ko siyang pinadadalhan ng message, nangungnmusta. Kahit ni isa sa mga pinadala kong message noon simula nang matapos 'yung party ay hindi niya man lang na-seen 'yung mga message ko.
Hanggang sa hindi ko na nga napigilan 'yung sarili ko nang magpadala ako ng voice message kagabi.
"Elora, may problema ka ba... may problema ka ba sa 'kin? Galit ka ba?"
Wala pa ring nangyari at wala ring seen. Kaya kanina'y hindi na ako naglakas ng loob na magpadala ulit ng message. Mukhang na-ghost na nga ako. O 'di kaya'y nakahanap siya bigla ng 'The One' sa party na pinuntahan niya, na 'di hamak na mas matino at mas better sa 'kin—o baka mas gwapo—o mas nakatatawa.
Bago pa ako lamunin ng depresyon ay bumalik na ako sa bahay para magsimulang mag-empake para hindi kami ma-late ni dad, mahirap na at baka nga naman ma-traffic kami. Sinikap ko munang tanggalin sa isip ko si Elora, kahit na mahirap.
Sa kabutihang palad ay maaga kaming nakarating sa airport. Isang oras pa ang hihintayin bago ang flight namin. Nandito kami ngayon sa waiting area, si dad ay natutulog, at ako naman ay busy sa paglalaro ng game sa phone ko.
Cooper is calling...
"Ay kupal talaga." Namatay tuloy 'yung character ko nang sumulpot 'yon sa screen. Sinagot ko rin naman 'yung tawag. "Oh, bakit, Coops?"
"Elrond, I know you won't like this idea."
"Bakit? Huwag mong sabihing iniimbestigahan mo pa rin si Zachary?" nakakunot kong tanong. Hindi siya kaagad nakasagot kaya alam ko na tama ang sinabi ko.
"I have a theory."
"Ano 'yon?
"There might be two versions of him."
"Coops naman, 'di ba nga sabi ko sa 'yo ang mga poser expert sa panloloko—"
"No, man." Natigilan ako nang marinig na seryoso 'yung boses niya. "I think it's a parallel universe."
Kulang na lang ay kumuliglig matapos niyang sabihin 'yon. Wala talaga ako sa mood ngayon makipag-usap ng mga ka-alien-an sa kanya at alam naman niya na namatayan kami. Ayoko rin namang maging rude sa kanya.
"Coops, nasa airport kami ngayon. Chat na lang tayo pag-uwi ko." Sinabi ko na lang 'yon kahit wala naman akong balak na i-chat siya pag-uwi.
Babalik na sana ulit ako sa paglalaro nang biglang may sumulpot na notification na halos ikatalon ng puso ko.
eloramariz: Please, don't ever talk to me again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top