PROLOGUE


Prologue

"Chio! Naputol ang halaman ni ate Lisa, hala ka!"

Natawa ako nang makita ang kabadong mukha niya habang ang paningin ay nasa halaman na binangga niya ng bisikleta.

"L-Lagyan natin ng tape--"

"Andyan na si ate Lisa! Tara na!"

Nang matanaw namin na palabas na ng bahay si ate Lisa ay mabilis na kaming sumakay sa aming bisikleta. Alagang alaga ng tao ang halaman niya tapos naputol lang ni Chio, psh.

Nagpahinga kami sa ilalim ng puno na malimit naming tambayan. Maaliwalas ang hangin, tahimik ang paligid.

Pareho kaming nakangiti nang humarap sa isa't isa.

"Gala tayo bukas, Nich?" tanong niya.

"Oo, basta manlilibre ka ha? 'Wag kang kuripot kung ayaw mong mawalan ng kaibigan."

He pouted before resting his head on my shoulder. "Bakit pakiramdam ko pineperahan mo lang ako? Twelve years old palang tayo Nich pero inuuto mo na ako, ano pa pag naging legal age na tayo? Baka mas perahan mo 'ko--Aray!" pagdaing niya nang pingutin ko ang tenga niya.

"Sinabi ko lang na wag kang kuripot tapos kung ano-ano na ang kuda mo! Mukha ka talagang bading!" tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa malalaking ugat at sumakay na sa bike. "Tara na umuwi, tanghali na."

"Gutom kana?" he asked, I nodded.

Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa tambayan namin ni Chio. Actually, halos magkapitbahay rin kami dahil kapag nakatambay siya sa teres ng bahay nila ay nagagawa parin naming makipag-usap sa isa't isa.

Napansin namin ang kotseng nasa tapat ng bahay namin. Hindi iyon kay Dad, kaya posibleng may bisita sa loob.

"Sige Nich, punta na 'ko samin. May bisita yata kayo."

Pagkaalis ni Chio ay dumeritso na ako sa loob at nakita ang isang babae at isang babae rin na halos kaedad ko lang na kausap ni Dad.

"Oh 'nak, you're here. Halika dito, may ipapakilala ako sayo." he smiled. Naupo na rin ako sa sofa katabi ni Daddy habang nasa dalawang babae sa harapan ko ang paningin. "I want you to meet your tita Haidy and her daughter Dalia, magpakilala ka, 'nak."

Wala akong ideya sa kung sino ang ipinapakilala na ito ni Daddy. Iba rin ang ngiting nababasa ko sa labi nila. Parang iba ang pakiramdam ko sa kanila. But I have no choice, nagpakilala parin ako kahit nag-aalinlangan.

"I'm Xinichi Fritz Glarileo," ngumiti sakin ang mag-ina.

"Oh, hi hija. Just call me tita Haidy, dahil ako na ang tatayong ina mo. And Dalia will be your sister," magalak na sabi niya.

Hindi ko magawang maging masaya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na hahanap pa ng bagong pamilya si Daddy, ang akala ko ay sapat na ako. Dahil simula 'nung namatay si Mommy kami lang dalawa, masaya na kami na magkasama.

Nakita ko na rin ang mga gamit nila kaya posibleng dito na sila tumira simula ngayon. Wala na akong magagawa, dahil nakikita ko rin naman na masaya si Daddy. All I need to do is to accept what he wants.

"Nich, pwede bang samahan mo si Dalia sa kwarto niya?"

"Yes, Dad." tumingin ako kay Dalia at inaya na siya sa taas.

Inilibot ko lang siya sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko. May kalakihan rin iyon, kompleto sa gamit at malinis tingnan.

"Sabihin mo nalang sakin kung may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako." I smiled before heading out of her room.

Nahiga nalang ako para ipahinga ang katawan ko. Parang nawala na rin ang gutom ko.

Mayamaya lang ay may kumatok sa pintuan at nangunot ang noo ko nang si Dad ang nakita.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Kaya tumango nalang ako bago kami naupo sa dulo ng kama ko. Hinagpos niya ang buhok ko at tumingin sakin sa paraang naglalambing. "Okay lang ba sayo ang naging desisyon ni Daddy? Tell me anak,"

"Yes, Dad. Alam ko namang masaya ka eh," pareho kaming ngumiti sa isa't isa.

"Si Dalia, she's your half sister pero gusto kong ituring niyo ang isa't isa bilang tunay na magkapatid ha? At ang Tita Haidy mo, respect her the way you respect me and your mom. Dapat magkasundo kayo dahil magkakasama na kayo dito."

"Aalis ka pa rin?" natulala siya sa tanong ko pero kaagad siyang bumawi ng ngiti.

"Oo, Nich. Nasa Cebu ang project namin ngayon kaya doon muna ako. Wag ng malungkot ang baby ko, promise kapag may oras akong umuwi dito uuwi ako."

"Hindi na ako baby, Dad."

Nanunukso siyang tumingin sakin. "At bakit? Nililigawan kana ba ni Chio?"

Napaawang ang gilid ng labi ko at hindi napigilang mahampas ang braso niya. Natawa siya dahil sa naging akto ko.

"Yuck, Dad! Kadiri!"

Palagi niya kaming inaasar ni Chio dahil magmula pagkabata daw ay kami palagi ang magkasama. Baka daw umabot sa puntong hanggang pagtanda ay magkasama parin kami. Ew, hindi ko maimagine 'yon. Kahit paano naman ay marunong akong pumili ng makakasama sa pagtanda. Ayoko ng kuripot na kagaya ni Chio.

Kinabukasan ay umalis na rin agad si Daddy. He's an engineer kaya kung saan-saan siya napupunta dahil sa mga projects na ginagawa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang sa bahay ngayon. Ako ang matagal na dito pero pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko kung paano nila utusan at sigawan sina Manang Precy at Ate Bia, mga kasambahay namin. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Dalia.

"Nich, aakyat ka naman. Pakuha ng bag ko ha, 'yung nasa side table."

Prente pa siyang naupo sa sofa habang hawak ang cellphone. Napatingin ako kay Ate Bia, at parang nagtataka rin ito dahil sa pag-uutos sakin ni Dalia. Dahil anong karapatan niya? Anak ako ng may ari ng bahay na ito pero ako ang utusan niya?

"Ma'am Dalia, ako na po ang kukuha."

Mabilis ko siyang pinigilan nang aakyat na sana siya. "Ako na ate,"

Nakita ko pa ang pagngisi ni Dalia pero hindi ko nalang pinansin at kinuha nalang ang ipinapakuha niya. Inilapag ko lang iyon sa harap niya at tatalikod na sana nang magsalita ulit siya.

"Pakikuha na rin ako ng maiinom,"

Napaawang ang labi ko dahil doon. Ni minsan ay hindi ako naging utusan ng magulang ko tapos itong hindi ko pa naman masyadong kilala na nakatira sa pamamahay namin ay panay ang utos.

"Hey, I said pakikuha ako ng maiinom!"

"Wag mong pagtaasan ng boses ang alaga ko!" hindi na ako nagulat sa pagsingit ni Manang Precy, siya ang itinuturing kong ina simula noong mamatay si Mommy, at ako ay itinuring na rin niyang anak kaya ayaw niya na may nang aapi sa akin. "May kasambahay dito hija, wala kang karapatan na utos-utusan ang anak ng may ari ng pamamahay na ito."

"Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw ang kausap sabat ka ng sabat, palibhasa matandang gurang."

"Hindi ka ba marunong gumalang, Dalia?" hindi ko maiwasang hindi umimik. Kailangan kong makisali dahil nag-iinit ang dugo ko sa paraan niya ng pagsasalita kay Manang. "Wala ba kayong ESP subject? Good manners and right conduct na pinag-aaralan sa school? O kahit 'yung core values man lang, makatao. Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan si Manang ha?"

Tumayo na rin siya at pinantayan ako. Hinayakan ni Ate bia ang isa kong braso para ilayo sa kanya pero hindi ako nagpatinag sa madiin niyang titig.

"Nakakaoffense ba? Totoo naman ah, matandang gurang na yan kaya kung makakuda--"

"Who do you think you are? Good girl pretender? Kapag nasa harap si Daddy nagmimistulang anghel pero kapag wala sinasaniban ng masamang ispiritu?" I chuckled in disbelief.

Aktong itataas na niya ang kamay para sampalin ako nang bigla siyang bumaluktot. Nagpaawa, at nagawa pang sumalampak sa sahig.

"M-Ma, she hurt me."

Pansin ko ang pagbitaw ni Ate Bia sa braso ko at ang pagtungo nila ni Manang nang mabilis na lumapit samin si Tita Haidy. Nakahawak pa sa pisngi si Dalia na kala mo ay sinampal kahit siya naman ang nagbabalak manampal. Great pretender.

"W-Wala naman akong ginagawa Ma, but she hurt me. Sinampal niya ako kahit nananahimik naman ako dito," nagpanggap pa siyang umiiyak.

Hindi ko alam kung matatawa ako o papalakpak nang aluin pa siya ng ina. Ayokong maging judgemental pero kahit kahapon ko lang sila nakilala ay unang kita ko palang sa kanila, hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Nanlilisik ang mga mata ni Tita Haidy na lumingon sakin. Mabilis siyang tumayo at hinila ang mahaba kong buhok. Manang and ate Bia trying to stop pero wala silang magawa kundi ang muling yumuko. Takot, kaba, at lungkot ang nararamdaman ko.

"Wag na 'wag mong sasaktan ang anak ko! Hindi mo kilala kung sino ang makakabangga mo, nakukuha mo ha?" mas diniinan niya ang pagkakahawak sa buhok ko at halos nangilid sa aking mga mata ang luha dahil sa malakas na pagsampal niya sa akin. "Hindi ko alam na ganyan palang kabastos' ang anak ni Xian, walang kwenta!" tatlong beses niya pa akong dinuro hanggang mapasalampak ako sa sahig.

Lumapit siya kay Dalia at inaya na itong tumaas, at nakita ko pa ang pagngisi nito sa akin.

Napahawak ako sa pisngi at doon lang nalaman na may luha na palang umaagos mula sa mga mata ko. Ngayon lang may nagbuhat ng kamay sa akin, ngayon lang may nanakit sa akin, ngayon ko lang naramdaman na parang ang hina-hina ko.

"N-Nich,"

"Okay lang ako...ate Bia," I wiped my tears away bago tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Hindi na ako tumingin kina Manang at dumeretso nalang palabas ng bahay. Mabilis kong pinahid ang luhang natitira sa pisngi ko at ikinalma ang sarili nang matanaw si Chio na papalapit sa akin.

"Nich!" kumakaway pa siya kaya ngumiti ako. "Ano? May gala tayo diba?" iyon agad ang sinabi niya nang makalapit. Sinabayan niya lang ang paglalakad ko sa may tabing daan. Gusto kong makalimutan ang nangyari sa bahay.

"Ang tahimik mo, lods." puna niya sa akin kaya siniko ko nalang ang tagiliran niya na ikinatawa niya. "Ano? Tuloy ba tayo?"

"Bago nalang...Tinatamad ako," ang totoo ay parang nawala ako sa mood dahil sa nangyari. Magpapalit na sana ako ng damit kanina kaya ako aakyat sa kwarto ko kaso naudlot dahil sa babaeng may sanib.

Napatigil ako nang humarang sa harap ko si Chio na pinaniningkitan ako ng mga mata, sa paraang parang binabasa niya ang nasa isip ko.

"Hindi ako naniniwalang tinatamad kalang. Kilala kita, Xinichi. Kilalang kilala kita." tumalikod na siya at mas naunang maglakad sa akin kaya sumunod nalang ako.

Napalunok ako habang nakatingin sa likod niya. May binibili siya sa maliit na sari-sari store dito sa amin habang ako ay nakaupo lang sa bench at hinihintay siya. Hindi na rin siguro ako makakapagtago ng sikreto sa kanya. He knows everything, kahit hindi ko sabihin ay palagi niyang nababasa ang nararamdaman ko.

"Oh, sa sobrang kuripot ko inilibre pa kita ng Mang Juan dahil napakatamad mo parang si Juan, at mountain dew dahil dalaga kana wala ka paring bundok--"

"Tangina mo! Walang konek!" inagaw ko nalang sa kanya ang binili niya at inambaan ng suntok nang tumawa siya na mapang-asar.

Masyado ko na rin yata siyang kilala kaya napansin ko ang kakaiba niyang tingin sa akin. He's still trying to read whats on my mind. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Napatungo nalang ako sa Mang Juan chicharon na kinakain ko. Kailangan ko bang magsumbong sa kanya? But why? Hindi naman niya kailangang malaman ang lahat ng nangyayari sa akin.

"May problema, Nich?"

Napalingon ako nang marinig ang mahinahon niyang boses.

"Meron,"

Naningkit muli ang mga mata niya at hinawakan ang baba ko. "Tell me, what's the problem?"

"C-Chio...ang..ang ganda ko kase e, hindi ko na alam ang gagawin."

"Juicemother, Xinichi!" bigla niya akong hinila palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "Lumalala kana, kailangan na kitang dalhin sa mental,"

Kinurot ko ang tagiliran niya kaya lang siya napalayo sa akin. Kagaya ko ay pinagkikiliti rin niya ang tagiliran ko kaya para na naman kaming tanga na umabot sa takbuhan ang pangkikiliti.

Simula pagkabata na kaming ganito sa isa't isa. Walang pinoproblema, puro saya lang ang nararamdaman kapag kami ang magkasama. Alam kong naradating kami sa puntong hindi na kami bata, pero sana edad lang ang mabago samin, hindi ang paraan ng pagtrato namin sa isa't isa.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top