CHAPTER 8

Chapter 8

Mabilis na lumipas ang araw at dumating na ang pasukan. Chio and I are on the same course again. Business and Management. Magka-klase rin kami kaya abot langit ang saya ko.

We still did our usual routines, magkasabay kaming pumapasok at magka-asaran sa loob ng classroom. I also gained another friends in our room, literal na babae dahil baka isipin na naman ni Chio na crush ko 'pag lalaki.

Till now ay wala paring malisya sa kanya ang lahat. Nag-aalab na ang nararamdaman ko sa kanya as the days went down. Normal sa kanya ang pagiging sweet sakin at wala siyang ideya kung paano niya nagagawang tarantahin ang buong sistema ko gamit lang ang mga salita at galaw niya.

I hid my feelings for him. Natatakot ako at hindi ako handang malaman niya. I used to be casual infront of him, kahit kinikilig ako ay pilit kong hindi pinapahalata iyon.

"Xinichi, may symposium daw sa gym ngayon na." lumapit sa akin si Thea, kaibigan ko sa classroom habang nagli-liptint. "Tara na,"

Tumango ako bago kami lumabas. "About saan?" naglalakad palang kami sa hallway ay tanaw ko na ang maraming students sa gym.

"Drugs symposium daw,"

Nang makarating kami sa gym ay hinawakan niya ang braso ko. Dapat ay by section ang upo kaya hinahanap ng mga mata namin ang nawawala naming mga kaklase. Nakita ako ni Alle at Serrah kaya kumaway ako sa mga ito at ngumiti. Magkaklase sila ngayon kaya magkatabi ang mga ito.

I saw Chio raising his hands on us, nasa may unahan sila kaya hinila ko na si Thea doon.

"Nich, dito ka." iyon agad ang sinabi ni Chio pagkalapit namin kaya napangiti ako. Thea pinched my arms kaya napahampas ang kamay ko sa kanya, natawa lang siya sa akin bago naupo sa may unahan. I sat beside Chio, ginagamit niyang salamin ang screen ng cellphone niya sa pag-aayos ng buhok.

"Tama na 'yan. Baka dumugin ka ng chicks niyan." pang-aasar ko kaya napalingon siya sa akin.

"Expected na 'yon ng kagwapuhan ko."

"Mahangin amputa,"

Nagsimula ang symposium kaya nakaramdam na naman ako ng antok. Gusto ko mang pumikit ay bawal dahil nasa gilid namin ang mga teachers. Rinig ko ang mahinang tawa ni Chio t'wing hihikab ako.

"Lods, umayos ka. Baka mapagkamalan kang drug addict d'yan sa itsura mo." he chuckled.

Sa'yo lang naman ako addict,

Napangisi ako sa naisip. Kahit kailan talaga napakaharot kong mag-isip 'no?

Umayos na ako ng upo at nakinig sa nagsasalita sa unahan. Lunch break na nang matapos ang symposium kaya dumeretso na kami sa canteen. Gaya ng dati ay pinagtitinginan na naman si Chio. Napaismid nalang ako nang ngumisi pa ang lalaki sa akin na parang gustong-gusto iyon. Dahil ako, ayoko. Gusto kong irapan lahat ng napapatili kapag dumadaan siya pero hindi ko magawa dahil mapagkakamalan pa akong mataray, e ambait ko kaya.

Nakasalubong namin si Dalia at ang mga tuta nitong datihan. Na kay Chio ang tingin nila at parang balewala na kasama ako ng lalaki.

"Hi, Chio. Can I ask you a favor?" napangiwi ako sa mabait na tono ng boses ni Dalia.

"What is it?" tanong ni Chio. Nanatili ako sa gilid niya at nilalaro ang sariling ID.

"I want you to be our member in musical org. Alam kong kumakanta ka at marunong mag-gitara. May advantage rin ang pagsali sa mga org kaya sali kana. Dagdag points rin sa grades 'yon!" litanya niya.

Nakita kong tumango-tango ang lalaki. He doesn't know the real attitude of this girl. Wala din naman akong balak sabihin sa kanya ang tunay na kulay nito pati ang pinaggagawa nito sa akin.

He nodded. "Pag-iisipan ko,"

May ibinigay na papel ang kaibigan ni Dalia sa kanya about sa organization na iyon. Malawak ang ngiti ni Dalia sa kanya at tinapik pa ito sa pisngi.

"We'll wait for your decision, number ko ang nakasulat d'yan. Just text me if you're interested, hmm?" bumaba pa ang kamay nito sa dibdib ng lalaki bago umalis kaya nagtiim ang panga ko.

Tanging ang tatlong tuta niya lang ang tumingin sakin para nakakalokong ngumisi. Tahimik lang ako nang ayain ni Chio sa isang table pagka-order namin. He order a lot of foods, siguro ay para sa mga kaibigan namin ang iba. Hindi parin ako nagsisimulang kumain, aantayin ko na siguro sina Rhian.

Nasa harap ko si Chio na binabasa ang nakasulat sa ibinigay sa kanyang papel. I just look away when I noticed that he's now looking at me. Narinig ko ang pagbuntong hining niya.

"Ah, sayang ang benefits, may makukuhang additional points 'pag kasali sa org." iyon ang sabi niya kaya alam ko na ang gusto niyang iparating.

"Hindi ba makakaapekto sa pag-aaral mo 'yan?" tumingin na ako sa kanya. Alam kong dagdag grades yon pero malayo iyon sa kurso namin. Natatakot akong baka mapagsalitaan na naman siya ni Tita Aida kapag nawala ang focus niya sa pinag-aaralan.

He sighed. "Kaya ko namang imanage ang pag-aaral at ang ibang bagay, Nich. Hindi ko naman hahayaang mapabayaan ang pag-aaral. Kaya nga balak kong tanggapin ang alok na 'to e, para sa maayos na grades. Baka kahit paano ay maging proud sakin si Mama."

Tumango nalang ako. I know his point, pero gusto ko siyang pigilan. Makakasama niya si Dalia t'wing may gagawin sila sa org. Alam kong noon pa man ay may gusto na ang babaeng yon kay Chio, kaya hindi ko maiwasang bumuo ng mga bagay-bagay na maaring mangyari kapag magkasama sila. Knowing Dalia, alam kong magda-drama na naman 'yon harap ni Chio.

Dumating ang mga kaibigan namin kaya nagsimula na akong kumain. Tahimik lang akong nakikinig sa asaran nila dahil hindi matahimik ang isip ko sa kaiisip ng kung ano-ano.

Chio staring at me with his confusing looks. Parang binabasa niya ang nasa isip ko kaya umiwas ako ng tingin.

Natapos ang lunch ay hindi ko na nakausap ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung napansin nila iyon dahil wala namang nagsalita sa kanila at nagtanong sa akin.

"Nich, naitext ko na si Dalia." hindi na ako lumingon sa katabi ko at nagsulat nalang ng lecture sa notebook.

"You doesn't need to inform me all the time. Sumali ka kung gusto mo, I will support you." I scoffed. Wala na akong narinig sa kanya matapos kong sabihin iyon.

Sumali siya sa musical org kaya minsan ay hindi ko na siya nakakasabay umuwi. At minsan ay si Dalia ang nakakasabay niya. I just watched them outside our house making some talks.

May kung anong bumara sa lalamunan ko nang makitang ngumiti si Chio sa kanya. Umakyat nalang ako sa kwarto at nahiga sa kama kasabay ng pagbigat ng loob ko.

Am I jealous?

Napapikit ako dahil sa tanong na pumasok sa aking isipan.

Casual kaming nag-uusap ni Chio sa school. Minsan ay palagi siyang hinihila ni Dalia t'wing nasa canteen kami at palaging dahilan ay para sa org. Kaya kalimitan ay solo ako sa table kapag wala ang mga kaibigan ko. Pinagmamasdan ko lang si Chio habang kasama ang ka-org niya at nakita kong sumulyap rin ito sa gawi ko.

But Dalia has her way to take Chio's attention. Ngumisi pa ito sa akin nang humarap sa kanya ang lalaki. I just sighed in disbelief.

'Wish granted, huh?

Nang makaalis siya sa mga kasama niya ay lumapit siya sakin. Tapos na naman akong kumain kaya kinuha ko na ang bag ko para lumabas ng canteen.

Mabilis ang naging pagsunod niya at umakbay pa sa akin. There's something on his touch that can make me calm.

"Sabay na tayong uuwi mamaya, ha?" malambing na sabi niya. "Ang tahimik mo, lods. Naninibago ako,"

I chuckled. Piningot ko ang ilong niya na ikinasimangot nito. "Ikaw lang naman ang maingay sa'tin e,"

Nagklase ulit kami at nagtest sa ilang subject. Ipinatawag si Chio ng members ng org nila kaya nauna na itong lumabas ng room. Excuse daw naman ang ganun, ang ibang kaklase namin ay lumabas rin para pumunta sa kanilang group. May nag-alok rin sa akin na sumali sa org pero tumanggi na ako. Mas gusto kong maging normal na estudyante lang, at focus na rin sa pag-aaral.

Habang nagkaklase ang last subject teacher namin ay inilabas ko ang cellphone nang makitang nagmessage si Chio.

Zachiro: May imemeet lang kaming banda, wait mo nalang ako ha.

Napabuntong hininga ako sa nabasa.

Me: Bilisan mo ha, madami pa akong gagawing assignment at susulating lecture.

Naghintay ako sa reply niya pero mukhang hindi na niya ako balak replyan. Kaya nakinig na ulit ako sa klase.

Nag-uwian na ay hindi na ako nakareceive ng text mula sa kanya. Just like want he said, I wait for him. Nasa may labasan lang ako ng school at nakaupo sa isang tabi sa pag-aantay sa kanya.

"Nich, di ka pa uuwi?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Serrah. Lumapit siya sakin kasunod si Jak. "Anong ginagawa mo d'yan?"

"Where's Chio?" tanong ni Jak.

"Sabay daw kaming uuwi e, sabi niya antayin ko daw kaya inantay ko na. Baka mamaya nandito na yon. May imemeet lang daw sa labas."

Tumango sila sa akin. Mayamaya lang ay lumabas na ang iba naming kaibigan. They asked the same question. Ano ang ginagawa ko, bakit hindi pa ako umuuwi, nasan si Chio.

Sinamahan nila akong maghintay hanggang umabot na kami ng tatlong oras doon. Wala ng tao sa school, dilim na rin ang paligid dahil mag-aalas syete na. I tried to call him, pero hindi siya sumasagot. His phone is ringing, hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi sumagot o talagang hindi niya lang hawak ang cellphone.

"Sumama ka muna sakin, Nich. Naku, baka mapagtripan ka pa ng adik 'pag iniwan ka namin dito." sabi ni Alle na sinang-ayunan ng lahat.

"P-Pero--"

"No buts, tara na." seryosong sabi ni Rhian kaya wala na akong nagawa. Kinuha niya ang bag ko at hinila pasakay sa kotse ni Alle. Magkalapit ang bahay nila kaya silang dalawa ang magkasabay. Nakita kong kumaway na sina Serrah pero wala na akong naging imik.

"Wala ang parents ko kaya doon ka muna sa bahay, sabihin mo nalang sakin kapag pinagalitan ka ng bruha mong stepmother. Para mapaghandaan ko ang pagsampal sa kaniya." pabulong na sabi ni Rhian. Lumingon kami sa nagmamanehong si Alle. Nasa daan lang ang tingin nito.

Tumango lang ako sa kanya. Alam ko namang hindi niya kayang gawin yon, pero kung kay Dalia ay makakaya niya.

Bumaba na kami sa bahay nila habang si Alle ay magbibihis lang daw bago ulit bumalik. Katabing bahay lang naman ang sa kanila.

"Wala ba si Tito Xian sa bahay niyo?"

"Bukas pa yata makakauwi. Nasa Manila ang project nila."

Naupo na ako sa sofa nila at nangalumbaba.

"Edi okay pala, dito kana matulog. Wala namang pasok bukas."

Tumango nalang ako sa kanya. I check my phone pero ni isang text ay wala akong natatanggap sa kanya. It's already 8 pm. Mabuti na rin na sumama ako kay Rhian dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari sakin don.

Inabutan niya ako ng t-shirt at pajama kaya nagpalit na ako. Mayamaya ay bumalik na nga si Alle, kasama si Astryl. Hindi kalayuan ang bahay ni Astryl dito kaya siguro ay nagmotor nalang ito.

"Where's Chio ba?" tanong ni Astryl. Walang sumagot dahil wala akong ideya. Imposibleng hanggang ngayon ay dahil sa meet-up parin iyon.

Hawak ni Rhian ang cellphone nang marinig namin itong napamura.

"Why? What's that?" inagaw ni Alle ang cellphone nito at nangunot ang noo sa tinititigan sa phone. "Nich," inilapag niya sa table sa harap ko ang phone kaya nakita ko kung ano iyon.

Picture iyon ni Chio habang nakayakap sa kanya si Dalia. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang bar sila, dahil may alak na nakalatag sa kanilang table. Seeing him smiling on the picture while with other girls slapped me so hard.

May kung anong nagbabara sa lalamunan ko habang nakatitig sa dalawang nakangiti sa picture.

"Pinag-antay ka lang," nakangising umiling-iling si Alle.

"No, ayos lang naman. M-Magkasama sila sa org kaya..." napabuntong hininga nalang ako. He tsked.

"Dito na rin muna ako matutulog, amboring naman sa bahay. Wala si Papa." anas ni Astryl bago lumapit sakin para humilig sa balikat ko. "Uy Alle, anong status niyo na nung crush mo?"

Ngumisi ang lalaki. "Married,"

"Kunwari naniwala ako," akala ko ay lalayo na ito sa akin nang alisin ang ulo sa balikat ko pero umayos lang pala siya ng upo at yumakap sa akin. Napangiti nalang ako.

Nagluto ang kasambahay nina Rhian kaya magkakasama na kaming nagdinner, pati si Alle ay hindi na rin umuwi. Sabagay, kahit gabihin siya dito ay makakauwi parin naman siya.

"Rhian, may kotse sa labas sino ba 'yon? Di ko makilala at madilim na," sabi ni Manang Tessie, kasambahay nila.

Nagpatuloy lang kaming tatlo sa pagkain habang si Rhian ay lumabas para tingnan kung sino ang tinutukoy ni Manang.

Mayamaya lang ay bumalik na ito sa pwesto. And I got freezed when I saw the man behind her. Napunta sakin ang tingin nito kaya ibinaba ko ang tingin sa pagkain ko.

"Oh, ba't ngangayon ka?" matunog na ngumisi si Alle. Rinig ko ang pagsuway sa kaniya ni Rhian kaya napakagat nalang ako sa labi. Naramdaman kong may umupo sa kaliwang gilid ko at biglang kumalabog ang dibdib ko dahil alam ko kung kaninong presensya iyon.

Nag-angat ako ng tingin kay Rhian. "T-Tapos na 'ko, punta muna ako sa salas." I stuttered. Tumayo na ako sa pagkakaupo dahil parang sasabog ang dibdib ko.

I played my own fingers, my hair, pati mga picture album nina Rhian ay tiningnan ko para lang mawala ang sikip ng dibdib ko. Ewan ko, maybe it's because of that picture.

"Nich,"

Hindi ako lumingon nang marinig ang boses niya. Tumayo ako para ibalik ang picture album sa kinuhanan nito at natigilan nang maramdaman ang yakap niya mula sa likuran.

Naamoy ko ang alak sa kanya kaya nakumpirma kong nag-inuman nga sila. I removed his arms on my waist.

"Uwi na tayo?" mahinahong tanong niya nang humarap ako.

I shooked my head. "D-Dito ako matutulog, umuwi kana." my heart pound so hard. Nakatitig siya sakin na parang may gusto pang sabihin. "Chio, umuwi kana."

"Dito rin ako matutulog,"

Tumango nalang ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin. He went closer to me to hold my hands.

"I'm sorry, a-akala ko umalis kana ng school. I'm sorry dahil napaghintay kita." bumilis ang tibok ng puso ko nang isiksik niya ang ulo sa leeg ko. "Baby, I'm sorry."

Halos panawan ako ng hininga sa narinig. Did he just call me baby?

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top