CHAPTER 6
Chapter 6
Pinaalis ni Rhian ang mga boys dahil maggi-girl talk muna daw kami. Pero mukhang hindi naman girl talk ang mangyayari dahil sa akin lang sila nakatingin.
"Two days absent, valid reason?" umpisa ni Astryl.
"We texted and call you a lot of times, pero wala kang naging respond. Hinanap ka ni Chio sa bahay niyo pero kinulit lang daw siya nung Dalia daw. What the fuck is happening on you, Xinichi Fritz?" seryosong saad naman ni Rhian.
"Bakit nakahoodie jacket ka?" napakamot si Serrah sa noo nang tingnan siya ng masama nina Rhian at Astryl. "Ang init kaya, hubarin mo nga!" aktong lalapit siya sa akin kaya lumayo ako.
"W-Wag niyo ng pansinin,"
"Nich!" seryosong tawag ni Rhian. Siya ang pinaka-ate namin kaya wala akong nagawa. Malayo naman ang mga boys kaya hinubad ko ang suot kong jacket.
"What the fuck is that, Nich?!"
Literal na napanganga sila at nagulat nang makita ang mga pasa sa braso ko. They are now concernedly looking at me. I bit my lower lips as I feel my emotion wants to burst out again.
"B-Baka makita ng boys, alam niyo naman ang mga 'yon." napasulyap ako sa mga lalaki naming kaibigan, baka kung ano pang gawin ng mga 'yon kapag nakita 'to, lalo na si Chio.
"Sinong gumawa niyan sayo? Nich, hindi pwedeng sinasaktan kalang, hindi lang ang mga boys ang may kayang gawin, sinong gumawa niyan?" hinawakan ni Rhian ang braso ko at nag-iigiting ang panga dahil sa inis.
"S-Si Tita Haidy at si Dalia," napamura ang tatlo dahil doon.
"Yung Dalia na 'yan, siraulo yata yan e. Nasa katabing room namin sila at alam kong siya ang nagkakalat na MU daw sila ni Chio, abot nga sa room namin e." umiling-iling si Serrah habang nakatingin sa pasa ko. "Kung pipigilan mo kaming makialam sa stepmother mong bruha, magpapapigil kami. Pero kung sa Dalia na 'yon, sampigahin ko lang yon ng sampal!"
"Ako na ang bahalang tumadyak sa tyan!" sabi naman ni Astryl.
"Malakas na tadyak ang bagay don,"
"Kaya nga, isusuot ko bukas yung sapatos ko na bakal ang ilalim.Tas aabangan nalang natin sa labas." nagfinger heart pa siya kay Serrah at kumindat.
Nagkatinginan kami ni Rhian dahil sa pinagsasabi ng dalawa.
"Alam ba ni Tito Xian 'to?" tanong ni Rhian.
"Hindi. Kaya rin ayokong malaman ni Chio, dahil alam kong kakausapin niya si Daddy. N-Natatakot ako,"
Yumakap sakin ang tatlo kaya napangiti ako. They are my comfort zone, dahil sa mga kaibigan ko ay nagagawa ko paring ngumiti.
"If you need help, palagi kaming on the rescue." nakangiting sabi ni Astryl bago ulit yumakap.
"Thank you,"
Isinuot ko na ulit ang jacket ko nang makitang palapit na sa amin ang mga lalaki. Nakangiting tumabi sakin si Chio kaya isinakbit ko ang aking kamay sa braso niya. Gamit ang isa niyang kamay ay hinawi niya ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Ang sweet! Parang magshota, mga hangal!" pang-aasar ni Jakoda.
Natawa nalang kami. Napaisip ako, siguro para kay Chio wala lang 'to, sakin kase may meaning na ang lahat. I like him, more than a friends, and I can now assure it to myself.
Ilang araw ko lang siyang hindi nakita at nakausap, pero miss na miss ko na siya. Dahil okay na ulit kami ay parang balewala lang sakin lahat ng nangyari sa bahay. I don't want to waste my time thinking about that, mas gusto ko pang si Chio ang nasa isip ko.
Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko dahil sa naisip. Do I really have a crush on him? Nakakapanibago. Tangina kasi, ba't sa kaibigan ko pa?!
Lumipas ang ilang linggo ay naramdaman ko na ang sinasabing kilig kapag may gusto sa isang tao. Taena, parang ambaduy para sakin na kiligin!
T'wing nasa bahay naman ako ay wala akong nagiging imik sa kahit na sino. Kahit umuuwi si Daddy ay tipid na salita lang ang ibinibigay ko sa kanya. Panay parin ang pang-aasar ni Dalia sakin pero para akong bingi na walang naririnig, deretso lang ako sa kwarto at doon nalang namamalagi.
"Hoy, maglinis kayo dito! Walang tatambay sa corridor!" sigaw ni Raven sa mga nakatambay lang sa labas.
Natawa nalang ako sa pagiging istrikto nito. Lahat ay naglilinis ng room ngayon, dahil malapit na ang graduation. Inaayos ng iba ang laman ng mga bookshelves habang kami ay nagpipintura ng upuan.
"Chio, lagyan mo ng manila paper ang ilalim nito."
Humila siya ng manila paper at binuhat ang upuan para ipatong doon. Sa room na kami ng pintura kesa bubuhatin pa sa labas, pahirap pa kaya nilagyan nalang namin ng mga papel para hindi malagyan ng pintura ang sahig.
"Pawisan kana, bebe!"
"Puno na ng pintura ang kamay ko, yaan mo na, maganda parin naman ako."
Nakangiwi niya akong pinagmasdan. "Nasaan ang towel mo?" ininguso ko sa kanya ang bag ko kaya binuksan niya iyon para kunin ang cotton towel ko. Lumapit siya sakin at napalunok nalang ako sa kaba nang pahiran niya ako ng pawis sa mukha, leeg at batok.
Damn you, Chio! Ano bang ginagawa mo?!
Malapit rin ang mukha niya sakin kaya halos panawan ako ng hininga. Myghad! He really have an effect on me!
Narinig ko ang panunukso ng mga kaklase namin.
"Hoy! Linis muna bago ang harutan!" sigaw ulit ni Raven at alam kong kami ang pinapatamaan non.
"Selos," pabulong na sabi ni Chio bago lumayo sakin. "Hoy! Sawayin niyo si Nich, nilalandi ako!"
Muntik ko ng mabitawan ang pintura na hawak ko dahil sa sigaw ni Chio. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin habang siya ay nakakalokong nakangisi sa akin.
"Ang kapal mong kumag ka!"
Tinawanan lang niya ako. Ewan ko pero sa halip na mainis ay lalo akong napangiti.
Dumating ang araw ng graduation namin, nakapasok parin ako sa honors dahil mataas ang marka ko sa ibang sub. Masaya na ako basta mapasama sa kukuha ng diploma, kahit walang honors, basta makagraduate. Alam ko namang ginawa ko rin ang best ko para dito.
Si Daddy ang kasama ko at si Tita Haidy naman daw ay kasama si Dalia. Nakita ko ang mga kaibigan ko na panay ang kaway sa akin pati ang mga magulang nila. Nakangiti si Daddy habang nakaakbay sa akin.
"Congrats baby ko,"
Napangiti ako sa kanya bago kami nagyakapan. "Congrats satin, Dad."
Nataranta ako nang makita si Chio. Damn, literal na napanganga ako sa kanya. He looked so fresh, and handsome. He smiled as our eyes meet, patakbo siyang lumapit sa akin.
"Congrats, lods!" mahina akong natawa nang bigla niya akong yakapin. Narinig namin ang tighim ni Daddy kaya siya napahiwalay. "H-Hi, Tito."
"Where's your mom?"
"Nandon na po, sa upuan."
Tumango sa kanya si Daddy at nagpaalam sakin bago naupo rin kasama ng ibang magulang.
Nagsimula ang program at ilang oras rin bago natapos. Sa wakas! Masarap sa pakiramdam na makapagtapos ng pag-aaral.
"Chio! Picture!" tili ng isang student na admirer pihado ni Chio. Walang nagawa ang lalaki nang sumakbit ito sa braso niya at itinuro ang camera.
Nakita kong ilang babae pa ang nagpapicture sa kanya. Hindi ko na rin sila mapipigilan, talagang gwapo si Chio, at nakakafall. Kaya nga nabiktima ako e.
"Nich," nakangiting lumapit sa akin si Raven. "Congrats!" hindi ko inasahan ang paghawak niya sa mukha ko para pang-gigilan iyon.
Natawa nalang ako at hinawi ang kamay niya nang makitang nakatitig si Chio. Seryoso ang mukha niya na lumapit sa akin at hinila ako palayo kay Raven kaya natawa nalang ako. Ewan ko, bakit sa halip na ako ang magselos sa pagpipicture niya kasama ang ibang babae e mukhang siya pa itong nakararamdam niyon? I shook my head, walang malisya sa kanya ang mga bagay-bagay. Wag umasa, Nich!
"Sa'n mo ba ako dadalhin?" panay parin ang hila niya sakin, palayo na kami sa karamihang tao. Hindi rin ako nakapagpaalam kay Daddy dahil pinuntahan nito si Dalia.
Napanguso ako nang tumigil kami sa garden kung saan walang tao. Humarap siya sakin na sobrang lawak ng ngiti. Damn, that smile. Myghez!
"What?" nang-aasar na saad niya.
"What?" mabilis kong gaya sa kanya.
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang hilahin niya ang aking bewang palapit sa kanya at ipinilupot ang isang kamay sa bewang ko, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa panga ko. I literally blushed.
"I'm proud of you, lods." malambing na sabi niya na lalong nagpatibok ng puso ko.
"Proud din ako sayo, Prinsipe ng Forzeo." tumawa ako kahit abot langit na ang kaba. Hindi malabong makita niyang kinikilig ako. Taena, laro-laro lang naman 'yung mag-asawa kami noon, bakit parang bet ko ng magkatotoo?
Halos panawan ako ng hininga ng halikan niya ang noo ko. I can feel the voltage of electricity through his touch. Mahina siyang natawa bago pinisil ang pisngi ko.
"Ang ganda ng bebe ko, parang hindi kumain ng putik na cake noon!"
Nahampas ko ang braso niya dahil sa inis. "Zachiro! Magmove forward ka parang ulaga!"
Tinawanan niya lang ako kaya nahampas ko ulit siya.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top