CHAPTER 42
Chapter 42
"Wag na kaya tayong tumuloy...babe, dito nalang tayo sa bahay." sabi niya habang inaayos ang puyod ni Xia.
Kanina pa siyang ganyan. Maaga ulit siyang pumunta dito sa bahay at ang plano namin ay pumunta sa Forzeo ngayon. But he's hesitating.
"Chio, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo e."
Huminga siya ng malalim bago lumapit sa akin at yumakap mula sa likod. "Fine. Pupunta tayo. But how about Xia? Hindi natin pwedeng isama ang anak natin, baka makarinig lang siya ng kung ano-anong salita."
Humarap kami kay Xia at nagpaalam na aalis. Inihabilin ko nalang muna ulit siya kay Nyka pansamantala. Si Chio ang nagmaneho ng kotse at halata sa mukha niya na parang galit na agad. Papasok palang kami ng Forzeo!
"Are you okay?" tanong ko na nakapagpangiti sa kanya.
"Ayos lang basta kasama ka. Ikaw? Are you ready to see that place again?" tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"A-Alam mong--"
He cut me off. "I know everything already, babe. And I'm sorry for that."
"Wala kang--"
"Hindi ko alam na kinuha nilang lahat sayo."
"Paano mo nala--"
"That place remind us of our old times. We build a lot of memories on that place. Our friendship, our childhood days, our love, lahat nakaukit na sa lugar na 'yon." he smiled and his eyes glistened.
"Pati ang--"
"Lahat babe, lahat." ngumiti ulit siya kaya malakas kong hinampas ang braso niya na tinawanan niya pa.
"Tangina mo! Bakit ba ayaw mo 'kong patapusin?" galit na sabi ko at hinampas ulit siya sa braso at pinektusan sa ulo.
He laughed. "Ang ganda mo e."
I rolled my eyes off him and looked away. Nag-init ang pisngi ko at alam kong nahalata niya iyon.
He stopped the car and let out a heavy breathe. Nasa tapat na kami ng bahay nila kaya hindi ko rin maiwasang mapalingon sa bahay namin, dati, na katapat lang halos ng bahay nila.
There's a lot of changes. The paint, the gate, everything, siguro ay lalo na ang loob ng bahay. I sighed as I remember my parents. I'm sorry mom and dad.
He reached my hands and gave me a warmth smile. Bumuntong hininga rin siya bago lumingon sa dati naming bahay.
"Gusto mo bang bawiin natin? Gagawa ako ng paraan.." malambing na tanong niya na nagpagaan ng kalooban ko.
I slowly shook my head. "Hindi na..Alam ko namang maiintindihan nina Daddy ang desisyon ko."
Pareho kaming napahinga ng malalim nang makababa kami sa kotse. Hindi niya binitawan ang kamay ko nang pagbuksan kami ng gate ng isa sa kasambahay. Nasa may pintuan ng bahay ang babae na tila inaasahan talaga ang pagdating namin.
"Oh, thanks for coming hija and son." she said.
"Tss," Chio smirked.
Akmang lalapit sa akin ang babae para magbeso pero agad akong hinapit ni Chio papunta sa may likod niya. Napalunok nalang ako sa nangyayari.
"Pwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin? Hangga't pinakikisamahan pa ako ng pasensya ko." malamig na sabi niya sa babae.
Ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Ngumiti ang Mama niya at iginawi kami papasok ng bahay. Hindi gumalaw si Chio kaya tinapik ko ang braso niya at nginitian.
"I'm here." I whispered.
Rinig ko ang malalim niyang paghinga nang makapasok kami sa bahay. Walang pagbabago. Nasa may salas kami nang marinig ulit ang ina niya.
"Ah, naghanda ako ng pagkain for lunch, let's go?" aya niya pero nanatili kaming nasa salas.
"Kung pinapunta mo kami para d'yan, mabuti pang umalis na kami." he sighed before holding my wrist but his mother stop him.
"C-Chio...please." nang lumapit siya sa amin sa salas ay padabog na naupo si Chio kaya naupo na rin ako sa tabi niya.
Halatang inis na agad si Chio. Well kung ako siya, maybe ganyan din ang maramdaman ko. Imagine, itinakwil kana ng ina mong walang pakialam sayo, then ito siya ngayon, nakikiusap na makausap ka, at humihingi ng oras sayo para pakinggan mo siya.
Hawak parin namin ang kamay ng isa't isa. Kung ano mang sabihin ng Mama niya, handa akong pakinggan ang tugon niya, kahit ang mga salitang hindi ko inaasahang maririnig sa kanya, handa akong marinig, kung 'yon ang magpapabawas sa galit na bumabalot sa kanya.
"I-I don't know how to start..." she sat on the couch infront of us. "Sobrang dami ng pagkakamali na nagawa ko sayo, at hindi ko na alam kung paano hihingi ng tawad...hindi ko alam kung magagawa mo pa akong patawarin...but, I will do my best to reach your forgiveness, anak."
He chuckled and his jaw line moving. His mouth half-opened like he what to say something but he can't. When he heard his mother sobs, he bowed his head down on our hands.
"I-I'm sorry for ruining your life, palagi na nga akong wala sa tabi mo, tapos ito pa ang ginawa ko sayo. I-I let you suffer for my own sake. I know how you love Nich ever since, b-but..." she cried while looking at me and Chio. "..m-mas pinili ko paring hayaan na masira at magkalayo kayo para sa sarili kong kapakanan."
Chio looked at her, and tears slowly gushed down on his cheeks. "Ano ngayon?...Masaya kana?..Masaya kana ba sa lahat ng nagawa mo? Ha? Should I congratulate you now?"
"A-Anak--"
"Ano?! Gusto mo bang pumunta sa ibang bansa at magmotel kasama 'yang putanginang lalaki mo?!" he yelled.
Halata ang gulat sa mukha ng ina niya at sakit dahil sa narinig. I calmed myself. Parang nagsisikip ang dibdib ko at nangangatal dahil sa narararamdaman.
"C-Chio, I regret everything! H-Hindi ko sinasadya lahat 'yon!"
"You regret it, because it's too fucking late! N-Noong panahon na 'yon ba, naramdaman mo man lang ba ang awa sakin? Noong nakita mo ang pagdudusa ko na malayo sa taong mahal ko, naawa ka ba sakin? Noong m-malaman ko na may anak a-ako, pero hindi ko magawang lapitan dahil galit ang babaeng mahal ko, tinanong mo man lang ba kung anong nararamdaman ko?" umiyak lang ng umiyak ang ina niya. He stared at her. "M-May ginawa ka ba para ayusin ang buhay kong ginulo mo?...Wala! Wala dahil wala kang pakialam!"
She shook her head in the middle of her cries. Chio squeezed my hands while his jaw clenching.
"Believe me, son. I-I regret it. Pinagsisisihan ko ang lahat. And yes, it's too late...sorry dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kasamang ina, n-na hindi mo deserve lahat ng ginawa kong pagpapahirap sayo. I'm sorry...a-anak, bumalik kana dito. Ibabalik ko na ang lahat ng bagay na dapat ay sayo."
He just cried. May kinuhang envelope ang Mama niya sa isang drawer at ipinatong sa glass table na kaharap namin ang laman. 'Yun ang papeles ng company nila..at nakapangalan na kay Chio. She also put cards on the table. Mga gamit ni Chio. He heaved a sigh before glancing at me.
"Babe.." I wiped his tears but it didn't stop falling. Muli siyang tumingin sa papel na nasa harap.
"Kung ginagawa niyo 'yan para mapatawad ka, hindi ko kailangan 'yan. Hindi ako mukhang pera kagaya mo."
"N-No! No, anak. That's what your father want me to do. Gusto niyang ipangalan sayo ang company, dahil sayo 'yan. Everything that we have is yours. H-Hindi 'yan suhol..."
He exhaled. Umiwas siya ng tingin sa ina kaya kami ng Mama niya ang nagkatitigan. She cried again.
"H-Hija...I'm sorry for being selfish. N-Nalaman ko lahat ng pinagdaanan mo, I'm sorry, it's all my fault." umiiyak na sabi niya.
Hindi ko alam kung galit o pagkadismaya ang nararamdaman ko sa kanya.
"If you want to slap me, do it hija. Kahit araw-araw mo akong saktan, t-tatanggapin ko." she stood up and walked infront of me. Kinabahan bigla ako nang unti-unti siyang lumuhod sa mismong harap ko.
My eyes widened and don't know what to do. Napatingin ako kay Chio na gulat sa ginawa ng ina.
"T-Tell me, Nich. What do you want me to do? Lahat gagawin ko mapatawad niyo lang ako...K-Kahit hilingin niyong mamatay ako, m-magpapakamatay ako--"
"Ma! Shut up!" he yelled. Napatayo siya at galit na tinitigan ang ina. "What the-' Bullshit!" sunod-sunod na pagmura ang nagawa niya. Tumayo rin ako at tumabi sa kanya para hawakan ang braso niya. "Stand the fuck up!"
She shook her head, still begging her knees down infront of us.
"I-I will do everything. Alam kong hindi madaling patawarin ang katulad ko but I will try my best...gagawin ko ang lahat. " she looked at me. "H-Hija, tell me...a-anong gusto mong gawin ko? Mapatawad mo lang ako..."
My heart ache with this. Hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko but...for Chio. For the man I love the most.
I looked at her, I sighed. "Ayusin mo ang relasyon mo sa anak mo. Maging ina ka. Baka doon...maging karapatdapat ka pa sa salitang kapatawaran."
After saying that, hinawakan ko ang kamay ni Chio at dinala palabas. Nang nasa tapat na kami ng gate ay hinila niya ako pabalik paharap sa kanya, at binigyan ng sobrang higpit na yakap.
"Babe.." I heard his sobs. "Babe, I told you. I'm always here." inangat ko ang mukha niya at nakita ko ang pagdaloy ng luha niya sa pisngi. "Hindi lang ikaw ang nasasaktan, pati ako. Lahat ngayon, lahat ng nararamdaman mo, sa bawat sakit na nararamdaman mo, pareho tayong nasasaktan. At pareho rin nating lalabanan. Because we were as one."
I hugged him again, and let him cry on me. Ang mukha niya ang nakasiksik sa leeg ko habang umiiyak. He's like a crying baby.
"Shhh, are you okay?" tanong ko nang mag-angat siya ng tingin.
He smiled at me. "I love you." mahinang sabi niya at umayos ng tayo.
I tiptoed and planted a swift kiss on his lips. He looked surprise on what I did. Pinalis niya ang luha at hinawakan ang pisngi ko. He kissed me again in more fascinated way. Pagkatapos ay inaya niya na ako sa kotse. Pagkasakay palang namin ay nakamurot na ulit siya.
"What?"
He pouted. "Hindi pa pala ako okay. Pakiss nga ulit.." he's about to kiss me again but I show him my fist.
"Magdrive kana! Bilis! Baka hinahanap na ako ni Xia!"
When he heard the name of our daughter, he drove the car as fast as he can. Natawa tuloy ako habang nasa biyahe. Para kaming nagro-roadtrip na walang pakialam sa nakakasalubong na sasakyan.
Pagkarating sa bahay ay kahahatid lang sa kanya ni Nyka. I thanks her for taking care of my daughter.
"Mama!" napangiti ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Binuhat ko siya ang pinugpog ng halik ang pisngi.
"I miss you baby girl!"
"I miss you too, Mama ko!"
"Aw, ang sweet naman ng mag-ina ko." sabi ni Chio at niyakap kami ni Xia. "I love you, my two babies."
"Papa, say I love you to Mama." Xia said.
Ngumisi naman ang gago at kumindat sa akin. "I love you, Mama."
Nag-init ang mukha ko at hindi napigilan ang pagkawala ng ngiti. Our daughter giggled.
"Diba if you love someone, you kiss her po?" she asked to her father and he nodded. "Then, kiss Mama po!"
"Xia!" saway ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.
Ang ama naman niya na malakas ang topak ay sinakyan ang sinabi ng bata. He smirked at me.
"Baby, close your eyes.."
"Chio!"
He ignored me! "...Papa will kiss Mama.."
"Chio!--"
Mabilis na tinakpan ni Xia ang mata gamit ang kamay niya at pati kamay ng ama ay nakatakip din doon. He planted a kiss on my lips. I mouthed a curse on him before Xia could open her eyes. Nakailan na siya ah!
Sabagay, ilang taon ba 'tong tigang.
I chuckled at that thought. Pinanggigilan niya ng halik si Xia habang pareho parin kaming yakap. I smiled while hearing their giggles.
I thanks God, for letting us feel this way, and for giving us a second chance to be a happy family.
With them, my world shining brightly like the sun. I definitely feel complete.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top