CHAPTER 4


Chapter 4

Nakailang ulit kong inalog ang ulo at pabagsak na inihiga sa kama ang katawan ko. It's confusing.

Hindi ko na nagawang kausapin ulit si Chio dahil sa kakaibang epekto ng presensya niya sa akin. Bawat salita niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Damn it! Do I really like him?

I cussed.

How I wish that this feeling fade away, pero mukhang malabo dahil palagi kaming magkasama. At kung iiwas ako, mahahalata niya!

"What the fuck, Chio?!" naiinis kong ibinalot ang comporter sa katawan ko.

Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone hanggang makaramdam ng antok. At nagising kinabukasan sa paghampas ni Ate Bia ng unan sa mukha ko.

"Late kana, Nich!" sigaw niya kaya napabaligwas ako ng bangon.

"Shit! May test kami ngayon!"

Mabilis akong naligo at nagbihis bago bumaba. Napansin kong hindi ko suot ang kwintas na bigay ni Chio kaya nagmamadali ulit akong tumaas.

Halos nagulo ko na ang mga drawer ko pero hindi ko makita. Sa table ko lang yon ipinatong kahapon e, pero hindi ko makita. Tinanong ko sa baba sina Manang at ang iba naming kasambahay pero hindi daw nila makita.

"Ako ang naglaba kahapon ng uniform mo, pero wala namang kwintas na naligwit." sabi ni Ate Bia. "Hanapin ko nalang, pagnakita ko, ibibigay ko agad sayo."

"Sige, Ate. Bigay ni Chio yon eh, infinity ang pendant at silver 'yon." napanguso ako bago isinuot ang bag ko. "Sige na po, baka malate ako."

Nagpahatid na ako sa driver namin, sinabi rin ni Manong na maagang umalis si Dalia kaya nakauwi kaagad siya.

Buong biyahe kong iniisip ang kwintas na iyon. Dumating ako sa school na naka-one seat apart na ang upuan dahil ngayon ang periodical test. Finals na kaya kailangan ko talagang magfocus. Kaya binura ko muna lahat ng gumugulo sa isipan ko.

Naupo ako sa upuan ko. Alphabetical order ang arrangement ng upuan, lalaki bago babae kaya magkatabi parin kami ni Chio. Falter at Glarileo.

"Good morning," bati ko sa kanya. Hindi siya tumingin sakin at tutok lang sa notebook niya.

I can't help but to stare on his serious expression while reading his notes. Hindi naman statistic ang nirereview niya kaya nagtaka ako sa expression ng mukha niya.

I just sighed. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin kapag lunch na. Inilabas ko na ang notebook ko para makapagreview. Wala parin naman ang teacher namin kaya may time pa.

Finals na ito at kailangan kong maipasa, college na kami sa sunod na pasukan. At ang gagawin naming research ang isa pang dapat naming pag-abalahan. Iyon nalang din ang gagawin namin this incoming weeks, at pagkatapos non, bakasyon na!

Tahimik lang ang buong klase habang nagsasagot ng exam. Halos kaluskos lang ng papel at ballpen ang maririnig. Apat na subject ang sinagutan namin bago naglunch.

"Ang hirap ng solving sa Statistic, wala akong sagot sa 46 to 50!" nalalantang sabi ni Nicole. "Pamihadong meron si Nich don! Magsa-sana all nalang ako."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Hindi naman mahirap,"

"Huwaw nalang," nakangusong sabi niya bago inaya ang mga kaibigan na natatawa pa para lumabas.

Mas nahirapan pa nga ako sa ibang subject kesa mga solving na ganun e. I love solving problems, oh math problems lang pala. Sana pati life problems madali lang para sakin na isolve.

Napatingin ako kay Chio dahil hindi parin ito umiimik sakin. Kung dati ay siya ang kauna-unahang umiinterview sakin kung ano ang mga isinagot ko sa exam pero ngayon ay wala akong narinig sa kanya.

Pinanood ko ang walang gana niyang pagsasakbit ng bag sa balikat niya at walang pasabi na lumabas ng room.

May kung anong kumirot sa puso ko. Wala naman akong matandaan na ginawa ko na maaring ikatampo niya. Kahapon ay hindi naman big deal iyong isipin niya na may crush ako kay Raven, at okay naman kami dahil sabay pa kaming umuwi.

Nakasabay ko si Astryl papasok sa canteen kaya nagtaka itong hindi ko kasama si Chio.

"Badtrip?" tanong niya dahil sinabi kong kanina pa akong hindi pinapansin ng lalaki.

"Ewan, baka nagdadalaga."

Umorder na rin kami bago pumunta sa table namin. Nandoon narin sila.

"Para sakin ang isang toron na 'yan, diba Nich?" tanong ni Jakoda habang nakanguso sa dalawang toron na binili ko.

I shooked my head as I bit my lower lips. "K-Kay...Chio," napatingin sa akin ang lalaki at bumuntong hininga.

"Kay Jak nalang, ayoko ng toron." walang ganang sagot niya.

I gulped the lump in my throat. Nangunot ang noo ng mga kaibigan namin dahil sa kanya. Hindi siya tumabi sakin, walang gana ang boses niya, walang reaksyon ang mukha niya. It's my first time to see him like this.

"Una na'ko," lahat kami ay kay Chio nakatingin nang isakbit na nito ang bag kahit hindi pa tapos kumain.

"Chio.." hindi niya ako pinansin at deretso ng lumabas ng canteen.

"May problema ba, Xinichi?" tanong ni Alle na agad kong inilingan.

"Tampo ang prinsipe natin," sabi naman ni Kade.

"Akin na yang toron, Nich." siya na ang kumuha non sa plate ko. "Ampanget daw kaseng kabonding ni Rhian e," pang-aasar ni Jak.

"Wag kang mandamay, gago ka!"

Hindi ko magawang makisabay sa tawanan nila. Nakailang sulyap ako sa labas ng canteen at nagbabaka sakaling babalik siya. Pero natapos ang lunch ay hindi ko na rin siya nakausap.

Katabi ko lang ang upuan niya pero parang nag-aalinlangan akong kausapin siya. Siguro ay sa uwian nalang.

Nag-exam ulit kami at maagang nakatapos kaya may isang oras kaming bakante bago mag-uwian. Ang ibang kaklase namin ay panay lang ang pag-iingay.

"Lalabas ka?" tanong ko kay Chio nang bitbitin nito ang bag. Tumingin lang siya sa akin at hindi sumagot. I followed him. Ang ibang babae sa hallway na nilalakaran namin ay nakatingin sa kanya. At umismid naman ng makita ako sa likod ng lalaki.

Hindi ko nalang iyon pinansin dahil ang focus ko ngayon ay makausap si Chio. Nasa may likod na kami ng canteen, walang tao kaya hinarang ko na siya.

"Let's talk,"

He sighed before sticking his back on the wall. "Araw-araw na tayong nag-uusap, hindi ka nagsasawa?"

Napatitig ako sa kanya at napangisi. "Bakit ikaw? Sawa kana...sakin?"

He laugh, and its annoying. "Yan ba ang gusto mong pag-usapan?"

Pumunta ako sa harap niya at hinampas ang dibdib niya gamit ang bag ko.

"Ewan ko sayo, Chio! Hindi ko maintindihan yang ugali mo! Wala naman akong ginagawa pero hindi mo ako kakausapan, ngayon ko na nga lang nakuha ang chance na makausap ka tas ganyan ka pa!" naiinis na anas ko sa kanya.

"I'm busy reviewing my notes, Xinichi. Ano bang gusto mo? Na palaging nasa'yo ang atensyon ko?"

Bumigat ang paghinga ko dahil sa inis. He chuckled in annoyance. Umayos siya ng tayo at pinakatitigan ako sa mga mata.

"Galit ka," mahinahon ng sabi ko kahit nakakaramdam parin ng inis.

Hindi niya inalis ang titig sakin, he look scary now.

"Next time, Nich...kapag ayaw mo, 'wag mo nalang tanggapin."

"Huh?" my forehead increased.

"Y-Yung kwintas...Kinausap ako ni Dalia kanina, at napansin kong suot niya 'yon. Sabi niya, ayaw mo daw..kaya ibinigay mo nalang sa kanya."

Nag-init ang buong katawan ko dahil sa nalaman. Si Dalia. Kaya pala nawawala ang kwintas, potakte talaga.

"You know how happy I am when I saw your smile while wearing that necklace. Akala ko ay nagustuhan mo talaga, hindi pala." he bitterly smiled.

Totoong gustong-gusto ko 'yon. Galing sa kanya 'yon e, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo.

"Hindi ako galit, hindi ako nagtatampo. Naiinis ako. Sana sinabi mo nalang na ayaw mo, hindi yung kailangan mo pang magpanggap sa harap ko."

"C-Chio,"

"Nakakainis makitang, ang bagay na inilaan ko para sayo, mapupunta lang sa iba."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para igilid nang sa ganun ay makadaan na siya. Hindi na ako lumingon para hindi ko makita ang paglayo niya.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top