CHAPTER 36
Chapter 36
I was so devastated. My heart and mind are in biggest trouble right now.
Nang makarating ako sa park ay nakita ko agad siya na nakaupo sa isang bench. I do my best to keep my trembling feets moving. Binabalot ng takot at pangamba ang puso ko.
Mabilis siyang tumayo nang mamalayan na nasa harapan na niya ako. He was just staring at me with his mouth half-opened. I closed my eyes and slowly...I slowly bend on my knees down infront of him.
"N-Nich.." naramdaman ko ang mga kamay niyang nakahawak na sa braso ko. "Nich, what are you doing?"
I opened my eyes to look at him. Sinusubukan niya akong patayuin pero nang hindi niya magawa ay lumuhod din siya sa harapan ko. The tears forming around my eyes makes everything blurred.
For the first time after so many years, ngayon lang ulit ako nakalapit sa kanya ng ganito.
"N-Nich..I can stand seeing you like this.." nanginginig ang boses na sabi niya. "..please don't cry.."
I shooked my head. "H-Hindi madali sakin para gawin 'to...pero kung ang pagmamakaawa ang pwedeng paraan para 'wag niyo ng kunin sakin si Xia, g-gagawin ko.." tears slowly gushing down on my cheeks.
Kung itong miserable kong katayuan ang gusto nilang makita para makuha nila ang kasiyahan nila at hindi na guluhin ang buhay naming mag-ina, sige na. Ito na oh! Mukha na akong miserable sa harapan niya.
His eyes were in fraction. Nakaawang ang labi niya na parang gusto ng magsalita pero umiling-iling ako kasabay ng luhang walang hinto sa pagtulo mula sa mga mata ko.
"K-Kunin niyo na ang bakeshop ko, ang kotse, ang bahay ko, ang lahat ng ipon ko sa bangko. Kunin niyo ng lahat. P-Pero 'wag naman si Xia...'Wag naman ang anak ko.."
Not my daughter. Hindi ko kayang pati buhay niya ay guluhin ng mga taong kagaya nila. He shook his head as tear fell from his eye.
"Nich, I won't let that happen." he said while his hands on my arms. I just cried. Nawalan na ako ng lakas nang hilahin niya ako palapit sa kanya at ikulong sa bisig niya.
"M-Mananatili sayo ang anak natin. Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi kana ulit masaktan." his words.
Dapat bang maniwala pa ako? Paano ko paniniwalaan ang taong sumira sa tiwala ko?
Lumayo na ako sa kanya at naupo sa damuhan na kinatatayuan namin ngayon. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. My tears keep on flowing down on my face. Nagsisikip ang dibdib ko sa mga salita niyang dapat ay nagpapagaan ng loob ko, pero hindi..dahil iyon mismo ang lalong nagpapahirap sa akin.
"All you need is to trust me..." he said. "Like what I've said...I'm willing to take risk to take you back. K-Kung kaya mong ibigay lahat 'wag lang malayo sayo si Xia...Kaya ko ring ibigay lahat, 'wag lang ulit kayong mawala sa paningin ko. D-Dahil hindi ko na kaya.."
Parang may nakabara sa lalamunan ko na nagpapahirap sakin sa paghinga. Walang salitang namutawi sa akin. I just keep my head down, but I can still feel him looking at me, with his teary eyes.
"A-Alam kong hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko, k-kaya patutunayan ko..." naramdaman ko ang pagtayo niya at paglapit sa harapan ko.
I keep my eyes down. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya sa oras na 'to.
"Magpahinga ka muna...Hayaan mong ako naman ang lumaban para satin."
And after saying that, he left.
Bakit ganito ang ipinaparamdam niya sakin? Ano bang ibig niyang sabihin?
Gulong-gulo na ako. Nakakainis na sa ilang taon na lumipas, ito parin ako at umiiyak dahil parin sa mga taong dahilan ng una kong pagkawasak.
I went back home when Nyka texted me that Xia can't sleep without me. Sanay 'yon na katabi at niyayakap ko bago makatulog. Kaya nang iuwi ko na siya sa bahay ay nakatulog agad siya.
Gaya ng mga nakaraang araw ay hindi na naman ako makatulog. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga salita niya. Hindi ko parin maisip na nakaya kong gawin na magmakaawa sa taong kagaya niya. As in ako pa talaga ang nagmakaawa.
"Gusto mo ng ice cream?" rinig kong tanong ni Jhess kay Xia.
"Ang aga-aga!" lumapit ako sa kanila at naupo sa sofa katabi ni Jhess. "Bakit ka nandito? Palagi mo nalang iniiwan si Nay Minda sa bakery." I rolled my eyes off him.
Tumawa lang siya habang hinahagpos ang buhok ni Xia na ngayon ay nakaupo sa lap niya at hawak ang ice cream na dala niya.
"You want, Mama?" tanong niya na inilingan ko.
"Diet Mama mo, tumataba e." walangyang sabi ni Jhess sa kanya at tumawa pa sila. I pinched his arms that made him groan.
Kung hindi lang namin kasama si Xia ay baka napagmura ko na siya. Palagi nalang tumataba ang pang-asar niya sakin.
Pagkatapos ni Xia na kumain ng ice cream ay lumapit naman siya kay Shane.
"Nich, may problema ka ba? Kagabi tumawag ako sayo, pero hindi mo sinasagot ang tawag ko." tanong ni Jhess.
I gulped. "H-Hindi ko lang napansin."
Umiling siya sa akin at tumitig lalo. "Ginugulo ka ba ng lalaking 'yon?" he asked. "Sabihin mo sakin..Baka matulungan kita."
Napatitig ako sa kanya, bago kay Xia. Alam kong handa siyang makinig sakin, pero ako, hindi ko kayang sabihin sa kanya. He's being rude when it comes to that man. Naalala ko pa 'nung magtagpo na naman ang landas nila sa bahay. Inis na inis si Jhess sa kanya at mas naging clingy sa akin sa harapan ng lalaki. Alam ko naman na paraan niya lang 'yon ng pang-aasar.
I sighed before patting his hand on the table. "Okay lang ako...Si Nich 'to! Keri lahat." I gave him an assuring smile.
Ngumiwi siya sa akin na tinawanan ko lang. Sapat na sa akin na isa siya sa dahilan kung bakit nagagawa ko paring ngumiti. Ayoko na rin siyang idamay sa mga problema ko.
"Ipasyal natin si Xia.." sabi niya. "May fiestahan sa isang barangay dito sa Vista Priea. Ano? Tara?"
"Sure po, Tito Jhess!" sigaw ni Xia na nasa may likod pala namin.
Kaya 'yon. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Siya ang nagmaneho ng kotse ko papunta sa isang barangay. May mga simpleng handaan kaming pinuntahan na ayon sa kaniya ay mga kamag-anak daw niya ang mga 'yon. He spoiled Xia with toys, halos bilhin niya ang buong tindahan ng laruan para ibigay kay Xia. Ang bata na mismo ang tumatanggi pero siya itong mapilit.
"Ma, can I borrow your phone?" saad niya nang makasakay kami sa kotse pauwi na sa bahay. Magkatabi kami sa backseat at nasa driver seat naman si Jhess.
Kinuha ko sa bag ko ang cellphone at inabot sa kanya. "Why? Wala akong games dyan."
"Hindi po games!" she opened my facebook app. Nangunot ang noo ko dahil ang maliit niyang daliri ay walang hinto sa pagscroll up. "Did Papa leaving you a message here?"
Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse pero nanatili kay Xia ang tingin ko. Ngayon lang ulit niya nabanggit ang lalaki.
"H-Hindi. He's busy, anak." 'yon na lang ang naisagot ko.
Huli na nang mapansin kong mga picture ng ama niya sa fb ang tinitignan niya. May ilang photo albums doon at nakita ko pa ang ♡︎My ehu girl♡︎ na sa pagkakatanda ko ay 'yung mga picture namin dati. Nag-init ang mukha ko. Bakit nandun parin 'yon hanggang ngayon? At ilang taon na ba ang account niyang 'to?
Nakahinga ako ng maluwag nang ang buksan na album ni Xia ay ang Chio lang ako ang nakalagay na album name. Puro solo picture niya iyon.
I got pissed off with my daughter. Bakit ba sa dami niyang pwedeng gawin ay ang pagstalked pa talaga sa account ng lalaking 'yon ang naisip niya?
Inagaw ko agad sa kanya ang phone nang muntik na niyang mapindot ang isang album.
"Bakit po?" she innocently asked.
"Ah, palowbat na si Mama. Later nalang ulit hm?" pagdadahilan ko at mabuti na hindi na ulit siya nagtanong.
Ramdam ko ang panay na lingon sa amin ni Jhess. Kapwa kami tahimik ni Xia sa biyahe hanggang makarating sa bayan ng Vista Priea.
Medyo traffic sa dinaraanan namin kaya napatigil kami sa tabi.
"Mama, malayo pa po?" inaantok na tanong ni Xia.
"Nope, malapit na baby. Sleep here." pinalapit ko siya sa akin pero umiling siya at sinabing okay lang daw.
Panay na ang hikab niya nang magsimula na ulit magmaneho si Jhess. Nangunot ang noo ko nang buksan ni Xia ang bintana na katabi at may pinakatitigan sa labas.
"Baby, what are you looking at?"
"Ma, I saw Papa there!" nanatili siyang nakasilip sa bintana at nakaturo sa grocery store na nilampasan namin.
My heart pounded so hard inside my chest. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kabahan. Gusto kong ilayo si Xia mula sa pagtingin sa labas ng bintana pero natigilan nalang ako.
"He did not see me..." she shrugged her shoulders and let out a weak deep breathe. Umayos na ulit siya ng upo matapos isara ang bintana.
Pansin ko ang titig sa akin ni Jhess mula sa side mirror. Bumalik kay Xia ang tingin ko nang muli itong huminga ng malalim.
"I already miss him..." saad niya. "Why is he there, Mama? Is that his work?"
Napailing ako. "No, baby. Ah, s-siguro nag-grocery lang siya 'don."
Medyo hati pa ang liwanag at dilim sa paligid. Sa dami-daming pwedeng makita ng anak ko, talagang siya pa.
"No, Mama." she said while shooking her head. "Iba po ang ginagawa niya and he looks so exhausted na po."
I knotted my forehead on her. "What is he doing?" I asked out of confusion.
"He's carrying a sack of fruits on his shoulder po.."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top