CHAPTER 34


Chapter 34

"Ma, sino po ang kausap mo kanina?" Xia cutely asked.

Kinarga ko siya papunta sa kotse at pinaupo sa passenger seat bago lagyan ng seat belt.

"Oh, my baby forgot about her seventh birhday!" nakangiti akong sumakay sa driver seat at nagsimulang magmaneho.

She clapped her hands. "So, that's about my birthday party, Mama?" she ask, I nodded. "Yey! Mama, I want a barbie design cake!" nae-excite na agad na sabi niya.

"Sure!" nakangiting sagot ko.

May kinausap ako kanina about catering para sa birthday ni Xia sa isang linggo. It's her seventh birthday at ngayon lang din siya magkakaroon ng party dahil nung isang taon siya, simpleng handaan lang ang naibigay ko, and the rest of her birthday, kami-kami lang ng mga ninong at ninang niya.

She looks so excited when I tell her about my plans. Sinabi kong invited lahat ng friends niya sa school nila. She's a friendly type kaya halos lahat ng classmate niya ay ka-close na niya. Panay ang request niya sa akin ng kung ano-ano.

"Saan mo gustong kumain?" magdi-dilim na rin nang tingnan ko ang labas.

"Sa bahay nalang, Ma. You looked haggard na po."

Pinaningkitan ko siya ng mata at nginitian naman niya ako ng sobrang lapad.

"Xianah.." nagbabantang tawag ko sa kanya.

She smiled even more. "You're beautiful parin naman po. Mana ka sakin, Mama."

I chuckled. "Wow!" natatawa akong nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi sa bahay.

Nang makarating sa bahay ay nagluto na ako ng pagkain habang siya ay nanonood lang sakin. Hindi na ako nabo-bored t'wing kasama ko siya dahil sa sobrang daldal. Kung ano-anong tanong niy sa akin at kagaya ni Jhess, pinuna niya rin na tumataba daw ako. Mabuti nalang daw at maganda parin ako kahit mataba. Napailing nalang ako nang maisip kung kanino siya mana sa ganung ugali.

"I want cupcake po!" sabi niya matapos kumain.

"Bukas na. Gusto mo bang tumaba?"

"Yes po! Para magkamukha lalo tayo!" hindi ko alam kung tatawa ako o bubusangot. Bakit ba t'wing mataba ay ako ang nasa isip niya?

Binuhat ko siya papunta sa bathroom at pinatuntong sa maliit na upuan paharap sa lababo. Kinuha ko na ang toothbrush namin at binigay ang sa kanya.

"Let's brush our teeth na!"

Nang matapos ay nagpalit na kami ng pantulog at nahiga sa kama. She's hugging her teddy bear while I'm brushing her hair.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maisip na nakapagpalaki ako ng batang kasing ganda ko. Yeah, she's more looked like me, but there's a side na makikitang kamukha rin ng ama. Anyway, she's coming seven na! Parang kaylan lang noong iyakin pa siya t'wing nadadapa pero ngayon malapit na ang teenage life niya, I want to baby her forever.

Naputol ang pag-isip ko nang humarap siya sa akin. Medyo tumaas pa siya para mapantayan ang mga mata ko. I smiled before kissing the tip of her nose.

"Ma, bakit hindi na pumupunta dito si Papa? Diba he said, he will always visit me?" sabi niya. "Bakit parang ayaw niyo po sakin?"

I brushed her cheeks and purse a smile. "Hindi ganun baby...he's a busy man. At kagaya ng sabi ko sayo, may kaniya-kaniya kaming buhay. May iba siyang pinagkaka-abalahan."

Hindi ko alam kung ano na ang takbo ng buhay nila ngayon. Maybe they're a completely family now. Kaya hinding-hindi ko paniniwalaan iyong sinabi niya nang huling beses kaming nakapag-usap.

She exhaled deeply. Lumungkot ang bilugan niyang mga mata.

"Bakit palagi nalang Papa ang hanap mo ngayon? Ayaw mo na kay Mama?" I pouted my lips. "Nagtatampo na ako baby, sabi mo lab na lab mo ako? Bakit naghahanap kana ng iba?"

She moved her body closer to me. She held my cheeks with a beautiful smile on her lips.

"I just miss him po. Pero hindi ibig sabihin 'non hindi na kita lab. Don't tampo na Mama." gusto kong maiyak dahil sa pagiging malambing niya. Ito 'yung mami-miss ko kaya ayoko pa siyang lumaki.

She planted a kiss on my cheeks. "I love you, Mama." napangiti ako nang puruhin niya ng halik ang mukha ko. She's extra sweet today.

"I love you more, baby! Muah mwuah mwuah!" kagaya niya ay pinuro ko rin ng halik ang mukha niya. "Matulog na tayo. Tomorrow, we will going to buy your birthday costume!"

She looks excited again. "Yey! I'm so excited, Ma!" she hugged me tightly.

Hinayaan ko siyang nakayakap lang sakin hanggang nakatulog na siya.

Kinabukasan ay sinamahan kami ni Astryl sa pagbili ng gustong costume ni Xia. 'Yung disney princess daw kaya 'yon na rin ang naging theme ng party niya. Nagpagawa na rin kami ng give aways para sa mga bata.

"Kumain muna tayo, nagugutom na 'ko." daing ni Astryl. "Xia, where do want to eat?"

"Kahit saan po." sagot ni Xia na busy sa pagkakalikot ng candy na may laruan.

Kumain kami sa isang restaurant bago umuwi. Si Astryl ay nauna na dahil may pupuntahan pa daw.

Inayos ko na ang lahat ng dapat ayusin para sa birthday ni Xia. Dito nalang rin ang lugar dahil maluwang naman ang space ng harapan ng bahay namin.

Xia wants to invite her father pero paano ko naman gagawin 'yon? Hindi na nga kami nag-uusap at wala akong balak makipag-usap sa kanya.

I sat on the sofa while massaging my temple. Hinanap ng mga mata ko ang cellphone ko na ipinatong ko lang kanina sa glass table dito sa salas. Ngayon ay nawala iyon kaya kaagad akong pumasok sa kwarto.

"Xia nasa'yo ba ang--" natigil ako nang makita itong nakaupo sa baba ng kama at nakatapat sa tenga ang cellphone ko. "Xia, sinong kausap mo?"

Kita ang gulat sa mga mata niya nang makita ako. Kinuha ko ang phone sa kanya at nakitang hindi registered number ang tinawagan niya. Tatanungin ko pa sana kung sino iyon nang makita ang isang kapirasong papel na nasa sahig, at may nakasulat na number.

"Where did you get this phone number? Bakit mo tinawagan?" tanong ko.

Napatungo siya habang nilalaro ang kamay. "S-Sa phone po ni Papa....I just call him po. S-Sorry Mama, for using your phone without your permission." kinusot niya ang mga mata niya kaya hinawakan ko ang baba niya para iharap sa akin.

Her eyes were teary, parang maiiyak na. I sighed. Napansin niya sigurong wala akong ginagawang paraan para imbitahin ang ama niya. And she's the one who find ways.

"It's okay baby. Pero 'wag mo nang uulitin 'to ha?" she nodded.

Parang may nakadagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga numerong nakasulat sa kapirasong papel.

Bumagabag sa isipan ko ang bagay na 'yon sa mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung talagang pupunta siya at kung hindi man, mas okay sana.

I smiled at my beautiful daughter. Agaw pansin ang Cinderella dress niya at ang maamo niyang mukha. Tumatalon siyang lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko.

"Happy birthday Xia ko!" tumungo ako sa kanya para halikan siya sa pisngi.

She giggled before kissing my cheeks and forehead. "Thank you Ma! I love you!"

I smiled. "Play with your friends na. Back at twelve midnight ha."

Nakamurot siyang humalik ulit sa pisngi ko bago pumunta sa mga kaibigan niya. Gusto ko pa siyang pang-gigilan dahil sa sobrang cute niya.

"Nich!" tawag sakin ng kung sino at nang lingunin ko ay si Jhess na ngayon ay papalapit sa akin. "Kumain kana?"

"Oo, kaninang umaga." nakangiting sagot ko.

He sighed. "Alas dose na ng tanghali. Kumain ka ng lunch." sinuklay niya pa ang buhok gamit ang daliri na nagpapresko ng dating niya. Agad namang napangisi ang loko nang mapansin na nakatitig ako. "Pogi ba?"

"Gutom lang 'yan! Tara ikain natin!" tinapik ko ang balikat niya at patulak na dinala sa isang table.

Mabilis naming tinapos ang pagkain namin para maasikaso ang ibang bisita. Agad namang naagaw ng pandinig ko ang tili ni Xia nang dumating ang mga ninong at ninang niya. Halos namumula ang pisngi ni Xia nang lumapit na ako dito kaya hinila ko na siya palayo sa mga kaibigan ko.

"Ang babaras niyo! Ginawa niyong kamatis ang pisngi ng anak ko!"

Lumapit sa akin si Alle at pisngi ko naman ang pinisil. "Cute naman ni Mommy!" agad kong hinampas ang kamay niya.

"Ninang Rhian.." tawag ni Xia kay Rhian na panay ang linga sa mga bisita.

"Yes?" napatawa kami nang mapansin na nasa malaking regalo na dala ni Rhian nakatingin si Xia. "This is yours baby." she smiled.

Nagningning naman ang mga mata niya lalo nang dinala ni Rhian iyon sa table na lagayan ng regalo. Mukhang gustong-gusto na niya agad iyong buksan.

May pa-games rin kaming ginawa para sa mga bata. Xia was enjoying her party pero ilang beses ko na rin siyang nahuhuling lumilinga sa paligid na parang may hinahanap.

I shook my head and sighed. Lumapit sa akin si Rhian na may simpleng ngiti.

"Mukhang may hinahanap.." tukoy niya kay Xia. "Darating ba?...baka pinaghihintay lang ang bata sa wala."

I gasped. "Ilang taon na rin, sanay na ang anak ko."

Malalim na paghinga ang pinakawalan namin. Hindi ko alam kung naging tamang desisyon ba talaga na pinakilala ko pa ang anak ko sa kanya. Paano kung kagaya ko saktan niya lang ang anak ko?

"May balita ka ba about sa buhay niya ngayon?" she asked.

Umiling ako. "Wala. At wala akong pakialam sa buhay niya."

"He's now a CEO of their company."

Nakatitig lang ako sa mga batang naglalaro at walang pakialam sa sinasabi niya.

"He's engaged."

My heart skipped suddenly from beating. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at nakita pa ang pag-iling nito.

"I thought you're not interested." she chuckled. "Nalaman ko lang through social media post. Sa instagram account ni Dalia. May picture silang dalawa with their engagement ring." she let out a deep sighed. "Paano 'pag nalaman ni Xia 'yon?"

Hindi na ako sumagot. Paano nga ba? Xia obviously wants a completely family. At 'yon ang bagay na hindi ko maiibigay sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako. I want to turn back everything, sana hindi nalang sila nagkakilala.

"Ma!" magiliw na tawag sakin ni Xia. Humawak siya sa kamay ko at panay ang kwento na mukhang enjoy na enjoy talaga sa kaarawan niya.

Natuon ang atensyon ko sa isang kotse na pumarada sa may labas. My heart clenched as my daughter shouted.

"Papa!"

At lumabas nga doon ang lalaking nakasuot ng light blue polo at itim na pants. May hawak din siyang gift para kay Xia. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. My friends also gazing at him. Ramdam ko ang pag-iiba ng timpla ng paligid.

Nang mapatungo ako kay Xia ay doon ko lang  napansin na nakatitig pala siya sa akin.

"Ma..." she uttered.

Sabay napabaling ang tingin namin sa lalaking ngayon ay nakaupo sa harapan niya. He smiled at my daughter and stare with amusement. Nagsikip ang dibdib ko nang gantihan iyon ni Xia at lumapit dito. Pansin ko rin ang mga matang nakatitig sa dalawa.

"Happy birthday anak!" he uttered with his eyes glistened.

Marahan niyang niyakap si Xia. My heart pounded loudly against my chest. Muling bumalik sa alaala ko ang huling salitang binitawan niya 'nung huli naming pag-uusap at ang nalaman ko tungkol sa kanya kanina lang.

He's engaged. So where did he get the guts to appeared infront of us like this..

Hinawakan pa ni Rhian ang kamay ko pero hinawi ko na para makatalikod sa kanila. Hindi ngayon. Ayokong masira ang araw na 'to. Pinilit kong ngumiti sa mga bisita at nakipagkwentuhan sa kanila na parang normal kahit parang sasabog ang dibdib ko dahil sa presensya niya.

Jhess patted my shoulder. "Hinahanap ka ng photographer."

Pagkasabi niya ay agad akong nagpunta sa pwesto ni Xia at nakitang pini-picturan ito. Tinawag ako ng photographer kaya tumabi ako kay Xia.

"Where's the father?" tanong pa niya na nagpatigil sakin.

"Yon po siya!" pagtuturo ni Xia sa lalaki. And without hesitance, he walked toward us. Tuwang-tuwa naman si Xia at ang photographer.

Nasa gitna namin si Xia at isang click palang ng camera ay umalis na agad ako. What's that for? Family picture? We're not family for pete's sake!

Napansin ko ang titig sa akin ni Jhess nang makalayo ako sa picture taking na 'yon. Naglakad siyang palapit sakin at mas pinakatitigan ako sa mga mata.

"Okay ka lang?" he asked. "Tapos na rin naman ang party, magpahinga ka muna." he hold my hands and massage it.

Pasimple akong napangiti sa ginagawa niya. "Hey, that's awkward! Nakatingin ang mga kaibigan ko.." pansin ko na nasa isang table sila at nakatitig sa amin.

He smirked. "Ano ngayon?"

Binawi ko na ang kamay ko at pabiro siyang hinampas.

Nakaalis na ang mga bisita at nagpaalam na rin ang mga kaibigan ko. Magdidilim na rin. Si Xia naman ay hindi na humiwalay sa ama niya. Wala ba siyang balak umalis? Siya nalang ang natitira dito. Nasa may salas sila at magkatulong sa pagbubukas ng regalo.

"Xia, magpalit ka muna ng damit." agaw ko sa atensyon niya.

Agad naman siyang ngumuso. "Later na Mama,"

"Halika na, Xia 'wag ng makulit." pansin ko ang tingin sa akin ng lalaking 'yon pero hindi ako nag-abalang tumingin sa kaniya. My blood boiling with his presence, kailan ba siya aalis?

Hinawakan ko sa kamay si Xia at dinala sa kwarto para palitan ng pajama at t-shirt. Nakatayo siya sa may kama at nakaharap sa akin kaya magkapantay ang mga mata namin.

"Ma, can you make my wish granted?" she cutely asked.

"What is it?"

Lumingon siya sa labas kaya pati ako ay napalingon. Nakita kong nakatingin rin sa amin ang lalaking nasa salas dahil naiwang bukas ang pinto ng kwarto. He can heard us.

"Can Papa sleep with us?" natigilan ako sa tanong niya. She caressed my cheeks with her begging looks. "Mama, please... just for tonight, I want him here, with us."

"Xianah, hindi pwede."

"Ma.." she pouted. Naupo na siya sa kama at niyakap ang teddy bear patalikod sa akin.

I can feel the stares from behind. Hindi ko na iyon pinansin at tumabi kay Xia. I sighed. Ayoko namang magkasama pa ng loob ang anak ko sakin.

"Fine! For you, baby." a smiled appear on her lips. I kissed her forehead.

Nagtatakbo na ulit siya palapit sa ama. I rolled my eyes at the sight. How can I make this night peaceful when he's here?

Nagpalit ako ng cotton pajama at t-shirt bago lumabas ng kwarto. Nag-iinit ang dugo ko dahil hindi mawala sa isip ko iyong nalaman kay Rhian. I'm not interested about him, pero doon sa nalaman ko...Ewan ko. Mas lalong sumiklab ang pagkasuklam ko sa kanya. And remembering what he said last time. Balak niya talagang guluhin ulit ako.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakahiga na sa kama si Xia at nakatulog na. Halata naman ang pagkagulat sa lalaki nang makita ako. Mabilis siyang napatayo at nagkamot batok.

"Ah, I'm sorry about Xia...Alam kong hindi ka komportable.."

Napairap nalang ako. Alam naman pala niya, so ano pang ginagawa niya dito? Halata namang nagustuhan niya rin ang ginawang pakiusap ng bata.

Pumunta ako sa kaliwang side ni Xia at doon naupo. Naupo rin siya sa kanang side kaya pinagigitnaan namin si Xia. I don't know if I can sleep here.

Napabuntong hininga ako bago lumabas ulit ng kwarto. I can feel his stares but I don't care, tulog na naman si Xia kaya hindi na niya mamamalayan na wala ako sa tabi niya.

Pumasok ako sa kabilang kwarto dala ang cellphone ko. I sat at the edge of the bed while staring at my phone. And few minutes later, I found myself stalking Dalia Ramirez instagram account and scrolling.

My breathe become heavy. Parang sasabog ang dibdib ko nang makita ang post about engagement.

He's engaged. He's heart already occupied for someone.

I smirked. Bakit ganun? Ang hirap paniwalaan na wala na talaga sakin ang lahat. Kontento na 'ko sa kung ano ang meron ako ngayon, pero 'yung maalala ko 'yung mga bagay na dati ay akin...na ngayon ay wala na...Bakit ang sakit parin?

I asked myself before, kung may kulang ba sakin? But I realized, kung meron man, tama bang hanapin 'yon sa iba? Na ipagtabuyan ako dahil lang sa mga bagay na wala ako.

Or maybe, not just about imperfection. Siguro mahirap lang talaga akong mahalin.


__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top