CHAPTER 33


Chapter 33

Hapon na nang muli kong icheck ang message kung nakita na niya ba. Inaccept niya ang message at nagreply.

Prince Zachiro Falter

Xia is sick. She wants you here.

Pero kung hindi  ka makakapunta. Mas okay 'yon.

I'm sorry, ngayon lang ako nag-on.

I'm on the way now.

Mabigat na paghinga ang pinakawalan ko. He's really going here.

Nakita ko rin na nag-friend request siya pero agad kong dinelete. I take a nap beside Xia and woke up when I heard someone knocking the door.

Hindi ko na pinahalatang nagulat ako nang ang lalaking kinagagalitan ko ang bumungad. He's holding a basket of fruits and fresh milk. Walang imik akong tumalikod sa kanya at hinayaan siyang pumasok.

"S-Si Xia?..kamusta?" halos bulong na tanong niya.

"Sa kwarto. Tulog."

Natahimik ito kaya napalingon ako. He's staring at me with his sober eyes. Umirap ako sa kaniya bago binuksan ang kwarto ni Xia. We went inside and I saw how he carefully sat beside my daughter while worriedly looking at her.

Hinawakan niya ang isang kamay nito at dinala sa labi niya para halikan.

"Papa is here, baby." he whispered.

I slowly bowed down my head on the floor. Bakit nasasaktan ako sa nakikita ko? Why? Why do I feel guilty? Why do I need to feel that I'm the reason who make everything complicated?

Hindi ba dapat ay siya? Siya lang. Dahil una sa lahat, siya ang puno't dulo kung bakit kami ganito.

"N-Nich..."

I blinked my eyes to stop tears forming around my eyes. Walang emosyon akong tumingin sa kaniya.

"Kailan pa siyang..lagnat?" he hesitantly asked.

"Kanina lang." walang gana kong sagot bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

Naghanap ako ng pwedeng lutuin na gulay sa ref at inilapag sa lamesa. Xia loves sinigang na isda, kaya iyon na ang lulutuin ko. Hindi ko lang alam kung makaka-kain siya ng maayos dahil mapait daw ang panlasa niya. Hinugasan ko muna ang isda bago ang mga gulay.

Nag-init ang dugo ko nang makita ang lalaking gago na nakasandal sa may pader habang nakatingin sa ginagawa ko. Padabog kong binitawan ang kutsilyong hawak.

"Did I allow you here?" madiin at puno ng inis sa tanong ko.

He shrugged his shoulder and the heck, he walked more near me. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang lalaki na 'to. Hindi man lang ba siya nahihiya o nakokonsensiya sa ginawa niya noon? Oh, what should I expect? Masahol na hayop 'yan, paano pa makakaramdam ng konsensiya at hiya?

"P-Pwede bang tumulong...sa pagluluto." sabi niya. "Ah, tulog pa naman si Xia."

"Umalis ka." madiin na sabi ko.

His eyes furrowed. "Mag-usap naman tayo oh,"

Mapait akong napangisi. How I hate his guts like this. Ang kapal ng mukha. Where did he get the audicity to talk to me, huh?

"I'm doing these for Xia! 'Wag kang umasang gago ka. I still despise you! And I will forever be!" I took out a deep breathe.

"W-Why? Nich, I know. We're doing these for Xia, for our child. P-Pero bigyan mo naman ako ng chance na magpaliwanag."

"Magpaliwanag saan? Sa kagaguhan mo, ha? 'Wag kanang magsayang ng oras! Dahil hinding-hindi na mababago ng paliwanag mo ang pagtingin ko sayo! Isa kang malaking gagong nangyari sa buhay ko!" I can't control myself for sudden burst out.

Mas lalong lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ko. "I-I'm sorry..." he bowed down his head. "A-About kay Xia?...c-can we talk...about our child?"

Parang may dumagan sa dibdib ko. His eyes were teary as he looked at me. Mabigat ang loob na tumalikod ako para humarap sa niluluto. I can feel his stares at my back.

"I-Ilang taon na siya?" he asked.

Kahit anong galit ko ay pagdating kay Xia. Lahat ay parang kaya kong gawin. Kahit mahirap. Kahit masakit para sakin. Hindi ako humarap sa kanya at nagpatuloy sa pagluluto. For Xia. I think he has the rights to know something about her.

"Six...turning seven this coming august 1." I do my best to stern my voice.

I heard his heavy sigh. "A-Anong grade na niya?"

"Grade 2."

"H-How's Xia as a daughter?" natigilan ako sa tanong niya. His voice was shaking. "M-Makulit ba? N-Noong baby pa siya? Iyakin ba? P-Pinahirapan ka ba sa pag-aalaga?.."

I slowly shook my head. Tapos na ang niluluto ko pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. I can't face him right now.

I heaved a sigh before answering him. Parang may kung anong nakabara sa dibdib ko na nagpapahiram sakin sa paghinga.

"S-She's a precious and sweet daughter for me. Masayahin, minsan makulit. She's responsible in so many things. Lumaking magalang at palakaibigan." my breathe become heavy. "M-Mahilig din siya sa mga collection ng dolls. Mahilig kumanta. She loves celebrating her birthdays because everytime she's celebrating it, I-I'm giving her a doll. Tuwang-tuwa na siya doon. She's four years old back then...she's getting confuse why I'm the only one on her side. S-She's longing for a fathers love t-that year back then. Kuntento siya sa lahat ng meron siya kasama ako...pero ang kompletong pamilya...t-the only thing she always wish while blowing her birthday candles...p-pero kahit pa ang pinakamahusay na diwata ang makarinig, hindi kayang tuparin 'yon."

The kitchen was already filled with our sobs. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"T-That's the reason why I'm doing these. Even it's fucking hurt, even it's hard for me seeing you around. Wala akong magawa dahil anak ko 'yon. K-Kung nasaktan na ako, bakit ko pa hahayaang maramdaman ng anak ko ang sakit dahil sa pananabik niya sayo? She don't know anything yet. I can't tell her na pinagtabuyan mo kami--"

"Nich, I did not! H-Hindi ko kayo pinagtabuyan. Wala akong alam! H-Hindi ko alam na buntis ka!"

I painfully chuckled. "Because you didn't listen to me! Sinong pinakinggan mo? Ha? Ang babae mo! Ano pang magagawa ko? You're willing to choose her over me! Kahit pa anong dahilan ko! Now stop acting like you are the one who got betrayed!" doon lang ako humarap sa kanya para duruin ang mukha niya. I saw the tears freely gushing down on his face. "D-Dahil hindi mo alam lahat ng dinanas ko sayo! Wala kang alam sa naging buhay ko habang pinagbubuntis ko ang anak ko!" I yelled at him.

My eyes watered in an instant. "Ngayon sabihin mo sakin. Masaya kana ba? Ha? Masaya kana ba sa b-buhay na meron ka nang wala ako? Masaya kana ba dahil ikaw na nga 'tong gago, i-ikaw pa 'yong walang kahirap-hirap na nakalapit ay Xia?..."

"N-Nich...patawarin mo na 'ko.." he begged.

I shook my head. "For so long, sa tingin mo ba ganun kadaling magpatawad?...Don't you ever expect of it. Dahil lahat ng ginagawa ko para sa anak ko. 'Wag kang umasa na mapapatawad pa kita. Dahil hindi na mangyayari 'yon."

After saying that I turned my back at him. Dumeretso na ulit ako sa kwarto ni Xia at nagpunas ng luha nang makitang gising na ito.

"Mama..." malambing na tawag  niya kaya naupo na ako sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay nito. "P-Papa.."

Nakatingin siya sa may pinto kaya nag-iwas ako ng tingin. Namalayan ko nalang ang paglapit niya sa tabi ko at patingkayad na naupo bago hawakan ang isang kamay ni Xia.

"Y-You're here po! Mama said that you're busy...I thought you didn't came." mahinang sabi niya..

"Pwede ba 'yon? Papa will always be here if that's my baby wants." he said.

My jaw clenched as his eyes turns on me. Bakit ba parang ang lapit na agad nila sa isa't isa?

Napabuntong hininga ako. "Xia, doon muna ako sa labas." tatayo palang ako ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"No, Mama. Stay here po." she shook her head. "Did you cry? Your eyes were red."

Napaiwas ako ng tingin at nanatili na lang nakaupo sa tabi niya. "No. I-I'm just worried on you."

"Hindi naman po ito ang unang beses na nagkasakit ako, Ma. Why did you cry?" tanong nito at bumaling sa lalaki. "Papa...you made my Mama cry again?"

Nagkatinginan kami. I saw how his adam's apple moves up and down. Walang makasagot sa tanong ni Xia. We stayed at her side 'til she fell asleep again.

Wala na akong naging imik pagkatapos 'non. He bid a goodbye pero walangya ko siyang nilampasan. Wala akong pakialam kung umalis siya, mabuti nga kung 'wag na siyang bumalik eh. But Xia wants him here. At 'yon nga ang nangyari sa nagdaang araw.

Palagi nalang siyang nasa bahay. Hindi ko alam kung bakit nasisikmura ko pang makita siya. Minsan ay si Xia ang nagawa ng dahilan para mag-usap kami. Pakiramdam ko ay ginagamit niya pa ang bata.

"Ang tahimik mo, Nich." sabi ni Jhess na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

Ngayon lang ulit siya naka-bisita dito sa amin at talagang nataon pang andito rin ang lalaking 'yon sa bahay. Nasa salas sila at busy sa pakikipaglaro kay Xia. Nasa kusina kami ni Jhess at naikwento ko na rin sa kanya kung bakit andito ang gago na 'yon.

I rolled my eyes and sigh that makes him laughed. "Nawawala ako sa mood 'pag may bwisita sa bahay."

Muli siyang natawa. "Sa akin kana lang tumingin para di ka mabwisit." he lick his lower lips and tilted his head to stare at my face. Pabiro ko siyang sinampal at inirapan.

"Mas lalong nakakabwisit 'yang mukha!" muli akong napasulyap sa salas at nakitang nasa amin ang paningin ng lalaki. Jhess was still staring at me grinning.

Madilim na titig ang ginawa ng lalaking nasa salas kay Jhess na nakatitig lang sakin. Xia distracted his stares kaya lang nawala ang dilim sa mata nito. I sighed before punching Jhess arm.

"Mas sumakit ang suntok mo ngayon. Palibhasa tumataba." he smirked.

"W-What?!" pinanlakihan ko siya ng mata na tinawanan niya pa.

"Okay lang 'yan. Sexy ka pa rin." kumindat pa ito sa akin bago tumayo para ilagay sa lababo ang tasa.

I unintentionally looked down on my body. Slight lang naman. Normal lang sa isang may anak na. I rolled my eyes off him.

Natigil ako nang makita ang kapapasok lang na lalaki sa kusina dala ang tumbler ni Xia. He's staring at me at saktong tinawag naman ako ni Jhess.

"Nich, ako na ang maghu-hugas nito." he said. Nasa may lababo siya at nakatingin sa linising mga plato.

Rinig ko ang matunog na ngisi ng lalaking gago at nang mapabaling ang tingin ko sa kanya ay sumeryoso ulit ito.

"What?" mataray na tanong ko. Si Jhess naman ay napasipol pa habang naghu-hugas na ng plato.

He gulped. "Ah...ikukuha ko lang ng tubig si Xia." dumeretso na siya sa may tabi ng lababo ikuha ng maligamgam na tubig si Xia at ilagay sa tumbler. His jaw clenched while staring at Jhess. Ito naman isa ay ganun din. Para silang magsasapakan kung magtitigan kaya tumighim na ako para tumigil sila.

I don't know why they acting like that. Kanina pa ang mga 'yan. Nang makabalik siya sa salas ay tumabi na ulit sa akin si Jhess na katatapos lang maghugas ng mga plato.

"Tingin mo..nagseselos 'yon sakin?" he asked out of content.

I chuckled in disbelief. "What the fuck?! Hindi ko ba naikwento sayo ang dahilan kung bakit ako galit na galit diyan? Bakit naman 'yan magseselos? Walang dahilan, Jhess."

"Okay po." we both chuckled.

Nagpaalam na rin siyang aalis na dahil hinahanap daw siya ni Nay Minda. Sinilip ko ang dalawa sa salas at nakitang wala ang mga ito doon.

Nagpunta ako sa kwarto at nakitang nakatulog na pala si Xia. He kissed her forehead before looking at my direction. Napakamot pa siya sa batok bago tumayo.

Walang imik na ulit akong lumabas at niligpit ang kalat na laruan ni Xia. Nag-igting ang panga ko nang makita siyang nakalapit na pala at nililigpit rin ang ilang laruan ng bata.

"S-Sino 'yung lalaking 'yon?" biglang tanong niya at nang lingunin ko ay nakatungo lang ito sa hawak na laruan.

"None of your business." madilim ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

Nanatili siyang nakatungo sa hawak na laruan nang maupo sa sofa. "Palagi bang...pumupunta dito 'yon? Close ba sila ni...Xia?" he sighed. "Bakit ayos lang sayo na ipagluto niya kayo dito? Bakit ayos lang na maghugas siya ng plato? Kaya ko din naman 'yon ah....bakit 'pag ako ang nagsu-suggest ayaw mo?"

Napamura nalang ako sa isip dahil sa tunog nagtatampo niyang boses.

"Ano bang pakialam mo? That's not part of your responsibilities to Xia. Labas kana sa lahat ng gusto ko! Kung makapagsalita ka naman akala mo napakatino mo! Akala mo naman hindi isa't kalahating gago!" padabog kong binitawan sa baba ng table ang bag ng laruan ni Xia at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko.

"Nich please...'Wag mo namang ipakita sakin na hindi na ako." he whispered. I unintentionally look on his eyes and I saw how emotionally it is. "...D-Deserve kong masaktan dahil sinaktan kita...pero 'wag naman sa ganyang paraan."

I shoved his hand away. Mapait akong natawa kahit parang dinudurog na naman ako. "Wow! Nakuha mo pa talagang magrequest huh? Bakit? Huh? M-Masakit ba? P-Pinapatay kana ba ng konsensiya mo?" garalgal ang boses na tanong ko.

He slowly bowed down his head and nodded. "Y-Yes..."

I squinted my eyes at him. "Sana matuluyan kana. Dahil 'yon ang nararapat sa sayo! Sa mga taong gaya mo! A-Alam mo kahit sobrang galit na galit ako sa inyo, hindi ko inisip na gumanti! D-Dahil pinaubaya ko na sa tadhana ang lahat. K-Karma mismo ang babalik sa inyo!" I yelled at him.

A tear fell from his eye as our eyes meet. He nodded with a bitterly smile on his lips.

"Y-You..did it well." his voice broke while tears slowly streaming down on his cheeks.

My chest was stabbing in pain. Nangatal ang buong katawan ko hanggang naramdaman ko nalang ang luhang nananalaytay sa pisngi ko.

"You know what..." a bitterly smile on his lips did not fade. "..H-Higit sa pagkamatay ang nararamdaman ko ngayon....Nich, s-simula 'nung mawala ka, nawalan na rin ako ng buhay..."

I took a deep breathe to calm myself. Parang sasabog na ako dahil sa bigat na nararamdaman.

"I-I don't have a choice that time but to left you." he continued his lies. "A-Akala ko magiging maayos ang lahat. Pero tama ka, I was wrong. P-Pinapatay na ako ng konsensiya ko. I-I regret everything, Nich..."

"Shut up! I'm tired to listen with your fabricated words!" I shouted while tears gushing on my face.

He shook his head. "M-Maniwala ka naman sakin...w-walang oras na hindi kita inisip 'nung panahon na 'yon." lumapit siya sa akin kaya napaatras ako hanggang mapaupo sa sofa. I tried to shoved him as he sat beside me but hold both of my hands with his strength.

"T-Tumigil ka! Kahit kailan hindi na ako maniniwala sayo!" I cried.

"...I-I always leaving a message on your social media accounts. I-I tried to call your number a lot of times, pero...wala na. Pinagsisihan ko ang lahat...pero huli na." pilit kong binabawi ang kamay ko pero masyado siyang malakas.

"Shut up! 'Wag mo kong lokohin...Dahil alam kong masaya ka habang nasa kandungan ni Dalia. Y-You get your satisfaction, huh. Alam kong masaya kana sa buhay mo ngayon...K-Kaya please lang....'wag kanang magsinungaling na parang ako parin. Dahil...alam mo sa sarili mong matagal ng hindi!"

"Nich...i-ikaw parin..."

"Tumigil ka! Sinasabi mo lang 'yan dahil ni Xia. B-Bakit? May balak ka bang kunin si Xia at sirain ulit ang buhay ko?"

"No!" agap niya. "N-Nich...I love the both of you. H-Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling minsan ko nang ginawa."

"Shut up!" I cried harder and with all my force, I pushed him. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kabilang kwarto. Napahigpit ang hawak ko sa door knob nang marinig na naman ang boses niya.

"B-Babe....I love you...a-as always."

Isinarado ko ang pinto at sumandal doon. Hindi napigilan ang hikbi na kanina pang nagkukumawala.

Bakit? Ilang taon na, Nich. Bakit ganyan ka pa rin? Bakit nasasaktan ka parin? I thought I feel nothing but hatred on him. Akala ko tanggap ko na ang lahat. Pero bakit t'wing maiisip ko ang panahong ibang babae ang nasa kandungan niya, hindi ko maiwasang masaktan.

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang huli niyang salita. Ayoko nang magtiwala. Ayoko nang maniwala.

Why do he need to be like this? Why do he need to say those words in me? Hanggang kaylan niya ba ako sasaktan?

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top