CHAPTER 32


Chapter 32

Pareho kaming tahimik ni Xia habang nakatingin sa mga sasakyan. I can feel his stares at my back. Wala naman kaming pupuntahan ni Xia dahil balak ko ay uuwi na sana kami. But she invited him, saan? Sa bahay?

I pulled Xia's hair and make it a bun. She cutely smiled at me while licking her lollipop.

"Ma, is he a good guy?" bulong niya na tinutukoy ay ang nasa likod namin na lalaki.

Pasimple akong napalingon doon at napabuntong hininga. Kung kaya ko lang sabihin sa kanya na masahol pa sa gago ang lalaking hiniling niyang makilala.

"I don't know, anak." I answered.

She pouted. Lumingon ito sa lalaki bago ulit tumingin sa akin. "Let's invite him in our house, Ma."

Napalunok akong napatingin sa lalaking nakatingin rin sa akin. Para siyang aligaga at hindi malaman ang gagawin.

"A-Ano....okay lang naman kung tatanggi ka.." he looked at my daughter. "Xianah..."

"Xia nalang po." she answered in a respectful way.

He slowly nodded. "X-Xia, baka hindi komportable ang Mama mo...'pag pumunta ako sa bahay niyo.." he said hesitantly.

Pairap akong nag-iwas ng tingin. "Alam mo na naman kung saan ang bahay namin. Magb-biyahe nalang kami pauwi. May kotse ka, bahala ka na." walang buhay na sabi ko bago hawakan si Xia sa kamay.

Nakailang hakbang na kami palayo nang marinig ang sinabi niya.

"Ah...s-sumabay na kayo sakin." napatungo ako kay Xia at nakitang nakatingin ito sa akin. "Mas safe...d-doon din naman ang punta ko."

Napairap ako. Mas safe? Kanino? Sa kanya? Like hell. Baka mas safe pang makisama sa tigre kesa sa kanya e. Nagulat ako nang bitawan ni Xia ang kamay ko at lumapit sa lalaki.

Hindi nakakatulong ang pagiging friendly niya ngayon. Kakikilala niya palang sa lalaki pero parang close agad sila. Pero wala. Hindi ko naman pwedeng turuan na magtanim ng sama ng loob ang anak ko.

She smiled at him. "Sige po."

Pansin ko ang pagkagulat niya sa sagot ng anak ko. Nang sa akin siya napatingin ay inirapan ko lang ulit siya.

Kamay na niya ang may hawak kay Xia kaya sumunod lang ako sa kanila patungo sa kotse niya. Pinasakay niya sa backseat si Xia bago ako nilingon. Walang imik kong binuksan ang isang pinto ng backseat at uupo na sana nang magsalita siya.

"D-Dito kana sa passenger seat.."

Hindi ko na siya pinansin at deretsong sumakay na. Parang may nakadagan sa dibdib ko nang makaupo ako. I never thought that I will be in this situation. Masyadong awkward. At nakakainis.

I saw his stares on the side mirror and how he looked away when he saw me. Hiniram ni Xia ang phone ko at nanood ng vlog ni Maine sa youtube kaya nakipanood na rin ako para hindi na mapansin ang atensyon ng gago.

I watched her videos at noon ko lang rin napanood ang vlog niya sa bakeshop ko. Ipinakita niya ang mga cupcakes and cakes, at buong paligid ng shop. Isa rin siguro ito sa dahilan kaya mas tumaas ang kita ng shop.

"Ma, we're here!" maligayang sabi ni Xia.

Sabay na kaming bumaba at dumeretso na ako sa loob. Si Xia ay nagpaiwan at nilapitan ang sige na! Papa niya. I fucking irritated. Siguro ay sa loob-loob niya ay tuwang-tuwa siya dahil sa nangyayari. Siya na nga itong gago tapos siya pa ang hindi na nahirapan sa pagkuha ng loob ng anak namin.

I rolled my eyes in irritation. Napansin kong papasok na rin sila ng bahay at hila ni Xia ang lalaki.

"Have a sit po." magalang na sabi nito at kita ang pag-aalinlangan sa lalaki. Hindi ko alam kung nakailang irap na ako simula kanina. I couldn't help but to rolled my eyes on him. Pakiramdam ko tuloy ginagamit niya ang anak ko para makalapit dito.

Papasok na sana ako sa kwarto nang hawakan ni Xia ang damit ko. "Mama, diba dapat ipinagtitimpla ng coffee 'yung bisita?" she softly asked. Narinig ko ang buntong hininga ng nakaupo sa sofa kaya napangisi ako sa loob ko.

I bent down to Xia and smiled. "Magpapalit muna ng damit si Mama, then bago ko ipagtimpla ng coffee ang bwisita? Hmm?"

He snorted, Xia knotted her forehead on me like as if I say something wrong. Wala naman ah. Mas higit pa siya sa bwisit. Kung hindi naman para kay Xia hindi ko gagawin 'to e. Para tuloy akong pumapayag na mapalapit sa masahol na hayop.

Nagbihis na ako bago dumeretso sa kusina. Sinilip ko ang ginagawa nila sa salas at nakitang nakasandal ang katawan ni Xia sa dibdib ng lalaki habang pinapakita dito ang collection niya ng chibi dolls.

My heart poudly beating so hard inside my chest. Napahigpit ang hawak ko sa tasang hawak ko kasabay ng pagbigat ng hinga.

Siguro kung okay ang lahat, nakangiti ako ngayon dahil sa nakikita. My daughter seems happy with him. I don't know if I can stand with this kind of set up.

Seems right decision for our child, feels wrong for the both of us. Wala akong nararamdaman sa kanya kundi galit. At siya, posibleng may pamilya na rin siya kay Dalia. Ilang taon na rin at malabo pa sa plastic labo na walang nangyari sa kanila.

I shooked my head in disbelief. Bakit ba kung ano-ano ang napasok sa isip ko. Why do I care? Ginagawa ko lang naman 'to para kay Xia. At labas na ang kahit ano sa amin doon.

Dala ang isang tasa ng kape ay naglakad na akong palapit sa kanila.

"Mama buy these dolls po. Hindi po ako humihingi sa kanya dahil sabi niya dapat po tipid lang ako sa money. Kaya po iniingatan ko lahat ng toys ko, para hindi na masayang ang pera ni Mama ko." naabutan kong kwento ni Xia.

He sighed while brushing her hair. "Oo, tama 'yan. You're too young but you know how lifes revolve." nakangiting sabi nito.

"Mama!" she shouted that brought me into senses.

Lumapit na ako at inilapag ang kape sa glass table sa gitna. "Sige na anak, may gagawin pa ako." paalam ko dahil hindi ko kayang manatili doon.

Napabuntong hininga sila ng tumalikod na ako. Walang imik akong pumasok sa kwarto at kinuha ang laptop ko bago nagtungo sa kusina. Naupo ako at ipinatong ang laptop sa lamesa.

May nareceive akong email mula sa isang company at nagpapagawa sila ng cupcakes para sa celebration ng company nila. Pumayag naman ako at pinaalam iyon sa mga empleyado ko sa shop. Nakakatuwang nakikilala na ng mga bigating kompanya ang shop namin.

I smiled but it's immediately faded when I heard them. Nagkunwari akong nag-aayos ng kung ano pero ang pandinig ko ay focus sa mga sinasabi ni Xia.

"Where did you live po?" she asked.

"A-Ah, sa Forzeo. Doon ang bahay namin." he stuttered.

"Why are you not with us po? Diba dapat ang family magkakasama?"

Nagpintig ang puso ko dahil sa tanong niya. I squinted my eyes on him. Panandalian itong natulala at bumawi ng ngiti kay Xia.

"Ah...gusto mo bang dalhan kita ng toys kapag nagkita ulit tayo?" he distracted her in some other way.

Umiling naman si Xia. "No need po. But thanks...ah.." napakagat siya sa labi dahil hindi malaman ang itatawag sa lalaking kausap.

He genuinely smiled. "You can call me Papa...i-it's on you. Kung ano ang gusto mong tawag sakin."

"Papa nalang po..." she smiled.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagsikip ng dibdib. Kung ano-ano nalang ang kinalikot ko sa laptop at cellphone ko para mawala ang atensyon ko sa kanila.

Bakit ganun? Parang sa kanya wala lang ang mga nagdaang taon. Parang walang kwenta lahat ng ginawa niya. Ganun kadali siyang nakalapit dito, at ako na naman ang kailangang magtiis sa sakit at galit t'wing makikita siya.

I know it wouldn't be the last time na makikita ko siya sa pamamahay ko. I sighed in that thought.

Naputol ang pag-iisip ko nang makitang palapit si Xia sa akin.

"Mama, aalis na po si Papa. Why are you not talking to him?" she said with her pouted lips.

Hinawakan ko siya sa braso at hinigit palapit sakin. "Ah...I already told you that we're not in good terms, right? Intindihin mo nalang si Mama, hmm?"

She sadly smiled at me. "Okay po."

Hinayaan ko siyang lumapit ulit sa lalaking nakatingin sa akin. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi maituloy. 

He bid a goodbye for Xia before heading out silently. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Xia nang marinig kong umalis na ang sasakyan.

"Xia..." tawag ko at humarap naman ito sa akin. "What's with that sad face?" naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa harap nito para magpantayang aming paningin.

She pouted even more. "Why can't he stay here longer?

"Kase anak, m-may kaniya-kaniya na kaming buhay. W-We're not like other family...hindi kami okay ng...papa mo." my voice broke.

Tumango-tango siya pero makikita parin ang lungkot sa mga mata.

Kinabukasan ay sa lalaking iyon agad tumama ang paningin ko. Nakatitig lang sa shop ko at parang malalim ang iniisip.    

He slowly tilted his head on my direction 'til our eyes meet. Napahigpit ang hawak ko sa handbag nang makita ang sobrang lamlam niyang mga mata, more on...parang walang buhay.

My heart slowly skipped from beating. I blinked the tears that start forming around my eyes. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Nagsisikip ang dibdib ko and no matter how I want to looked away, my eyes still wants to see him. I only feel nothing but hatred on him.

My chest stabbed in pain as I saw him pursed a bitterly smile. Bago siya tuluyang makatalikod at maglakad palayo ay kita ko ang pagbagsak ng luha sa isa niyang mata.

What is that for?

I clenched my chest before going inside my shop with my trembling knees. Inabala ko ang sarili ko sa pagb-bake ng cupcakes pero hindi iyon mawala sa isip ko.

I bitterly chuckled as I noticed his body built. Malaki na ang pinagbago, pati sa pananamit. He's already a CEO, Nich. What should I expect?

Napatuon ang dalawa kong kamay sa lamesa ng maramdaman ang pagtulo ng luha ko.

Bakit ganun? Parang lumawak pa ang mundo niya nang mawala ako? Bakit parang mas napabuti pa ang lahat? Na umayon ang lahat sa kanya?

Samantalang ako, I suffered in so many things. Lahat ng sakit naramdaman ko. I felt so lost longing for mercy. Tapos ayon siya, nagpapakasarap sa babae niya.

Napahinga ako ng malalim bago napaupo sa upuan dahil sa patuloy na pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay ganito parin. I always end up crying because of him.

I wipedy tears before grabbing my phone when Nyka's name popped on the screen. She's calling.

"H-Hello?" I bit my lower lips to stifle my sobs. Unti-unti ko nang pinakalma ang sarili.

"Ate Nich? May ginagawa ka pa?" she asked. At nangunot ang noo ko dahil garalgal ang boses niya.

"P-Patapos na. Andiyan ka ba sa bahay namin? May problema ba? Asan si Xia?" sunod-sunod na tanong ko.

"Ate, 'yon nga e. Si Xia ang taas ng lagnat. Can you go home now?"

"Sige...p-paki-bantayan muna ha." I ended the call.

Ginamit ko na ang sasakyan ko para mabilis na makauwi sa bahay. Pagkarating ko ay nagtungo agad ako sa kwarto at nakitang nakabalungot ng kumot si Xia habang inaalo ni Nyka dahil panay ang ungot.

She's really sick. Isa iyon sa basehan ko t'wing may sakit siya. Palaging gusto ay nakahiga at balungot ng kumot at panay ang ungot, minsan ay mahirap pakainin kapag ayaw ng pagkain at kung ano-ano rin ang hinihingi.

I sat on the bed beside her and brushed her hair. Nyka smiled at me.

"Pinainom ko siya nung paracetamol, Ate Nich. Mas um-okay na naman siya ngayon kesa kanina, nanginginig pa siya." she said.

Ngumiti naman ako dito at tumango. Sanay na naman dito sa bahay ang magkapatid ni Lyka at Nyka kaya mabuti nalang dahil kahit wala ako ay alam kong may magbabantay sa kanya. She's a senior high school student at kasalukuyan namang bakasyon kaya siya ang nag-aalaga sa kapatid at kay Xia.

"Kumain na ba siya? Ikaw Nyka?" tanong ko nang matapos palitan ng damit si Xia.

"Ah, si Xia, ayaw kumain e. At ako, uuwi na rin ako, Ate. Baka nakauwi na si Daddy samin. Sige po."

I nodded and thanked her. Pagkaalis niya ay nagluto ako ng lugaw para kay Xia at pinaghiwa siya ng mansanas. 

I smiled when I saw her eyes open. Ibinaba ko ang dalang lugaw at mansanas sa side table at naupo sa tabi niya.

"How's my baby?" she groaned. Nakangiti ko siyang inalalayan na isandal ang likod sa headboard ng kama. "Kumain ka muna. Mama cooked lugaw for you!"

"I don't want to eat po." mahinang sabi niya at umiling.

"Baby, you should eat to have energy. Dali na, you want Mama to feed you? Hmm?" she shooked her head. "Xia...nagpa-init ka ba? Why are you sick? Diba sabi ni Mama 'wag magbibilad sa araw para hindi ka lagnatin?" kinuha ko na ang isang mangkok na lugaw para subuan siya.

"Ma, I don't want to eat. Everything taste bitter, I don't want to vomit po." sabi niya.

"But you should eat, baby. Please.." I begged for her but she just shook her head.

Napabuntong hininga ako bago ulit inilapag sa side table ang lugaw.

"Mama...I want Papa here."

I gulped. "A-Anak, he's a busy man. Hindi pwedeng palagi siyang nandito--"

"Please..." she begged.

Her eyes were teary with her pouted lips. Napabuntong hininga ako.

"Fine! But eat na, huh?" she nodded.

Sa huli ay napapayag ko rin siyang kumain at pinunasan ko na rin siya ng maligamgam na tubig at hinayaang makatulog.

Nagpaikot-ikot ako sa kusina habang hawak ang cellphone. Hindi ko na naman alam ang gagawin sa pinasok ko. I don't even have a number of him, at mas lalo namang ayaw kong magtanong kung may alam ang mga kaibigan ko, dahil for sure magagalit ang mga 'yon pati sakin. They don't know yet about this.

There's no other way to talk to him but social media. I hate the fact that I'm doing these. For pete's sake! I opened my facebook app. I touched the search bar at halos mangatal ang kamay ko habang sine-search ang account. I only found one account under his name.

Prince Zachiro Falter.

'Yon paring dati. I did not stalk him, bukod sa hindi ako interesado, wala akong pakialam sa kanya. Literal na hindi kami friends dito dahil bago ang account ko. Nangatal ang kamay ko nang mapindot ang message at halos magsikip ang dibdib ko sa pag-iisip ng kung ano ang sasabihin.

My heart beating so hard with my hands trembling, I type a message.

Prince Zachiro Falter

Xia is sick. She wants you here. 

Pero kung hindi ka makakapunta. Mas okay 'yon.

Pagka-sent ay ibinaba ko na agad ang cellphone ko. Gusto kong magwala sa pagkairita. Aighhh

Mas lagnat pa yata ako kay Xia dahil sa pag-init ng temperatura ko.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top