CHAPTER 31


Chapter 31

"Uy umuunlad na!" nanlolokong sabi ni Jhess.

I just smiled at him while staring at my car. Gaya ng sabi ni Shane, bumili na rin ako ng para sa sarili ko dahil medyo nakakaluwag naman ako sa pera ngayon. Ang isang kotse ay pinagkakaabalahan naman nina Arjie at Dylan.

"Ma'am Nich, marunong ka ba?" tanong ni Arjie. Pinanliitan ko siya ng mata dahil parang minamaliit niya ako. They laughed at my expression.

May alam naman ako sa pagmamaneho kahit paano dahil sa mga kaibigan ko.

Nasa tapat kami ng shop ko ngayon at nang makita namin ang ilang customer ay bumalik na kami sa trabaho. May ilan ring business man na dito sa shop nakikipag-meet sa mga business partner nila.

"Ma'am Nich, kanina pa tunog ng tunog ang phone niyo." bulong sa akin ni Maine. Napatingin siya sa kausap kong customer at ngumiti sakin. "Ako na po ang bahala dito."

Tumango ako sa kanya bago nagtungo sa may kahera. Chineck ko ang phone ko at nakita ang ilang text ni Alle. Nakukulitan daw kay Xia. Siya ang nakiusap na sa kanya muna si Xia ngayon tapos siya naman itong nagrereklamo. Tumatawag naman siya sakin ngayon kaya natatawa ko iyong sinagot.

"Xinichi!" bungad niya.

"What? Where's my daughter?"

Rinig ko ang singhal niya at may narinig din akong tawa ng babae sa kabilang linya. "Ang kulit. Pilit tinatanong sakin kung bakit walang letter sa gitna ang pangalan niya." tinutukoy siguro niya ay ang middle initial.

Napatawa ako at rinig ko rin ang pagsasalita ni Xia sa kabilang linya. "Sabihin mo nalang, unique siya."

"Ito oh, pakinggan mo." sabi niya at mayamaya lang ay boses na ni Xia ang naririnig ko. "Mama! Si ninong tinatawanan ako!" sumbong niya na nagpatawa sakin.

After our talked last night, bumalik na ulit siya sa dating Xia. Hindi ko alam kung dahil sa pag-uusap namin o dahil sa pagpayag ko sa gusto niya. I'm still thinking how to do that.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang pagtatalo ng magninong.

"Bakit 'yung classmate ko meron!"

"Kase nga, hindi sila cute. Ikaw cute ka!"

"Bakit 'yung mga friends ko dalawa ang last name nila? Ang akin one lang...and kapareho ng kay Mama."

Rinig ko ang buntong hininga ni Alle at pagtawa ng babae na hindi ko maboses kung sino. Si Xia ay panay ang tanong. She's getting curious for everything. Parte ata talaga ng pag-edad ng isang bata 'yon, nag-eexplore ang isip sa kung ano-anong bagay.

I smiled as I heard her soft voice calling me. "Mama, susunduin mo na ba ako?"

"Why? Ayaw mo ng kasama si Ninong Alle?" rinig ko ang angal ni Alle sa kabilang linya.

"I miss you na po, and your promise Mama. We'll do that today, right?"

Napalunok ako at pumunta sa gilid ng window glass para silipin ang labas. I don't know how to talk to him. Wala siya sa paligid ngayon, at hindi ko alam kung saang lupalop ko makikita ang hayop na 'yon.

Hindi ko kayang biguin si Xia. It's hard for me to do this pero wala na akong magagawa.

I sighed before answering her. "Yes, baby. Tell your Ninong, susunduin na kita."

Narinig ko ang pagpalakpak niya. "Yey! I love you Mama! Mwuah Mwuah!"

She ended the call. Mapait akong napangiti.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil ramdam ko ang pananabik sa boses niya. Parang nailabas niya ang sayang ipinagkait sa kaniya ng ilang taon. Sa totoo lang hindi ko naman ginusto na lumaking walang ama ang anak ko e, pero anong magagawa ko? Ang ama niya mismo ang ayaw samin. Siya mismo ang lumayo samin.

Nag-taxi nalang ako dahil hindi pa naman ako masyadong kamada sa kotse ko, at saka kasama ko si Xia, baka kung mapano pa kami pagpinilit kong magdrive kahit hindi pa naman ako gaanong marunong.

"Mama!" sigaw niya nang makita ako.

Nakangiti siyang lumapit sakin at hila parin ang ninong niya. Mukhang nakarecover na sa kakulitan ni Xia si Alle dahil niyakap pa nito ang anak ko bago nakangiting lumingon sakin.

"Grabe ang anak mo. Tinanong ako, kung may sampung butiki daw na nakakapit sa pader tapos nagpatak ang isa...ilan nalang daw ang butiki.." pagkukwento niya.

"Oh, anong sagot mo?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako kay Xia na may malapad na ngiti.

"Syempre, siyam. Nagpatak nga ang isa e." he sighed. "Kaso ang anak mo, may logical reasoning. Alam mo ba ang sagot sakin? Mali daw ang sagot ng gwapong katulad ko."

"Wala akong sinabing gwapo ka, ninong. Don't lie po." sabat ni Xia kaya natawa ako.

Napangiwi si Alle at nagpatuloy sa sinasabi. "Sabi niya..Sampu parin daw kase kahit daw naman nagpatak ang isa, butiki parin naman. At hindi magiging ibang hayop..."

Natatawa akong nagbaba ng tingin kay Xia at nakipag-apir sa kanya.

"Very good!" pareho kaming natawa.

Si Alle naman ay napangiwi habang nakataas ang kilay. "Xianah all, may logical reasoning." ginulo niya ang buhok ni Xia bago ulit tumingin sakin. "Anyway, ano 'yung sinasabi niyang promise mo daw?"

"Ah...i-ipapasyal ko siya, sa ano...sa mall." I gave him an assuring smile.

Nagpaalam na rin kami dahil nag-aaya na si Xia. Sa totoo ay hindi ko alam ang gagawin. Halata sa kanyang nae-excite siyang makilala ang ama pero hindi ko naman alam kung paano gagawin 'yon. Ni hindi ko nga kinakausap e. At wala akong pakialam 'don, paano ko naman malalaman kung saan matatagpuan ang hayop na kagaya niya? Sa zoo?

I felt nervous. Nakarating kami sa mall at pansin ko ang paglinga ni Xia sa paligid na parang may hinahanap.

"Baby, let's eat muna. You want?" tanong ko dahil maglu-lunch na rin naman.

Tumango siya kaya nagtungo na kami sa isang fastfood chain dito sa mall. And for heaven sake!

Natigilan ako nang makitang nandito rin ang lalaking hindi ko alam kung saan hahanapin kanina lang. He's seriously eating alone. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Xia nang unti-unti itong napatingin samin. Xia was staring at him too.

Nawala lang ang tensyon na nararamdaman ko nang lumapit samin ang isang servant.

"Ma'am, this way po."

Naupo kami sa di kalayuan sa pwesto niya. Umorder ako ng pagkain namin at parang pare-pareho kaming hindi naging komportable. Sana ay lumipat nalang kami ng kakainan. Pero paano ang pangako ko kay Xia? I need to find ways to do that.

"He's here," Xia whispered. Napatingin ako sa kanya at nakitang nasa lalaki ang tingin nito.

"Xia, eat your food muna. 'Wag kung saan-saan natingin." pagkasabi ko ay kaagad naman siyang sumunod.

Nang matapos kaming kumain ay pinagmasdan ko sa sulok ng aking mga mata ang lalaking 'yon. He was staring at us. Napabuntong hininga ako bago bumaling ng tingin kay Xia.

"Dito ka muna ha, I-I will talk to him." I said.

"Really, Mama?" tanong niya na tinanguan ko. "Sige po."

Tumayo na ako at lumapit sa table kung nasa'n siya. Parang kinain ko lahat ng galit ko nang magtagpo ang paningin namin. Of course he look shocked. I was just staring at him with my blank expression. Nagsisikip ang dibdib ko sa galit na nararamdaman kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Sa labas. Ngayon na." walang buhay kong sabi at umalis na sa harap niya. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon niya.

Nagbayad na ako ng kinain namin at hinila na si Xia palabas. Nauna siya 'don at nakita kong nakaupo sa isang tabi. Napatayo ito nang makita kami.

He swallowed hard while fixing his clothes.

Ang anak ko ay matindi ang kapit ng kamay sa akin habang nakatingin sa lalaki. Nakangiti niyang pinasadahan ng tingin si Xia bago tumingin sa akin pero wala akong pinakita kahit na anong reaksyon.

Medyo may ilang dipa rin ang layo namin sa kanya. I sighed.

"Gusto kang makausap ng anak ko. Kung busy ka, pwede kang tumanggi. Marunong naman umintindi ang anak ko."

He aggressively shook his head. "N-No, pwede mo 'kong kausapin a-anytime.." he stuttered.

Napairap ako bago nagbaba ng tingin kay Xia na nakatitig sa lalaki. Pinaharap ko siya sa akin at inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

"Go na, baby. You want to know if he is your father, right?" malambing na tanong ko. "A-Ask him now.." parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Muli siyang humarap sa lalaki at hindi maintindihan kung lalapit ba dito.

"Ma," she sweetly called me.

Ngumiti lang ako sa kanya at hinayaan siyang lumapit sa lalaki. His eyes glimmered in happiness. Habang ako ay parang kakapusin ng hininga.

Alam ko sa sarili kong lingid ito sa kagustuhan ko. Hindi ko gustong gawin 'to. My hatred and rage on him was still here. Pero alang-alang sa anak ko, kailangan kong gawin 'to.

"H-Hi," naupo siya sa harap ni Xia at pinagmasdan ito sa mukha. He smiled widely.

"Ikaw po ba ang Papa ko?" my daughter straightly asked to the point I didn't expect.

Natigilan naman ang lalaki at napalingon sa akin. I saw Xia also looking at me but I just looked away. I heard his heavy sighed.

"Y-Yes....I-I'm your father..." his voice broke. Parang dinurog ang puso ko dahil sa naririnig. Alam kong nakatingin parin siya sakin kaya hindi ko maibalik ang tingin para makita ang reaksyon ng anak ko.

"B-Bakit niyo po pinaiyak si Mama ko?"

Doon ako tuluyang napalingon. I gulped the huge lump in my throat. His eyes softened a bit. Kay Xia siya nakatingin at hawak ang braso nito.

"I-I didn't mean it. I'm sorry. H-Hindi ko sinasadya." he nervously smiled at my daughter. "C-Can I hug you?"

Napatingin sa akin si Xia at hindi alam ang gagawin. Hindi niya inantay ang sagot ni Xia dahil marahan na niya itong ikinulong sa bisig niya. I saw how his eyes glistened. My heart poundly hard inside my chest. It's my daughter first hug with his father.

I bit my lower lips as my daughter pushed him away. Natauhan naman ang lalaki sa ginawa niyang pagyakap sa anak ko.

"I-I'm sorry..." he said. "May I know your name?" he bit his lower lips and surprised a smile.

"I'm Xianah Cydel Glarileo po." she answered in monotone.

Pansin ko ang paglungkot ng ngiti ng lalaki. Siguro ay dahil sa pagbanggit ng anak ko sa apelyedo ko. Literal, alangan naman na apelyedo niya ang ipagamit ko. Ang kapal naman ng mukha niya.

"You have a nice name, like your..." sandali itong lumingon sa akin pero inirapan ko lang. Parang marami pa siyang gustong itanong kay Xia pero nag-aalinlangan.

"Xia," tawag ko dito kaya mabilis silang napalingon. "Come here,"

"Why po, Mama?"

Ako na ang lumapit sa pwesto nila. Hinawakan ko siya sa kamay. "You already know that he's your father na. Pwede na ba tayong umuwi?"

"N-Nich," he softly called me.

Hindi ko siya pinansin.

"Mama, can we invite him to go with us? I want to know him better po." my daughter begged.

I heaved a sigh before looking at him. Kita ang kaba sa mukha niya nang mapatingin sa akin. Walang buhay lang akong nakatingin sa kanya at sinagot ang si Xia.

"S-Sure...I-If that's my baby wants." I gasped.

Alam kong hindi ako makakatiyaga na nakikita siya ng mga mata ko, parang nakaukit na sa mga mata niya ang ginawa niya noon dahil sa t'wing mapapatingin ako doon ay parang naaalala ko lahat. Pero kapag si Xia naman ang nakikiusap sakin, t'wing nakikita ko ang pangungulila niya, para akong dinudurog ng guilt na nararamdaman.

I was stunned.

I took out a deep breathe before looking at Xia.

Naiipit siya sa away na namamagitan saming dalawa. Wala siyang alam sa nangyayari. Siguro para nalang sa kanya....para nalang sa anak namin.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top