CHAPTER 30


Chapter 30

It feels like my world stop while thinking for a solution to escape this. I took out a deep breathe before looking back at my daughter.

May kung anong kumirot sa puso ko nang magtama ang aming paningin.

Kailangan ko na namang magsinungaling.

Naupo ako sa harap niya at hinawakan siya sa parehong kamay. Panay ang sulyap niya sa nasa likod ko pero gamit ang paghaplos ko sa braso niya ay bumalik ang tingin niya sakin.

"Ma, you're not answering my question yet." she said with her pouted lips.

"Anak...h-hindi.." I gulped.

She shook her head before looking at the man behind me. Hindi ko alam ang gagawin. Parang sasabog na ako sa kaba na nararamdaman. It's his fucking fault.

"Ma, I clearly heard what you said po. You said he's the father of your child." nagsikip ang dibdib ko nang makita ang pagtataka sa mga mata niya. "I'm your only child, Ma...So,--"

I cut her off. "Umuwi na tayo ha? D-Do you want Mama to cook lugaw for you?" umayos na ako ng tayo pero sa halip na sagutin ako ay wala sa akin ang paningin niya...kundi nasa lalaking nasa likod ko.

Her eyes was focus on him. Sandali siyang tumingin sakin bago ulit tumingin sa lalaking nasa likod.

"Ma...I looked like him." she whispered.

My mouth half parted as pain stabbing my chest. No. As in no fucking way! Hindi niya pwedeng malaman!

"X-Xia, let's go."

Hindi niya ako pinansin at humakbang palapit sa lalaking 'yon. I saw how his adam's apple moves up and down. My daughter was just looking at him.

"Mama, is he my Papa?" tanong niya na nagpakalabog sa dibdib ko.

"No!" I shouted that makes her eyes shock. Natigilan din ako dahil sa pagsigaw sa kanya, kita ko kung paano nanubig ang mga mata niya dahil sa nangyari. "I-I'm sorry...Hindi sinasadya ni Mama, ha?" I pulled her closer to me. My tears freely streamed down on my face. "I'm sorry.."

Ang kaninang luhang namumuo sa mga mata niya ay unti-unting ng bumagsak. Para akong sinasaksak ng bawat luhang pumapatak sa mga mata niya.

Hindi ko napigilang tumingin ng masama sa lalaking may kagagawan nito. He's looking at me with his apologetically look.

"Nich...p-pwede ko ba siyang makausap?" tanong niya.

Hinila ko si Xia papunta sa likod ko bago siya madiing tiningnan. "Wala kang karapatan!" I shouted and my heart ache as I heard my daughter sobs.

"K-Kahit saglit lang.." he pleaded. Hindi ko maisip kung bakit siya pa ang may lakas ng loob ngayon.

It's my first time seeing my daughter crying like this. And it's his fault. Sana hindi nalang siya bumalik. Sana hindi nalang nagtagpo muli ang landas namin. Masasaktan lang ang anak ko. Hindi na maiiwasang masaktan siya oras na malaman niya ang totoo.

I cried and my knees gave up. I just felt a tiny arms hugging me while we're both hearing each other sobs.

"Mama... a-are you mad at Xia?" she asked. "I-I'm sorry po...I just want to know who's my father, b-because I envy my friends po, Mama. Every family day celebration they have a complete family...u-unlike me. I just want to know if he's my father..." patuloy siya sa pag-iyak habang nagsasalita. I cried even harder. Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya. She brushed my cheeks and look at my eyes. "M-Mama...I-I'm sorry...let's go home na po..." she hold my hands.

Pareho kaming napatingin sa lalaking nakatitig lang sa amin. Hope that my daughter words slap him so hard. Konsensya niya mismo ang papatay sa kanya.

Magkahawak ang kamay namin ni Xia na naglakad palayo sa lugar na 'yon. I heard him saying sorry but it won't never be enough for all. Sa lahat ng ginawa niya sakin, hinding-hindi na mababago ang lahat.

Feelings can change a person. May iba't ibang klase ng nararamdaman. At 'yung sakit na naramdaman ko dahil sa kanya, dahil sa mga taong sumira ng lahat sa akin. Ang unti-unting nakapagpabago sa pagkatao ko. Kinailangan kong maging bato, dahil kung mananatili akong malambot habang buhay nalang akong maaagrabyado.

Akala ko ay kakausapin pa ako ni Xia pagkarating ng bahay pero pagkainom niya ng tubig ay dumeretso na siya sa kwarto. Sinilip ko kung anong ginagawa niya at muli na namang tumulo ang mga luha ko nang makita itong nakasubsob sa paboritong teddy bear at umiiyak parin.

Tama pa bang sabihin kong kasalanan niya 'to? O...dapat na sabihin ko nalang na...kasalanan namin.

Unti-unti kong isinara ang pinto ng kwarto at nagtungo sa katabing kwarto na hindi pa natutulugan. I sat on the edge of the bed and cried.

I failed.

Nasaktan na ang anak ko.

Paano ko ba siya magagawang protektahan kung ako mismo ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon? I don't know what to do.

Nangyari na. My daughter ignored me the past days. She's just a kid but she know how to hide her pain. Nakikipaglaro siya ng normal sa mga kaibigan, nagiging sweet sa mga ninong at ninang niya pati kay Jhess. Pero pagdating sakin...umiiwas nalang siya.

I don't want to tolerate her attitude like that...but I know her reason. Naiintindihan ko.

Napabuntong hininga ako nang makita siyang nakaupo sa baba ng sofa sa may salas habang nasa tv ang paningin, nanonood ng barbie. I was hesitating to approach her...pero hindi ko na matagalan na ganito ang trato niya sakin.

Nanatili siyang nakatutok ang paningin sa tv kaya naupo ako sa baba ng sofa, katabi niya.

"Gabi na, hindi ka pa inaantok?" tanong ko na inilingan lang niya. I sighed. "Xia...miss kana ni Mama..."

She slowly looked back at me. "We're together naman po. We see each other everyday."

I painfully smiled. Binalik niya ang tingin sa pinapanood at malungkot na tumingin sakin.

"Ma...Bakit lahat po ng friends and classmates ko may father, tapos ako po wala. Bad po ba ako kaya ayaw niya sakin?"

I aggressively shook my head. "Of course not, you're a precious and sweet daughter, Xia. M-Meron kaseng mga bagay na hindi mo pa lubos na maiintindihan kaya hindi ko kayang i-explain sayo..."

Umusod siya palapit sakin at nabigla nalang ako nang ihilig niya ang ulo sa binti ko. Inayos ko ang pwesto niya at inunan naman niyang tuluyan ang binti ko. I brushed her hair. These past few weeks, ngayon lang ulit siya lumapit sakin ng ganito.

"I will understand everything, Ma." she grunt.

"Anak...you're too young to understand everything."

"I'm growing crazy thinking of who my father is, Ma."

Natigilan ako sa sinabi niya. I can't believe that my daughter can say those words straightly now. Talagang kailangan ko na yatang tanggapin na hindi siya panghabang buhay na bata.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

"Palagi po akong iniinggit ni Lyka. She always celebrate her birthdays with her dad, I wish we can do the same po. I want to celebrate my birthdays with my father and you, Mama." she whispered. Tumingala siya sakin na may malamlam na mga mata. "Ma...bakit ayaw mo siyang ipakilala sakin?"

I gulped.

Dahil ako mismo hindi ko na siya kilala. At higit sa lahat, bakit ko pa siya ipapakilala sa anak ko? He's nothing but a betrayer who choose his girl over me and our child.

Kung hindi siya nagpakita pa sana hindi nagkakaganito ang anak ko.

"Alam ko pong siya 'yung lalaki na kausap mo 'non. Palagi ka pong umiiyak kapag nakikita siya, did he hurt my Mama?"

I never thought na nakikita rin ni Xia ang lalaking 'yon. He still stalking us. Sa shop, dito sa palagid ng bahay, kung saan kami pumupunta, palagi siyang nakamasid samin. I don't know where did he get the guts. Ang lakas lakas ng loob niya na magpakita ng paulit-ulit samin. And fuck! Paano ko pang malulusutan 'to kung sigurado na mismo ang anak ko sa nalalaman niya? Such a shit!

I caressed her hair and kiss her temple. "Xia...galit ka ba kay Mama dahil..." she cut me off.

Umiling siya sa akin. "No." sagot niya. "Pwede ko po ba siyang makilala?"

Napaiwas ako ng tingin. Hanggang kailan ko ba aalisan ng karapatan ang anak ko? Hanggang kailan pa ako magmamakasarili sa kanya? I don't know. Nasasaktan ako dahil naiipit siya sa pagitan naming dalawa.

"B-Bakit pa? Hindi ba sapat si Mama?" I softly asked.

Mabilis naman siyang umiling. "It's not like that po. Gusto ko lang po siyang makilala..."

Can I forgive her now? But how?

Kahit papano ay nakakaramdam ako ng guilt para sa anak ko. She's just a kid who wants to have a complete family, who wants to celebrate birthdays with a complete family.

My heart clenched in pain. Hindi ko alam kung paano gagawin pero marahan akong napatango sa kanya.

I sighed. "O-Okay....bukas."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top