CHAPTER 3

Chapter 3

Ibinigay na ni Sir Gumapac ang list of member ng kada group sa research namin kaya napasayaw pa si Chio dahil hindi daw ako ka-group.

"Ka-group ko si Raven!" napatingin sa akin ang class president namin na si Raven nang marinig ako at napangiti bago lumabas ng room.

"Ano ngayon? Napapaghalata kang dumbell," napabuntong hininga pa siya at kukunin sana ang kamay ko para paglaruan pero mabilis kong iniwas. "Member ko si Shaira, mga ten minutes niya lang gagawin ang RRL kaya sa kanya ko iaassign 'yon."

Sanay si Shaira sa paggamit ng mga computer at mahilig din ito sa mga search na ganun kaya madali nga lang para dito ang makahanap ng rrl.

"Wala namang nagtatanong," kinuha ko na ang bag ko at naunang lumabas ng room.

Nakita ko agad si Serrah na nakaupong mag-isa sa isang table kaya nilapitan ko ito.

"Hi, bebe!"

Naiinis niya akong tinignan. "Epal mo!" nangalumbaba ulit siya at tumitig sa lalaking nasa katabing table namin.

"Sino 'yon?"

"Si Ivan, crush ko!" namumulang sagot niya kaya napagiwi ako. "Class President niyo si Raven Gimena diba? Magkaibigan sila!" pinaghahampas niya pa ang braso ko habang nakatitig kay Ivan, katabi niya si Raven.

"Mas pogi si Raven," inagaw ko ang iniinom niyang softdrinks.

Muntik pa akong masamid nang padabog na inilapag ng bagong dating na si Chio ang tray na may macaroni at sandwich. Nasa likod niya ang iba naming kaibigan na nginiwian lang ang asta ni Chio.

"T-Teka, ang duga mo, Nich! Inubos mo ang softdrinks ko!" natawa nalang ako dahil ngayon lang napansin iyon ni Serrah.

"Nauhaw ka ba sa katititig sa crush mo? Ha?" natatawa paring tanong ko at kita ang pamumula ng mukha niya.

Nakita kong napasulyap sa gawi namin si Ivan at sinundan iyon ni Raven kaya napatingin ito sa akin.

"Nich!" nagulat kaming lahat dahil sa pagtawag niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Panay ang siko sakin ni Serrah dahil napatingin din at ngumiti sa kanya si Ivan.

"Hoy kayong dalawa, nasa canteen tayo,  wag kayong maharot!" sabi ni Astryl kaya pareho kaming natawa ni Serrah. Nadamay pa amputa.

"Hindi naman masamang humarot basta nag-aaral ng maayos."

"Nice one, Allenon." sang-ayon ni Serrah.

Napailing nalang ako bago kinuha ang inilapag ni Chio na pagkain sa harap ko. Napansin ko ang pananahimik niya habang nasa pagkain lang ang paningin.

"Uy!" pinitik ko ang braso niya kaya lang siya napatingin sa akin. "Problema mo?"

"Ikaw," he sighed. Nanlaki ang mga mata ko at mas napatitig sa kanya. "Hindi mo pa ako pinapakopya sa Statistic, kung ano-ano na ang inaatupag mo."

He pouted. Napangisi nalang ako dahil sa pagiging parang bata niya. Tinapos na namin ang pagkain para makabalik na sa room. Kaagad kong inabot sa kanya ang notebook ko sa Statistic subject. Nawala rin sa isip ko kahapon na isend iyon sa kanya.

Wala daw ang teacher namin sa next class kaya kanya-kanya lang na umpukan ang mga magkakaibigan naming kaklase.

I saw Raven approaching me. Nakangiti siyang humila ng upuan at itinabi sa akin bago naupo.

"Hi, Nich...Zachiro," ngumiti ito sa lalaking katabi ko pero hindi man lang tumango o gumanti ng ngiti si Chio. Mukhang wala sa mood. "Ah, about sa research natin. May title na, at si Via na daw ang bahala sa rrl."

"Ako na sa introduction," I smiled, he nodded.

"10 pages daw," napanganga ako sa sinabi niya. Natawa siya bago pinitik ang ilong ko. "Loko, hindi lang naman ikaw ang gagawa. Tulong-tulong tayo don. Hindi pwedeng ilan lang sa members ang mahirapan. Walang buhatan, kailangan nating lahat na matutong mahirapan."

A smiled appeared on my lips. Nakakamangha ang mindset niya, hindi siya yung tipong may bias sa aming magkakaklase, twing maglilinis ay kailangan lahat gagalaw, makaibigan man niya o hindi. At napakabait din niya at talino, kaya bagay na bagay sa kanyang maging class president at ssg president.

"Bukas na natin simulan, hindi gagamitin ang oras natin sa practical research sa paggawa ng research dahil may discussion pa."

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Ibinalik niya sa dating pwesto ang kinuha niyang upuan bago kinausap ang iba naming member.

I giggled in excitement that he will be one of our research member. Hindi na ako kakabahan dahil alam kong may aalalay sa amin sa paggagawa.

"Crush mo?" nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Chio. He's serious expression giving me goosebump.

Pinilit ko ang sarili kong matawa para mawala ang ibang nararamdaman ko dahil sa kanya. Mukhang nahalata niya pang pilit ang tawa ko, pakshit!

Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon. "Wala namang kaso sakin na magkacrush ka Nich, dahil normal lang yon sa edad natin. Pero ewan ko, ayokong nakikita kang nakatitig sa iba."

Seryoso niyang sinabi iyon kaya napakagat ako sa labi. Ayokong lagyan ng meaning ang mga salita niya pero hindi ko maiwasan. At pati ang makaramdam ng kakaiba dahil doon ay hindi ko rin maiwasan.

Normal din ba 'to sa edad namin ngayon?

"Chio," mahinang tawag ko sa kanya. Humilig siya sa balikat ko habang pinaglalaruan parin ang aking kamay.

"Hmm?"

"Paano malalaman kapag gusto mo ang isang tao?" I asked out of curiousity.

"Kapag nakaramdam ka ng kakaiba sa kanya. Something different, yung kapag masaya kang kasama siya, parang siya palagi ang gusto mong makita. Yung kapag hawak mo ang kamay niya, parang may boltahe ng kuryente kang mararamdaman at isa pa ay kapag ang bawat salita niya para sa iyo ay palaging may ibang pinararating, kumbaga big deal sa'yo ang bawat salita niya. It's depend on you din, dahil iba't ibang klase naman ang pagkagusto."

Bigla akong kinabahan. What the fuck is happening on me?!

Umayos na siya ng upo at tumingin sa akin. Hope na hindi niya mahalata ang kaba ko.

"Bakit, Nich? Nararamdaman mo na ba yun?" inusisa niya ako gamit ang tingin. My face heated while thinking the possible answer. Kinakabahan ako dahil sa nabubuong sagot sa isip ko.

"O-Oo," I stuttered. Napalunok ako nang marinig ang mabigat niyang pagbuntong hininga. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagpisil ng kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Kay Raven.."

My mouth half parted. Binitawan niya ang kamay ko at ipinilig ang kanyang ulo sa arm rest. Napatitig ako sa kanya habang patuloy parin akong dinuduluban ng kaba.

'Sayo, Chio.'

Napakagat ako sa labi dahil sa takot. Sa isip ko lang nasabi iyon pero hindi ko maiwasang mangilabot, lalo na sa nararamdaman kong ito.

Bakit si Chio pa?!

___
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top