CHAPTER 29


Chapter 29

Tulog na si Xia nang dumating ako sa bahay. Naupo na ako sa sofa sa may salas matapos tignan ang anak ko.

"Nich..." Astryl called me in a terrified way. Naupo siya sa tabi ko at panay ang buntong hininga. "I'm sorry, dapat pala hindi ko na dinala si Xia sa park--"

I cut her off. "Wala kang kasalanan." I gave her an assuring smile.

Pareho kaming natahimik ng ilang oras. This day is really tiring. Pagod ang katawan ko, pagod ang loob ko.

Xia don't want to see me crying, the last time na nakita niya akong umiiyak, umiyak rin siya. Mabuti nalang at nakatulog na siya. Dahil hindi ko mapigilan ang mga luha ko ngayon.

Umalis si Astryl sa bahay na parang gusto pa akong kausapin pero hindi na ako nagsalita.  I want to rest. Magkatabi na kami ni Xia na natulog at nang namalayan naman niyang nasa tabi na niya ako ay kaagad siyang yumakap sakin bago ulit nagpatuloy sa pagtulog.

I fell asleep with tears in my eyes. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari na 'yon. Sa lumipas na taon ay noon ko lang ulit siya nakaharap. My rage and hatred on him did not fade.

Nagising ako kinaumagahan na magandang ngiti mula sa pinakamamahal kong anak ang bumungad sakin.

"Ma, I want lugaw! Please bangon na and cook for me!" hinila niya ako sa braso at nakanguso na panay ang pakiusap na ipagluto siya.

"Ito na po! Babangon na!" I laughed at her. Nagtatalon naman siya sa tuwa.

Nagpalit muna ako ng damit at naghilamos bago pumunta sa kusina. Napangiti ako nang makita siyang nakaupo at nakapangalumbaba sa lamesa. Paborito niya ang lugaw, lalo na 'yung may nilabon na itlog. 'Yon na ang naging almusal namin kaya bibong-bibo na naman siya dahil nakain ang gusto niya.

Kumakanta pa siya habang nagwa-walis ng kalat niya sa may salas. She has a wonderful voice at the age of Six! Hindi ko maiwasang mamangha sa talento niya pero meron sakin na ayaw tanggapin iyon, dahil alam ko kung kanino niya namana ang talento niya sa pagkanta.

Mabigat na paghinga ang pinakawalan ko. Dumating si Jhess sa bahay para daw bisitahin kami. Si Xia naman ay binati lang siya at mayamaya ay pumunta na sa labas ng bahay namin para makipaglaro kay Lyka, kapitbahay namin na bata na kaedad niya lang.

I heaved a sigh. Nagpunta na ako sa kusina para magluto ng pwedeng makain ni Jhess. He's just staring at me with his forehead knotted. I rolled my eyes on him. Ipinagluto ko lang siya ng chicken carbonara at pinagtimpla ng juice.

"Ang sweet mo naman." komento niya habang iniikot sa tinidor ang pasta. "Ang sarap sigurong maging asawa mo." biro niya na inirapan ko lang.

"Kumain ka muna d'yan. Doon muna ako sa salas." paalam ko at tumayo na sa pagkakaupo.

"Hindi mo 'ko sasamahan dito?"

Hindi ko siya sinagot at nagtungo na sa salas. I sat on the sofa and leaned my back. Parang nawawala ako sa mood sa pag-iisip. Ang daming gugulo sa isip ko. Gusto kong ilayo si Xia sa lugar na 'to, gusto kong gawin lahat para malayo si Xia sa kanya. Pero hindi ko kaya. Nandito na ang buhay namin sa lugar na 'to. Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa sofa.

Ang mapayapa naming buhay, unti-unti na namang gumugulo.

"Okay ka lang?" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jhess. He caressed my hair and put some strands of it behind my ears. "Gusto mo bang pag-usapan natin 'yan?"

I tried to look away but he cupped my face while staring at me. I gulped the huge lump in my throat. I bowed down as tears was pricking on my eyes.

"M-Mabuting ina pa ba ako kay Xia?" I asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang pagtango niya. "Even I'm invading her rights to meet her father?"

"Nich, you have the reason why you're doing that. Walang mali, dahil alam kong pinoprotektahan mo lang si Xia kaya mo ginagawa 'yan."

My tears silently fells down on my cheeks. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at napatingin sa labas kung saan naglalaro ang anak ko.

Mabuti at bata pa siya, hindi niya pa naiintindihan ang ibang bagay. Dahil natatakot akong baka pag naintindihan na niya, pati sakin magalit siya.

"Bakit ganun?...a-ayokong masaktan ang anak ko pero pakiramdam ko nasasaktan ko din naman siya.." I mumbled on him.

"Hindi. 'Wag mong isipin 'yan." he whispered. Tinapik niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Andito ako...hindi mo kailangang matakot mag-isa."

I really appreciate this man. Siya ang nagpapatawa sakin noon, at hanggang ngayon andito parin siya sa tabi ko, handang makinig sa sasabihin ko. Handa akong damayan sa lahat.

Swerte ang babaeng makakasama niya balang araw.

"Ang sweet kong best friend diba?" sarkastikong tanong niya. I rolled my eyes on him, he laugh. "Sayo talaga mana si Xia. Pareho kayong friendly." may diin pa talaga ang huling salita na sinabi niya.

"Kahit kailan talaga, gago ka!" anas ko na tinawanan niya. "Kailan ka kaya magkakabait?"

Lumabas na ako ng bahay para tignan ang naglalarong mga bata. Nagbabahay-bahayan na naman sila. Nasa ilalim ng puno si Lyka at Xia habang kunwaring pinag-uusap ang hawak na barbie doll. Their topic is about....father.

Naupo ako sa upuan sa teres ng bahay namin kung saan di kalayuan sa pwesto nila para marinig ang mga sinasabi ng dalawang bata.

"My daddy gave me a bike as birthday gift!" sabi ni Lyka habang ginagalaw ang barbie na hawak.

My daughter sighed while brushing the hair of her doll. "I wish, I can celebrate my birthdays with my Papa too." she pouted.

I clenched my chest in pain. Hindi niya sinasabi sakin iyon. Hindi ko man lang naisip na ganun na pala ang nararamdaman ng anak ko.

"You don't have a father, Xia."

"Meron kaya. Sabi ni Mama. Pero hindi ko siya kilala." she smiled at Lyka and sigh. "It's okay. I have a beautiful Mama naman."

Her words give warmth in my heart.

That's my daughter. May pangungulila siyang nararamdaman pero parang kinakalimutan niya 'yon dahil para sa kanya ay sapat na ang meron siya.

I failed to stand as her mother and father, but for her, I succeed.

I whole-heartedly smile when I notice Jhess also listening on them. Kumindat pa siya bago lumapit sakin kaya natatawa ko siyang inirapan.

"Sabi ko sayo e," he said. "Alam ko ang ikinakatakot mo...Hinding-hindi magagalit sayo si Xia, bata palang 'yan pero pansin natin na malawak ang pag-unawa. Kailangan mo lang maging handang magpaliwanag sa kanya pag dating ng araw, maiintindihan ka niya."

"I hope so...Dahil hindi ko alam ang gagawin kapag pati sakin magkaroon ng sama ng loob ang anak ko."

Shane texted me that they need me on the shop. Isinama ko nalang ulit si Xia dahil wala akong mapag-iiwanan sa kanya. Marami ulit orders ngayong araw kaya ginugol na namin ang oras sa paggawa at pagb-box ng mga orders.

Dalawang motor lang ang gamit namin sa pagde-deliver at pansin kong napapagod na rin sina Arjie at Dylan sa pabalik-balik.

"What if bumili na 'ko ng kotse?" I asked out of content.

Nakasandal ako sa may kahera kaya lumapit sakin si Maine at Shane na katatapos lang mag-asikaso ng customer.

"Go lang! Nagre-reklamo na rin si Arjie, napapagkamalan na daw siyang magde-deliver ng lazada!" natatawang sabi ni Maine.

"Para san?" Shane knotted her forehead on me.

"Pang deliver. Para kapag malayo, 'yon na ang gagamitin at 'yung motor para sa malapit nalang."

She nodded. "Masyado mong tinitipid ang sarili mo. Bumili kana rin para sayo. Masyadong nae-expose ang kagandahan mo sa mga manong drivers!" they laughed.

"Aba malay mo, isa sa taxi drivers ang the one ko!" biro ko na tinawanan nila.

Tinawagan ko si Jhess para sabihin iyon at magpasama na rin sa kanya bukas. Kay Kade sana ako magpapasama kaso mukhang busy ang loko na 'yon. Ayoko na ring maging abala sa kanila.

"Mama, are you done baking cupcakes na?" tanong ni Xia na nakanguso.

My forehead increased before I bent down to have our eyes on same level. "Why? What's with that face?" hinaplos ko ang pisngi niya.

She pouted. "I want to go home, Mama."

"Why? Masama ba ang pakiramdam ng baby ko?"

She shooked her head. "Gusto ko po sa bahay."

Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam muna kina Shane. Minsan talaga ay mas gusto niya sa bahay, at minsan naman ay siya ang kusang nag-aaya sakin na gumala.

Nakakapit lang siya sa kamay ko habang nag-aabang kami ng sasakyan sa labas ng shop. I tied her long hair and put a towel on her back. Napangiti ako sa kanya nang mapansin na tumatangkad na siya. She's already 7 this coming august 1.

"Ma, kilala mo 'yon?" biglang tanong niya na nakatingin sa kung saan.

"Sino?"

May itinuro siya sa kabilang daan pero may dumaang truck kaya hindi ko agad nakita. At nang makalampas ang truck.

I froze on my feet. My heart beat very loudly inside my chest. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ng anak ko.

He's looking back at me. Staring like it was the first time that we see each other. My daughter was looking at me with her forehead knotted.

"Ma, who is he po? Kanina pa po siya nakatingin satin sa loob ng shop." she said with her pouted lips.

Napalunok ako dahil sa nalaman. So he's stalking us. May balak talaga siyang guluhin ulit ang buhay ko, buhay namin ng anak ko.

Niyakap ko si Xia palapit sakin at sinamaan ng tingin ang lalaking nasa kabilang daan. My jaw clenched as my blood running through my vessels. Hindi na talaga siya nahiya matapos ng ginawa niya noon.

May tumigil na taxi sa harap namin kaya mabilis na kaming sumakay doon pauwi. Nanginginig ang kamay ko nang makita ang isang pulang kotse na nakasunod sa amin. I unintentionally muttered a curse. Napatingin sa akin si Xia at hinawakan ang kamay ko.

"Why, Mama?"

I aggressively shooked my head. "Wala anak.." nang makarating kami sa bahay ay nakita ko pa ang kotse sa di kalayuan. Naupo ako sa harap ng anak ko para magpantay ang paningin namin. "Anak, pwedeng doon ka muna kina Lyka at ate Nyka?" tukoy ko sa kalaro niya at sa kapatid ni Lyka.

She nodded. Hinawakan ko siya sa kamay at inihatid sa kapitbahay namin. Nandun naman ang magkapatid kaya ibinilin ko muna si Xia kay Nyka.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang hinahanap ang lalaking 'yon. Nakita ko siya sa isang bakanteng lote na nakasandal sa puno at nakatitig sakin. I walked towards him and with my clenching fist, I punched him on his face.

"Ang kapal ng mukha mo!" madiin at puno ng galit na sigaw ko sa mukha niya. Hinawakan ko siya sa kuwelyo at pinagsu-suntok sa mukha. Hindi siya nagpatinod at parang handang saluhin ang bawat suntok ko. "I hate you! I hate you fucking asshat!"

A tear fell from his eye. With all my force, I punch his chest and jaw. Hinihingal ako at nag-iigting ang panga nang magtama ang aming paningin.

His tears slowly rolling down on his cheeks. His mouth half parted like he wants to say something but he can't. I don't know why he's doing this.

"Punch me more...I-I deserve this." he whispered.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kanya. "I-I hate you!" hirap na sigaw ko sa kanya.

Kita ko ang mas mabilis na pag-agos ng luha niya habang umiiling. He bowed down his head while his hands was trembling.

"I-I'm sorry..." he said in the middle of his sobs.

"Walang magagawa 'yang sorry mo! You fucking asshole! Sinira niyo ang buhay ko! Pinagkaisahan niyo 'ko!"

He slowly looked back at me while shooking his head. "L-Let me explain.."

Sarkastiko akong natawa kasabay ng luha na tumutulo mula sa mga mata ko.

"Ilang beses na kitang pinagbigyan noon! Wala na 'kong pakialam sa paliwanag mo na 'yan. Dahil simula 'nung tinapos mo ang lahat...I-I already forget everything that happened between us, I forget everything! E-Even your name. K-Kinasusuklaman kita!"

He cried harder this time. It's my first time to see him like this, looks pity and miserable. But it's his fault. Siya ang sumira ng lahat. Anong karapatan niyang magpaawa sa harap ko? Anong karapatan niyang magpakita ngayon dito?

"N-Nich...'yung anak natin--"

"Wag mo siyang matawag tawag na anak! Dahil hindi ka parte ng buhay niya!"

He's now looking straightly on me. With swollened eyes, trembling lips and hands, he tried to hold my hands but with my clenching fist I punch his face again that make him take few step backward.

"N-Nich.."

"Tumigil kang hayop ka!"

He wipe his tears before looking at me. "A-Anak ko rin 'yon.."

I gasped.

"K-Kahit para lang sa anak natin...g-give me a chance.."

Sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. No, Nich. Sasaktan niya rin ang anak ko.

"...let's give her a chance to have a c-complete family.."

Kung makapagsalita siya parang iniisip niya ang kapakanan ng anak ko. Kahit sa totoo namin ay wala siyang pakialam. He's just saying that to ruined me again, and he's using my child.

Punong-puno ng galit akong tumitig sa mga mata niya.

"Umalis kana.." madiin na sabi ko na nakapagpatigil sa kanya. He didn't move. "Umalis kana!!" I shouted.

"N-Nagmamakaawa ako.." he pleaded.

"Sana hindi kana lang bumalik!" I screamed at the top of my lungs.

He wants to say something but slowly...he take his back on me. Nakatalikod siya sakin nang muli siyang magsalita.

"Alam kong malaki ang galit mo sakin...b-but please...don't invade my rights to be a father..."

"Shut up!" patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang madilim ang tingin sa kanya. Nanatili siyang nakatalikod sakin ngunit kita ko ang bawat paggalaw ng balikat niya. "I will never forgive you...Even you are the father of my child, I will never--"

"Mama..." a sweet and familiar voice from my back cut me off.

We both froze on our feets.

He looked back and his eyes widened in fraction. Natigilan ako at hindi magawang lingunin ang nasa likod ko. But I just felt a soft hand holding my fist.

"Mama...is he my father?"

No...Demmit!


__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top