CHAPTER 27


Chapter 27

"May order na one hundred boxes of brownies si Doc. Ivan," sabi ni Shane, isa sa empleyado ko dito sa shop.

"Sinong magde-deliver?" I ask.

"Ako na, Miss Nich." sagot ni Dylan.

Tambak palagi ang orders ng brownies at cupcakes namin. Ang mga cakes ay mabenta rin online, dahil gumawa kami ng page kung saan doon namin pinopost ang lahat ng mga designs ng cake at ang mga ibang ginagawa namin.

Ilang months palang simula nung magbukas ang bakeshop ko pero marami na ang tumatangkilik. I named my bakeshop Sweet Bites with the tagline "Unang kagat, kikiligin ka sa sarap."

Si Jhess ang nakaisip ng tagline na 'yon para daw more catchy. And speaking of Jhess. Palagi din siyang nandito sa shop ko dahil dito rin naman ako nagtayo sa Vista Priea, di kalayuan sa pwesto ng Minda's bakery. Tinutulungan niya parin ako hanggang ngayon kahit may mga empleyado na naman ako. He's still a pastry cook in Nay Minda's bakery, gumagawa parin siya ng mga cakes dahil inspired daw siya sakin. Ewan ko sa lokong 'yon.

Si Nay Minda naman ay bumibisita rin malimit dito sa shop. Naging re-seller ko rin sila ng mga brownies at cupcakes. We're not considering ourselves as competitors dahil sa halip ay tulungan pa kami sa paglago ng business namin. Sobrang thankful ako sa kanila dahil dito sa naabot ko, at hanggang ngayon ay suportado parin nila ako. They are one of a kind.

Hindi rin kalayuan ang bahay ko sa tinayuan ko ng bakeshop, bale nasa isang subdivision ang bahay ko at itong shop naman ay nasa mismong bayan, katabi ng ilan ring botique.

Natanaw ko sa labas si Xia na akay ni Kade. Ipinagpaalam niya kase si Xia na ipapasyal sa Mall at ngayon lang sila nakabalik. May hawak na ice cream ang anak ko at nakalugay na rin ang mahabang buhok. She hug me while kissing my cheeks.

"Miss you, Mama!" giliw na sabi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya. Lumaking malambing at mapagmahal ang anak ko. And yes, she's five year old now!

Naupo ako sa isang couch at pinaupo siya sa tabi ko para itali ang buhok. "Ang dungis mo na baby! Pinakain ka ba ng unhealthy foods ni ninong?"

Agad na napasinghal si Kade. "Uy, hindi ah. Diba Xia?" baling niya sa anak ko.

"Yes, Mama. Ninong played basketball po, then we buy ice cream!" bibong sagot niya. "I want to go back there with you, Mama."

"Sa mall? Sure!" pinahid ko ng tissue ang amos niya sa mukha. Puro ice cream, chocolate pa naman.

"Sa toy store, Ma."

Natigilan ako sa sagot niya. I know that I can't forgive her for that. Isa ang lugar na 'yon sa hindi ko na gustong mapuntahan ulit. Baka maalala ko lang ang mga crazy words na sinabi niya noon sa akin.

I looked at my daughter and sigh. "Sa iba nalang tayo pumunta, maybe...ah, sa park! Let's have a picnic!"

She smiled at me before hugging me. Naexcite agad siya sa sinabi kong iyon. Tumakbo naman siya kay Shane na nakaupo sa tabi ng kahera at panay ang kwento. Medyo may pagka-friendly rin ang anak ko kaya pati ang mga empleyado dito sa shop ay ka-close na niya.

"Nich," tawag sakin ni Kade.

He's staring deeply at me. At alam ko na ang tingin na 'yon. Sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko, he knows that I can forgive my daughter, sa lahat ng bagay, at ngayon ko lang ito tinanggihan.

He stick his back on the couch while his brows arched. "What's with toy store?"

I chuckled. "Wala! Ayoko lang 'don. A-Alam mo naman si Xia, masyadong makulit, baka kung ano-ano ang bilhin na toys 'non."

"Hindi mo tinitipid si Xia. Alam ko 'yon. You always give her what she wants."

Napakamot ako sa kilay dahil sa kanya. "Yes, her necessity but I don't want to spoil her. 'Yung mga bagay na hindi naman kailangan hindi ko basta-basta binibigay sa kanya."

He purse out his lips. "Okay, hindi na about kay Xia." pinanliitan niya 'ko ng mata. "Bakit ayaw mo sa toy store? What's with that place?"

I gulped. "Basta!"

"Because of Chi--"

"Let's forget that we're best friend!"

Bigla siyang natawa kahit halata naman na iritang-irita na 'ko sa kanya.

"Chill! I mean, Chill ka lang." he laughed.

Umalis na ako sa harap niya at pumunta nalang kay Xia. I can feel my blood running up through my veins. Ayaw na ayaw ko nang marinig ang hayop na pangalan na 'yon. Lalo na at baka marinig pa ni Xia.

I sighed while brushing my daughter's hair. She has the figure of him.

Minsan na rin niyang natanong sakin ang tungkol sa mga ganung bagay. She's kindergarten student back then at minsan kapag sinusundo ko siya sa school ay palagi ko siyang nahuhuli na nakatitig sa ibang classmate niya na kasama ang magulang. She's asking me about her father a lot of times. Sinabi ko ang totoo. Na hindi kami in good terms at hindi ko alam kung nasaan siya. I don't know if she understand that thing, she's still young to understand everything.

Hindi ko rin kayang sabihin sa kaniya na mas pinili ng lalaking 'yon ang babae niya kesa sa kanya. Ayokong masaktan ang anak ko ng dahil sa kanya, sapat ng ako lang.

Kinabukasan ay nagplano nga akong magpicnic sa park dito sa village namin. Sinamahan naman kami ni Jhess at siya na rin ang nagluto ng pagkain namin. Tuwang-tuwa ang anak ko habang nagpapagulong-gulong sa inilatag na kumot ni Jhess.

Maaliwalas ang hangin dahil sa mga punong nakapaligid at may kaniya-kaniya ring pwesto ang ibang tumatambay lang at kagaya naming nagpi-picnic.

"Nich, kumain ka muna." nakangiting inabot ni Jhess ang isang paper plate sakin na may laman na kanin at chicken curry. He sat beside me. My daughter giggled before sitting on his lap. "Share tayo, baby." sabi niya at magkasalo nga silang kumain ni Xia.

I pursue a smile whole-heartedly. Parang isa na rin siya sa tumayong ama ng anak ko. Hindi man niya sabihin, alam kong nagpaparamdam siya sakin. Hindi ako assuming ah, pero hindi rin ako manhid para hindi ko maramdaman ang kakaiba niyang tingin sakin. Pero kung totoo man 'tong nasa isip ko, hindi ko siya mapapagbigyan. I want him as one of my friend, nothing more than that.

"Mama! Can I play there?" turo ni Xia sa isang swing malapit sa pwesto namin.

Tumango ako sa kanya. "Wag kang lalayo ha,"

"Yes, Ma!"

Napatawa nalang ako sa kanya nang mag-finger heart pa siya sakin. Kasalanan talaga 'yan ni Astryl eh. Kung ano-anong tinuturo sa anak ko.

"Grabe ang bilis ng panahon 'no?" sabi ni Jhess. "Pinagbubuntis mo palang 'yan nang makilala kita, tas ito siya ngayon. Lumaking maganda...parang ikaw."

I punch his arm and chuckled on him. "Ano ka ba, ako lang 'to!" pareho kaming natawa hanggang maging ngiti na iyon. "Kayo ang naging kasama ko sa lahat ng pinagdaanan ko...Hindi nga sapat ang thank you para pasalamatan kayo e."

"Wala 'yon." he said. "Bilib nga ako sayo e, single mom ka pero ang tibay mo. Hanep rin sa pagkagago 'yung ama ni Xia para iwan kayo. " he smirked. Napatingin siya sakin kaya unti-unting nawala ang pagngisi niya. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang banggitin."

Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Okay lang. Tama ka naman e." I bitterly smiled. "My daughter doesn't deserve a father who left for other girl. Gusto ko din namang maranasan ng anak ko ang kompletong pamilya, pero malabo kong maibigay 'yon."

"Hindi malabo 'yon. May chance pa namang magkaroon ng kompletong pamilya ang anak mo. Dahil meron d'yan sa tabi-tabi na hindi kadugo ng anak mo, pero kaya siyang ituring na anak." he smiled. "..at kaya kang mahalin."

"Sino naman?"

"Ako," he confessed.

Hindi na ako nagulat. Dahil 'yon nga ang iniisip ko kanina lang. I heaved a sigh.

"Jhess, gusto kong magkaibigan lang tayo. Dahil..."

He cut me off. "Hindi ka pa handang magmahal ulit.."

I immediately shook my head. "No, I didn't mean it that way. Matagal ko nang sinimulan magmahal ulit...simula nung magkaroon ako ng bagong buhay dito sa Vista Priea, simula nung makilala ko kayo. Mahal kita, mahal ka namin ni Xia. Dahil itinuring kana namin na parte ng pamilya namin."

Umiwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Let's just stay like this...Dahil 'pag inangat pa natin, may magbabago. A-Ayoko nang maulit....ayoko nang may mawala sakin. Kaya 'yung meron tayo ngayon, masaya na 'ko don."

Pinagdaop niya ang mga kamay namin at ngumiti sa akin. "Naiintindihan kita." ngumisi siya at biglang pinitik ang noo ko. "Ang drama mo! Sorry pang comedy ako."

"Gago! Seryoso ako!"

"I know right." we both laughed.

Hindi naman mahirap magustuhan ang lalaking 'to e, pero hindi ako handang pumasok sa mga bagay na alam kong baka makasira lang samin. For now, I believe that friendship last longer that being lovers. Dahil sa friendship, more saya, less hassle.

Ibinigay ni Shane ang listahan ng kulang na ingredients dahil ako na ang nagpresentang mamimili sa mall. Si Xia naman ay panay ang pilit na gustong sumama sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang isama siya.

"Ma, can I borrow your phone?" tanong niya nang makasakay kami sa taxi papunta sa mall.

"Why?"

"Let's take a selfie together!"

Ibinigay ko sa kanya ang phone ko at ngumiti nang magsimula na siyang kumaha ng picture. Lahat ng picture niya mula pagkabata ay nasa isang folder kaya palagi niya iyong tinitignan. Minsan ay ayaw niyang maniwala na siya yung baby na picture dahil iba daw ang mukha.

"Ma, I watched youtube videos of Ate Maine." sabi niya na ang tinutukoy ay 'yung isa sa empleyado ko sa shop na may kabataan pa kaya ka-close rin niya. Vlogger din 'yon kaya ang tinutukoy siguro ni Xia ay ang mga videos niya.

"And?"

"Sabi niya sa isa niyang video, ang ina ang ilaw ng tahanan at ang ama ang haligi ng tahanan." nakangusong sabi niya na tinanguan ko. "Wala tayong haligi ng tahanan, Mama."

Guilt was running on me. Ramdam ko palagi ang pagtataka at paghahanap niya sa ama pero wala akong magawa. Nanatili akong tahimik at niyakap nalang siya hanggang makarating kami sa mall.

Binili ko na kaagad ang mga ingredients at syempre dahil kasama ko si Xia ay panay hila na naman niya sakin kung saan-saan. Wala naman siyang hinihingi o gustong ipabili pero gustong gusto niyang pagmasdan ang mga nakikita sa mall. Tuwang-tuwa siya habang pinapanood ang kumakanta sa videoke at sinabayan niya pa ang kanta kahit mali-mali ang lyrics niya. Isa 'yon sa napansin ko sa kanya, she loves music, mahilig siyang kumanta.

"Anak, may tumatawag sa phone ko. Sasagutin ko lang ha." sabi ko nang makitang tumatawag si Shane. "Anak," mukhang hindi niya ako napapansin dahil ngiting-ngiti parin siyang nakatitig sa kumakantang babae.

I sighed before answering the phone call. "Hello, bakit?"

Sinabi niya na may tumawag ulit para magpaggawa ng birthday cake at may ilan naman daw na nagmessage sa page namin na nag-oorder ng cupcakes. Sinabi kong bukas nalang namin gagawin dahil sa isang araw pa naman ang deliver. Ibinaba ko na ang phone at tumingin kay Xia.

Pero bigla siyang nawala sa pwesto niya kanina.

"Xia.." tawag ko at hinanap siya sa paligid. She's just near me! Hindi ko napansin na umalis siya! "Anak!" panay ang linga ko sa paligid hanggang sa may isang dalagita ang lumapit sakin.

"Yun po bang cute na batang kasama niyo kanina?" she ask, I nodded. "Tumakbo po siya 'don sa may toy section." turo niya sa tindahan ng mga laruan.

Mabilis akong nagtungo doon. I know I don't want to be in that place pero hindi ko pwedeng hayaan ang anak ko.

Halos hiningal ako sa pag-ikot sa iba't ibang uri ng mga laruan hanggang natanaw ko siya sa kabila, sa mga barbie dolls. She's just staring at the barbie dolls.

"Xi--" tatawagin ko na sana ang nakatalikod kong anak nang matigilan sa nakita.

He's staring at the toys. I can feel the pain tugging in my heart. After so many years, ngayon pa talaga. Ngayon ko pa talaga nakita ang taong kinasusuklaman ko.

Slowly...he slowly looking back at me, with his face that full of emotions and shock. My body were shaking as I emotionless looking at him. My jaw clenched as my shaking hands already forming a fist. I still hate him the most, and I will always be.

"Mama!" my daughter shouted at his back.

Kita ko ang mas lalong pagdaan ng gulat sa mga mata niya nang hawakan ako sa kamay ng anak ko.

"Ma,"

Tumingin ako sa anak ko at hinila na ito palayo. "Uuwi na tayo."

She didn't answer. Nanginginig ang tuhod ko at ramdam ko na namumutla na rin ako dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin. Mas lalong nabuhay ang galit sa loob ko. I heaved a sigh and hug my daughter.

Her father is here, but she doesn't have any idea.


__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top