CHAPTER 25


Chapter 25

Wala akong sinayang na oras. I worked even my tummy is getting bigger. Namasukan ako sa isang karinderya sa bayan bilang taga-hugas ng plato, pandagdag na rin sa pera ko. May pagkataray ang amo kong babae kaya halos isang buwan lang rin akong tumagal doon. It's hard for me to adjust. Ni wala akong alam sa mga pinaggagawa ko ngayon.

'Yung kapitbahay ko na palaging wala dahil busy sa trabahong opisina ay kinausap ko at sinabing pwede akong tumanggap ng labada para kahit nasa bahay ay may kita ako. Ayaw niyang pumayag noong una pero pumayag din nang kulitin ko. May washing naman akong gamit kaya pagbabanlaw at sampay lang ang gagawin ko, hindi na kailangan ng kusot.

My friends knows nothing about this. Ayoko namang palaging humingi ng tulong sa kanila. Sila na nga ang bumili ng mga gagamitin ng anak ko kaya okay na 'ko don. I need to worked my ass off for the future, para samin ng anak ko.

Mahirap. Wala namang bagay na madali para sa taong nagsisimula palang e. Lahat nakakapanibago, lahat ang hirap, pero lahat kailangan kong gawin.

A tear fell from my eye. I bit my lower lip to stifle my sobs.

Pinagpatuloy ko ang pagbabanlaw ng mga damit at pagsasampay kahit hirap na rin akong gumalaw dahil sa lumalaking tyan.

Days went on. Palaging ganun ang takbo ng araw ko. Nakatulong din naman ang kinikita ko dahil naiidagdag ko sa pambayad ng upa sa bahay.

Linggo ngayon at wala akong ginagawa kaya naglinis muna ako ng bahay. Naupo ako sa upuan malapit sa may pintuan nang medyo sumakit ang tyan dahil sa paggalaw ng baby ko. Ewan ko, pero sa halip na umiiyak ako t'wing sisipa siya ay napapangiti pa ako. My baby loves playing on my tummy. Sobrang likot.

"Nay, hindi ka nagbukas ng panaderya ngayon?" rinig kong salita ni Ate Deniz sa labas. Sinilip ko siya sa may bintana at nakitang palapit ito sa bahay kasama ang isang matandang babae. Nanay niya ata.

"Araw-araw bukas 'yon, inihabilin ko muna kay Jhess dahil balak ko talagang bumisita dito." sagot ng matanda bago tumingin sa gawi ko. Nasa may labas na sila kaya binuksan ko ang pinto. Ngumiti agad ito nang magtama ang aming paningin. "May nangungupahan na pala sa bahay na ito.."

"Oo Nay, siya 'yung sinasabi ko sa inyo."

Ngumiti ako at pinapasok sila sa loob. "Magandang araw po." bati ko.

Magandang ngiti ang sumilay sa matanda habang nakatingin sa tyan ko. Lahat naman yata ng tao na nakakakita sa lumalaking tyan ko ay napapangiti. It's a god gift, kaya siguro napapasaya nito ang lahat.

"Aba ay malapit ng lumabas 'yan." sabi niya kaya tipid akong natawa. "Nasa'n ang asawa mo?"

I gulped. "A-Ano po...wala.."

Ate Deniz noticed that I'm not comportable with her mom's topic thats why she change it in some other way.

"Ah, Nay. Diba kailangan mo ng katulong sa panaderya? Mas okay siguro kung doon ka nalang pumasok, Nich." sabi ni Ate Deniz habang nasa akin ang paningin. "Kesa naman na tumatanggap ka ng labada--"

"Ano?" takang tanong ng matanda habang palitan ng tingin sakin at sa anak niya.

"Tumatanggap 'yan ng labada, Nay. Delikado nga e, madulas ka pa, baka mabingot pa ang magiging anak mo."

"Oh siya, ganito nalang." lumapit sakin ang matanda at tinapik ako sa balikat. "Bukas, sumama ka sakin sa panaderya ko. Magkatulong tayo sa pagtitinda 'don, pero 'pag di mo kaya at nahihirapan kang gumalaw kailangan mong tumigil ha."

A smile appeared on my lips. I couldn't help but to hug her. "Thank you po. Ah..."

Tumawa ang mag-ina dahil sa inasta ko. "Nay Minda nalang," sabi niya bago hinagpos ang buhok ko. "Maganda kang bata ka, pero mukhang mas maganda ang magiging anak mo."

Ngumiti ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakilala pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Nakipagkwentuhan siya sakin at ipinagluto pa ako ng monggo na may malunggay dahil masustansya daw iyon lalo na para sakin na buntis.

She gave me her cellphone number, at itext nalang daw niya ako bukas. I sighed in relief. Meron parin talagang mabuting tao na umaalala sa kalagayan ko. Hindi ko gustong pabayaan ang pagbubuntis ko pero kailangan ko ring kumita para sa mga darating na araw.

Nagsuot ako ng hoodie jacket nang makarating ako sa panaderya nina Nay Minda. May tatlong lalaki na kaedaran ko lang na nasa loob at isang babae na medyo bata naman ang itsura. Nay Minda smiled when she see me.

"Andya'n kana pala. Halika sa loob." masayang sabi niya bago ako hawakan sa kamay at akayin papasok sa panaderya nila.

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga nakadisplay na iba't ibang klase ng tinapay. Meron pang parang cupcake ang itsura na nakapagpatakam sa akin.

"Hoy Jandel! Nagpapadeliver si Stella ng pandesal, sa tindahan nila!" sigaw ng isang lalaki kaya napatingin ako doon.

Medyo pumunta ako sa likod ni Nay Minda nang makita ko itong lumabas. Nakabusangot na lalaki, siya 'yung isa sa tatlong lalaki na natanaw ko kanina. Nakasuot ng apron at may pahid pa ng harina ang pisngi. Mukhang galing sa paggagawa ng tinapay.

"Hoy Jhess! Kung makasigaw akala mo naman nagtatawag ng buong barangay." sermon ni Nay Minda.

Nakatagilid siya sa amin dahil may inaayos na tinapay sa mesa. Bumuntong hininga pa siya na kala mo ay napagmura ng ina.

"Nay Minda--" his mouth parted when he see me behind Nay Minda. Mukha siyang nagulat sakin at nang makarecover ay unti-unti siyang ngumiti.

"Oh, ano namang nginingiti-ngiti mo?" si Nay Minda.

"Ah ano, Nay....May dumaang anghel." nakangiti paring sabi niya at tumuro sa may likuran ko.

Pareho kaming napalingon ni Nay Minda kahit alam naming kalokohan lang 'yon.

"Ah, Nich. Ito nga pala si Jhess, isa sa gumagawa ng tinapay dito. Pagpasensyahan mo na, loko-loko 'yan."

"Nay naman, pwede namang sabihin na gwapo 'yan. Loko-loko talaga?" nakangusong ani niya na nagpatawa sa matanda.

She hold my hand before pulling me in front. Kita ko ang unti-unting paglaho ng ngiti ni Jhess daw nang bumaba ang tingin nito sa tyan ko. Napalunok pa siya at napakamot sa baba na parang nadismaya sa nakita.

"Sayang." bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Anong sayang?" tanong ni Nay Minda.

"Ah 'yung tinapay na ginawa ko kanina..nasunog."

"Oh, Jhess umayos ka." sabi ng matanda na tinanguan naman ng lalaki. "Nich,"

"P-Po?"

"Dito ka muna ha, may bibilhin lang akong ingredients. 'Pag may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga kasama mo dito ha."

Tumango ako sa kanya. Umalis din siya agad matapos sermunan ang dalawang lalaki na kalalabas lang din.

Pinagmasdan ko lang ang palagid ng bakery nila at nailang nang mapansin na nakangiti sakin ang tatlong lalaki na mukhang pinag-uusapan ako. Mabuti nalang at lumabas ang isang babae. She smiled before approaching me.

"Hi ate, ako nga pala si Ivy." nakangiting pakilala niya.

I pursue a smile. "I-I'm Xinichi Fritz, Nich nalang."

She cutely smiled at me. Sinabi niya rin na apo siya ni Nay Minda at tumutulong dito dahil sem break nila sa school. Ipinakilala niya rin sakin ang dalawang lalaki na si Jandel at Tristan.

"Ate, buti at pumayag ang asawa mo na magtrabaho ka kahit buntis."

Lumapit ang tatlong lalaki samin at mukhang nakikiusyuso. I gulped and forced a smile on her.

"W-Wala ako 'non."

Literally, they look shocked. Lalo na si Jhess na napa- eh? react pa. Umiwas sila nang tingin pagkatapos 'non. I'm not comportable with that topic. Kahit kailan ay ayaw ko nang pag-usapan iyon, lalo na ang pagbanggit sa pangalan ng lalaking palaging bumubuhay ng galit sa buong pagkatao ko.

Naupo ako sa isang upuan na katabi ng mesa nang ipaghain ako ni Ivy ng mamon na parang cupcake ang itsura na kanina ko pang kinatatakaman. May orange juice rin siyang inihain kaya pati ang tatlong lalaki ay nakiupo. At sa akin tumabi si Jhess.

He smiled at me. Ang kaninang pagkadismaya na nakita ko sa kanya ay naglaho.

"Ngayon lang kita nakita dito sa Vista Priea ah, bago ka lang dito?" tanong niya.

"Oo, taga Forzeo ako."

"May kakilala akong taga 'don." sabi niya bago uminom ng juice. "Nasa'n ang ama niyan?" tanong niya na nakapagpa-irap sakin.

"Ayokong pag-usapan."

Sandali siyang tumitig sakin bago tumango. "Anong anak mo?"

"Tao,"

Bigla niyang naibuga ang juice na nasa bibig sa kaharap na si Tristan. Kaya ayon napagmura pa siya na tinawanan naman ni Ivy at Jandel. Ngumiwi si Jhess sakin at nagtaas ng kilay.

"Ah, malamang." he sighed. "Q and A lang tayo ano? Tipid mong sumagot."

"Yeah."

Natawa siya sakin at kung ka-close ko lang siya ay baka kanina ko pa siyang nahampas.

Nang may bumibili na ng pandesal ay ako na ang nagbili. Meron namang nakalagay na price kaya hindi ko na kailangang kausapin ang mga 'yon, unang tingin palang sa tatlong lalaki alam kong mang-aasar na. Mabuti nalang pala at sem break ni Ivy.

Dumating si Nay Minda na ngiting-ngiti sakin. Si Ivy muna ang pinagbantay niya sa bakery dahil ipapakita daw niya sakin ang gawaan nila ng mga tinapay sa may likod. Medyo may kalakihan din pala ang gawaan nila. Napansin ko ang pagmamasa nila ng harina kaya lumapit ako doon at nanood. Hindi ko napansin na si Jhess pala ang nalapitan ko.

Todo ngiti siya sakin na kala mo ay nagpapakitang gilas.

"Alam mo bang mas nakakapagpasarap sa tinapay ay ang paggawa nito na may pagmamahal?" he ask.

"Malay ko," walang gana na sagot ko.

Bigla siyang natawa kaya napairap na naman ako. "Nay! Ang taray ni buntis!"

Napamurot ako sa kanya at tumalikod na para lumapit naman kay Nay Minda. She's laughing at my expression.

Ipinakita niya ang mga bagong gawang tinapay pati ang mga sarili nilang gawa na. Meron din pala silang dragon fruit cake, ito siguro 'yung nakita kong slice na nakadisplay sa labas kanina. Kulay pink violet at fluffy.

The days went on. Mas naging close kami ni Nay Minda, pati ang mga kasama ko sa panaderya ay ka-close ko na rin kahit minsan ay naiinis ako kay Jhess. Tuwang-tuwa pa siya kapag nakabusangot ako.

"Nich, gusto mong i-try?" tanong niya isang araw na nasa loob kami ng gawaan ng tinapay. Gumawa siya ng chocolate cake at may natira pang mga ingredients kaya tumango ako.

Tinulungan niya ako sa paggagawa hanggang sa pagbi-bake. Nang matapos ay ibinigay niya sakin ang mga icing at pinalagyan ng design ang cake.

"Mukhang sanay kana sa paggawa ah," he commented.

"Oo, ito ang pinagkaka-abalahan ko kapag naiinip ako." patuloy ako sa pagi-design ng mga flowers sa gilid ng cake at isang malaking daisy flower ang dinisenyo ko sa gitna.

Nakangiti siya sakin habang pinagmamasdan ako sa ginagawa. "Pangarap mo 'yan?"

I smiled bitterly on his question. "Yes..." I erased the flashbacks on my head. "...and I'm still planning to build my own bakeshop when the days comes."

It's my passion and my dream. I still want to pursue it.

He gave me a wow react while staring at me. Natapos ko na ang ginagawa ko kaya pinagpag ko na ang kamay ko.

"Nice." sabi niya sa ginawa kong design. "Nasa'yo na kaagad ang suporta ko sa pagiging bakeshop owner mo."

Natatawa ko siyang inirapan. "Wala pa. 'Wag kang ano."

"Ang buhok mo, kinakain mo na." natatawa siyang lumapit sakin at hinawi ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha. Napatitig siya sakin kaya ako na agad ang lumayo.

"Itong cake, pwedeng kainin na natin 'to?" I ask that brought him into senses.

"Sure! Tara sa labas, may coke--'ay bawal sayo. Tubig nalang."

Nakangiti kaming lumabas sa mismong tindahan kung saan nagpapahinga ang iba naming kasama. Natuwa naman si Nay Minda dahil sa ginawa ko. I smiled while she's hugging me.

"I miss Manang and Ate Bia.." I whispered that makes her forehead increased. Ngumiti ako at humiwalay na sa yakap niya. "Kasambahay po namin dati, nasa probinsya na sila ngayon."

I don't have any contact with them. Hindi ko rin alam ang probinsya nila dahil hindi man lang nila nasabi sakin. I feel sorry for them too. Wala akong nagawa para sa kanila.

On my Ninth months pregnancy, nagulat nalang ako nang pumasok ako sa panaderya. May mga baby pink na balloons na nakalagay sa labas at loob. Pumasok ako sa may gawaan at mas nagulat nang makita sila. Tristan and Jandel was holding a tarpaulin at napamurot ako nang mapansin ang picture. Kuha iyon nung time na nagdi-design ako ng cake tapos inasar ako ng tatlong lalaki kaya sa inis ko ay pinasiritan ko sila ng icing at binawian naman nila ako sa paglalahid ng icing sa mukha ko. Kaya 'yon, may mga icing sa mukha ko sa picture at pati suot kong apron ay meron. Sa itaas ng picture ay may nakasulat na happy ninth month baby girl! kaya siguro nila natanong ang name ng baby ko ay dahil dito, pero di ko sinabi dahil may pa-name reveal ako e.

Ivy and Nay Minda was holding a balloons while Jhess holding a cake with pink capricorn design. I couldn't help but to emotionally smile. Ilang buwan palang naman kaming magkakakilala pero ito sila, nag-effort pa para sa baby ko.

"A-Ano ba kayo...may pa-ganito pa. Hindi niyo naman kailangang mag-abala." I uttered. Inayos na nila sa isang lamesa ang mga hawak bago lumapit sakin.

"Nich, hindi abala samin ang magpasaya ng isang tao." sabi ni Nay Minda. "Kaya wala 'to, pamilya kana rin namin dito."

"Aw! Nakakatouch naman, Nay." madramang komento ni Jandel.

"Nakakaiyak." kunwaring umiiyak na sabi ni Tristan.

Tinawanan lang namin sila bago namin pinagsaluhan ang pansit at puto na handa nila.

"Thank you ah, sa inyong lahat." I smiled. "Nagulat ako sa balloons sa labas, akala ko naman may birthday party na nagaganap. Wala pa naman akong gift."

"Asus, kahit naman alam mo hindi ka nagbibigay ng gift." sagot ni Jhess kaya nahampas ko siya sa braso. "Ang tibay talaga ng buntis na 'to. Iaanak na nagagawa paring mang hampas!"

Tinawanan siya ng iba habang ako ay iniparan siya.

Bumalik kami sa trabaho pagkatapos 'non. Si Nay Minda at Ivy ay mamimili daw ng mga ingredients sa mall kaya ang tatlong lalaki lang ang kasama ko sa panaderya.

Hindi na ako makatagal na nakatayo dahil sa pagkirot ng tyan ko. Nung una ay hindi ko pa pinapansin dahil malimit naman ay sumasakit talaga ang tyan ko dahil sa likot ng bata. Pero ngayon ay ibang sakit na.

"Okay ka lang?" tanong ni Jhess na napadaan sa harap ko.

Tumango ko ako sa kanya. "P-Paabot ng cellphone ko."

Kinuha naman niya agad ang itinuro kong cellphone at ibinigay sakin. "Sure kang okay ka lang? 'Wag ka munang gumalaw ng gumalaw. Baka kung mapano ka pa." sabi niya.

Tumango lang ako. Nang makaalis siya sa harap ko ay saka lang ulit ako napangiwi sa sakit. Gusto kong magtanong sa kanila about sa panganganak pero anong mapapala ko? Mga lalaki sila at lalo na ang tatlong 'yon mukhang walang alam sa ganitong bagay.

I call Serrah but her phone is unattended. Kaya si Jak nalang ang tinawagan ko. Unang ring ay sinagot niya kaagad.

"Oh buntis, napatawag ka?"

Mas diniinan ko ang hawak sa cellphone at ang isang kamay ko ay nakahawak sa pader nang mas naramdaman ko ang pagsakit ng tyan.

"J-Jak puntahan mo 'ko. D-Dito sa Vista Priea, sa Minda's bakery."

Nervousness running around my body as I saw what's on my legs. My water broke. My hands were shaking, I breathe in and out.

"J-Jak please...ASAP!"

"Manganganak kana ba?" he ask.

"Oo!"

"hindi nga.."

I breathe again. "J-Jak.."

"baka mamaya pinaprank mo lang ako.."

Halos maiyak at mapamura na ako. "Jakkkkk!" I screamed out because of pain. Rinig ko ang pag-andar ng sasakyan sa kabilang linya kaya alam kong papunta na siya.

Nataranta naman ang tatlong lalaki nang makita ang lagay ko. Mabuti nalang at mabilis pa sa alas-kwatro na dumating si Jak. My eyes were closed. Namalayan ko nalang na nasa sasakyan na niya ako at mabilis siyang nagmamaneho.

My breathing was heavy.

I breathe in and out before pushing and pushed. And when I made it. I felt relief. My eyes were closed and tears slowly fells down.

Nagbukas ang mga mata ko nang marinig ang iyak ng isang sanggol. My child.

On the 1st day of August. I gave birth. My princess was born.

My Xianah Cydel...

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top