CHAPTER 24
Chapter 24
It's terrible to lose someone we love, but it's even worse to lose ourselves while loving them.
I felt abandoned. I wish everything is just my worse nightmare. I don't know how to endure the pain he gave me. I'm not that strong to hold on. Sukong-suko na ang buong pagkatao ko.
I tried to forget him, but the more I tried, the more I'm thinking of him. His promises is like a broken glass, the more I tried thinking that it will able to be fix, the more it's hurt.
Sobrang sakit maiwan sa hindi ko malamang dahilan.
Ako na nga itong walang ginawa kundi ang magmahal, ako parin ang itong naiwan.
"Nich!"
Napabusangot ako nang makita si Alle na kapapasok lang ng unit ko. Next time talaga maglo-lock na 'ko. Ilang linggo na rin siyang pabalik-balik dito para tignan ako simula 'nung nangyari 'don sa airport.
Nakaupo ako sa baba ng kama ko at umiinom. Uhaw na ako e. Inilapag ko ang isang bote na wala ng laman at kinuha ang isa pa. Kaso kingina, inagaw ng bagong dating.
"Tumigil ka, Nich!" sigaw niya habang pilit inilalayo ang bote ng alak.
"A-Ano ba?! Akin na! Umalis ka dito..." inabot ko ang bote na hawak niya pero ibinato niya iyon palayo kaya natapon ang laman. "Hanep ka rin mang istorbo ano?" sarkastiko ang tumawa.
"Nich, lasing kana.." mahinahon na sabi niya at naupo sa tabi ko. Ngumisi lang ako sa kanya at umiling.
"Sa alak? Hindi...Sa sakit? Oo, lasing na lasing na. Knocked down."
Nagkamot ako ng ulo at tinignan ang dalawang bote ng alak na wala ng laman. Napansin kong natahimik siya at nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nakatitig rin siya sakin.
He sighed. "Tama na 'yan, ha. It's not good for your baby. You're almost one month pregnant, you need to be more careful for your baby." sabi niya na binusangutan ko lang. "Nich, andito lang kami..."
Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya. "Maniwala," naiiling ako habang tumatawa. "Everyone will leave me! Kayo...iiwan niyo 'ko. Lahat kayo, iiwan ako." alam ko sa sarili kong hindi ako lasing, nagkakaganito ako dahil sobrang sakit na. "Ayoko nang maniwala sa lahat. A-Ayoko nang maniwala sa mga putanginang pangako 'yan...Ayoko na ring mabuhay, dahil ang sakit-sakit na!" sumandal ako kama ko at tumingala sa kisame. "Ayoko nang lumaban, dahil wala na rin naman akong r-rason para lumaban."
He hold my hand and squeezed it gently. "Hindi pa ba rason ang batang dinadala mo? Nich, god gave you enough reason to fight for. It's a blessing. 'Yan ang nagpapatunay na hindi ka pinabayaan ng diyos na mag-isa, dahil may kasama ka parin." ang kamay kong hawak niya ay dahan-dahan niyang inilapat sa may tyan ko. "Fight, Nich. We're here to support you." he smiled at me.
Unti-unting bumagsak ang luha sa aking mga mata. Pumihit siya palapit sakin at ipinilig ang ulo ko paunan sa binti niya. He brushed my hair while I'm sobbing on him.
"Alle, h-hindi ko kaya...pagod na pagod na 'ko." I mumbled.
"Lahat naman tayo napapagod e, pero kailangan nating lumaban. Hindi para sa iba, kundi para sa sarili natin." bumuntong hininga siya. "Just take a rest, but don't give up."
Sinunod ko ang payo niya. I take a rest till I have enough energy for myself. I become more careful for my baby. Magt-three months na siya kaya medyo halata na sa tyan ko.
Palaging pumupunta sa unit ko ang mga kaibigan ko, minsan ay nagkakasama kami pero dahil may pinagkaka-abalahan na ang iba ay hindi na kami nagkakatagpo. Si Rhian ay isang beses na akong pinuntahan at mabilis lang din iyon at umalis na siya, may pinagdaraanan din siya at alam ko 'yon kahit sabihin niyang okay lang siya. She knows that I'm pregnant kaya sabi niya ay balitaan ko daw siya kapag umanak na ako.
Nasa bahay ako ngayon nina Astryl dahil wala daw naman ang papa niya. She always taking a picture with my tummy, pero nangako naman siyang hindi niya ipinopost iyon. I also deactivated all my social media accounts, siguro kung kailanganin kong gumamit 'non, gagawa nalang ako ng bago. I used to hide my child on him. Ginusto niya 'yon, at wala na rin akong balak na ipakilala siya bilang ama ng anak ko.
"Umuuwi ka pa sa bahay niyo?" tanong ni Astryl habang naghihiwa ng apple. "Ah...balita ko, 'yung Mama ni Chio at ni Dalia nasa ibang bansa rin. So, sinong nakatira sa bahay niyo ngayon?" alinlangan niyang tanong kaya ngumiti ako sa kanya.
"Siguro bukas...bibisita ako 'don." sabi ko at kumuha sa apple na hiniwa niya.
Sa totoo lang ay parang ayoko nang bumalik pa sa lugar namin na 'yon, I can't say sa Forzeo dahil nasa Forzeo parin ako ngayon, sa bahay ni Astryl. 'Yung lugar namin na 'yon, bukod sa magkalapit na bahay, nandon lahat ng alaala na gusto ko nang kalimutan. Pero kailangan kong bumisita sa bahay namin. It's still my parents house.
Kaya kinabukasan ay iyon nga ang ginawa ko. Nagbiyahe lang ako sa tricycle papunta samin at nasa labas palang ako ng bahay namin ay may kakaiba akong napansin. Lumapit ako sa gate at nakitang wala si Manong, ang driver namin na palaging nasa may garahe. May kotse doon pero hindi samin 'yon.
Isang kasambahay na hindi ko kilala ang lumapit at pinagbuksan ako ng gate.
"Sino pong hanap nila?" tanong niya na pinagtaka ko.
May isang lalaki na tinawag ng kasambahay na sir ang lumabas at lumapit sakin.
"May kailangan ka?" tanong ng lalaki.
Taka ko siyang tinignan. "Excuse me? Sino ba kayo? Bakit nandito kayo sa bahay namin?"
"I'm Gian Fernandez, the new owner of this house--"
"W-What?!"
Kunot noo niya akong tinignan dahil sa naging reaksiyon ko. "Why? Who are you? Do you have business here?"
"Of course! Because I'm the daughter of the real owner of this house. A-Ano bang nangyayari?" deretso akong pumasok sa loob ng bahay at nakita ang mga hindi ko kilalang kasambahay. "B-Bakit andaming bago? A-Asan sina Manang? Si ate Bia?"
"oh, you mean...'yung dating kasambahay dito?" he ask I nodded. "Bago kami lumipat dito, naabutan pa namin sila, pauwi na ng probinsya."
My eyes widened in fraction. They left. Ayokong maniwala kaya pati sa kusina ay nagtungo ako, lahat bago. Hindi ko alam, kusang tumulo ang mga luha ko.
"I-I don't understand, ako ang may ari ng bahay na 'to, p-paano naging sa inyo 'to?" pinunas ko ang mga luha ko nang ayain niya akong maupo sa sofa, sa salas.
May kinuha siyang folder sa drawer ng table niya at ipinatong iyon sa glass table na nasa pagitan namin.
"Look at those papers, sa akin na naka-pangalan ang bahay at lupa na 'to. I'm the one who don't understand you, yes, you said you are the daughter of the real owner of this house. What's their names?"
"F-Francine and Xian Glarileo.." sagot ko.
Binuklat niya ang folder at ipinakita sakin ang isang papel kung saan may pangalan si Haidy, yes Haidy, I don't want to respect a person like her. Anyway, may pirma siya doon na sinabi ng lalaking kaharap ko na iyon daw ang kausap niya nang bilhin itong bahay.
"Legal kong binili ang bahay na 'to, hija. Just to make things clear. Ipinagbili 'to one month ago.."
Napasinghal ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "T-Teka, she's nothing here, wala siyang karapatan na ipagbili ang bahay na hindi niya pag-aari."
Kumunot ang noo niya. He's too innocent and knows nothing. Napatungo ako at napahawak sa sentido. Another shits made by freaking cats from nowhere. Pinakialaman niya ang pag-aari ng magulang ko.
"Do you pay this already?" he nodded.
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. I'm damn pissed off. Gusto kong magwala pero baka kung mapano pa ang baby ko. Tinawagan ko si Jak at tinanong kung may ginagawa ba, at sinagot niya ay wala kaya humingi na ako ng tulong sa kanya about sa nalaman. Nakipagkita ako sa kanya sa isang cafè malapit lang sa kanila.
"What do you mean? She sell your parents property without your permission?" he ask I nodded. "Nich, you have the rights here. Ikaw ang anak, at mas may karapatan ka kaysa sa kanila."
Nasapo ko nalang ang sariling noo kaiisip. Sinubukan din naming tignan ang pera na naiwan ni Daddy sa bank account niya at lahat 'yon, waldas na, ubos na. At bakit? Because of that stupid motherfucker named Haidy Ramirez with her freaking brainless daughter Dalia Ramirez. Gusto ko silang pasabugin sa loob ng isang eroplanong lumilipad sa himpapawid. Lahat nalang ng pinsala ay dinala nila sa buhay ko. Everything had ruined because of them.
Hindi ko pwedeng bawiin ng basta ang bahay dahil legal at malaking halaga na ang naibayad ng bagong may-ari. He's a victim too. I tried to call a lawyer pero sa huli ay hindi ko na rin tinuloy.
I checked my bank acount, and there's one hundred thousand that my dad transfered before. Is that enough to start all over with my child? I heaved a sigh.
They took everything away from me. Lahat nalang. Pinagkaisahan nila ako.
I tried not to cry but I can't stop my tears from rolling down on my cheeks. Tahimik akong naiyak sa unit habang iniisip ang mga kakaharapin kong bukas.
"Anak, sometimes we need to make ourselves ready to face those coming days. I want you to be ready."
Bumalik sa alaala ko ang sinabing iyon ni Dad. Kailangan kong harapin ang bawat araw na darating, para sakin, para sa anak ko.
Hindi na ako magpapagod sa paghabol sa lahat ng nawala sakin. Everything will fall in line, tadhana na mismo ang bahala sa kararatnan nila pagdating ng araw.
I visit my parents grave and feel sorry for giving up their property, alam kong sa akin nila inilaan 'yon pero ayoko nang maghabol. I'm done chasing for nothing, and I need to start doing things by myself.
Dahil kailangan kong tipidin ang perang natitira sakin, umalis na 'ko sa unit ko at pansamantalang kina Serrah muna tumuloy. Sabi niya rin 'yon para daw maayos ang maging lagay ng pagbubuntis ko.
Palagi nilang pinagdidiskitahan ang lumalaki kong tyan. I'm already on my fifth month pregnancy, kaya halatang-halata na.
"Ang cute naman ng bebe natin!" sabi ni Astryl habang literal, panay ang selfie habang hawak ang tyan ko.
"Cute agad, kita mo? Kita mo?" anas ni Kade.
"Ano ka ba, ako naman ang tinutukoy na cute." ngumiti pa si Alle na labas ang dimples na tinawanan ko lang. "Hoy buntis, 'wag mo saking ipaglilihi 'yan ah, baka dumami ang magandang lahi sa mundo." mayabang na sabi niya.
Nabanatan tuloy siya ng hampas ni Serrah gamit ang binabasang diyaryo. "Ang kapal talaga ng mukha mo!"
Happiness was beaming from their eyes everytime they looking at my tummy. Parang mas excited pa silang lumabas 'to kesa sakin.
Nakangiti ko silang pinagmasdan habang nag-aasaran.
I'm contented for what I have. Hindi ko na kailangang saktan ang sarili ko sa mga alaala na hindi ko na maibabalik pa, at hindi ko na gustong ibalik. I should start for something new, something better.
Kinabukasan ay asaran na naman ng mga kaibigan ko ang kinagisingan ko. Dito rin pala sila natulog. Nasa may kusina sila at magkakatulong na nagluluto ng almusal.
"Oh, buntis. Good morning!" bati sakin ni Alle.
Naupo ako sa isang upuan kaharap ng mesa at kinain ang nakahain na pancake. Napangiti naman ako nang may naglapag ng isang baso ng gatas sa tabi ko, tinignan ko kung sino iyon at nakita ang ngiting-ngiti na si Jak. Naupo rin siya sa tabi ko at hinawakan ang tyan ko.
"Diba sabi nila swerte daw ang buntis?" parang tanga na tanong niya kaya natatawa akong tumango.
Nakangiti niyang hinaplos ang tyan ko. Mayamaya lang ay tumingin ulit siya sakin.
"Sana magka-lovelife ako." ngumiti siya na parang tanga at pumikit habang hinahaplos parin ang tyan ko.
Sinuntok ko ang braso niya at inilayo ang kamay sa tyan ko. "Gago ka, ginagawang bola ng mahika ang tyan ko!"
Tinawanan kami ng kaibigan namin at nagawa pang batuhin ni Kade ng sibuyas si Jak at sapol sa batok.
Kumain na kami ng mga niluto nila at nang matapos ay pumasok muna ulit ako sa kwarto. I gave myself a hard time for making decision. Pero nagpagtanto ko, I need to do this.
Lahat sila ay nasa may salas kaya lumapit din ako doon. Nakuha ko naman ang atensyon nila kaya ngumiti ako.
"Ah...I-I'm leaving later..." pag-uumpisa ko.
"Nich, ano ka ba. Pwede ka naman dito anytime." sabi ni Serrah.
"Wala kang tutuluyan, hindi maganda sa kalagayan mo kung aalis ka." sabi ni Alle.
Sumang-ayon naman ang iba sa kanila at ayaw akong payagan. Naupo ako sa tabi nila at tipid na ngumiti.
"Siguro kukuha muna ako ng mauupahan na bahay. A-Ano...tapos ima-manage ko nalang ng ayos ang paggamit sa pera ko." pansin kong gusto pa nilang magkomento pero umiling kaagad ako.
"You guys have done enough for helping me, for being with me for so long. Na-realize ko na rin na..hindi niyo naman ako kailangan karguhin palagi, kailangan ko ring matutong lumaban sa sarili kong paraan. Kuntento na 'ko sa suporta niyo sakin.." ngumiti ako sa kanila habang hinahaplos ang tyan. "Handa na akong harapin ang laban ko ngayon."
I have to overcome this pain because it's unbearable and I am getting emotionally worked up. Hindi ko alam kung kakayanin kong harapin ang lahat pero kailangan ko.
My friends hugged me with too much emotion, I am thankful that they stood for me in my worst of time. At sapat na sa akin ang suporta na ibinibigay nila. I need to fight for myself. I need to face my own battle.
"Nich, just call us if you need something, hmm? Sabihin mo rin samin ang tutuluyan mo para pagmay time mapuntahan ka namin." lumuhang sabi ni Serrah.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti bago sumakay sa kotse ni Alle, ihahatid na daw niya ako kaya pumayag na rin ako. We're both silent. Ngumingiti siya sakin kaya ganun din ako sa kanya.
Nakontak ko na rin ang may-ari ng bahay na uupahan ko at naghihintay na daw siya sakin. Kabilang bayan ito ng Forzeo pero hindi rin kalayuan. Bayan ito ng Vista Priea, kaya madaming tao sa paligid. Mukha namang walang gulong nangyayari dito dahil palangiti ang karamihang tao.
"Nich, sasamahan na kita hanggang sa tutuluyan mo." suhestiyon ni Alle kaya tumango nalang ako.
Ipinarada niya ang kotse niya at binuhat ang dalawang malaking bag kong dala bago kami sabay na naglakad papasok ng subdivision.
"Nich.." tawag niya sakin habang naglalakad parin kami. "I'm sorry...w-wala kaming nagawa para pigilan si Ch-"
"Wag mo nang banggitin." I cut him off.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang bahay. Ngumiti sakin ang may ari at binuksan ang bahay kaya ipinasok na ni Alle ang mga gamit ko.
"Salamat." ngumiti ako sa kanya nang nagpaalam na siyang aalis na dahil may lakad pa.
Simpleng bahay paupahan lang ito pero ayos na para sakin. Kompleto na rin sa gamit at linis nalang ang kulang, pero ang ginawa ni Ate Deniz ( may-ari ng paupahan) ay tinulangan na niya ako dahil baka daw kung mapano pa ako sa paglilinis.
I smiled while staring at myself on the whole body mirror.
"Welcome my new life, hope that everything will be better now."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top