CHAPTER 18


Chapter 18

"Bakit mas mahaba ang spelling ng short sa long?"

"Tumigil ka nga, Raven."

Napabuntong hininga na lang ako sa ka-cornihan niya. Dinala niya ako sa isang park at kasalukuyan kaming nakaupo sa bermuda grass ngayon.

Mukhang na-aaliw pa siyang makita na naiinis ako. Kanina pa 'yang akala mo ay uto-uto! Mas isip bata pa siya ngayong college kesa nung senior high, jusme!

"Ito nalang...sagutin mo ha?" ngisi pa nito. "Anong nauna? Itlog o manok?"

"Manok." pagsagot ko para matahimik na siya. Binigyan niya naman ako ng 'why' look. "B-Because its god creation. Kagaya nina Eva at Adan, ang manok ay nilikha para magpadami....at y-yun nga wala namang itlog ng manok kung walang iitlog na manok e, kaya manok ang una."

Ewan ko kung tama. Bahala siya. Kengeneme ang dami kong isipin dumagdag pa ang hanep na tanong niyang yan!

"E bakit nagkaroon ng manok? Diba ang manok ay nagmula sa itlog na nagiging sisiw bago pa maging manok?"

"God creation nga! Lumikha ng isang manok at doon nagsimula ang lahat. Jusmiyo marekeyks! Ilalabon ko yang itlog mo e!"

Napaawang ang labi niya habang nakatitig sakin. Pero mayamaya lang ay bigla siyang natawa. Lakas amats din.

"Ang harsh!"

Hindi ko na siya pinansin at natahimik nalang. Ganun din ang ginawa niya at parang pinakikiramdaman ako.

"Hindi ba tayo papasok ngayon? Half day lang daw baka uwian na mamaya." sabi niya.

"Pumasok kana...a-absent na muna ako ngayon."

Niyakap ko ang bag ko at nilaro-laro ang bermuda na inuupuan ko. Medyo masakit sa pwet.

"Dito lang ako, wala din namang gagawin pa sa school." bumuntong hininga siya. "Okay ka lang?"

"Hindi ko alam...p-pano ba maging okay matapos nung nasaksihan ko?" I chuckled.

"It's okay not to be okay sometimes. Hindi natin maiiwasang manghina kapag yung feelings natin ang tinamaan ng sakit." makahulugang sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingala siya sa langit at ang parehong kamay ay nakatuon sa likuran niya. Bigla siyang ngumiti bago ibinaba ang tingin sakin.

"Sundin mo lang ang gusto ng puso mo. Kung nasasaktan ka, bitaw. 'Wag mong hahayaan na paglaruan ang sarili mong nararamdaman."

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pangingilid ng luha. Naalala ko yung unang beses ko silang nakitang naghalikan, yung mga araw na mas pinili niyang samahan ang babaeng yon kesa sakin, yung night party na hindi niya pinaalam sakin, yung kanina.

"Tingin mo...m-may kulang ba sakin kaya ginawa niya 'yon?" ramdam ko ang luhang nag-umpisa ng bumagsak mula sa mga mata ko.

"Nich, don't you ever think of it. Kung mahal ka niya, mahal ka niya. Hindi mo kasalanan na naghanap siya ng iba, kaya wag mong isipin na may kulang ka kaya nagawa niya 'yon. Kung sasabihin niyang hindi niya sinasadya, Nich, wala naman siguro siyang amnesia para makalimutan na may girlfriend siya at hayaan ang babae na halikan at hawakan siya ng ganun."

He has a point.

"I'm not saying this para mas siraan siya sayo, ayoko lang mag-isip ka na kasalanan mo pa."

Pinahid ko ang luha ko sa pisngi gamit ang likod ng palad ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito and worse dahil pa kay Chio.

"P-Pero bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako ginagago."

"He's the only one who can answer it."

Hinila niya akong palapit sa kanya at isinubsob ang ulo ko sa kanyang dibdib. Hinayaan niya akong maiyak doon habang yakap ako.

Tumunog ng ilang beses ang cellphone ko at nakitang ilang tawag na ang nagawa ni Chio. May mga text din kaya humiwalay ako kay Raven para mabasa iyon.

Zachiro: Where are you?

Zachiro: im sorry...mag-usap tayo..

Zachiro: babe, lumabas nako ng school. Where are you?

Zachiro: please, you're making me worry...pupunta nako sa pulis station kapag hindi ka nagpakita sakin.

Napangisi nalang ako nang mabasa ang huling text. Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik sa bag para hindi na siya makatawag.

Bahala siyang mag-alala. At bakit pa siya mag-aalala? Hindi pa ba sapat na kasama na niya ang babae niya?

Kumirot ang puso ko habang inaalala ang nangyari kanina. Wala akong ideya kung bakit siya nandun. Ang alam ko ay wala na siya sa musical org pero bakit magkakasama parin sila?

"Tara don! May tindahan ng kerimo 'don!" aya ni Raven sakin.

Masigla ang boses niya at halatang iniiba ang ihip ng atmosphere. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko bago tumango sa kanya.

He offer his hands on me, kaya tinanggap ko na rin at nagpahila sa kanya para makatayo.

"Ang sakit sa pwet ng bermuda!" anas ko habang pinapagpag ang palda kong hanggang tuhod.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at mabilis na hinila papunta sa isang tindahan. Nang nasa harap na kami nun ay naupo muna kami sa isang gilid dahil may ilan pang bumibili.

"Anong kerimo?" bulong ko sa kanya.

Ngayon ko lang narinig iyon. May pagtataka niya akong tinignan bago nangiti.

"Shake with fries." sagot niya.

"Sa'n nakuha yung kerimo?"

"Nagalit kase yung tindera sa maarteng bumibili...kay sabi niya 'napaka-arte mo! Ang kerimo! "

Bigla nalang siyang tumawa kaya pati ang mga babaeng bumibili ay natawa rin. Nakangiwi kong iniwas ang tingin sa kanya.

Hinayaan ko na siyang bumili nung kerimo daw bago kami naglakad ulit sa park. Pandan flavor ang shake na pinili ko at chocolate naman ang kanya. Masyadong matamis ang chocolate para sa kabitteran ko ngayong araw na ito. Mas mapait pa ata sa ampalaya ang nararamdaman ko. Isa talagang ulalo ang Dalia na 'yon, peste sa buhay ko!

"Upo tayo 'don sa duyan!"

Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako. Ngiting aso siyang naupo sa duyan na gawa sa bakal dito sa playground sa park. Pandalawahan iyon kaya pinaupo na niya ako sa tabi niya.

Napangiti rin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang mapagaan ang loob ko kahit papaano. Siya pa talaga ang nakasama ko sa oras na ito.

"Baka mafall ka....bet ko 'yon."

Kinurot ko ang braso niya na tinawanan pa niya. "Hanep ka rin ano?!"

"Hanep sa gwapo." ngisi pa niya.

Inirapan ko lang siya bago nakamurot na umiwas ng tingin.

"What's your plan?" tanong niya.

Leche plan!

"Wala."

Sabay pa kaming napabuntong hininga kaya nagkatingin kami bago natawa. Engot din 'tong lalaking 'to ano?

"Thank you..." sabi ko na pinagtaka niya. "Dahil kung hindi mo ako inilayo sa kanila baka--"

"Naiyak kana ngayon?" dugtong niya sa sinabi ko. He hold my hand. "Nich, okay lang umiyak. Just cry, I'm here. Kahit na-friendzone mo 'ko, ikaw parin ang babaeng gusto ko. At ayaw kong nakikita kang nasasaktan na mag-isa, I'm here, I'm willing to listen." ngumiti siya.

"Salamat." ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay.

"As always," kumindat pa ang loko.

Akala ko ay aagwat na siya nang bitawan ang kamay ko pero nagkamali ako. Dahil ang parehong kamay niya ay nakahawak naman sa pisngi ko ngayon.

Natigilan ako at nagulat dahil sa sunod niyang ginawa. Gusto kong iiwas ang mukha ko pero hindi ako makagalaw. Hinalikan niya ko!

Parang natauhan lang ako sa nangyari nang biglang may humablot sa braso ni Raven at mabilis na pinatama ang kamao nito sa mukha niya.

Kaagad na akong tumayo para pigilan ang kamao ni Chio na nakaamba na ulit suntukin si Raven na nakaupo na sa lupa.

"Tarantado!" sigaw niya kay Raven.

"Chio! Kung nandito ka para mang-gulo! Umalis ka na! Alis!" sigaw ko dito kaya sa akin naman napabaling ang masama niyang tingin.

Hinawakan niya ako sa braso at nakaakma akong hilahin pero panay ang palag ko.

"Bitawan mo 'ko!"

"Nich!" galit na sigaw niya.

Pwersahan niya akong hinila kaya hindi ko na nagawang lingunin si Raven. Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sama ng loob sa humihila sakin ngayon. Napansin niya yata ang paghikbi ko kaya binitawan na niya ako.

May galit parin ang mga mata niya nang tumingin sa akin at sinuntok niya pa pati ang punong malapit sa kanya.

"Bakit hinayaan mong mahalikan ka?" madiin na tanong niya.

"Bakit hindi mo rin tanungin ang sarili mo?"

Bigla niya ulit sinuntok ang puno bago humarap sakin na puno ng inis at galit. Astang parang napupuno na sakin.

"Nich! Hindi porke't hinalikan ako ng ibang babae ay magpapahalik kana rin sa ibang lalaki!" sigaw niya.

"Bakit ba sakin ka nagagalit ngayon?! Ako ang dapat magalit sayo dahil ako ang ginagago dito!"

"Hindi kita ginagago!"

"Hindi pa ba pang gagago sayo na hinahalikan ka ng ibang babae habang tayo pa?! Hindi ba pang gagago na sumasama ka sa Dalia na 'yon t'wing lunch habang ako na girlfriend mo ay iniiwan mong mag-isa sa room?! H-Hindi ba pang gagago na pumupunta ka sa night party para lang makipaglandian sa babae mo ha?!"

Mas bumilis ang agos ng luha ko habang nakatitig sa kanya. Huminahon ang mukha niya kahit nandun parin ang galit. At ngayon ko lang din napansin ang luha sa kaliwa niyang mata.

"N-Nich...hindi ganun 'yon.." bagsak ang balikat na sabi niya.

"Ganun 'yon!" madiin na sabi ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, pero sa inaasta mo parang kasalanan ko pa. H-Hindi mo man lang naisip kung anong naramdaman ko nung nakita ko kayo. Hindi mo man lang naisip na nasasaktan rin ako pero ano? Sakin ka pa rin nagalit! Ako na nga ang nagago kasalanan ko pa."

"Nich, h-hindi ka dapat nagpahalik--"

"Tell that to yourself.." mahinang sabi ko bago siya tinalikuran at naglakad palayo.

Panay ang patak ng luha ko habang naglalakad ako kaya ang mga nakakasalubong ko ay napapatingin sakin.

Kung alam ko lang na ganito pala kasakit, sana hindi ko nalang nakita.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top