CHAPTER 17


Chapter 17

"Shuta! Malapit na ang graduation, mareng Nich! Magparebond na tayo ng hair!" anas ni Thea sa harapan ko.

Ang mga kaklase namin ay panay rin ang kwentuhan dahil nalalapit na nga ang graduation. Ito yung hinihintay ko. Ang makapagtapos para makaya ko nang umalis sa bahay. Pero napaisip ako, kung aalis ako ay para ko na ring ipinaubaya sa mga ligaw na pusa ang bahay namin? No way. As in no fucking way!

"Straight naman ang buhok ko. Icu-curly ko nalang ang ilalim at papakulayan ko na rin ng kunting red." sinuklay ko ng daliri ang baba ng buhok ko. Ito lang ang balak kong palagyan ng kunting red na kulay. Ayoko nung purong-puro, baka magmukha lang akong anime character 'don.

"Asan nga pala ang bebe mo? Ba't wala dito?" tanong niya kaya napalinga ako.

Lahat ng boys naming classmate ay nandito at siya lang ang wala. Nasan naman kayang lupalop 'yon? Hindi nagpaalam amputa.

"Baka nambabae na 'yon!" sigaw ni Sean na nasa likod ko. Binato ko siya ng ballpen na hawak ko na ikinatawa pa nito at ng iba naming kaklase. "Bakit? 'Yung Dalia Ramirez palaging kausap 'non sa may canteen. Diba pre? 'Yun din ang nakita nating kasama ni Zachiro nung isang linggo?"

"Oo, pre. Sure ball ako 'don. Sigurado." sagot ng kaibigan niya.

Napatikom ang kamay kong nakapatong sa arm rest ko. Hindi ako makikinig sa sinasabi nila.

"May halikan pa sa pisngi--"

"Tumigil ka, Sean!"

"Shinishare ko lang ang na-witness ko, Thea. I'm just a concerned classmate here. Hindi ako naninira."

"Just shut-up!"

"Sinong lokong lalaki ang pumapayag na yakapin ng isang babae sa braso at hinahalikan sa pisngi kahit may girlfriend na?"

"Zachiro Falter, pre."

Rinig ko ang tawanan nila na mas lalong nagpapabigat sa bawat paghinga ko. Tumayo na ako sa upuan at akmang lalabas na ng room nang hawakan ni Thea ang braso ko.

"Sa'n ang punta mo?"

"Sa canteen,"

Binawi ko na ang braso ko at walang imik  na pumasok sa canteen. Iilang student lang ang nasa loob at busy pa sa kanya-kanyang cellphone. Naupo ako sa pinakadulong table at umu-order ng fruit shake at muffin. Naglabas din ako ng cellphone para mag-online.

I stalked Dalia's account. Tiningnan ko ang timeline niya at mga pictures kung may isa doon na kasama si Chio. Hindi sa sinasabi kong naniniwala ako sa pinagsasabi ni Sean. Gusto ko lang malaman kung hanggang ngayon ay hibang pa rin ba si Dalia sa kanya. I click one of the picture that caught my attention. Ang kaibigan ni Dalia ang nasa malapit sa camera (may hawak ng phone) at ang iba ay nasa likuran na may kanya-kanyang pose. I-zoom it, hanggang makilala ko ang dalawang nasa gilid sa gawing dilim. Dalia and Chio. Nakatitig ang babae sa lalaki habang ang lalaki naman ay nakasandal ang ulo sa balikat ng babae. I know it's a night party. At hindi ko alam kung kailan ito, dahil walang nasabi sakin si Chio.

Bumilis ang tibok ng puso ko na sinabayan pa ng gulat nang makita si Chio na papasok sa canteen. His eyes was locked on me. Hindi ko alam kung bakit sa halip na siya ang kabahan ay ako pa itong hindi mapakali.

"Sa'n ka galing?" tanong ko nang maupo siya sa tabi ko. Humigop pa siya sa shake ko bago sumagot.

"May kinausap lang," ipinilig niya ang ulo sa mesa paharap sakin. He smiled. "Okay ka lang? Do you want to go somewhere after class?"

Napaisip ako. Siguro ay kukunin ko ang chance na 'yon para magtanong sa kanya. "Sige,"

"Bakit may iba sa aura mo ngayon?" he ask while scanning my whole face.

"Wala. Nabored lang ako sa room kanina. Kaya lumabas ako dito." I scoffed.

"Na-miss mo 'ko?"

"Wala namang ka-miss miss sayo!"

Inirapan ko siya at lumabas na sa canteen. Ramdam ko naman ang mabilis niyang pagsunod sakin at pag-akbay. Ala-una na kaya start na ang last class namin. Half day nalang kami ngayon pero dahil hindi natapos ang test namin kanina ay itutuloy ngayon.

Kagaya nga ng sabi ni Chio ay dumeretso kami sa restaurant nina Ate Rose. Hinayaan ko nalang siyang umorder ng pagkain dahil siya din naman ang magbabayad. I want to ask him now. Napapikit ako at napasandal sa likod ng upuan ko dahil hindi ko maisip kung paano sisimulan.

"Babe," ramdam ko ang pagtapik niya sa pisngi ko at nang inimulat ko na ang aking mga mata ay nakitang halos magkadikit na ang mukha namin.

"Bakit ba ang lapit mo?!" inis kong inilayo ang mukha niya. Napatingin ang ibang customer sa amin. Nakakahiya!

"Wew. High blood agad." sabi niya sabay yakap sakin. "May problema ba, Nich?"

Ito na. Napahinga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Sa labas na tayo mag-usap...t-take-out na natin 'to."

"Why?"

"Basta!"

Sumunod naman siya sakin at naglakad na rin palabas. Inaya ko siyang maupo sa isang bench kung saan iilan ang nakapaligid na tao. Kita rin dito ang sunset na unti-unti ng nawawala. I heaved a sigh. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Chio..."

"Yes?" mahinang sagot niya.

"May pinuntahan ka bang party? N-Night party?"

Natigilan siya at saglit na napatulala sakin. "W-Wala. Ba't naman ako pupunta sa ganun. 'Pag kasama lang kita kaya ako pumupunta sa mga party na ganun." he chuckled. At iba ang naramdaman ko doon. Why do I feel this thing? Ano bang itinatago mo, Chio?

Umakbay siya sakin at ipinilig ang ulo ko sa kanyang balikat. Sa kabila ng naghuhurmintado kong puso ay ang pagkirot nito. Magtatanong pa ba ako? Kilala ko si Chio, at hindi siya nagtatago ng kung ano sakin. Pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?

"Nich,"

Bumalik ako sa ulirat dahil sa tawag niya. Agad akong nataranta nang mapansing may luha ng tumutulo sa mga mata ko.

"N-Nich, why are you crying? What's wrong?"

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "W-Wala...naalala ko lang si Daddy. Oo! Naalala ko siya dahil sa paghagpos mo sa buhok ko!" tumawa ako at hindi ko alam kung bakit pinalitan iyon ng paghikbi.

Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ako niyayakap. Ni hawak ay hindi. There's something on his eyes that I can name regret. Bakit naman siya magsisisi? May ginawa ba siya?

I shooked my head. Nag-iwas din siya ng tingin sa hindi ko alam na dahilan.

"U-Uwi na tayo?" mahinang tanong ko.

He smiled at me before holding my hand. Parang nanibago ako sa biglaang hawak niya sa kamay ko.

"Tara na,"

Sumakay kami sa kotse niya na parehong tahimik. Sinubukan kong magbukas ng usapan na naging mahaba naman hanggang makauwi kami. Pero parang may iba.

Tangina, kasalanan 'to ni Sean eh. Bakit ba kasi kuda ng kuda ang lalaki na 'yon!

"Nich..." pagkatigil ng kotse sa harap ng bahay namin ay lumapit siya sakin para dampian ng halik ang aking labi. "Miss me please..." he smirked.

Okay. It's my Chio.

"Magtago ka sakin ng ilang buwan, kung gusto mong nami-miss kita!"

He chuckled before giving me a peck. Ngumiti lang ako sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.

Nakita kong nakahiga sa sofa sa salas si Dalia habang nagce-cellphone. Umakyat na ako sa kwarto kesa mapansin pa ng kurimaw na 'yon. Simula nang mawala si Daddy ay palagi ring wala si Tita Haidy. Minsan ay nandito siya pero hindi na ako pinapansin. Ayokong isipin na nagbago na sila, dahil malabong mangyari 'yon. Pati ang pera ni Daddy sa bangko ay kinuha niya ang kalahati. New agenda.

Nahiga ako sa kama at sinagot ang tumatawag sa phone.

"Hello?"

"Hi," oh, it's Chio.

"Nung kailangan mo?"

"Miss na kita, baby hindi ko na kaya~" natatawang kanta niya.

"Gago! Maliligo na 'ko! Bye!"

Natatawa kong pinutol ang tawag. Narinig ko ang pagmura niya dahil sa sigaw ko.

Bumalik na naman sa isip ko ang sinabi ni Sean. What the fuck is wrong with him? Saan niya ba nakukuha iyon?

Bukas. Humanda 'yon sakin.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Sa gitna ng paglalakad ko sa hallway ay rinig ko ang bulungan ng ilan.

"Diba half sister sila ni Dalia?"

"Oo nga e. Half na nga, pati sa boyfie half half din sila!

Nagpatuloy ako sa paglakad kahit gusto ko na silang harapin.

"Kahapon lang nung lunch time, nasaksihan ko na naman kung paano halikan ni Dalia si Zachiro! Jusme! Medyo nabroken ako!

"Gaga! Ano pa si Xinichi? Yan daw ang legal na gf, mukhang walang alam beb, o nagmamaang-maangan lang?"

"Shh hinaan mo yang bunganga mo!"

"Parehong magaling kumanta si Dalia at Zachiro, maganda rin yung Dalia. Kaya hindi na ako mabibigla kung yun ang gawing legal ni Zachiro. Bagay naman sila kesa sa isang 'yon."

Napabunggo ako sa katawan ng isang lalaki. It's Raven. Taka niya akong tinignan. Lumingon ako sa babaeng huling nagsalita na nagpintig sa tenga ko.

Natigilan ang mga kaninang dinaanan kong nagbubulungan. Pati ang huling nagsalita, pinakatitigan ko. My hands form a fist.

"Kung hindi niyo kayang patigilin yang mga bunganga niyo, ako ang magpapatigil d'yan!" I was about to punch the face of the bitch when Raven hold both of my hand.

"Ano? Sasapakin mo 'tong bibig ko? Let her, Raven. Hayaan mong ipakita niya ang tunay niyang ugali! Ugaling hindi deserve para kay Zachiro!" maarteng sigaw niya.

Pati kay Raven ay nagalit na rin ako dahil sa pagpigil niya sakin. "Ano bang pakialam niyo samin?! Ha? Sino ba kayo?"

"Nich, 'wag mong papatulan!" hinawakan ni Raven ang kamao kong nag-iinit ng masapak ang pesteng babae na 'to.

"Kung wala kayong mapagdiskitahan gumawa kayo ng sarili niyong problema! Hindi yung pati sa iba ikukuda niyo ng ikukuda!"

Pagkasabi ko nun ay mabilis na akong hinatak ni Raven pababa ng hagdan. Habol parin ang hinga dahil sa mga bulungan na narinig ko.

"Sa'n mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

Deretso lang siya sa pagkaladkad sakin hanggang sa umabot kami sa second floor ng canteen. Agad akong dinuluban ng kaba nang marinig ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

"R-Raven, tara sa baba...ayoko dito." hihilahin ko palang siya nang pigilan niya ko.

"Bakit? Ayaw mong makita?"

"Bakit ba gusto mong makita ko?!"

"Dahil...Ayaw kong nasasaktan ka!" pabulong ngunit parang sigaw niyang sabi. Umiwas siya ng tingin pero ang kamay ay mahigpit paring nakahawak sakin. "Ayokong pinaglalaruan ka.." bulong niya.

"Hindi ako pinaglalaruan ni Chio.."

"Let's see."

Hinila niya ako sa medyo malapit sa pwesto nina Dalia at dalawa nitong alipores, may tatlo ring lalaki bukod kay...Chio. Wala itong reaksyon na nakaupo sa tabi ni Dalia habang ang babae naman ay nakahawak sa braso nito.

Napatingin sakin si Raven at doon ko lang napansin na napahigpit pala ang kapit ko sa braso niya. Aalisin ko na sana pero pinigilan niya at hinayaan ang kamay ko doon. Nasa isang tabi lang kami at tahimik na nakamasid sa table nila Dalia.

"We should celebrate for that!" sabi ng isang babae.

"Sure, diba Chio?" si Dalia.

Napatitig ako sa lalaki at nakita ang marahan nitong pagtango. Ramdam ko ang pagguho ng kalahating parte ng puso ko. Bakit? Bakit gusto kong maiyak?

Hinawi ko ang kamay ni Raven na akma pang haharang sakin. Lumabas ako mula sa sulok para magpakita sa kanya. Pero saktong pagtama ng paningin namin ay ang paghalik ni Dalia sa labi niya.

They got shocked when they see me. Umiling-iling ako kay Chio bago ngumiti.

"N-Nich.." he called me, but I turn my back on him. "Nich.."

Lumapit akong pabalik kay Raven na ngayon ay tulala sa akin.

"Take me s-somewhere.." my tears falls down on my cheeks. "Please.."

"May klase pa tayo--"

"Wala akong pakialam basta ilayo mo 'ko dito!"

Masamang tingin ang iginawad niya sa nasa likod ko bago ibinalik ang nag-aalalang tingin sa akin.

"Okay, I'll take you somewhere." he gave me an assuring smile before holding my hand and without looking back on them, we walked out.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top