CHAPTER 15

Chapter 15

I woke up early to prepare. I wore my white off shoulder dress, at nagsuot lang din ako ng sandals na bagay sa dress ko na hanggang tuhod.

A smile never fade on my lips because of too much excitement. It's already 4th day of July. Our first anniversary!

I just applied light make-up before I head out of my room. Ate Bia took a glanced on me, ngumiti lang ako sa kanya at dumeretso na sa labas.

Nasa tapat na ng bahay namin ang kotse ni Chio kaya sumilip ako sa bintana ng driver seat kung nasaan siya.

"Palimos po!" sigaw ko malapit sa tenga niya. Napaigtad siya sa gulat bago inalis ang headset sa tenga niya.

He smiled at me. "Sorry, wala akong barya. Pwedeng kiss nalang?"

"No thanks."

Pumunta na ako sa katabi niyang upuan sa harap at napaawang ang labi sa nakita sa likod na upuan. May blanket, basket na may lamang prutas at crackers, at may iba pang pagkain.

"Picnic?"

"Obviously," He chuckled.

Napangiti ako sa kanya. His eyes was on the street. He look fresh on his light blue polo shirt with his black board short. I never knew that my Zachiro will be this handsome. Parang hindi naglaro ng putik nung kabataan dahil sa maputi at makinis niyang balat.

He smiled. And I knew that, iniisip na naman niyang gwapong-gwapo ako sa kanya dahil sa pagtitig ko. His eyes was focus on the street, pero gamit ang peripheral vision ay pansin niya ang pagtitig ko.

Nagpalobo ako ng bibig bago nakangiting nag-iwas ng tingin.

Tahimik lang kami sa biyahe pero parang tanga na nagpipigil ng ngiti t'wing mahuhuling nasulyap sa isa't isa. I want to hug him right now.

Malayo na sa Forzeo ang narating namin. Hindi ko na itinanong kung saan kami papunta para surprise. At hindi nga ako nabigong masurprise.

Mula sa daang tinatahak namin ay tanaw ko ang dagat at mga bundok. It was a beautiful scenery for this morning.

Inilabas ko ang ulo ko sa bintana at hinayaan ang aking kamay na salubungin ang preskong hangin. Kasabay ng pagsalimpad ng aking buhok ay ang paglipad at paghuni ng mga ibon sa kalangitan.

I felt at peace.

Nang malapit na sa karagatan ay umayos na ulit ako ng upo. Chio was smiling at me, so I smiled at him back. Itinigil niya ang kotse sa isang tabihan, katabi ng punong talisay, bago kami bumaba.

"Tulungan na kita,"

Mabilis niya akong pinigilan nang akmang tutulungan ko na siya sa pagbubuhat ng gamit.

"Don kana, ilatag mo ang blanket."

Nakanguso ko nalang sinunod ang sinabi niya. Sa tabing dagat niya inilapag ang mga gamit kaya doon ko nalang din inilatag ang kumot at inayos ang mga basket at ibang pagkain. Naupo ako doon at inalis ang sandals na suot bago pinagmasdan ang dagat.

Banayad na alon, preskong hangin.

Naramdaman ko ang mga bisig na yumakap sa akin mula sa likuran ko. Nakangiti ko siyang nilingon at nakitang nakayuko lang ito para mayakap ako.

"Happy anniversary, babe." I said before kissing his cheeks.

Humiwalay siya ng yakap at naupo na sa tabi ko. He smiled while squeezing my hand.

"Happy anniversary, lodibabe." he chuckled and pulled me closer to him. Humilig ako sa dibdib niya habang ang mga braso niya ay nakayakap parin sa akin.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa lodibabe na imbento niya.

"I love you, Nich."

Napangiti ako. "I love you too.."

"I love you three.."

"I love you four.."

He kissed my temple. "I love you more than the end of numbers, babe."

Umayos na ako ng upo para titigan siya sa mga mata. We're both smiling to each other. Parang ang payapa naming dalawa ngayong araw na ito. Yung kami lang, parang may sariling mundo.

I wish that we can stay like this, forever.

Pinanood ko lang siya sa pagkuha ng isang paper plate at paglalagay doon ng pagkain. Pumunta siya sa harap ko at nakangiting iniikot sa tinidor ang carbonara.

"Ah!" kagaya ng palagi niyang ginagawa ay pinanganga na naman niya ako. Sinubo niya sakin iyon bago ulit kumuha para isubo sa kanya. "Grabe, ang sarap." he chuckled while staring at me.

"Taena ka, Chio. Ambata ko pa!"

Pareho kaming natawa at nagpatuloy sa pagkain. Tinanong ko pa siya kung sino ang nagluto ng mga dala niya at sagot naman niya ay nagpatulong lang daw siya sa kasambahay nila, at ang mga cake at mga cookies ay order lang niya sa Venda Cafè. He's the only one who made effort for this, and I appreciate it so much. Para tuloy nahihiya na akong ibigay sa kanya ang gift ko.

"May kukunin lang ako sa kotse," sabi niya.

Habang siya ay nasa kotse niya ay tumalikod ako sa gawi niya habang hawak ang hand bag ko at sinilip ang regalo ko sa kanya. I bit my lower lips as I feel my heart throbbing so fast.

"Babe--"

Napaigtad ako sa gulat nang marinig siya. Kaagad kong sinarado ang bag ko at lumingon sa kanya.

"Nakaka-shock ba ang kagwapuhan ko?" anas niya.

"Malay ko. Wala ka namang kagwapuhan." I sighed.

Nakanguso siyang umupo sa tabi ko at ipinatong sa hita ang gitara na dala niya. Nagstrum siya doon at ngumiti sa akin.

Sinimulan niyang tugtugin ang kantang 'Lucky' by Jason Mraz & Colbie Caillat. Pareho kaming nakatitig sa dagat. At nang simulan na niyang kantahin ang chorus ay ramdam ko ang pagyakap ng boses at mensahe ng kanta niya sa akin.

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

His eyes glistened with his lips smiling at me. With the sound of the waves, his voice has the power to control me, to just focus on him. Hanggang namalayan ko nalang nasasabayan ko na ang kanta niya.

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday...

Nang matapos iyon ay inilapag niya sa tabi ang gitara at mas lumapit sa akin. Hawak lang namin ang kamay ng isa't isa habang nakatitig sa mga mata. We stared to each others eyes for a more than a minute...as deeply... as lovingly.

Binitawan niya lang ang kamay ko para kunin ang nasa bulsa niya. It's a necklace. Silver with a heart pendant.

"Dito ka," lumapit akong patalikod sa pagitan ng hita niya. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa gilid ng aking balikat at marahang isinuot ang kwintas sa akin. "Palagi mong susuotin yan ha, pag nakita kong di mo suot 'yan ibig sabihin hindi mo na 'ko mahal."

"Kahit naliligo ako? Baka masira agad," napalabi ako habang siya ay natatawang yumakap sa akin.

"Basta t'wing magkikita tayo dapat makita kong suot mo yan, understand?"

"Yeah,"

Kinalas ko ang braso niyang nakayakap sakin para kunin ang hand bag ko. Kagat labi kong inilabas ang bracelet na regalo ko sa kanya. He snatch it on my hand. Nakangiti niyang tinitigan ang name bracelet na silver na may nakalagay na 'prince'. Nakita ko lang 'yun online at naalala ko siya kaya binili ko na rin.

"Is this for me?" he asked.

"Oo...Kaso, sorry walang-wala 'yan sa effort mo.."

Nangunot ang noo niya sa akin ngunit ang ngiti sa labi ay hindi parin naglalaho.

"Nich, you know from the very start na lahat ng ibinibigay mo sakin may sentimental value. Kahit ang maliit na kotse na binigay mo sakin noon ay nasa akin parin." hinawakan niya ang isa kong kamay at pinagdaop sa kamay namin ang bracelet. "Ano pa ito? Everything that you gave for me is the most valuable thing I ever had. Mas higit ito sa lahat ng effort ko, dahil sayo galing 'to." he smiled. "Suot mo na sakin, babe."

Tumango lang ako bago kinuha sa kamay niya ang bracelet at isinuot sa kanya iyon. Napangiti ako dahil bagay na bagay sa kanya.

"It suits for my prince."

He hold my jaw using his right hand to make our face closer to each other till his lips planted a kiss on mine. Our eyes were closed. He caressed my back and pulled me even closer while our lips moving softly...more passionately, like as if we miss each other for a year.

Nang maghiwalay ang aming labi ay maagap niya akong niyakap, so I did the same.

With the gentle wind touches our skin, the sunbeams giving brightness, the sounds of the waves and those humming birds, and with the presence of the man I love. I felt at peace, and so complete.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top