CHAPTER 14
Chapter 14
I don't know why I feel nervous gayong alam ko namang si Daddy ang nanunukso sakin para kay Chio. We're already nine months in a relationship pero ngayon ko lang naisipan na sabihin kay Daddy. Good that lost cats are not here. Kaya alam kong walang sasabat.
Katabi ko si Chio na kinukuwestiyon ni Dad. Ewan ko dito kay Daddy at kailangan pa ng ganito. I already told him kanina na wag ng kausapin si Chio pero pinatawag niya pa sa akin. Kaya ito, halatang kabado amputa.
"Kilala naman na kita kaya.." he sighed. "Just take care of my unica-hija. Siya lang ang pinakamagandang alaala na iniwan ng asawa ko...at maiiwan ko p-pagdating ng araw.."
"Dad?!" saway ko dito dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Hindi ko tanggap na pati ako ay iwan niya. Yes everything has ending, pero hindi ko kayang isipin na iiwan din niya ako.
He smiled that gives a sudden ache in my heart. "Anak, sometimes we need to make ourselves ready to face those coming days. I want you to be ready." he heaved a sigh. Tumingin ulit ito kay Chio na nasa tabi ko at ngumiti. "Una palang naman boto na ako sayo para sa anak ko, I just want you here para malaman na kaya mo talagang iharap sa akin ang relasyon niyo. You don't need to hide it on me, c'mon." tipid siyang tumawa.
Nagkatingin kami ni Chio at sabay napalunok.
"Ingatan mo ang anak ko ha, I can feel that you two are meant for each other. Kung may gagawin man ako bago mawala sa mundong ito, 'yon ay ang ipaubaya sayo ang anak ko."
Without apparent reason my tears slowly flowed down on my cheeks. His words made my heart tearing apart.
My father wants me to be ready to face those coming days, he's tooking out words as if it's his last message for us, for me.
"B-Babe.." pabulong na tawag sakin ni Chio pero hindi ko magawang pansinin.
"Nich...anak.." he called me in a terrified way.
Hindi tumigil sa paglandas ang mga luha sa pisngi ko. I stared on his eyes, as deep as I can...One thing I noticed, it's full of sorrow and pain. His eyes wants to say something, but his mouth keeping him shut.
Umiling-iling ako.
"D-Dad, hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sakin ang pinagsasabi mo?" I sobbed. Chio keep silent beside me. "Dad your turning back the pain that my mom makes me feel before, b-bakit niyo ba ako sinasaktan?"
I know for others it's just a simple words of him to cry for, pero sa akin, bilang anak, parang dinudurog ang puso ko sa paraan niya ng pagsasalita. Parang namamaalam.
Kita ko ang pagdaan ng sakit sa nanunubig na niyang mga mata. He shooked his head.
"I didn't mean it that way, anak. I'm sorry." he sighed before looking away. "Sa labas muna ako...Chio,"
"Sige po, Tito." sagot niya.
Pinagmasdan ko lang ang paglakad niya palabas ng bahay at nang mawala na ito sa paningin ko ay marahan akong napapikit. He didn't even explained why.
Naramdaman ko ang pagkulong ni Chio sa akin sa mga bisig niya. I sobbed on him, I want to scratch every thoughts that form in my mind. But there's a question in my mind I can't scratch because I needed answer.
'Bakit nararamdaman kong muli ang sakit na naramdaman ko noon dahil sa pamamaalam ni Mommy?'
I breathe before slapping my own cheeks.
"Babe, tama na 'yan. Ako ang sasampal d'yan pagdika tumigil." ani niya habang hawak ng mahigpit ang kamay ko. "Gusto mo bang lumabas? Maglakad-lakad lang tayo, tas ililibre kita ng toron...I know it's your favorite."
Napalabi ako bago tipid na natawa sa kanya. Pinagmumukha niya akong bata na inaalo dahil tinutupak.
He brushed my cheeks and smiled at me. "Everyone may leave you, but not your prince, my princess."
My heart warmth because of him. Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala dahil sa ngiti niya.
Naglakad-lakad kaming dalawa papunta sa bayan ng Forzeo. Ito ang unang makikita kapag pumasok ka sa Forzeo, nandito ang mga palengke, mga sikat na fast food chain, at iba pang shop. Sa labas pa ng Forzeo ang Azea University dahil hanggang senior high lang ang meron dito.
Chio was holding my hand while his left hand holding umbrella. Medyo mainit pa dahil ala-una palang naman.
"Ngalay na ba ang mga paa mo?" tanong niya.
"Hindi, sanay naman akong maglakad."
May ilang metro lang naman ang layo ng bayan sa poblacion 1 at sanay kaming maglakad papunta dito simula noong bata palang kami.
Bigla akong napangisi sa isiping, noon ay ang mga magulang namin ang may hawak sa aming mga kamay kapag nandito kami sa bayan, pero ngayon ay mismong kamay na namin ang magkahawak.
Tumigil kami sa isang restaurant na pag-aari ni Ate Rose. Nakapunta na kami dito noon, pero medyo bata pa kami non kaya hindi ko na rin masyadong matandaan. Basta ang alam ko ay merong toron at lumpiang shanghai dito.
Pumunta kami sa isang table na malapit sa window glass, kung saan may magandang tanawin na nakikita. He ordered a toron, lumpiang shanghai, and halo-halo. I smiled and crave for lumpiang shanghai in front of me, parang gusto ko ng lantakan.
"Picture tayo," sabi niya kaya agad akong nagready sa pose.
Umakbay siya sakin habang nakatitig sa isa't isa, I heard that he already click the camera. Meron pang pareho kaming nakapangalumbaba at nakatitig sa isa't isa. I smiled when I saw him went on his facebook app, at kaagad na ipinost iyon. Hindi ko nabasa ang caption, siguro ay mamaya ko nalang titingnan dahil naka-tag naman iyon sa akin. He also myday one of our picture with a text..."In her eyes, I can see my future. 💖"
I blinked and literally my heart beating very loudly again. Kinuha ko nalang ang halo-halo para mahaluan ng lamig ang nag-iinit kong pisngi. Pakshet!
Pansin kong inilapag na niya ang cellphone sa table at kinuha na rin ang halo-halo. Kinain na rin namin ang toron at lumpiang shanghai dahil mas masarap iyon kapag mainit.
"Anong sauce 'to?" tanong ko sa kanya habang ang paningin ay nasa sinawsawan ko ng lumpiang shanghai. "Ngayon ko lang natikman 'to,"
"Sweet and chili sauce yan, ngayon mo lang natikman? E palagi ka ngang naka-shanghai sa school e,"
"Suka na may sili lang 'yon, pero di matamis. Sagana siguro sa asukal si Ate Rose 'no?"
He chuckled. "Niluluto nila ang suka then with asukal tapos chili bits, 'yan oh ang daming sili pero matamis sa panlasa dahil ng asukal. Meron ring sweet and garlic sauce, para naman 'yon sa mga longganisa at skinless."
"Meron dito?" I asked. Sa tagal ng hindi ko nakakapunta dito ay hindi ko na alam ang ibang itinitinda nila. He ordered that for me, napangiti ako dahil sabi niya ay siya ang magbabayad.
Sabi ko sa inyo e, ayaw ko sa kuripot. Buti nalang at naiwan sa putikan si Zachiro na kuripot.
Napangiti ako sa kanya habang kinukutsilyo ang longganisa at itinasak iyon sa tinidor bago isawsaw sa sweet and garlic sauce.
"Ah!" inaro niya sakin iyon kaya napanganga ako. Napa-approve sign ako sa kanya dahil nagustuhan ko ang lasa. "Yan, happy na si lodibabe! Payakap nga sa leeg,"
Sa halip na siya ang yayakap sa akin ay ako ang naunang yumakap sa kanya. Palihim ko pa siyang hinalikan sa pisngi dahil baka makita ng ibang customer, nakakahiya naman. We both chuckled.
Tinapos lang namin ang pagkain at naglakad-lakad na ulit pabalik. Till our feet stop walking as we saw the sunset raising on its perfect view. Napatitig kami doon.
"Sunsets made us realize that ending, can somehow be beautiful." he said.
Umakbay siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"But after that beautiful scenery, darkness will cover the whole place." I sighed. Nagkatinginan kami kaya muling lumungkot ang mga mata ko. "Chio, p-paano kung...iwan ako ni Daddy? Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong may ipinapahiwatig siya sa salita niya kanina."
"Babe, we don't know what he's talking about. Stop forming negativity thoughts, huh? I don't want your tears to flowed again in your blushy cheeks." pinisil niya ang pisngi ko at niyakap ako. "I'm always here, hinding-hindi tayo maghihiwalay, kahit lumisan ang lahat."
Napasilip ulit ako sa sunset na unti-unti ng nawawala.
"Nothing stayed permanently.." sambit ko.
"Love is an exception." he said. He cupped my face to stared at my eyes directly. "Lilisan ang lahat pero hindi ang pag-ibig, it will stay here.." hinawakan niya ang isa kong kamay at itinapat sa dibdib niya, kung nasa'n ang puso. "Ang Mommy mo, ang Papa ko. Matagal na nung lumisan sila pero patuloy parin tayong nasasaktan t'wing maaalala sila. You know why? Because no matter how many years had past, they're still here, our love for them stayed here in our heart."
Mas diniinan niya ang hawak sa kamay ko na nakapatong sa dibdib niya. He smiled at me.
"Kapag may lumisan at lumayo sayo, itapat mo lang ang kamay mo sa dibdib mo. Dahil dito sa puso mo, parang kasama mo parin sila."
Ngumiti kami sa isa't isa. I hugged him tightly.
Kahit may bumabagabag sa isip ko ay nagiging kalmado ako dahil sa kanya.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top